CHAPTER 18

ALANA

"Roof top?" tanong ko na di makapaniwala kung saan gagawin ang shooting. Agad namang napalingon s aaking gawi si Shantal na nakangisi.

"Change of plans dearie, naku halika na at inaantay na tayo dun sa itaas," saad niya at agad akong hinila, I also notice that I am just wearing a slipper.

"Shantal naka flats lang ako," saad ko habnag hila hila niya.

"It's okay dear kasi magpapaa ka sa shoot and that is sexy, may mga posing ka din dun na medyo daring pero hindi naman masydo kasi nasa photographer na yun kung paano kayo kukuhanan okay? Diba model ka?"

"No, I'm not, first time ko itong gagawin," saad ko at napalingon naman siya agad sa akin na tila gulat na gulat.

"Sureness girl? Pero bakit mukhang artitahin ka ha? Para ngang nakita na kita somewhere over the rainbow girl, I just can't tell where," saad niya at na kinabahan naman ako, baka nga nakita na niya ang mukha ko sa isang magazine pero masyado na iyong matagal at iba pa nun ag mukha ko.

"Baka kamukha ko lang," sagot ko at tamang tama ay biglang tumunog ang elevator signaling na nasa roof top na kami.

"Okay andito na tayo so kerebels na ito ha, taray ang ganda mo girl oh," saad ni Shantal at inikot-ikot pa ako. Ang buong akala ko ay mainit ang roof top pero hindi, maganda nga ang roof top.

Di ko mapigilang hindi humanga sa mga props na naka display simple lang pero elegante kung titignan at lahat ng mga nakapaligid sa akin ay halos may mga ginagawa, walang mga bakante.

"Oh sis wala ka namang gagawin talaga pose lang ng pose hindi naman mahirap, kkasi igaguide ka naman ng photographer natin, mabait yun kaya wala kang dapat na problemahin ha. Andito lang ako lagi handang mag retouch hay nako ang ganda ganda mo baka maakit mo si fafa Knight ko bruha ka talaga," saad niya at di ko naman mapigilang di mapatawa.

Luminga linga naman si Shnatal at napatabon ng kanyang bibig gamit ng kanyang paypay na gamit.

"Andiyan na pala si fafa Knight girl nakaupo at mukhang nakatingin sa akin," bulong ni Shantal na aksalukuyang nakangiti na labas ang mga ngipin habang nagsasalita.

Agad ko namang sinundan ang kanyang tingin at tama nga siya, andito nga si Knight at di ko matanto kung nakatingin nga ba siya sa aming direksyon dahil sa suot suot niyang polarized sunglasses, alam na alam ko kung ano yun dahil ako mismo ang nag regalo sa kanya nun. Hindi ko alam na ginagamit niya rin pala ito.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong tawagin ni Ash.

"Alana," tawag niya habang may hawak hawak na kung anong kahon.

Napalingon naman ako uli sa direksyon ni Knight ngunit wala na siya doon agad naman akong nanlumo at nakaramdam ng lungkot. Bakit ba ganito nalang ang epekto sa akin ni Knight?

"Ash," tawag ko and I must admit he looks handsome in what he is wearing right now. Simple lang pero malakas ang dating.

"Wear this necklace," ngiting saad niya sabay abot sa akin ng bitbit niyang maliit na kahon. Kwentas pala ang laman nito.

"Why?" Para akong tanga sa tanong ko at di nalang tanggapin ang binigay niya gusto ko tuloy upakan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.

"It's part of the endorsement, we have this elegant sponsor and she wants you to wear this necklace," saad niya at agad ko namang binuksan ang kahon. Muntik ko ng matapon ang kahon sa pagkagulat dahil isa ito sa pinakamamahaling kwintas.

"It's Leviev's Vivid yellow diamond pendant," buntong hiningang saad ko dahil hindi parin ako makapaniwalang nakikita ko ito ngayon, never in my dreams na makikita, mahahawakan at maisusuot ko ito ngayon.

"Yes, yes it is and it would be a pleasure if you would wear this right? Besides bagay na bagay siya sa suot mo ngayon," saad niya at pinasadahan ako ng tingin at sumipol pa. Nakaramdam agad ako ng di pagka komportable dahil sa mga tingin ni Ash.

"Fucking gorgeous," bulong ni Ash ngunit dinig na dinig ko naman lahat. Napalingon ako sa aking gilid at nagulat nang malamang wala na si Shantal sa aking tabi.

Naroroon na pala siya katabi ng photographer.

Agad ko namang kinuha ang kwentas sa kahon at akma na sana itong isusuot nang biglang nagsalita si Ash.

"Let me," saad niya at sabay kuha sa kwentas na hawak hawak ko. Pumunta naman agad siya sa aking likuran at hinawi ag ilang hibla ng aking buhok, ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo sa aking batok nang dumapo ang kanyang balat sa aking balat.

"There," saad niya nang maikabit na niya ang kwintas sa aking leeg, agad naman niya akong hinarap at pinasadahan ng tingin.

"Thank you," ngiting saad ko.

"Why are you so red?" tanong niya at hinaploas ang aking pisngi at nag-init naman bigla ang aking tainga. Namumula nga ba ako? Bakit ako namumula?

"Start now!" Napatalon naman ako sa aking kinatatayuan at napahawak kay Ash sa pagkagulat. Si Ash rin ay napahawak sa aking kamay agad kong nilingon kung sino ang sumigaw at nang mapako ang aking mga mata kay Knight ay nakatingin na pala ito sa amin at kitang kita sa kanyang mukha that he looks pissed and this time he is not wearing sunglasses anymore.

Agad naman kaming pinaypayan ni Shantal na lumapit sa kanya kaya hinila ko naman agad si Ash dahil wala ata siyang balak umalis sa kanyang kinatatayuan at nakatingin lamang siya kay Knight.

"Girl kita mo si monster fafa Knight dali dali simulan na ang shooting my gosh aatakihin ata ako sa puso!" saad niya at pinapaypay ang kanyang sarili gamit ang kanyang sariling kamay.

Agad naman kaming inasikaso ni Ash papunta sa gitna, agad naman akong kinabahan at nanlamaig ang buo kong katawan dahil ngayon ay kitang-kita ko na lahat ang mga tao, lahat sila ngayon ay nakatingin sa aming dalawa pero bakit pakiramdam ko ay ako lang ng tinitignan nila.

"Relax Alana, Ako ang bahala sayo. I'm here," saad niya at pinisil ang aking kamay agad ko naman siyang nilingon at nakita siyang nakangiti sa akin di ko naman mapigilan an hindi mapangiti at agad na may kumislap na kung ano.

"That was a good stolen shot," saad ng isang photographer at nag thumbs up pa na ikinatawa naman ni Ash.

"Okay so here's what you will do, just look at me and ignore them okay? Relax ka lang, do you trust me?" saad niya habang hawak hawak ang aking mga kamay at di ko mapigilang di mapatingin sa kanyang mga mata at naging kalmado narin ako sa kanyang pagkakahawak. Ginawa ko ang mga sinabi niya at inignora ang mga taong nasa paligid namin.

"Okay! That's an excellent shot! Continue doing what you want, Alana. Ash is there for you," saad ng photographer habang patuloy parin sa pagkuha sa amin ng mga litrato.

Hinapit naman ni Ash ang aking beywang dahilan upang mailagay ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib at ang nakatali kong buhok ay nalugay ng dahan dahan kasama ng hangin. Kasama ng pagtangay ng hain ay ang medyo pagtaas ng slit ng aking suot at kitang kita ang buong hita ko.

"Great shot, Alana! That was amazing, such a goddess!" he praised which makes me look at Ash na ngayon ay nakatingin naman pala sa akin.

"It's a trash!"