CHAPTER 24

ALANA

Dali-dali akong lumabas sa aking kwarto at bahagyang idinikit ang aking tainga sa pinto ng kwarto ni Knight. Rinig ko ang ingay ng tubig na nanggagaling sa banyo na nagpapahayag na naliligo pa siya. Dahan-dahan naman akong umalis at bumaba ng hagdan as if maririnig niya ako.

Sa office nalang siguro ako kakain nito may kusina naman doon kaya pwede akong mag prito ng kung ano-ano.

Wala si nanang kaya walang ibang magbubukas ng gate kundi ako. I hurriedly search for my keys and started the engine and praying na hindi ako marinig ni Knight at hindi siya dumungaw sa kanyang bintana.

Pagkalabas ng pagkalabas ko ay agad akong bumaba upang isara ang gate and thankfuly I did it. Para akong magnanakaw na ingat na ingat sa aking mga gagawing hakbang. Ayoko lang ata na makita siya ngayon pero kung titignan naman ay magkikita at magkikita parin kami mamaya dahil nasa office niya ako at secretary niya ako.

"Para kang tanga Alana," I said as I grip the steering wheel.

Ilang minuto lang ang itinagal ng aking byahe at nasa kompanya na ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko namang tinignan kung sio ang tumatawag kahit na medyo alam ko na kung sino ito.

"Knight." I breathe as I look at the caller's ID. Agad ko namang sinilent ang phone ko at hinayaan lamang ang kanyang tawag.

Agad naman akong binati ng security guard at nginitian ko naman siya.

Pinindot ko ang elevator at agad naman itong bumukas, mabuti nalang at walang tao sa loob. Mas gusto ko kasing mapag-isa kaysa sa may taong kasama, I guess I'm used of being lonely at hindi na sanay na makisalamuha sa iba.

Malapit na ako sa floor nang bigla kong maisip si Ash, I quickly look at my phone at naka seven missed calls na pala si Knight. Agad naman akong kinabahan at nakonsensya sa aking ginawa, iniwan ko siya sa bahay at nauna na dito sa opisina and then ignoring his calls. What would I answer him if he'll ever ask. Busy ako sa pagda'drive? Ano naman ang sagot ko pag tatanungin niya akong bakit nauna na ako na walang paalam? I'll ignore him hanggang sa maabot ng aking makakaya ngunit napaka-imposible naman ata ng iniisip ko.

Nang makapasok na ako sa office ay agad kong ibinaba ang aking mga dala-dalang gamit sa aking lamesa at tinipa ang aking cellphone. I need to message Ash. Hinanap ko agad ang kanyang numero at nag type ng message.

To Ash:

Hi, where are you? Sorry kung di na ako nakapagpaalam nung isang araw may nangyari lang kasi. Can we have a coffee?

I quickly tap the send bar and hoping for his reply. Napatingin naman ako sa labas and saw a busy street and crowded people going here and there. Napayakap naman ako sa sarili ko while watching the clouds at napatalon naman ako sa aking kinatatayuan nang biglang may bumukas ng pinto ng pagkalakas lakas. At iniluwa nun si Knight na alalang alala ang mukha at tila hindi pa naayos ng masyado ang kanyang suot suot na damit at hawak hawak pa niya ag kanyang neck tie. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto hanggang sa mapako ito sa aking kinatatayuan.

He was furious and I can feel that from his stares.

Nang makalapit na siya sa akin ay napabuga siya ng hininga at napasuklay sa kanyang buhok.

"Why did you leave like that?" he muttered under his breath halatang nagpipigil lamang ng kanyang galit.

Wala akong nagawa kundi ang mapatingin sa ilalim at walang imik. Wala naman akong maisip na irarason.

"Is it because what I said earlier?" dagdag pa niya and I saw his hand formed into a fist. Napapikit naman ako dahil sa ginawa kong katangahan. This is what I get from expecting too much, trouble. Pero andito na ako, I need to face this.

Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at tinitigan ang kanyang mga mata. His eyes were narrowed, rigid, cold, hard, the eyes that the one's I feared. I took a deep breath and open my mouth.

"You're the one who told me na ayaw mong makita ng iba na galing ako sa sasakyan mo. We are in a private relationship, right?" Buong tapang kong sambit at tila rin siya ang natigilan.

"But that doesn't answer my question, hindi ka man lang nagpaalam at ni isa sa tawag ko ay hindi mo sinasagot," he coldly said while staring into my eyes. They glistened brightly, cold and metallic, rivalling the most excellently polished suit of armour. The sclerae that surrounded them were pristine by red. They were pure. They were cold. They were beautiful.

"I just don't feel like it." Napamura ako sa aking isipan dahil sa walang kwenta kong sagot.

"God dammit, Alana! What kind of answer is that!?" Sigaw niya dahilan upang mapapikit dahil sa takot.

"Anong gusto mong marinig na sagot Knight? Na nagtatampo ako? Nagtatampo ako kaya umalis ako ng walang paalam? Na nagagalit ako kaya hindi ko nasasagot mga tawag mo? I just don't feel like it Knight, ayoko. Ayoko dahil pag pinilit ko ang sarili ko baka may masabi ako na pagsisisihan ko bandang huli. I know it was a silly action pero mas mabuti na yun kaysa sa mag-away pa tayo. But look at us now nag-aaway na nga tayo. We are married for how many years Knight, matagal akong naghintay and yet I'm here still waiting. Yes, I was the one who requested this marriage at wala dapat akong ireklamo pero wala eh hindi ko mapigilan," saad ko habang nakakuyom ang aking mga kamay.

"Hindi ko lang gusto na nagtatago ka sa akin Alana. I was like crazy finding you anywhere at the house tapos di ako magkaundagagang tawagan ka habang nagbibihis ako, I knock on your door for how many times hanggang sa pwersahan ko na lamang iyon na binuksan but I will fix it and you are no longer in that room. You should be in my room," mahinahon niyang sambit at tila kalmado na. Wala na ang galit sa kanyang mga mata at napasusuklay parin sa kanyang buhok, he doesn't know how handsome devil he is.

"Wala akong itinatago kailanman ay wala akong itinago sayo Knight alam mo yan. Hindi ako nagtatago, nagagalit ako."

"Hindi ka ba makapaghintay? Just give me a time. Ayokong iannounce lang ng ganito sa kanilang lahat. You are my wife you deserve the best. I just wanted you to wait. I will announce one of this days," saad niya at kinuha ang aking mga kamay at hinalikan at taksil na naman ang aking katawan at puso at tila nadadala na naman ako sa kanya.

"Sorry, makakapaghintay naman ako naunahan lang ako ng galit ko-." Hindi ko na napatapos ang salita ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. I look at the caller's ID and it was Ash.

"Ash," mahinang sambit ko at nakatingin din si Knight sa mismong cellphone ko na nakakunot noo.