CHAPTER 11

ALANA

"Ito naman joke lang," agad niyang saad at tumalikod papuntang ref at may kinuha.

"Akala ko ba two days kang mawawala?" tanong ko at nagsimulang itali ang apron sa aking katawan.

"Ganun mo ba ako gustong di makita dito sa bahay?" balik niyang tanong uli sa akin ngunit nakatalikod parin.

"Ito naman baliw ka rin minsan eh because you said you would be gone for two days," sagot ko at kumuha ng mga ingredients para sa gagawin kong leche flan.

"Yun nga din ang akala ko but my manager said na may big project ako ngayon sa isang kilalang kompanya and you will be surprised if I tell you," agad naman siyang humarap sa akin na nakangiti, kung sino mang babae ang makakakita nito ay tiyak na malulusaw sila.

"Mind if you tell me Ash?" ngiting tanong ko at sinimulan ko ng hiwalayin ang egg yolk sa egg white.

"For now, it's a secret, anong lulutuin mo?" tanong niya at lumapit sa direksyon ko, amoy na amoy ko rin ang kanyang preskong pabango, napakalapit niya sa akin at tila ramdam ko ang kanyang paghinga malapit sa aking batok.

"Leche flan," mahinang sambit ko hindi ako komportable sa ganitong magkalapit kami, hindi ko alam kung bakit. Agad naman akong nag-iwas at nagkunwaring may kukunin sa aparador.

"So magkaiba pala kayo ng kwarto ni kuya," saad niya na nakapagpatigil naman sa akin, agad ko namang tinitigan ang suot kong damit mabuti nalang pala at naka sweatshirt ako at naka pajama.

Wala rin kasi sa isip ko na andito siya, kundi makikita niya talaga ang mag naghihilom ko pang mga pasa, masaya narin ako doon kasi wala akong bagong pasa ngayon sa katawan ko at lahat sila ay naghihilom na, marahil aya yaw ni Knight na makita niya ang lahat lahat.

"Ah me-medyo nagkatampohan lang kami ng kuya mo kaya umiba ako ng kwarto,"pagrarason ko naman at agad na kinuha ang isang pack ng asukal sa kabinet kahit na may inihanda na akong asukal kanina pa. Ano ba tong ginagawa ko?

"May asukal ka ng inihanda dito," saad niya at di ko mapigilang di matawa.

"You know hindi dapat hinahayan ng lalaki ang kanyang asawa na may sama ng loob even if kasalanan pa ito ng babae. Dapat sinusuyo ng lalaki ang babae hanggang sa magbati sila," dagdag pa niya.

"Tumatanda na ata ako at nagiging makakalimutin na," pagrarason ko at tila ba pinapawisan na ako sa noo. Ganito pala ang magsinungaling sa isang mala adonis na mukha, nakakabobo. At magkapareho ang kanilang mukha ni Knight kapag seryoso, tila ba nakaramdam ako ng takot sa kanyang mga titig at naramdaman ko na lamang ang bibig ko na para bang nawawalan ako ng dugo, namumutla na aba ako?

"Alana are you okay para bang takot ka?" agad niyang takbo sa akin at hinawakan ang aking noo na ngayon ay punong puno ng pawis.

"Ang lamig ng pawis mo at namumutla ka are you okay? Umupo ka na muna dito ikukuha kita ng tubig," agad niyang saad at iginiya akong umupo malapit sa iang stool, kitang kita sa kanyang mga mata ang kaba at agd na kumuha ng basoa t nagsalin ng tubig. Agad ko naman itong ininom ng dahan-dahan.

"Feeling better now? Para kang takot na takot," tanong niya at hinagod hagod ang aking likod, naalala ko wala nga pala akong suot na bra and I hope hindi naman big deal iyon sa kanya. Sa daming babae na ng nakita niya ay siguro wala na sa kanya ito.

"Salamat," ngiting sagot ko at bumuntong hininga, takot nga ba ang nakikita sa mukha ko?

"Tell me what to do here sa paggawa nitong leche flan and I will do my best to cook this," saad niya at bumuntong hininga sabay kamot sa kanyang ulo, agad naman akong napatawa sa kanyang reaksyon.

"No, I will do it," saad ko at pinigilan niya naman akong tumayo sa king pagkakaupo.

"No, you sit there and behave like a good girl and instruct me what to do here," saad niya at kumuha ng apron at agad itong itinali.

"Okay, lahat ng igredients ay nandiyan na," saad ko na nakangiti dahil sa seryoso niyang mukha na nakatingin sa mga bowl.

"Checklist," saad niya at napakunot naman ako ng noo.

"Sabihin mo sa akin ang mga ingredients para ma check ko kung andirito na nga you said nagiging makakalimutin ka na remember?" saad niya at natawa naman kaming pareho.

"3/4 cup white sugar."

"Check," nagsign pa siya ng pa heart finger na ginagawa ng mga koreans.

"1/4 cup water"

"Check," sabay kindat.

"8 pcs egg yolks," saad ko at binilang niya muna ang mga ito.

"Check," sabay flying kiss na ikinatawa ko naman.

"2 pcs whole eggs"

"Check," sabay thumbs up.

"1 can condensed milk"

"Check"

"1 can evaporated milk"

"Check"

"1 pc dayap zest and juice."

"Check"

"Vanilla extract"

"Check"

"That's all you're good to go," ngiting saad ko at napangiti naman siya ng alanganin.

"May kulang," saad niya na ikinakunot naman ng noo ko, sa pagkakaalam ko ay kompleto na naman lahat.

"Ano? Kompleto na yan lahat."

"Ako, mas sasarap to pag sinayawan ko ng love shot," tawang saad niya na siya namang ikinatawa ko rin.

Dahan dahan kong sinabi sa kanya kung ano mga susunod na gawin at seryoso naman niyang sinusunod ang mga ito.

"In a saucepan, combine sugar and water then heat until syrup turns into a nice golden amber. Divide among 3 small llaneras and set aside."

"In a bowl, mix all remaining ingredients. Strain the mixture to lessen air bubbles for a smoother, leche flan."

"Divide mixture among the llaneras then cover with foil."

Enjoy na enjoy naman si Ash sa kanyang ginagawa at may pa sayaw sayaw pa siayng nalalaman habang sinsunod ang mga instruction ko.

"Mas maganda pa akong sumayaw ng love shot kaysa sa exo," tawang saad niya at sumayaw pa siya uli, aaminin kong bagay na bagay sa kanya para nga siyang isang ganap na kpop idol kung sino mana ang makakakita.

Pagkatapos niyang gawin lahat at naisala na ito sa lutuan ay agad ko naman din siyang tinulungang magligpit, papasikat narin pala ang araw nang matapos kami at medyo matagal tagal pa ang aming hihintayin nago maluto ang leche flan pero mas maigi narin naman yun.

"Nag-enjoy ako dun ah, we should do that everyday para magkaroon din ng buhay itong bahay," ngiting saad niya na nakatitig sa akin, ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"Alana."