ASH
Suite Room A (6:00 pm)
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kahit tapos na at ayos na ang lahat ay hindi parin ako mapakali. Andito na kami sa isang suit room dahil medyo maliit ang isang private room. Baka masyadong masikipan o hindi makahinga si Alana pag andoon kami o baka ako lang ang nag-iisip nun dahil ngayon ako ata ang nasisikipan at hindi makahinga sa kung ano ang gagawin.
Papaano ko sasabihin sa kanya na wala na ang kanyang anak? Papaano ko kakaharapin pag nagising na siya? Stable na siya at laking pasasalamat ko sa maykapal dahil malayo na siya sa disgrasya ngunit tila ata ako ang disgrasya ngayon dahil sa kabang nararamdaman ko.
Bigla akong natigilan sa aking pag-isip nang tumunog ang aking cellphone. Agad ko naman itong kinuha sa aking bulsa dahil baka mga magulang ito ni Alana pero hindi ko pa naman sila tinatawagan. Praning na ata ngayong araw. Tinignan ko ang caller ID at di ko napigilang di magmura.
Knight calling…
"Ano na naman ang gusto mo," mahinang sambit ko habang nakatitig lang sa cellphone. Wala na akong pakialam kung asawa siya o hindi.
Wala narin akong pakialam kahit kapatid ko pa siya. Kailangan ko munang kumalma bago siya kausapin dahil ayokong makabitaw ng mga masasakit na salita dahil kahit ganun ay nakakatandang kapatid ko parin siya at may natitira pa naman akong respeto sa kanya kahit papaano.
Hinayaan ko lang na mag-ring at mag-ring ang aking cellphone hanggang sa hindi na siya tumawag. I need to calm down kanina ko pa to sinasabi pero hindi naman ata nakakatulong mas lalo lang akong nagiging aligaga.
Hinihiling ko parin sa diyos na sana maging maayos na ang lahat dahil alam kong iyon din naman ang kagustuhan ni Alana.
Kasalukuyan akong nakaupo at pinaandar ko narin ang tv dahil kahit papaano ay makarinig parin ako ng ingay dahil ayokong lamunin ako ng katahimikan at baka ano pa ang maawa ko na ikakasisi ko sa huli. Kukuha na sana muna ako ng maiinom nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Dr. Vergara, ang doktor na kumausap sa akin kanina.
"May I talk to you?" bungad niya at tumango naman ako, pumunta muna ako sa gawi ni Alana at hinalikan ang kanyang noo. Para bang ayoko muna siyang iwan pero kailangan kong makausap muna ang doktor niya.
"Kakausapin ko muna si doc but I'll be back okay?" Bulong ko kahit alam ko namang hindi niya ito naririnig.
Nang makalayo kami sa kwarto ay napagpasyahan naming bumili ng kape at tumayo nalang malapit sa bintana, tanaw dito ang buong syudad at mga ilaw na nanggagaling sa mga gusali, bahay at mga sasakyan.
"You are not her husband, right?" tanong niya sa akin na siya namang ikinalingon ko sa kanyang gawi.
"Hindi niya ako asawa," mahiang sagot ko at tumango naman siya at muling uminom ng kanyang kape.
"I've been there and you are not alone. Nung una ay inakala kong asawa ka niya dahil kitang-kita sa mga mata mo iyon. Pero nang makita ko sa system namin dahil ikaw ang nagbigay ng mga data niya it turns out to be that you are her brother-in-law. Hindi ko naman masasabing pareho tayo pero I've been there. Minahal ko rin ang asawa ng aking kapatid, una siyang naging akin but simula nung umalis ako ng bansa upang mag-aral bilang isang doktor nalaman ko nalang na ikinasal siya sa aking kapatid. It was private. Walang nakakaalam nun na ikinasal sila only our parents and his. Dahil din siguro sa business namin kaya sila nagpakasal. It was supposed to be me, but I don't want to be like them. Handling a business is not what I want, I want to be a doctor at iyon ang dahilan upang malayo ako sa kanila and then poof bigla nalang silang ikinasal silly right? Dahil lang sa negosyo handang gawin ang lahat. Maraming nagagawa ang pera, marriage is a sacred thing. Nung araw ring umuwi ako I took the chance para kausapin siya, ang babaeng minahal ko buong buhay ko. Hindi niya rin ginusto ang lahat but in the family's name at para narin sa patumba nilang neosyo ay kinailangan niyang gawin iyon. Wala siyang nagawa dahil wala rin naman ako sa kanyang tabi nug mga araw na iyon." May mga lungkot sa kanyang mga mata niyang sambit habang nkatingin sa kawalan, tama nga siya pareho nga kami magkaiba lang ang siwasyon pero pareho kami.
"And then I saw you karga karga siya at tumatawag ka ng mga nurses. Weird right? Pero nakita ko ang sarili ko sayo. Kahit hindi ko pa alam ang buong istorya I just wanted to tell you you should fight for her. I don't know why I am telling you this, it's just my calling. Don't think about what will people say to hell with them. If she is worth it then go for it." dagdag pa niya at muling lumingon sa akin na nakangiti.
"Yes, she is worth it."
"What I am here is because I have to tell you something about her condition. After this miscarriage, she will dwell on these stages. She should survive on her emotions at importanteng may tao siyang masasandigan. Women may experience a roller coaster of emotions such as numbness, disbelief, anger, guilt, sadness, depression, and difficulty concentrating. Habang nagbubuntis ba siya masyado ba siyang emosyonal? Paano kapag nagising na siya ngayon at malalamang wala na ang kanyang baby? She needs a person to lean on right now. She can experience these symptoms; fatigue, trouble sleeping, difficulty concentrating, loss of appetite, frequent episodes of crying, broken or suffering relationships with family or friends, self-harm/suicidal attempts or actions maari niyang maexperienced yan lahat. You have to keep an eye on her. The grieving in process has three steps, and that is shock or denial this is going to be a difficult stage for her and you will need a lot of patience, talk to her and calm her in every situation. Anger, guilt or depression, maaaring magalit siya s akanyang sarili, sisisihin niya ang kanyang sarili that will cause depression at baka ano pa ang gawin niya. Hindi naman natin hinihiling pero most of this cases ay maraming mga babae ang nagpapkamatay becuase they blame there selves. She needs to go out, have some fresh air, listen to music, someone to talk to and laugh to, shower her with attentions she needs. Listen to her and as much as possible give her what she needs and wants pero dapat alam mo rin ang tama sa mali. And last, the last process is acceptance mapupunta din siya sa stage na ito kung saan ay tanggap na niya lahat it will be a long way but it will be worth it. While we were operating her we know that she is fighting for her life. Para bang kailangan niya pang mabuhay, she needs to live. And please give her the meaning of life after all if you love her you can give her that," mahabang paliwanag niya at bahagyang natawa nang makita niya nag kanyang cup na wala na palang kape.
"I thin I need to get another one. I'll leave you here, Mr.?" tanong niya na nakatingin sa akin.
"Ash, just call me Ash."
"Okay, I'll leave you now Ash. May mga pasyente muna akong bibisitahin bago matulog but first I need to refill my cup." Tawang saad niya at nginitian ko naman siya. Sa mahabang saad niya ay wala akong naisagot o hindi man lamang ako nakapagsalita. It surprised me and at the same time nalulungkot ako sa maaring mangyari kay Alana sa oras na magising siya. She needs me and I will be by her side.
Naiwan na akong mag-isa at hinayaan ko muna ang sarili ko sa na makapag-isip isip. Medyo nakaramdam narin ako ng pagkakalma ngunit hindi parin awawala ag pag-aalala ko sa kanya. Hindi ko pa magawa-gawang iwan si Alana ngayon upang sugurin si Samantha dahil sa ginawa niya. Alam kong walang kinalaman si Knight dito ngunit hindi parin maialis sa sarili ko na pinabayaan niya si Alana na mag-isa. Napansin ko rin sa gilid ng kanyang mga mata ang pamumula at alam kong umiyak na siya nun bago pa man siya nahulog.
Ilang minuto rin akong nanatili sa labas bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng kwarto ni Alana.
Nang maisarado ko ang pinto ay nagulat na lamang ako nang nakita ko siyang nakaupo na sa kanyang higaan at nakatanaw sa bintana.
"Alana?" Dali-dali akong tumungo sa kanyang direksyon dahil sa pagkagulat.
Dahan-dahan naman siyang napalingon sa akin at namumugto ang kanyang mga mata. Kanina pa siya siguro gising.
"May kailangan ka ba? Tubig? Nauuhaw ka ba? Nagugutom ka ba? Pero soft diet ka na muna ngayon or it's better if call the doctor hintayin mo lang ako dito," saad ko at akma na sanang aalis nang pinigilan niya ako, hawak hawak niya ngayon ang aking kamay.
"Dito ka lang," mahinang sambit niya at tumango naman ako. Agad ko naman siyang inalalayang mahiga.
Humila naman ako ng upuan at hawak hawak niya aprin ang isa kong kamay. Nanatili kami sa ganung posisyon nang bigla siyang nagsalita.
"I lost my baby right?" mahinang sambit niya at napahalpos sa kanyang tiyan, wala na itong umbok. Napalingon siya sa aking gawi at tumulo na naman ang kanyang mga luha, agad ko naman itong pinahid gamit ang aking kamay at hinalikan ang kanyang kamay na siyang nakahawak sa akin.
"Sorry, kasalanan ko ang lahat ng ito Alana. Kung di lang sana kita iniwan kasama si Knight at kung hindi ko lang sana inalis ang mga tingin ko kay Samantha marahil ay hindi nawala ang baby mo please patawarin mo ako," mahinang saad ko at dun na naggaralgal ang boses ko at nakita ko na lamang ang sarili ko na umiiyak. Pinahid niya rin ang mga luha ko kahit alam kong nahihirapan siyang abutin ako.
"No no no hindi Ash, wala kang kasalanan sa lahat. Huwag mong sisihin ang sarili mo," sambit niya at di ko mapigilang di hagkan ang kanyang mga kamay.
"Don't worry gaganti ako kay Samantha para sayo. I'll make sure na pagsisisihan niya ang lahat," sambit ko at agad naman siyang napabuntong hininga.
"No, hindi pa ito ang tamang panahon para diyan. Hindi mo siya kailangang gantihan. Dahil ako ang gagawa nun Ash, ako lang. Tulungan mo ako."