Back to School

1st Person's POV

------------------

"No scratching, no removing and don't get wet.", saad ni Mrs. Patricia.

Pinasuot ni doktora ang hindi pangkaraniwang face mask sa kin.

Hindi ako komportable ditto lalo na't mukha ito ng ibang tao pero kinakailangan ko ang disguise dahil wanted ako sa labas at the same time missing person rin..

Kahit naguguluhan ako kung bakit kailangan pa nila akong ipasok sa isang paaralan, wala akong magagawa kundi sundin ang sinasabi nila.

Sila lang naman ang mga taong pwedeng tutulong sa akin at sila ang mga taong may-alam kung ano ako.

"Here... ", at inabot niya sa akin ang isang libo.

"Your allowance, your still a highschool student and you need that iha.", she said while smiling.

"Come here, let me braid your hair", she said.

Naalala ko tuloy si Mama. Paniguradong galit yun pag nakita niya ako. Baka sa puntong 'to gustong gusto niya talaga akong patayin.

Sorry, nay

"Doktora, bakit ayaw niyong sabihin kung ano talaga ako?", I asked and it's the nth time .

Marami na kasi silang pinapagawa sa akin for the past 3 months at marami rin akong nadiskubre tungkol sa pagkatao ko pero hindi ko matukoy kung bakit ako ganun.

"shhh... You are just a beautiful young lady. And starting today, relax so that it will be your normal day. Study hard okay... Para sa next semester, I'll give you condo near your school.?", napangiti ako sa sinabi ni Doktora.

"Doktora naman eh.. Ang dami mo atang ginagawa para sa akin?", I said.

Naging malapit na rin kasi ako sa kaniya, para ko na siyang lola pero doktora ang tawag ko sa kaniya. And she speak more English than Filipino kaya ata na-influwensiyahan ako.

Magpapaalam na sana ako kay doktora ng dumating si Mr.Crawl .

"Aalis na kami doktora, Stellar lets go bago ka pa malate sa klase.", he said .

Ang seryoso ni Mr. Crawl short for Mr.C, sa ilang buwang kasama ko sila ni doktora, minsan ko lang siyang nakitang tumawa noong tinalo ko siya sa 1:1 combat namin. Masayang-masaya nga siya nung napabagsak ko siya. Pero hanggang dun lang yun at sa araw na lang na yun nangyari ang isang himala_tumawa_ dahil kadalasan, hindi ko siya nakakausap.

Palagi rin siyang nagkukulong sa opisina niya at nakatutok sa computer. Ganun naman minsan si doktora pero atleast nagagawa pa naming magbonding, pero siya... I know he focuses on the other me.. On what I am , what I can and what I have. And I want him to discover that because I think it's the one way of helping me, really.

In order to discover what I really am, I need to participate.. And for Mr.C, sending me to school, has a bigger purpose. At kAhit matamis ang ngiti ni doktora sa akin, alam ko na meron silang balak...but I don't need to focus on that, because like what doktora said...I need to relax and be normal. So, yun na siguro ang pagtuunan ko ng pansin. Tsaka gusto ko ring pumunta sa paaralan dahil ayaw kung nakakulong ditto.

Nga pala, pinalitan nila ang identity ko... Instead of Stellar Ocampo, my name now is Ruzzel Mason 17 years old instead of 18 at isa akong grade 12 sr. student. Si doktora ang nagbigay ng panglalaking pangalan sa akin , na napag-alaman kung pangalan ng nag-iisa niyang pamangkin. And maybe, she is this close to me, because somewhat.. I remind her his nephew on the name I have now.

"Always contact us if somethings wrong", Mr. C said bago inistart ang sasakyan.

"Suot mo ba ang binigay ni Doktora sa iyo?", he asked again.

"Yung bracelet po?, opo suot ko", i said.

Kung may kunting conversation lang kami ni Mr.C palaging tungkol sa mga dapat kung gawin. At kung kausap ko siya kinakailangang tapatan ko rin ang pagkakaseryoso niya which is the complete opposite of doktora. But somewhat, serious conversation made me feel really matured.

Hinawakan ko ang bracelet na binigay sa akin ni doktora, nagsisilbi itong controller ng mga emosyon ko lalo na pag nagulat, o nagagalit ako. It was an impulsive shock.

Parang torture nga rin to kung maactivate. Pero I really need it and it's a must to wear kaya tiis tiis lang.

*Well if you wanna know how it works, lets wait and read the story *

>>>>>

Sinamahan ako ni Mr.C at pumunta kami sa dean's office.

At kinakabahan ako lalo na ng pumasok kami sa isang elevator malapit sa parking lot kung saan iniwan ni Mr.C ang sasakyan. Actually hindi ko alam kung nasa paaralan na kami dahil nakatulog ako kanina.

Late enrollment pala ako at katatapos lang ng1st grading examination ng mga estudyante ditto for the 1st semester. Hindi ko alam kung paano ako makakahabol dun pero mas lalong hindi ko alam kung bakit mayron na akong records at sinabi yun ni doktora sa akin. Sinabi rin niya huwag kong alalahanin ang exam sa 1st grading dahil may record na ako ditto. Napaka-imposimbleng meron dahil wala naman akong sinagutang module o kung ano diyan.

At si Mr. Crawl Mason, he pretended to by my uncle, my father's brother . At ako naman, ulila na sa mga magulang kaya ang tito ko ang guardian ko. Wala namang masyadong sinabi ang dean dahil chineck niya lang yung documents ko na binigay ni Mr.C.

"So, welcome Ruzzel Mason to Highland International University", tumango tango ako bilang sagot sa dean.

Napalunok ako..

Ano ulit?

Mind: Highland International University

Umurong ata ang dila ko at sa dami ng mga muscles sa katawan ko na pwedeng gumalaw ,ang mata ko lang ang gumalaw at tingnan si Mr.C na nasa tabi ko.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

My heart is beating erratically because..

Im surprised!.., bakit hindi ko alam na malaking paaralan ang papasukan ko? Paano kong mapapahamak ako dito. I was expecting im going to an average school.

OUCHH!!

Paimpit akong sumigaw sa aking isipan ng biglang naactivate ang suot kung bracelet, bigla akong nanghina dahil sa impulsive jolt na dumaloy sa buong katawan ko.

"Okay ka lang, iha?", tanong ng dean na tumayo pa.

"Ah.. hahaha, pasensya na po, mukhang nabigla"

"What do you mean?", the dean asked.

"Hindi pa naming nasabi kay Ruzzel na isang international university ang papasukan niya. It was her b-day wish last year and we want to surprise her, and she is shockingly amaze right now, I guess", Mr.C joke.,

Ngayon ulit tumawa si Mr.C at nakakagulat yun.

Ouchh..

Naramdaman ko ulit ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Aray..

Arghh

Pakiramdam ko matutulog na ako, hindi ko maramdaman ang sarili ko at pakiramdam ko nakanganga ako.

Tagos ang kuryente sa buong sistema ko. Mamatay na ata ako dahil ditto. "Ruzzel? Open your eyes.", nakakahiya tong first day ko at sa harap pa ng dean.

I'm imagining myself having an epilepsy on the floor.

Hindi ko na kaya... pipikit na talaga ako, kasalanan ng bracelet na 'to.

But before I loss my consciousness let me tell you something about this bracelets failure.

Actually, controller 'to ng mutation ko, ang behavior ng katawan ko na maaring magtrigger sa isa sa limang weapon alteration ko na di dapat makita ng mga tao. Unluckily the failure is, sa tuwing nabibigla ako maaactivate ang impulsive jolt kahit hindi naman lalabas ang W.alteration.

Nasabi ko na ata ang lahat.. So.. goodnight for me.. ohh, I feel drained. For Pete's Seek, im also a human being, and I might be dead before I knew it.