CHAPTER 35

ALANA

"Nandito lang pala kayong dalawa." Isang matatalim na titig ang ipinukol niya sa akin. Kitang-kita ko rin sa kanyang mga mata ang lungkot at galit at napansin ko rin na medyo humaba ng konti ang kanyang buhok at medyo pumayat.

Paano niya nalaman kung nasaan kami ngayon? Sino ang nagsalita patungkol sa aming lugar? Napakaraming tanong sa aking isipan at alam ko ring iyon din ang iniisip ni Ash.

Ngunit hindi ko parin alam kung bakit kasama niya si Samantha at bakit ganyan na lamang siya kung makatitig sa aming dalawa ni Ash.

Napahaplos ako sa aking tiyan dahil sa nararamdaman kong tensyon at kaba. Napatingin naman agad si Knight sa aking tiyan at para bang nagtatanong ang kanyang mga mata.

"Could you please leave us alone?" said ni Knight habang ang kanyang mga tingin ay sa akin lamang.

"Why would I let you alone with her? Baka ano pa ang gawin mo sa kanya," sambit naman ni Ash na tila ba nakabitaw siya ng maaanghang na salita na ikinapikit ni Knight. Alam kong nagtitimpi lamang siya ng galit niya dahil ugali niya iyon.

"I think you should know your place Ash. Asawa ko parin ang kinakasama mo dito sa iisang bubong and to hell with you," he growled and his hand formed into a fist turning his knuckles turns to white.

"The last time I checked asawa mo lang siya sa papel never in your life Knight. You treat her like a trash and then you bring your woman now in front of her. Ugali ba yan ng matinong asawa?" sambit ni Ash at agad naman siyang sinugod ni Knight ngunit mabilis kong hinarang ang aking sarili.

"Stop! Please stop ayoko ng gulo dito Knight," sambit ko at tinapunan siya ng masamang tingin.

"Ash mag-uusap na muna kami." Lingon ko kay Ash at dahan-dahan naman siyang tumango at bahagyang pinisil ang aking kamay.

"Sa baba lang ako if you need anything," sagot niya at nginitian ko naman siya securing him the everything will be okay.

Hindi naman pinansin ni Ash si Samantha bagkus ay iniwasan niya ito at lumabas.

"Samantha get out," maawtoridad na sambit ni Knight habang nakatalikod sa kanya akma na sanang magsasalita si Samantha nang putulin ito ni Knight.

"I said get out," ulit niya at dahan-dahan namang umalis si Samantha ngunit bago pa man siya makalabas ay tinapunan niya muna ako ng tingin at sa aking tiyan.

Nang nakakatiyak na kaming kami nalang ang tao sa loob ay agad kong hinila ang upuan sa aking tabi at umupo dahil para kasing nahihilo na ako.

"Are you pregnant?" mahinang tanong niya at agad ko naman siyang tinitigan.

"Umupo ka muna," mungkahi ko ngunit tila hindi niya naman ako narinig nanatili parin siyang nakatayo sa aking harapan at naghihintay ng aking kasagutan.

"Are you pregnant?" His voice was crisp and his eyes cut deep through my soul.

Hindi ko mawari ngunit agad akong nanlamig dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Wala naman akong itinatago ngunit bakit parang kinakabahan pa ako ngayon.

"Yes, yes I am," sagot ko at nagpakawala ng hininga.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at wala akong nakuhang kahit anong reaksyon sa kanya. Nanatili siyang nakatingin sa labas na para bang malalim ang iniisip.

"Ilang buwan na?" tanong niya ngunit nakatingin parin sa labas.

"Magdadalawang buwan na," sagot ko naman at hindi ko mapigilang di laruin ang aking mga kuko. Bakit ba tila nakakaramdam ako ng pagkakonsensya. Nakokonsensya ba ako dahil sa paghahanap niya sa akin? Dahil ba sa pagtatago ko o dahil sa ipinagbubuntis ko ngayon at ngayon niya lamang nalaman.

Napabuga naman siya ng kanyang hininga at napahilot sa kanyang sintido at maya maya pa ay nagsalita na siya na siyang ikinatigil ng mundo ko. Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig.

"Sino ang ama?" tanong niya at dahan-dahang napalingon sa aking gawi at nagtama ang aming mga mata. Hindi ako makapaniwalang lumabas iyon mismo sa kanyang mga bibig.

Paano niya ako naatanong ng isang bagay na alam niyang siya lang ang nakagalaw sa akin. Iniisip niya ba na may nangyari sa amin ni Ash? HIndi ako makapaniwalang aabot kami sa ganito? Tila nanliliit ako sa kaings arili upang pag-isipan niya ako. Isa ba akong maruming babae sa kanyang pag-iisip? Ganoon nalang ba kababa ang kanyang pagtingin sa akin?

Napapikit ako ng aking mga mata at huminga ng malalim napakuyom ako ng aking mga kamay dahil ayokong mag eskandalo.

"Ganoon nalang ba kababa ang tingin mo sa akin at itinatanong mo ang bagay na iyan sa aking mukha? Paano mo nasisikmurang itanong yan sa akin. Ikaw lang ang gumalaw sa aking katawan, walang ibang ama itong dinadala ko kundi ikaw Knight," mahinang saad ko habang nakatingin sa kanya ngunit blangko parin ang kanyang mukha. Walang kahit na anong rekasyon at di ko mabasa kung ano ang tumatakbo ngayon sa kanyang isip.

"Kailan?" he asked, which makes me frown.

"Kailan? Anong kailan?" mahinang saad ko at para bang sumasakit ang aking tiya na para bang kumikirot dahil sa mga nangyayari. Hindi ko magawang kumalma.

"When is the abortion?" malamig niyang tanong na ikinatigil ng mundo ko. Am I hearing it wrong? Para ata akong nabingi sa kanyang sinabi.

"Kahit kay Ash pa yang dinadala mo I am still willing to accept you but not the child. Magkakaroon lang ng gulo yan sa buong angkan namin at sa pamilya mo knowing that I am your husband and my image will-" Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi at hindi pa ako nakuntento at malakas ko pa siyang sinampal ulit. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit at pamumula nito.

"How dare you, Knight? This is your flesh. I am not killing this child. I am keeping this child! Anak natin ito Knight! Sarili mong dugo ang nananalaytay dito sa kanya! Paano mo nagagwang sabihin yan sa akin? Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko? Isa ba akong sinungaling na tao? Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo? I've been honest to you since day one Knight, hindi ako kailanman nagsinungaling sa iyo," sigaw ko hindi ko na kayang kontrolin ang aking emosyon, ramdam ko na naman ulit ang pagkirot ng aking tiyan.

"Hindi rin ako sigurado na ako ang ama na iyong dinadala!" sigaw niya at titig na titig sa aking mga mata at doon na bumuhos ang aking mga luha. Hndi ko mapigilin ang pagpatak ng mga ito, nanggagalaiti ako sa galit ganun din ang sakit sa puso ng nararamdaman ko.

"Alam mong ikaw lang! Alam mong ikaw lang Knight!" Duro ko sa kanyang dibdib at hindi ko na napigilang di mapahagulhol sa iyak at ang mga ablikat ko ay yumugyog na.

"I am keeping this child if you won't-" it cut me out of my words when a hand landed on my face and soon I realized sinampal niya ako. Sinampal ako ni Knight at tinignan ko siya na may mga takot sa mga mata. Napahawak ako sa bandang pisngi ko kung saan niya ako sinampal.

It horrified me.

Nanumbalik ulit ang takot ko sa kanya.

Dahan-dahan ko siyang tinitigan and regret written all over his face.

"Abort that child," he coldly said and left me standing there. Para akong ilang ulit na sinasaksak sa puso dahil sa kirot at sakit. Si Knight nga ba ang kausap ko kanina o ibang tao?

Agad naman akong umakyat sa taas para pumunta ng kwarto at mag-impake.

I need to call Ash.

Nasa itaas na ako nang mapansin kong tila may naaaninag akong anino sa labas. Malapit kasi ang kwarto ko sa veranda kung saan tanaw na tanaw ang dagat. Malakas ang ihip ng hangin ngayon dahil sa paparating na bagyo.

Nang makalapit ako sa veranda ay ang siya namang pagluwa ng mukha ni Samantha na nakangiti.

Papaano siya nakarating dito sa itaas? Hindi ba't lumabas siya kanina papaanong naririto siya ngayon?

"Curious? It's a secret. Alam ko namang si Knight talaga ang ama ng batang dinadala mo ngayon and I believe you. A Herrera princess always tells the truth, she doesn't know how to lie, she's transparent," saad niya at dahan-dahang naglakad paunta sa aking direksyon at ako naman ay di mapigilang di mapaatras.

"What are you doing here? Hindi ka dapat naririto," mahinang saad ko at agad naman siyang tumawa ng nakakaloka na para bang baliw. Ibang Samantha ang nakikita ko ngayon.

"He want's abortion right?" she said smiling at patuloy parin sa paglapit sa akin at nakita ko na lamang ang likuran ko na malapit na sa gilid ng hagdan at nang lingonin ko siya ay napasinghap ako nang ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya s akaing mukha na nakangiti.

Dahan-dahan niyang inalsa ang kanyang kamay at itinulak ako.

"Why not do it now?"

Yun lamang ang narinig kong lumabas sa kanyang mga bibig at nakita ko na lamang ang sarili ko na dahan-dahang nahuhulog sa hagdan at hinihintay ang pagbagsak ko.

Napahawak ako sa aking tiyan at may luhang lumabas sa aking mga mata.