ALANA
Di ko mapigilang di na naman lumuha, sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi parin pala ako manhid sa sakit, hindi pa rin pala ito namamanhid.
"Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet.
"Wala na diyan ang mga damit mo, kunin mo na yang mga naka karton diyan. Yan ang mga damit mo, ayokong nakikita ang mga basurang yan tulad mo at malapit sa mga damit ko, ang dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit ulit niyang tinutusok ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat, hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.
Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko na ata munang umalis sa bahay na ito. I need fresh air.
Tinignan ko ang tatlong karton na dinala ko sa aking kwarto, mamaya ko nalang ata ito aayusin pagkabalik ko. Agad ko naman binuksan ang isang karton at naghanap ng isang pares ng pantalon at blouse, napili ko naman ang isang baby pink collar na blouse. It reminds me of being a single, binili ko ata ito nung gusto kong magpa cute kay Knight pero hindi naman umubra.
"Okay Alana, let's fix you up," I cheered to myself at agad na nagbihis.
Naglagay ako ng moisturizer at kaunting light cream sa aking mukha, namiss ko ding maglagay ng kung ano ano sa aking mukha. Gustong gusto ko kasi noon ang manood ng mga koreanovela at gusto kong ma achieve ang mala poreless nilang mukha kaya hanggang sa nadala ko na ito. At ngayon ko nalang uli sila nagagamit.
"I guess hindi naman masakit pag bibili ako uli ng mga ganito," ngiting saad ko habang inayos ang mga cream sa salamin.
Kinuha ko ang aking bag at chineck kung dala ko na ba ang lahat, iyon kasi ang turo sa akin ni mommy na bago ako lumabas at may pupuntahan ay huwag kalimutan i'check kung dala na ba ang lahat.
"Wallet na may lamang pera ofcourse check, cell phone fully charged check, panyo, pulbo," medyo natawa ako nang makita ko ang pulbo sa aking maliit na bag. Hindi ko alam pero mas gusto kong gumamit ng pulbo kaysa sa foundation.
Pagkatapos kong icheck lahat ay agad din akong lumabas ng kwarto, napatingin naman ako sa gawi ng kwarto ni Knight.
'Nandiyan pa kaya siya?' bulong ko sa aking sarili. Bakit ko ba kailangan alamin kung andiyan pa ba siya.
"Iha ang ganda mo," salubong ni nanang at tila ba kumikislap pa ang mga matang nakatitig sa akin.
"Salamat nanang, uhm andiyan pa po ba si-."
"Knight? Naku kakaalis lang nagmamadali nga eh as usual, oh heto ang susi ng sasakyan mo baka pupunta ka sa sasakyan mo tapos wala ka namang susi," tawang saad niya at iniabot sa akin ang susi, akala ko ay na check ko na lahat nakalimutan ko pa pala ang susi ng sasakyan ko.
"Ay naku iha sige punta muna ako sa kusina ang niluto ko, darating na daw mamaya si Ash, at alam ko pagdating nun gutom yun eh kaya nagluluto na ako, sige mag-ingat ka iha ha, ingat sa pagdadrive, tingin tingin sa daan ha," saad niya at dali daling pumunta sa kusina.
***
Matagal tagal narin di ako nakakalabas ng subdivision na ito at di ko nahihimas ang manibela ko. Ang sarap din palang lumabas at pansamantalang umalis sa kasakitan kahit ngayon lang.
Malapit na ako sa grocery store at naghanap agad ako ng parking space.
"Ang swerte ko naman may parking space agad, maybe this is my lucky day sana tuloy tuloy na," ngiting saad ko at agad na nag park. Pagkalabas ng pagkalabas ko ng aking sasakyan ay tumambad sa akin ang isang pamilya na sasakyan.
"Kay Knight ba yun?" mahinang saad ko dahil di ko rin maanig masyado, nakapark ito sa isang kilalang restawran. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko nga siyang nakaupo malapit sa may salamin at tila may kausap. Hindi ko masyadong kita ang kanyang kausap dahil natatabunan ito ng makapal na kurtina.
Napatalon naman ako dahil sa may busina sa aking likuran at agad naman akong umatras upang bigyan ito ng daan. Mabilis naman pinaharurot ng may ari ang sasakyan at tinignan ko ulit ang direksyon kung nasaan si Knight.
"Nasaan na siya?" palinga linga kong tanong. At nang di ko na makita ay nagpasya na lamang akong pumasok sa grocery. Baka kasi kapag pinuntahan ko siya dun ay magagalit lamang at mapapahiya ako. Ayokong mas lalong magalit pa sa akin si Knight.
"Ano nga ba ang bibilhin ko?" mahinang tanong ko sa aking sarili, malawak ang grocery at di man lang ako nakapag tanong kay nanang kung ano ang mga bibilhin, may pa check check pa ako pero ti ang pupuntahan at bibilhin ko naman ay di ko alam.
"Magsisimula na lamang siguro ako sa mga rekados, oo tama dun ako magsisimula," usap ko sa aking sarili at sinimulang itulak ang aking cart.
Halos napuno na ang aking cart sa mga napamili ko, masyado na akong nag enjoy sa kakalagay. Okay narin siguro itong lahat.
"Tama na ba kaya to? meron nang pang spag, carbo, steak, chopsuey, lomi, pang siopao meron narin, siomai, ohhh ang atsara, loaf breads, palaman, mga gulay, mga karne, mga pampalasa, salad, mango float, creams, uhmmm ano ba tung mga pinang bili ko? Pang piyesta ba to? Naalala ko tuloy sa probinsya nila nanang ganito siya magpa birthday sa kanyang mga apo. Tama ba tung mga pinamili ko? Okay Alana inhale exhale okay lang yan atleast marami namang mga pang ulam halos mapuno mo na ang cart. Puro kasi matamis ang gusto mo," mahinang saad ko habang chinecheck ang cart nang may bigla akong naisip, drinks pa pala at frozen pizza.
Humingi muna ako ng permiso sa isang sales lady na iiwan ko muna ang aking cart dahil baka may kumuha, nais ko sanang matawa pero mas okay na yung sigurado.
Papunta na ako kung saan ang mga refreshments nang may narinig akong nag-uusap, at pamilyar sa akin ang tono ng boses ng lalaki, bumilis ang pintig ng puso ko nang malaman kong babae ang kanyang kausap. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Nalaman ko na lamang na naglalakad ako ng mga sarili kong paa kung saan nagmula ang mga tinig at nakita ko na lamang ang sarili kong nasa harapan na nila. Tama nga ang hinala ko, kailanman ay di ako pumapalya sa aking mga hinala. Si Knight nga at may kasamang babae, isang brunette na babae, napakaganda at halatang sopistikada, sa kanyang pananamit palang at mga tingin ay halos mahihiya ka ng lumapit sa kanya at bakit ba tila sinasabi ng puso at utak ko na mas bagay sila kumpara sa akin.
"Knight?" bigla kong saad at tila nagulat naman ako.
"Oh sweetheart you know her?" tanong ng babae ngunit di inaalis ang tingin sa akin.
"Yes, that's my maid," mahinang sagot niya pero dinig na dinig ng dalawang tainga ko, dapat ay immune na ako sa mga ganito niya sa bahay dahil ganun naman talaga niya ako ipakilala sa mga babaeng inuuwi niya pero ngayon ko lang na experience ang ganito ma kahit pala sa publikong lugar ay ganun ang ipapakilala niya sa akin. Ngunit sino ba naman ako para magalit, ni hindi niya nga suot ang aming wedding ring. Napatingin ako sa kanyang kamay kung nasaan dapat ang kanyang singsing at tila napansin din ito ni Knight, agad niyang ikinuyom ang kanyang kamay at itinago, halatang nagpipigil ng galit.
"Ah Sir Knight, naririto po pala kayo."