Untitled

Mukhang mas naging seryoso at naging cold si Yuan mula nung gabing yun. Nakita ko ulit siya kanina sa MetaMEd Lab at seryoso siya sa ginagawa ,pumunta kasi ako doon upang sunduin si Dr.Ramlee para makaalis na kami.

Hindi alam ng mga kaibigan ko na bibisitahin ko ang pamilya ko, hindi naman kasi lahat kailangan kong sabihin sa kanila diba? Lalo na't may pinagbibisihan sila.

Dumiretso ako sa kaniyang opisina na katapat lang ng kay Engr.Levine.

Kumatok muna ako, hanggang sa marinig kong pinapapasok niya ako.

Nakita ko sina Engr.Levine at Tito Ruzzel. Naalala ko tuloy ng una ko silang nakita na tadtad ng galos at peklat, tanda ng pagiging alipin nila sa I.I.P. Nakakulong sila malapit lang sa kwartong pinagtataguan ng mg fonders ng maduming organisasyon. Ang mga ibang pyschomutants ang nakakita sa kanila at tinulungang makalabas.

Nung nalaman kong sila ang nawawalang ama ni Max at ang paboritong pamangkin ni Dr.Ramlee ay nagulat nalang ako at naging masaya para kina Max at Dr.Ramlee. Pero sila rin ang dahilan kung bakit lalo kung naramdaman ang sakit na pilit kung tinatago, sila ang dahilan kung bakit gusto ko ring makita ang pamilya ko lalo na't nandiyan lang sila, ako lang yung nagtatago. Sila ang gunagpabalik sa akin sa realidad, na kahit nagawa kung tulungan ang kagaya ko sa isang madilim na pagsubok, hindi ko naman lubusan natulungan ang aking sarili pagkatapos dahil ako ang mismong nagtatago sa dilim.

Sa isang madaling salita, ang pagbabalik ng mga mahal sa buhay ng aking mga nalalapit na kaibigan ay isang mapait na emosyon para sa akin. Inggit ako, oo at alam kung normal yun at para mawala yun dapat bumalik na rin ako sa mga pamilya ko. Halos mag-iisang taon na rin at siguro panahon na para lumabas sa dilim.

"Sit, young lady",saad ng ama ni Max. Napakalayo ng paraang ng pagsasalita at ugali niya kay mAx dahil sobrang napaka-gentleman niyang tao at professional. Isa siyang amang dapat ipagmalaki sa lahat. Masayang masaya siguro si Max ng makita ang itay. Sino namang hindi at pati si Akini lalo na't nakikita ko na nagkakabutihan silang tatlo, kahit man hindi tunay na anak ni Engr. Levine si Akini, halata pa rin dun ang kaniyang pagiging ama. Masaya ako para sa kanila, nakakainggit.

"Ah...",paano ko ba ito sasabihin? SI Dr. Ramlee lang kasi ang pinunta ko dito.

"If you could give us a moment gentlemen", saad ni Dr.Ramlee.

Buti naman.

"If its what you need", Engr.Levine said at naunang tumayo. Umalis naman ng tahimik sina Tito Ruzzel at Engr.Levine.

Tiningnan ko si Dr.Ramlee I moved my eyes like saying My-pupuntahan-tayo-remember-look.

"OH... Im sorry, I was stuffed at the moment.", she said ng matanto ang ibig kung sabihin.

She cleared her throat.

"Lets go. What do they like foods, clothes? Does Megan loves Barbie dolls? Tell me.", Dr.Ramlee said na inaayos na ang gamit sa lamesa.

"Anything will do."

___

___

2 Years Later

"Congratulation!!!!", Masayang bungad sa akin ng mga kaibigan ko ng umuwi kami sa bahay. Kasama ko si Attorney Joy na siyang dahilan upang macongratulate ako ngayon.

"Congratulation!", Nicole shouted again at binigyan ako ng flower. Natawa ako, ano na naman ba 'tong kalokohan.

Ganun rin ang ginawa ng mga iba. Kung ano-anong binigay. Parang birthday ko na rin dahil sa mga surprise nila sa akin.

"Grabe intense ang laban mo kanina ah!"(Japanese), Sabi ni Miko na nasa tabi ko.

"Naintindihan ko yun?(Japanese)", sabi naman ni Max at tumawa kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi ni Miko. SObrang arogante lang at isip bata dahil nakakaintindi siya ng Japanese ngayon mula nung pumunta siya sa Japan at nanatili doon ng dalawang taon.

At kakauwi lang niyan last month ng mabalitaang may hearing ako at ngayong last trial ko na sa korte at pinawalang bisa ang kaso kung murder. Naisawala rin kasi ang nangyaring aksidente dahil hindi naman daw ako ang totoong nagkasala kundi ang lasing na driver ng ten wheeler truck na bumangga sa taxi. Ang kaso kung murder ay nahatulan bilang isang self defence ng isang minor gaya ko at dahil wala ring matibay na ebidensya dahil nabura ang footage ng cctv kung saan nahuli akong sinaksak ang dalawang dayuhan , ay naging mas angat ang pabor ko.

Pero kahit tapos na, gusto kung humingi pa rin ng tawad sa napatay kung mga Indian dahil hindi ko sinsadya ang nangyari sa kanila, at kung sino man sila at nasaan na sila ngayon. Sana mapatawad nila ako ganun din sa kasama nilang pinutulan ko ng kamay na kasalukuyang wala na dito sa bansa.

"Where is Aki?", Tanong ko sa kanila. Kasama lang namin siya kahapon ah.

"Pinapunta naman sa Korea. Akala niya ah haha", sabi naman ni Max. Nalaman ko lang kasi na gusto ng pamilya ni Max na makilala ang step brother niya at ganito ang set up ng dalawang magkakapatid. Ang bisitahin ang pamilya ng isa't isa. I will definitely miss him, who wouldn't. And dami pala niyang echos sa buhay eh, mapa-lovelife and friendship. Buti nga lang nagkabutihan sila ni Giovanni dahil nagkataong pareho na naman silang med student. Si Giovanni kasi gustong maging physcologist gaya ng kaniyang ina at pumasok rin sa med school na pinapasukan namin.

Hindi nga halata yun nung nasa sr.high kami.

Life is full of shits talaga, nakaka-surprise.

____

____

Masayang nagkwekwentuhan ang lahat sa maliit naming bahay at masaya rin ako sobrang saya.

"Nay pasensya na po sa mga kaibigan ko, ang iingay. Nakakahiya na nga po sa mga kapitbahay", sabi ko kay Mama habang nagluluto siya ng pulutan.

Ewan ko rin kay mama, gusto daw niyang maki-pagbonding sa mga kaibigan ko dahil lubos ang pagsasalamat niya kaya nga nagluluto ng dinuguan. Effort talaga pero ang weird niya.

"Naalala ko tuloy ang kwento ng lolo ko nung bata pa ako", sabi niya sa akin.

"Ano po yun?", sabi ko.

"Mga anghel daw ang tumulong sa lolo mo noon dinukot siya ng mga masasamang tao upang gawing alipin. Dun niya nakilala ang mga anghel, ang mga anghel na masasabi niyang kaibigan sa kabila ng kanilang itsura at kakayahang hindi pan-ordinaryo. Ayun tuloy naiimagine ko na nakikita ko ngayon ang kwento ng lolo ko, na ang mga kaibigan mo anak ay mga anghel na naipagkaloob sa'yo. "

Napalunok ako. Gusto kong malaman.

"Paano po niyo nasabi na kagaya ng mga kaibigan ko ang mga anghel na kinwento sayo ng lolo?"

"Ewan ko ba anak. Nasobrahan ata ako ng imported na inuming na pinainom niyo sa akin. Kanina nga nakita kong may pakpak ang isa sa mga kaibigan mo, yung lalaking palabiro. Miko ata pangalan nun. Tapos yung babaeng si Elamore, hindi ko alam kung normal yung nakita kong buhok niya. Pati yung gwapong lalaking ayaw uminom ng alak, may pulang mata. Hindi ko talaga alam. Hahaha, siguro epekto ito ng mga mamahaling alak. Ang lakas ng tama, 'nak", Tila nalaglag ng literal ang aking panga sa narinig kay Mama.

Napalunok ako.

"Anak, bakit nagcostume ang mga kaibigan mo ngayong gabi?", sabi ni naman ni Papa na kakapasok lang sa kusina. Pasuray suray pa ito. Lasing na lasing. Halos ba naman lahat ng alak tinikman niya... tinungga pala.

"Tita!.. ang bango ah, anong pulutan?", bungad ni Miko na dumating rin sa kusina.

Halatang lasing na ito dahil pareho lang sila ni Ama na anytime babagsak na sa sahig.

"Sabi na nga eh. Ang lakas ng tama ng alak. May pakpak oh", sabi ni Mama at tinuro pa si Miko na nakalabas nga ang Asterix suguro hindi niya nakontrol dahil nawalan ng ulirat.

"An-ong sina-sabi mo diyan ma-hal. I-kaw i-h-oo, tang-galin mo nga yang su-ot mong kung a-no sa mata, na-kakasi-lawww", sabi ni itay ng makita ang mata ni Miko na iba ang kulay.

"Ah.. hehe, Sa wakas nga lumabas ang totoo kung pakpak", sabi ni Miko na wala sa sarili at lumutang pa sa ere.

Agad ko siyang nilapitan.

"Itago mo nga yan, gusto mo bang mabaliw ang mga magulang ko"(Japanese), sabi ko sa kaniya.

Alam ko ang ibig niyang sabihing totoo niyang pakpak, hindi ito invisible sa mata ng mga tao ngayon lalo na't naka full display ibig sabihin, hindi control ni Miko ang kapangyarihan niya ngayon.

Naku lagot na.

Ang Asterix kasi kayang maging visible at invisible depende sa may-ari, sa akin, permanenteng sa mga mata ng mga pyschomutants lang visible ang Asterix ko, pero si Miko hindi. Each body has different reactions and we don't have the same genetic mutation to conceal our power kaya ganito na lamang ang nakikita niyo kay Miko.

"Ah", ungol ni Miko.

Biglang pumasok si Elamore sa kusina at nabangga si Miko. Bumagsak si Miko sa sahig at tila tulog agad.

Napasinghap at muntik na akong sumigaw sa nakitang itsura ni Elamore. Sabog ang buhok nito pero umiilaw. Iba na rin ngayon ang kaniyang kulay mata, simbolo ng kaniyang mutation na kayang magprovide ng kuryente kung brown out.

Namumungay rin ang mga mata.

"Where is the food?", sabi niya at parang taong grasyang pumunta sa ref at humalungkat ng kung ano. Hindi siya pinakialaman ni Papa dahil umalis sa kusina na pagewang gewang ang lakad. Pati na si Mama ay walang paki dahil tinuloy ang pagluluto na tumatawa pa.

"Ang lakas talaga ng tama ng mga alak na binili ng mga kaibigan mo. Kaya siguro binibili yun ng mga mayayaman dahil iba ang dating, para ka nalang nasa ibang mundo dahil mga iba't ibang nilalang ang nakikita mo", she said.

"Ma... matulog na lang po kayo. Ako nalang po ang aasikaso sa mga kaibigan ko. Mukhang natamaan talaga kayo ah", sabi ko sa kaniya.

MAbuti nalang at hindi ako uminom ng marami.

"O sha", sabi ni mama at inalis ang apron.

Sinundan ko muna siyang makalabas sa kusina, baka kasi matumba rin gaya ni Miko. Malakas nga ang tama diba.

"HAla! Anak ng! Isa ka bang shokoy!", sigaw ni Mama ng masalubong namin si Dao Ji.

"Dao Ji! Diba sabi ko,huwag mong aalisin ang jacket mo!"(Cantonese), sabi ko sa bata dahil kitang kita ngayon ang mga kaliskis niyang kumikinang kinang.

"Ang init po ate, Sorry po",(Cantonese)

"Sabi ko sa'yo huwag ka ng sumama. Pumunta ka nalang sa kuwarto ko at matulog."(Cantonese), sabi ko ulit sa kaniya.

"Gusto kitang tulungang maglinis sa kalat"(Cantonese), sabi pa niya.

Hay bata ka.

"Kaya ko na 'to__"

Naputol ang sasabihin ko.

"Totoo ba to anak, kinakusap mo na naman ng ibang lenggwahe ang isang nilalang na ito? Aba, kailangan ka pa marunong magsalita ng iba't ibang lenggwahe?", sabi ni inay

"Kung ano anong nakikita't naririnig niyo nay ah. Lakas talaga ng tama niyo. Tara nalang sa kuwarto niyo", sabi ko kay Mama at pumanhik kami sa taas pero bago pa yun.

"Stellar! Yung niluluto mo nakikita ko atang nasusunog!", sigaw naman ni Max. Awtomatiko kong inamoy ang paligid.

Shit!

KUmaripas ako ng takbo papunta sa kusina.

Yung tubig lang pala kumukulo.

Psh..

Nang-aasar ka ba Max?

Tss.

I closed the kettle at binalikan ang ina kong weirdo.

Nang puntaha ko siya papunta na siya sa sala kung saan nakalugmok ang sinasabi niyang mga anghel kung kaibigan na iba't iba ang kulay ng mata at itsura.

"Diyos ko!", wala sa oras akong lumapit kay Mama ng dinampot niya ang hawak ni Yuan na patalim.

"Bakit mo pa kasi nilabas!"(Korean), bulyaw ko kay Yuan na nakataas pa ang kilay.

"Siya ang kumuha", (Korean)wala sa sarili niyang sabi

"Nay ano ka ba! Hindi yan laruan. Akin na nga yan!", Sabi k okay mama at agad na inalis ang kamy niya sa bagay nay un.

"Crystal! Isang crystal. Napakaganda", sabi ni Mama na hindi pa rin inaalis ang mata sa crystal blade ni Yuan na unti nang hinihigop ng palad ni Yuan.

"Wala bang signal?", biglang sabi ni mama na nakatuon naman ngayon kay Max na lumilitaw at nawawala malapit sa tv. Para lang siyang namamatay na bombilyang kumukurap.

Napatingin ako sa sahig kung saan nakalapag ang ilang karton kung saan nakalagay ang imported na mga alak galing sa France, Japan, Korea at Italya na dinala ng mga kaibigan ko dito. Hindi ko ito masisi kundi ang mga nagdala sa mga ito.

"Iha.. Halika dito", sabi ni Mama ng makita na naman si Elamore na kinakain ang spaghetting gamit ang kaniyang kamay.

Napaka-dungis niyang tingnan.

AHHH ANong nangyayari!

"MAgsuklay ka nga. Kababae mong tao!", Sabi ni Mama at aakmang lalapitan ang naging taong grasya kung kaibigan. Kulot pa naman si Elamore, sabog pa ang buhok, literal na nakatayo ang mga ito eh.

Bago pa tuluyang puntahan ni Mama si Elamore at susuklayin ang nangunguryente nitong buhok, bumunot ako ng ilang hibla ng buhok ko at tinurok sa batok ni Mama para mawalan ng malay.

"Seriously guys!!!! Gusto niyo naman atang sampahan ko kayo ng public disturbance at trespassing! Wala na nga akong kaso parang ako naman ang magdedemanda. GET OUT!!! ", hindi ko napigilan ang inis sa kanila.

Akala ko celebration to para sa akin dahil nakalaya na ako sa mata ng batas. Parang ito ata ang araw na gagawa talaga ako ng totoong kaso kahit sa mga kaibigan ko pa.

"PWede ba!! Tingnan niyo nga ang kalat niyo! Hindi man lang kayo nahiya sa may bahay? ARGHH!! Ginawa niyo pang haunted house ang bahay namin!.. AISH!"

Hindi ko sila pinakialaman kanina dahil natouch ako sa surprise nila at nakapunta pa sila lahat dito pero nung nilabas nila ang mga dala nilang mga inumin at nagsimula ng mag-ingay. Nagtimpi lang talaga ako, pero..

Shit lang pre.. gusto kung kumalma, pero para na akong hoarder ng basura at mga animal..

"Ate, sino ang mga yan?", Lumingon ako sa may hagdan at nakita si Megan na nakadungaw.

Ay bwisit! Nakalimutan kong may kapatid pa ako.

"Hi.. Show me your Sisters room. I will sleep there", Biglang umakyat si Dao Ji at nilapitan ang kapatid ko na biglang nahimatay at kung hindi pa ako nakapunta sa kinaroroonan niya ay hindi ko siya nasalo at nabagok pa.

"Dao Ji! Uminom ka rin ba? Tinakot mo ag kapatid ko!",(Cantonese), singhal ko sa kaniya. Kung ako nga, natakot sa itim niyang mga mata. Ang kapatid ko pa kaya na walang kaalam alam na may ganito talagang tao, mga hindi ordinaryo MY ASS!!!!

"Parang awa mo na Dao Ji, Huwag ka ng sumali sa kanila. Sumasakit na ang ulo ko. Okay ,yung unang kwarto diyan sa taas ang kwarto ko. PLs. Pumunta ka na don at matulog. ", sabi k okay Dao ji.

Im trying to be calm dahil ayaw kong pumatol sa bata.

"Yuan... papayag akong liligawan mo ako kung... malinis mo ang kalat diyan. LAHAT ng nakakalat", sigaw ko na alam kung nadinig ni Yuan.

SIya lang ang kasama kung matino dito sa bahay at sana gawin niya.

Binuhat ko ang kapatid ko at pinunta sa kaniyang kuwarto.

Sinara ko ang kaniyang pinto.

"Okay kalma lang.. Whew,.... BWISIT!!"

Napatampal ako sa noo ko.

Ayaw ko.

Pagod na ako ng sobra pa, sa gabing ITO!

Ayaw ko na talaga. Tapos na ito.

Gusto ko ng matulog ng maayos bago ko pa talaga isa-isahing ipakain ang mga kaibigan ko sa mga psyche-visceral na nanatili pa rin sa naisalba naming facilidad sa Midway.

Aish, ayaw kung bumababa dahil puro kalat lang naman ang madadatnan ko, napilitan pa akong magpaligaw para lang malinisan ang bahay namin.

Pasensyanahan na tayo pero epilogue na 'to the end pa.... AYAW KO NA Maganda na ang usad ng buhay ko eh, ginulo lang ng mga bwisit kung mga kaibigan ang bahay namin.

Hindi ba nila alam na kakarenovate lang 'to?

MGA BWISIT!

AISH!

Buhay ko nga naman.