CHAPTER 27

ALANA

One month later

Isang buwan narin ang nakakalipas at ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na iaanunsiyo niya sa buong mundo ang tungkol sa aming dalawa. Isang buwan ko itong hinintay dahil nung araw na malapit na niyang ianunsiyo ang tungkol sa amin ay ang siya namang pagtawag ni daddy. Sa pagbubukas ng branch ay may idadagdag pa siya kaya naman na delay ito ng isang buwan. Nagiging malago narin ang kompanya namin at matataas na ang mga sales. Kilala narin ang mga Herrera at Alcantara sa buong Asya. Kaya ganun nalang din ang saya ng buong pamilya namin sa success. Alam narin ni daddy ang lahat lahat, ikinuwento ko sa kanya na mahal na ako ni Knight at naging masaya rin naman siya para sakin although may nakikita ako sa kanyang mga mata ang kalungkutan na hindi ko mawari kung ano. Ngunit ang mahalaga para sa akin ngayon ay ang sa amin ni Knight. Sa isang buwan na nakalipas ay naramdaman ko ang buong pagmamahal ni Knight para sa akin. Halos araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak, hinahalikan, hinahagkan, walang humpay na pagpuri kung gaano ako kaganda, kahit na ayaw ko siyang paniwalaan dahil sinasabi niya lamang iyon dahil asawa niya ako ngunit pinaparamdam niya ang mga bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Magpahanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Mahal na ako ng asawa ko.

"Tonight is the night baby," he said as he kissed my head.

"Yes," sagot ko at hinaplos ang kanyang pisngi. Napangita naman siya sa ginawa ko at hinalikan ang aking kamay.

"Ang lamig ng kamay mo," sambit niya at dinala ang aking mga kamay sa kanyang bibig at binubugahan ng kanyang maiinit na hininga.

"Kinakabahan ako Knight. Huwag nalang kaya, we will just announce sa newspaper. Hindi ko kaya ang mga tao, sobrang dami na nila," saad ko at narinig naman ang kanyang mahinang tawa.

"That's exactly what I wanted Alana. And you've waited this for a long time. Nag-antay ka pa ng isang buwan. Thousand people lang yan ngayon maliit lang yan sila. Kung pwede ngang milyon ang mga tao riyan ay much better pero napakaliit lang ng lugar na ito. So I wanted to broadcast this. May mga staff na ng ETN sa baba at ready na sila mamaya maya. You are worth it Alana," saad niya at di ko mapigilang di magulat sa kanyang mga sinabi.

Maisasalang ito sa telebisyon? Libo-libong mga bisita? Parang di ko ata kinakaya, mas mabuti atang hindi na ako nagtanong pa.

"Relax, you look beautiful tonight and always been beautiful into my eyes. This night is yours my wife," saad niya at hinila ako at dinala sa kanyang mga labi. Kaming dalawa lang ang naririto sa kwarto kaya malaya akong napaungol sa kanyang ginagawa at nagsimula na namang gumapang ang kanyang mga kamay sa slit na suot suot ko.

Maiinit na mga palad ang simulang gumapang pataas at tumigil. He touched the waistband of my underwear and slid his finger and rub my clitoris. Ngunit hindi ito nagtagal at agad niyang binawi ang kanyang mga kamay.

"I'll eat you later," he muttered under his breath and kiss me again.

Agad naman naming inayos ang aming mga sarili at kung hindi lang nakapagpigil si Knight kanina ay hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Malakas nga ang tama ko kay Knight. I was powdering my face when I remembered someone.

"Knight?" Tawag ko sa kanya habang nakatingin sa salamin at agad naman niya akong nilingon.

"Hmm?"

"It's been a month, may balita ka ba kay Ash?" tanong ko at agad naman siyang nag-iwas ng kanyang tingin at kinuha ang kanyang coat.

"Nasa Palawan pa siya ngayon. Hindi ko alam kung kailan siya uuwi," he plainly answered and then look at my direction.

Mula nung araw na umalis ako sa roof top ay yun din ang araw na hindi ko na siya nakita pa. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Wala naman akong karapatan sa kanya pero nalulungkot lang ako at di ko alam kung bakit.

"Ready?" tanong niya at tumango naman ako.

Pagkalabas ng pagkalabas namin sa kwarto at pagdating namin sa reception ay sinalubong kami ng mga camera at mga tao. Isa-isa naman silang sinagot ni Knight at magkahawak kamay kami nang biglang may nagtanong na reporter at tinignan ko ang badge sa kanyang polo. Isa siyang reporter ng ETN.

"Mr. Alcantara narinig po naming may iaanunsiyo po kayong balita. Siya po ba ang ibabalita ninyo?" Walang kamaang maangang tanong ng reporter sa kanya at ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Knight sa aking kamay.

Nginitian lamang siya ni Knight at binigyan ng maliit na sagot.

"Abangan niyo nalang po. Excuse me," saad niya at hinila na ako sa mga nagdadamihan ng mga reporter.

Akala ko ba ETN lang ang naririto? Bakit tila marami sila? Agad naman akong tinitigan ni Knight at tila nababasa niya ang iniisip ko.

"Akala ko sila lang, marami pala sila." Tawang saad niya at di ko naman mapigilang di mapangiti.

Iginiya niya ako sa table na tila nakareserba para sa amin. Kita ko naman sina daddy at mommy sa itaas ng stage at tila kumaway pa sa aming dalawa. Kinawayan ko naman sila at napatawa pa ako dahil parang bagets na bagets silang dalawa kung titignan.

"Here," saad niya at ipinaghila ako ng upuan. Agad ko naman siyang pinasalamatan at nginitian niya lamang ako nang bigla siyang natigilan. Nakatingin siya sa harapan at agad ko naman itong sinundan.

A gorgeous woman sitting alone and sipping her wine, she was wearing a black fitted dress at kitang-kita sa kanyang mukha ang pagka-sopistikada. Para siyang artista o manika kahit sino man ang makakakita sa kanya.

Knight cleared his throat at para bang nag-aalangan kung mauupo at tatayo na lamang siya nang biglang may nagsalita sa stage.

"Good evening ladies and gentlemen. Wow the room is packed. Maraming maraming salamat sa mga dumalo ngayong gabing ito at bago ko pa man simulan ang gabing ito I want to give this floor to Mr. Knight Alcantara." Agad na nagpalakpakan ang mga tao.

"Mr. Knight is giving us a surprise news this night and I can't wait to hear it," saad ng announcer at umugong naman ang palakpakan ng mga tao.

Napatingin naman ako sa gawi ni Knight na nakatayo sa aking likuran at nakatingin na naman ito sa babaeng nasa harapan namin. Dahan dahan akong napatingin sa gawi nung babae at nakatingin din ito kay Knight ngayon.

Ngayon ko lang napasadahan ang kanyang mukha at tila tumigil ang pagtibok ng puso ko nang malaman ko kung sino ito.

"Samantha," mahinang bulong ko at bago pa man ako makalingon uli kay Knight ay naglakad na siya papunta sa stage.

Tila balisa ang kanyang mukha alam ko iyon dahil matagal ko ng kilala si Knight. Alam ko kung balisa siya o hindi. But he composed his self into his serious and powerful aura.

Kumakabog kabog na naman ang dibdib ko dahil tila ba may mangyayari. Napakuyom ako ng aking kamay sa aking suot suot na damit. Tinignan ko si Knight wishing that he would look at me, at my direction pero hindi. Nakatingin siya ngayon kay Samantha na kasalukuyang nakatingin din sa kanya.

Napatingin naman ako kay daddy at tila ba alam na niya kung ano ang nangyayari. Para namang gusto niyang bumaba at alalayan akong lumabas ngunit hindi niya magawa-gawa dahil narin sa dami ng tao at alam kong ayaw niyang mag iskandalo.

"Well my announcement is not really that surprising. I just wanted to tell you all that please enjoy this night," saad niya at agad na ibinigay ang mikropono sa announcer at agad na umalis. Palakpakan naman ang mga tao at nagsimula ang malakas na musika.

Agad naman akong tumayo mula sa aking kinauupuan. Ramdam ko na naman ang pangingilid ng aking mga luha. I need to get out of here as soon as I can. Hindi ko hahayaang mahabol pa ako ni Knight.

Nasa labas na ako at halos wala ring mga tao lahat ata ay nasa loob na. Napakaraming sasakyan ang nakaparada sa labas at hindi ko alam kung saan ang daan palabas kaya hinayaan kong dalhin ako ng aking mga paa. Tuluyan namang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib dahil ramdam na ramdam ko ang sakit. Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib.

Medyo malayo na ako sa reception at inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Malapit na rito ang highway kung saan ako makakapara ng sasakyan. Uuwi ako at mag-aalsa balutan, this time it's final. Tama na ang katangahan.

Natigilan ako sa paglalakad nang may narinig akong boses ng lalaki at babae na parehong umuungol. Alam kong hindi dapat ako umusisa pero may sarili atang isip ang mga paa ko at dinala ako sa direksyon kung saan nagmumula ang mga ingay.

Nasa likuran sila ng isang malaking van at nakikita ko na ang dalawang tao na magkayakap at naghahalikan. Nakatalikod ang lalaki sa akin at napamulat naman ang babae dahilan upang matigilan silang dalawa. Hindi ako dapat magkamali siya ang babae kanina sa reception, it's Samantha. Pinasadahan ko naman ang likod ng lalaki at kahit na hindi pa siya lumingon ngayon sa akin ay kilalang kilala ko ang likod ng kanyang ulo.

Lakad takbo ang aking ginawa upang makaalis lamang sa lugar na iyon. Bakit pa kasi ako nagsuot-suot na kay taas taas na heels at maiksing damit at hapit na hapit sa katawan ko at ang malaking katanungan ay bakit, bakit pa ako naniwala sa mga salita niya kung alam ko namang mauulit at mauulit parin ang mga kasalanang ginawa niya noon at magpahanggang ngayon. Isang napakalaking katangahan ang aking naging desisyon upang pagkatiwalaan pa siyang muli.

"Alana!" sigaw niya na hirap sa paghahabol sa akin.

"Bumalik ka na roon Knight!" pabalik kong sigaw na hindi siya tinitingnan. Diring-diri ako sa kanya at galit na galit ni dulo ng daliri niya na hahawak sa akin ay hindi ko gusto.

"It's not what you think!" saad niya na hindi ko namalayang malapit na pala siya sa akin at sabay hawak ng madiin sa aking kamay.

Kinuha ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak ngunit sadyang napakalakas talaga niya at wala akong laban.

"It's not what I think?! Knight naman! Please ayoko ko na hirap na hirap na ako, ang sakit sakit dito," sabay turo sa dibdib ko at hindi na mapigilan ng mga mata ko na hindi umagos ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.

"Akala ko magiging maayos na ang lahat, akala ko magiging masaya na tayo, akala ko magsisimula tayo ng panibagong kabanata sa ating buhay! pero akala ko lang pala lahat. Ako lang pala ang nag-iisip ng mga bagay na iyon, ako lang Knight, ako lang," saad ko na humahaguholhol na sa iyak, nilapitan niya ako at akmang yayakapin ngunit lumayo ako sa kanya.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan!" sigaw ko at napapitlag siya sa kanyang kinatatayuan. Halatang gulat sa aking inasta.

"Alana please, let's start again," saad niya, bakas sa tono ng boses niya ang lungkot at sakit ngunit hindi na dapat ako maniwala sa kanya, naulit na ito noon at mauulit rin ito ngayon.

"Maghiwalay na tayo," diin kong saad at binawi ang kamay ko na halos maluwag na ang pagkakahawak niya. Gulat siguro sa mga salitang binitawan ko, kahit man ako ay gulat rin sa mga salitang lumabas mismo sa aking mga bibig.

Mahal na mahal ko siya, walang kapantay ang pagmamahal ko sa kanya ngunit dapat narin sigurong bumitaw ako sa pagsasama namin.

"No please...no please," luhod niyang pagmamakaawa, hindi ako makapaniwala na ang isang De Luca ay nagmamakaawa mismo sa aking harapan.

"Goodbye Knight," saad ko at kinuha ang singsing mula sa aking daliri at ibinalik sa kanya.