______
______
______
"Kailan daw babalik si Aleng Conchita?", tanong ni papa kay Blake habang nag-aagahan kaming apat nina Kim.
"Hindi ko po alam tito, pero sinabi niyang tatlong araw lang daw siya sa siyudad", simpleng sabi ni Blake kay itay.
Hindi na ako nakinig sa kanilang usapan dahil natapos ko naman agad ang pagkain ko.
I was thinking if magso-sorry ako kay Blake. Para kasing tahimik siya ngayon at naninibago naman ako dun.
He used to tease me even in front of my parents or his. Nakakamiss ata ang mga panahon na mga yun.
Hindi ako makatulog kakaisip sa kaniya kahit katabi ko lang siya ng kwarto. Iniisip ko rin kung ba't naman ako magsosorry, as far as i know wala naman ata akong kasalanan. Kung tungkol naman sa nangyari kahapon na sinabihan pa niya akong bastos sa kausap niyang babae, nagsorry naman agad ako. So tell me, ano bang dahilan para magsorry ako?
"Okay", buntong hininga ko and tried to pull the sleeping dreams.
I think 10 minutes na ang lumipas, ... see, di talaga akoang makatulog, nabilang ko pa nga kung ilang minuto ng gising ang diwa ko.
"Kainis ka Blake", bulong ko before going out my room.
Nakakailang katok na ako sa pintuan na natutulugan ni Blake. Nawawalan nana ako ng lakas ng loob na humingi ng tawad sa kanya pero wala pa rin akong naririnig na pagswitch man lang ng ilaw sa loob.
Oh my gosh Blake, baka mapapagalitan ako ng papa ko nito. Hindi naman siya maaring tulog kasi 8:30 pa lang.
"Ate, anong ginagawa mo diyan?", bigla akong nanlamig dahil sa gulat.
"BWISIT KA! Huwag ka ngang bigla-biglang nagsasalita sa likuran ko!", suway ko kay Kim.
"Ikaw kasi para kang ewan. Nasa baba naman si Kuya Blake ,kasam si Papa na nanonood ng madugong labanan.", sabi ni Kim bago pumasom sa kwarto naming dalawa.
"Ha", nakakailang buntong hininga na ako ngayon. Naku naman, tsk..
Totally, nawalan na ang lakas ng loob kong magsorry sa lalaking yun kung kasama niya ang Itay.
Bumababa pa rin ako ,total hindi ako makatulog.
Nadatnan ko sina Papa at Blake na nanonood nga ng madugong labanan na sabi ni Kim. Ang UFC, sakto namang Team Lakay ang lalaban kaya nakinood na ako.
Nakakapagpigil hininga ang labanan lalo na ng biglang sinuntok ng kalaban ang fighter ng Team Lakay.
Hohoho, kawawa ito pero nakalaban naman sa next round.
Go go , team Lakay!, pagcheer ng isipan ko ng bigla niya itong henead lock ang kalaban..
"YAHOO!!! Yan ang PINOY!", malakas kong bigkas kasama ang pagturo sa screen ng t.v namin ng nag give up ang kalaban dahil sa ginawang head lock sa kanya.
Tatayo na sana ako at pumalakpak ng maianunsong panalo ang Pinoy pero daglian akong nakaramdam ng hiya ng matantong may kasama pala ako.
Yikes!
Dali-dali akong tumayo at dumiretso na sa kuwarto.
"Ano ba yan!", umiiling kong turan.
Ba't nakaramdam ata ako ngayon ng hiya kay Blake.
Naku naman ang loko! Baka bukas pagtatawanan ako nun!
Alam ko na, isa siyang BIPOLAR! Baka ngayong gabi lang siya tahimik kuno, tapos bukas pangalawa aasarin naman ako niyan..
Che!! Para sa loko. Makatulog na nga, kung ano anong pinaggagawa ng presenya ng Blake na yan sa sistema ko.
Kinaumagahan.....
"Nakita mo ba si Blake?", tanong ko kay Kim na naglalaro ng putik sa likod ng bahay.
Umiling siya bilang sagot kaya't umalis ako agad.
"Hoy!", tawag ko sa babaeng papasok sa gate nina Blake.
Matangkad ito, morena, at mukhang may lahing español. Naningkit bigla ang mata ko, bakit may ganitong female specie na nandito?
"Are you the neighbor of Blake?", malunay niyang sabi.
Nakakainggit ang voice niya ha, ang flawless.
"Yes.. why?", tanong ko naman.
"Nandito ba siya?", tanong niya ulit.
Marunong palang managalog eh. Pero ano 'to question and answer portion?
"Hinahanap ko nga rin eh, baka kung saan naman nagpunta.. Nga pala, sino po ba kayo?", saad ko.
Dun naman nawala amg kaniyang ngiti.
"Im his fiancee. Actually, her dad told me tha he is here. Kaya napunta ako dito to visit him", confident niyang sabi. At nag stand straight pa, yung parang ipinagmamalaki ang katangkaran.
Kung totoo ngang fiancee niya ito, maaring isa lamg arrange marriage. Pero weh?
Oh really Ah...
"Wait lang", pumasok na ako sa gate nina Blake at nilock ito sa loob. Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata ng babae sa ginawa ko.
Haha,hindi niya siguro ineexpect yun.
Pero nasaan ang Blake na yun? Ang childish na may asawa pala... Haha tatawanan ko nga muna yun bago ihaharap sa fiancee niya kuno.
"BAKLA!!", tawag ko sa labas ng pinto habang pinipindot ang kanilang doorbell.
"BLAKE! Buksan mo 'to! Aalis alis ka sa bahay ng walang pasabi! Ano ng gagawin ko pag may nangyari sa'yo ,ha!!"
What?
Bigla kong tinakpan ang bibig ko dahil sa nonsense na lumabas dito.
Dahan dahan kong nilingon ang babaeng nasa labas ng gate na ngayo'y nakapasok na habang titig na titig sa akin. Parang galit na galit.. opps... I didn't mean that.
Inalis ko ang kamay kong nakatakip sa bibig ko at hindi nagpahalata.
Pumindot ako ng pangalawang beses hanggang sa lumabas si Blake at naka-half naked pa!!
Gosh, saan ang mas gwapong tingnan ang matatag at matigas na .. ahm.. shocks.
Oh my gosh!! May tinatago pala itong 6 packs... hmm...
Si Blake lang 'to kaya no way na mahihiya ulit ako.
"Alam mo! Nakakaasar ka talaga! Ni hindi ako nakapagshampoo ,nambulabog ka agad!"
Gigil na sabi ni Blake sa akin. Hindi man lang niya napansin ang asawa niyang nasa likod.
"Aray ko!, BITAW.. nga pala hehe.. may aaminin ako sa'yo", hinawakan ko ang kamay niya at inalis sa pisngi ko. Ang sakit mangurot eh. Tinaasan niya ako ng kilay ng sinabi kong may aaminin ako sa kaniya. Mukhang interesado .
"Ba't mas guwapo 'to?", sabi ko at mahina kong sinuntok ang kaniyang abs.
"Kesa dito?", pinitik ko naman ang kaniyang noo saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Saan banda ng kagwapuhan ang gumayuma sa bisita mo?", tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbaling ng kaniyang leeg sa likuran kung saan nakatayo ang kaniyang bisita.
"Patricia?", mahinang turan ni Blake.
"Morning hon", nanlaki ang mata ko sa narinig na pagbati ng babae kay Blake. Nakangiti pa ito na tila nagpapacute. Hindi ba niya alam na laos na ang pabebe?
"Papasok na ako Blake. Titingnan ko lang ang ref niyo", monotonous kong sabi. Umalis na ako sa harap niya.
"PILAY KA!?", natigil ako sa paglalakad dahil sa malakas na boses ng fiancee kuno ni Blake..
Napalingon ako dito.
"Yeah", simpleng saad ni Blake at tinaas ang tungkodbniya bago ako nilingon.
"Cylin, pakikuha ako ng damit", sabi niya sa akin. Tumango naman ako dahil mukha seryoso na ang dalawa sa muli nilang pagkikita.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang dalawa na magkalayo ng inuupuang sofa sa may sala.
"Oh", binigay ko agad ang damit ni Blake ng makalapit ako sa kanila.
"Gusto niyo ba ng snacks?", tanong ko sa dalawa.
"Yes, please", nakangiting saad ng dalaga. Tiningnan ko naman si Blake.
"Ano?", mahinang sambit ko sa kaniya dahil pinapalapit niya ako.
Lumapit naman ako dito.
"Huwag mong ihahanda ang ice cream at nachos. Huwag mo ring uubusin yun. Maghanda ka lang ng kape and preheat the egg sandwiches", bulong ni Blake sa akin.
Gusto ko mang sabihin na hindi niya ako yaya ,nakakahiya naman kong maging bastos ako sa harap ng bisita.
Baka mamaya sasabihin niya ulit na bastos ako.
_______
_______
_______