Ikaapat na Yugto

Nasa Pangasinan na kami ng mapagdesisyonan nilang maghanap ng hotel na matutulugan. Mukhang lahat sila pagod kahit sabihing humulas na ang epekto ng alak na nainom nila. May kanya kanya din silang reklamo sa pananakit ng katawan nila. Si Kuya Bass may pasa sa may panga, samantalang si Josh at Cash nananakit daw ang kamao dahil sa ilang suntok na pinadapo sa mga kasama ng Mayor na iyon. Pero mukhang mas malala ang kay Killer bukod sa putok ang labi nito ay nag kukulay ube din ang paligid ng mata nito at panay himas sa kalamnan nya. Si Kuya Sam lang ata ang di nasaktan sa kanila, siguro dahil umalis sya dun para hanapin ako.

"Kuya, akala ko po ba hotel ang matutulugan natin?"pumasok ang sinasakyan namin sa SOGO.

"Kailangan nating magtipid Yela. Tsaka hindi sa lahat ng oras may panghotel ka."pag e-explain nito. "Tsaka kasama mo naman kami ngayon, wala kang dapat na ipag alala."

"Survival 101. Mag take note ka Princess."halos bulong na sabi ni Killer na di ko napansing nasa tabi ko na pala.

"Magdala ka ng kakailanganin lang Yela, iwanan mo yong iba jan sa sasakyan."anang si Kuya Sam na tinutukoy ay mga personal na gagamitin ko.

Kanya kanya na kaming buhat ng bag namin bago tumungo sa lobby ng motel.

"O tag tatlo sa kwarto, kasama ko si kambal."binato ni Cash ang isang susi kay Kuya. "Sinong sasama sa amin?"

"Ako na."nagpatiuna na agad si Kuya Sam kasunod ang kambal.

"Kukunan kita ng isa pang kwarto."akmang pupunta si kuya Bass sa front desk ng pigilan ko sya.

"Okay lang po kuya, kailangan nating magtipid."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Killer mula sa kaliwa ko. "Over protective."anito kay Kuya Bass.

Pinandilatan ito ng pinsan. "Behave Killer."

"Whatever man."sagot nito na nagpatiuna na tinungo ang elevator.

LATER …

"Ako na." inagaw ni Kuya Bass ang cold compress na hawak ko. "Useless na din naman ata to, mukhang magtutuloy tuloy ang pamamaga ng mukha ko bukas."

Inabot ko ang pain reliever at antibiotic na nakabalot sa backpack ko. "mas mainam pa din na uminom kayo ng gamot para hindi maimpeksyon."

Kasalukuyang naghahanda kaming matulog ng maisipan kong gamutin ang sugat nito.

"Salamat Yela, sana hindi ka nagsisisi sa pagsama sa amin."

Umiling ako. "It was fun."

"Delikado yon."anito.

Napangiti lang ako sa sinabi nito. Its true kung babalikan ko man ang nangyari kanina wala akong pinagsisihan. "ah.. teka si Killer."

"tulog na. Hayaan mo sya, matanda na yan."

Prente na ngang nakahiga si Killer at natutulog sa kama nila ni Kuya Bass, hindi manlang ito nakapagtoothbrush o di kaya nakapagbihis. Napangiwi naman ako sa isiping iyon.

"Kuya, pwedi ko ba yang gisingin?"sabi ko sabay turo kay Killer.

Napataas ang kilay ng pinsan ko sa naging turan ko. "Bakit?"

"Kailangan nyang magbihis o magtoothbrush manlang."

Natawa ito sa sinabi ko. "No shit Yela you can't do that, he will strangle you to death. Tita did not told me na may pagka OC ka."

Alangan akong napangiti. "Nasanay lang po. Sige po, banyo lang po ako. Mauna na kayong matulog."

Umiling iling ito at tinungo ang bakanteng higaan sa tabi ni Killer.

"ah.. Kuya.."

"No Yela, I'm too tired to clean myself right now. A liitle bacteria wont hurt me."anitong parang alam na ang sasabihin ko.

Alangan akong napangiti. "Goodnight po Kuya."

Umungol lang ito at hindi na umimik. Tinungo ko naman ang banyo at nagtimpla ng tubig sa bath tub. I deserve this, hindi ko ata kayang matulog ng hindi nakakapaglinis ngkatawan. Kaya siguro namamahay ako sa bahay ni Angelica kanina at hindi manlang nakaidlip.

Nakahinga ako ng maluwag ng makapaglunoy ako sa bath tub. Sakto lang ang timpla ng tubig at mabango ang amoy ng liquid soap na inilagay ko. Di ko tuloy naiwasang namnamin ang ginhawang dulot non dahilan para unti-unting hilahin ako ng antok.

"No Shit Yela, what the hell are you doing?!"

Agad akong napamulat ng marinig ang galit na tinig na iyon.

"Killer."halos bulong na sabi ko ng mamulatan ito at marealize na nasa bath tub pa din ako.

"Sirena ka ba? Bat dyan ka natutulog?"may himig ng galit sa boses nito.

"sorry po."akma akong babangon ng bigla nitong isara ang shower curtain. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto.

Dalidali naman akong naligo at nagbihis. Medyo nilalamig na nga ako, gaano ako katagal nababad sa tubig?

Nang makalabas ako ng banyo ay wala na si Killer sa loob ng kwarto. Napakagat ako ng labi. Galit ba sya?

Hinagilap ko ang cellphone ko at hinanap sa phonebook ang pangalan nito at agad nagtipa dun.

(Killer, sorry, hindi ko alam na babangon ka para gumamit ng banyo.)

Ilang minuto din ang lumipas bago ko narinig ang pag beep ng cp ko.

(Go to sleep Yela.)tanging reply nito.

(Okay. Sorry talaga.) reply ko.

(fine. Basta wag mo lang mabanggit sa pinsan mo.)

(Okay po. Goodnight.) Nakahinga ako ng maluwag sa naging reply nito. Sa tingin ko ay makakatulog na ako ng maayos neto.

KINAUMAGAHAN …

"Yela, wake up. We got to go in 5minutes." Anang boses ng kung sino mang nanggigising sa akin. Umingos ako. "Hey princess pagsisihan mo kung hindi ka pa babangon jan."

Para akong nananaghinip na may bumuhat sa akin at dinala ako sa kung saan. Napahiyaw ako ng may malamig na tubig na bumuhos ka katawan ko.

"WHAT MAMA!"nandilat ang mata ko at nakakalokong ngiti ni Killer ang nabungaran ko. Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko, ang guwapo nya pala pag nakangiti.

"Shit man, you got her wet."nalingonan ko si Josh na nakasilip sa pinto.

"That wake her up, Mamas girl."Anang si killer na pinatay ang shower at iniwan ako.

Hindi naman ako nakahuma kaagad.

Minutes later…

"Goodmorning po."bati ko ng masumpongan ko ang mga kasama paglabas ng hotel.

Nang-aasar na ngiti ang binigay sa akin ni Cash ng buksan ko ang pintuan ng mini van, na ikinasimangot ko. Andoon na silang lahat at ako lang talaga ang hinihintay.

"Marunong ka palang maasar Yela."tukso ni Josh.

"I don't bath with cold water in the morning."sagot ko. Tinignan ko si Killer, may nakakalokong ngiti ito sa labi. Tumawa naman si Cash.

"Did you prank her? What did they do to you Yela?"nilingon kami ni Kuya mula kinauupuan nito sa front seat.

"They thrown me in the cold shower."sumbong ko rito.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Sam na kasalukuyang nakaupo sa driver seat at hinihipan ang cup noodles na kinakain.

"Si Killer lang princess. Wala akong alam dyan."depensa ni Josh..

"Wala namang problema, I think she likes water very much."anang si Killer na parang sinasabi na nakapagbabad nga ako sa bath tub kagabi so having a cold shower in the morning is not a problem.

Inirapan ko sya. Inabot naman ni Cash ang isang cup noodles sa akin at binalaan akong mainit iyon.

"Wag mo ng asarin Killer, babae pinapatulan."anang si Kuya Bass na ikinangiti ko.

Nakita ko naman ang pag nguso ni Killer para syang bata.

Bago kami lumabas ng Pangasinan ay dumaan kami sa palengke at bumili ng mga bagay na kakailanganin namin. Groceries ang inuna ko at pinuno non ang bag ko, nag withdraw din ako ng extra cash.

Di na ako nagulat ng pag balik ko sa sasakyan ay may isang karton na gin doon, kagabi pa nila napag usapang bumili non. Baon daw sabi ni Josh, samantalang isang supot na junkfoods naman ang dala ni Cash at mga delata/cupnoodles kay Kuya Sam. Nagpa full tank naman ng sasakyan si Kuya Bass. Samantalang pumuntang clinic si Killer para ipalinis ang putok nyang labi. Heto nga naka sunglasses na sya pagbalik. Hindi ko maiwasang ma excite sa lakad namin. Ngayon lang ata nagsink in sa akin ang mga nangyayari sa paligid ko at sa pupwedi pang mangyari. One thing for sure, I'm into an Adventure with these boys.

"Naliligaw tayooo?!"

Napabangon ako kinauupuan ko ng marinig ang sigaw ng kung sino mang kasama namin sa sasakyan. Nakahinto ang sasakyan at madilim na sa labas. Nkakatulog ako sa biyahe.

"Josh are you for real?!"halos sigaw na sabi ni Kuya Sam.

"Sorry na, sinunod ko lang ang nasa Mapa."alangan na sabi nito sabay turo ang google map sa cellphone nito.

"Ganun naman pala, bakit parang naliligaw tayo?"anang katabi ko.

"mali pala ang nailagay ko sa google map. Ilocos Sur pala ang nailagay ko sa Mapa hindi Baguio."

"Holy Cow! Josh."bulalas ni Kuya Sam ulit.

Sabay namang napabunghalit ng tawa si Killer at Cash. Asar namang sinawata ang mga ito ni Kuya Bass. "Umalis ka nga jan sa driver seat."utos nito kapagkuwan.

"Sorry Boss, honest mistake." Hinging paumanhin ni Josh.

Napabuntonghininga lang ang dalawang nakakatanda. Halos puro puno lang ang naaaninag ko sa paligid. Hindi nga nakasemento ang kalsada na dinadaanan naming. Napatingin ako kay Josh. Hindi nya talaga napansin na wala na kami sa tamang dereksyon?

"So what now?"naitanong ko.

"walang signal dito."anang si Killer. "I guess it is best that we go back."

"Ah.. yon pa nga. Kasi.. naubosan na tayo ng gasolina."anang si Josh. Sabay namang napamura ang apat na lalaki.

Pagkatapos ng halos tatlumpong minutong sisihan at murahan ay napagkasunduan ng mga ito na mag stay nalang sa sasakyan, doon na din matulog buong gabi at alanganin na ang maghanap ng gasolinahan ngayon. Ayon sa relo ko ay alas otso na ng gabi at hindi pa kami nakakapag dinner. I guess lahat bumabawi ng tulog kaya inaasa kay Josh ang pagmamaneho, dahilan para mailagay kami sa sitwasyon na to.

"Nagsasawa na ako sa cupnoodles."reklamo ni Cash.

"Shut up Cash, kasalanan ng kambal mo ito."anang si Kuya Sam.

"But I'm not him."

"You're sharing the same genes."

"Whatever, as long as I'm not so dumb like him."

"Ouch.. Kambal how dare you. Isusumbong kita kay Mom."anang si Josh na parang nasaktan pa kuno.

"She'll agree with me I'm her favorite."sagot naman ng isa.

"Kids. Stop bickering, ang ingay nyo baka mapag deskitahan tayo dito."saway ni Kuya Bass sa dalawa.

"Kuya pwedi ba akong lumabas muna?"paalam ko sa kanila.

"Bakit?"sabay na tanong ng kambal.

"I need to pee, and brush my teeth."

"Halika samahan kita."anang si Kuya na ikinangiti ko.

Nang makababa ng sasakyan ay naglakad kami di kalayuan bago sinabi ni kuya na doon nalang ako umihi sa may damuhan.

"Tatalikod lang ako Yela, just tell me if youre done."

"Sige po."

"Yela, totoo bang wala kang kaibigan?" Pagkausap ni Kuya sa akin while I'm doing my business.

"Meron po, I have friends in social media."

"I mean yong nakakahang out mo."

"Ahmm.. wala po." Sinimulan ko ang pagsesepilyo.

"Nagkaboyfriend ka na?"

"Hindi pa po. But I have a lot of crushes."

"Do you realize that you're 23 na right? And it's not normal not having friends and boyfriends at that age. Not unless kung gusto mong mag madre."

"Pinag iisipan ko po."

"Seriously?!"agad itong napalingon sa gawi ko. Buti nalang tapos na ako.

Tumango ako sa sinabi nya.

"Hindi ko pa nasasabi kina Mama pero pakiramdam ko mas nababagay ako sa kumbento. I don't think I'm normal."

"No Yela. That's not true."

"Okay lang Kuya. I'm happy with my life, its just that I don't really know what I want right now."

"Wala ka bang gustong gawin sa buhay mo?"

Napaisip ako sa naging tanong nito. "hmmm.. I want to be like Mama, gusto kong mag alaga ng mga bata."masiglang sabi ko.

He chuckled at ginulo ang buhok ko. "Yon naman pala e, wag ka munang pumasok sa kumbento malay mo dumating ang lalaking nakatadhana sayo."

Napangiti ako ng malapad. "I'm gonna welcome him with an open arms that's for sure."

"Oo, basta wag lang sa mga kaibigan ko."seryosong abi nito.

Napatango naman ako sa sinabi nya. Mga nakatatandang kapatid lang din ang turing ko sa kanila.

"He needs to go through me first."nakangiting sabi nito. "Halika na nga, balik na tayo."ginulo nya ang buhok ko at giniya ako pabalik sa sasakyan.

"Josh, ang siba mo!"sigaw ni Cash ang nabungaran namin ng buksan ni Kuya Bass ang pinto ng mini van.

"Bass, tagay."aya ni Josh kay Kuya Bass.

Nailing lang ang huli. "Wag sobra."

Inabutan ako ng blanket at neck pillow ni Killer. "Go to sleep princess."

Kinunutan ko sya ng noo. "I want to drink more."

"NO!" sabay sabay na sabi ng mga ito.

"Please Kuya Bass."pacute kong sabi kay Kuya. Nanlaki lang ang mata ng pinsan ko.

"How cute."komento naman ni Josh.

"Let her Bass."anang si Kuya Sam.

"Fine. Drink moderately Yela."

Hours later..

"Tangna, Josh tigilan mo ang pagbibigay ng alak kay Yela!"sawata ni Kua Bass sa kambal na nag abot ng baso sa akin.

"Bass, tignan mo o, tao pa ba yang pinsan mo? Bagsak na si Cash at Sam, sya nanghihingi pa din ng inumin."anang isa na namumungay na ang mata..

Ngumiti ako ng nakakaloko kay Josh. "tubig naman kasi ang binibigay mo sa akin."duda talaga ako na pinag t-tripan ako nitong mga kasama ko, may mga pagkakataon na iba talaga ang lasa ng inumin na binibigay nila sa akin.

Iniaabot nya ang bote ng gin sa akin. "O sayo na, bahala na nga kayo. Matutulog na ako."anito na iniinat ang binti at tinalikdan kami ni Killer. Since kami lang naman ang nasa likuran at nasa unahan si Kuya Bass.

"Tama na yan Yela its 2am already we need to rest."saway ni Kuya sa akin.

"Pero Kuya."

"No princess."anang si Killer na inagaw ang boteng hawak ko. "sleep."

"I don't feel like sleeping right now."apela ko.

Pinatay ni Kuya Bass ang ilaw sa loob ng sasakyan. "Good night Yela."

Madilim ang paligid ko at medyo nahihilo na din ako. Inabot ko ang blanket sa paanan ko at sumadig para ipikit ang mata ko. Subalit nakaramdam lang ako ng discomfort ng maramdamang naiihi na naman ako.

Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ko at binuksan ang ilaw non kasabay ang pagtutok non sa gawi ni Killer.

"What the hell Yela, Whats your problem?"asar itong napabangon.

" I need to pee."reklamo ko.

May kinapa ito sa tagiliran nya.

A plastic bottle bago inabot sa akin. "Pee in the bottle."anito.

"How the hell will I do that?"

Napamulat ito sa sinabi ko. "Did you just curse?"

"I did."proud na sabi ko.

"Nice. Alak lang pala ang kailangan mo."

"I need to pee." Ulit ko.

"Lumabas ka."

"I'm scared."

"Wake somebody else."

"Isusumbong kita kay Kuya."banta ko sa kanya.

Magkasunod na nagmura ito. "Fine. Sasamahan kita."

Nahirapan pa kaming makalabas sa sasakyan, kasi nakaharang ang binti ni Cash sa may pinto. Umungol ito na parang nasaktan ng tabigin ni Killer ang binti nito. Napakapit naman ako sa sasakyan, mukhang umeepekto na yata ang ininom ko kasi kasi nakakaramdam na ako ng hilo.

"Killer, I feel dizzy."

"Stop moving. Just pee there."anitong lumayo ng kaunti,  kung hindi ako nagkakamali umihi din ito kasi narining ko ang tunog ng umaagos na likido.

"You're disgusting."komento ko.

"Ang ingay nyo."lasing na sabi ng kung sino man mula sa loob ng sasakyan.

"Sshh… let's go."inakay ako ni Killer palayo sa sasakyan.

"Killer your hand.."nandiri ako ng maisip na hindi manlang ito nakapaghugas pagkatapos nyang gawin ang "business" nya at nakahawak ito ngayon sa kamay ko.

"Stop complaining princess."Nakasampung hakbang kami mula sa sasakyan ng huminto ito. " Now do your business here."

Na ginawa ko naman. Nakahinga ako ng maluwag. "Killer, magugustohan mo ba ako?"

Narinig ko ang mahinang pag ubo nito. "Hindi ako pumapatol sa minor."

"I'm 23."

"Saan papunta to? Hindi ka pa ba tapos jan?"

"I'm brushing my teeth. Hindi mo sinagot ang tanong ko. Magugustohan mo ba ako?"

"And why not?"

"Dahil walang dereksyon ang buhay ko. I'm 23 at wala pa akong naaaccomplish sa buhay. I feel awkward all the time.".

"Late bloomer ka lang."

"Gusto kong maranasang maging normal."

"You are. Sa ating anim ikaw lang ang totoong normal."

Napangiti ako sa sinabi nya. Tapos na akong mag toothbrush at kasalukuyang pinagmamasdan ang nakatalikod na si Killer.

"Impossible din namang magustohan kita."

Bigla itong humarap sa akin. May kadiliman ang parte na iyon subalit maliwanag ang buwan kaya naaninag ko ang mariing titig ni Killer.

"Hindi kita type."dagdag ko. "Hindi ka naliligo e, you don't brush your teeth before you go to sleep. Kuya Bass told me not to get a boyfriend from anyone of you and I strongly agree."

Tumawa ito, naemphasize tuloy ang maliit na dimples sa kaliwang pisngi nito. Naningkit din ang mga mata nya na bumagay sa matangos nyang ilong. Killer is really handsome.

"At anong type mong lalaki? If you don't mind me asking princess?"

"Yong mga hindi katulad mo. Basta hindi Killer."

Natawa ito sa sinabi ko. "Noted there princess. Maybe I should change my name baka magustohan mo ako."

Napanguso ako sa sinabi nya. He never take me seriously. "pag marunong ka na ng personal hygiene."

"Stop pouting. Lets go, its getting dangerous here."anito na nagpatiuna sa paglalakad.

Agad naman akong humabol at agad napakapit sa damit nya. "You're scaring me."sabi ko.

Inabot nya ang bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya. "Such a baby."

Nagustohan ko ang init na hatid ng pagkakayakap ni Killer sa akin. Hanggang makabalik nga kami sa loob ng sasakya ay hindi ko parin sya tinantanan.

"Yela, stop it. Your being a maniac." Halos bulong na saway ni Killer. Nagsumiksik pa din ako sa tagiliran nya. "Mapapatay ako ni Bass."

"No malice. I just like warm hug."I quoted Olaf in Frozen. Naramdaman ko ang paninigas nito ng bumalik ulit ako sa pagkakayakap sa kanya. Malakas itong napabuntonghininga at hindi na ito umimik. And that's how my night end before I go to sound and nice sleep.

++++++++

Btw, XuKai in the cover. ^^

5-11-20 #29 virus