Kabanata 01

December 24, 2019

Maaga palang ay gising na si Eunice para pumasok sa trabaho. Dahil nagiisa nalang sya sa buhay kaya kaylangan nyang kumayod para may makain.

High school lang ang natapos nya at hindi na sya nakapag college pa dahil gipit sya at walang pambayad sa tuition. Kaya naman pag ka graduate ng high school ay nag hanap na sya ng trabaho.

Nakahanap naman sya ng trabaho sa isang cafe malapit sa apartment na inuupahan nya.

Binuksan nya ng mas maaga ang cafe na pinagtra trabahuan nya dahil disperas ng pasko. Siguradong maraming magdadagsaan na tao ngayon.

Nag simula na syang mag ayos sa loob,nag walis, nag punas, at nag lampaso. Cheneck rin nya ang stock kung marami pa iyon at kasya sa para sa araw na ito at kung may kaylangan syang iorder ng maaga.

Nag masigurado nya ayos na lahat, saktong pasok ng katrabaho nyang syang umaasikaso sa mga dessert na binebenta nila.

"Good morning" bati nito kay Eunice.

"Good morning"balik na bati ni Eunice dito.

Sya si Jhona mas matagal itong nag tra trabaho sa cafe kaysa kay Eunice. Tatlong taon din ang agwat ng edad nila pero kahit ganun naging matalik parin sila na mag kaibigan.

"Mukang paguran tayo ngayong araw ah!"sabi ni jhona pag kapasok na pagkasok.

"Muka nga"tugon lang ni Eunice.

"Hayss, siguraduhin lang ni boss na may dagdag tayong sweldo at damihan nya ang Christmas bonus natin."

Natawa nalang si Eunice sa pabulong bulong ni jhona, pero kahit ganun ay tuloy tuloy parin sya sa pag gawa ng trabaho nya.

"Anyway Eunice," tawag nito kay Eunice

"Hmm" tugon ni Eunice habang dinodoble check ang cashier.

"Buti pumayag kang pumasok ngayon. Hindi ka ba mag celebrate ng pasko"

"Hindi. Mahirap mag celebrate kung mag isa ka lang"

Napahinto si jhona sa ginagawa dahil sa sinabi nito.

Naalala nya ang istado sa buhay ni Eunice.

"Ay ganun, sama ka nalang sakin mamaya. Sabay tayong mag celebrate, mag isa lang din ako ngayon diba."

Alam ni jhona na hindi magugustuhan ni Eunice kapag nag sorry sya kaya naman hindi nya yun ginawa.

"Hindi na. Hindi ko kayang sabayan ang 'celebrate' mo" tangi ni eunice.

"Huy! Anong di kayang sabayan? Ganno kaba ka introvert at hindi mo kayang sabayan ang pag celebrate sa club. Inom inom lang tapos giling giling. Anong mahirap dun" sabi ni jhona kay eunice habang nakapa mewang ito.

"Kaya nga sinabi kong 'hindi na'"

"Hays, tignan mo tong babaeng to, napaka kj. Hahanap ako ng papa ko sa club mamaya tapos paiigitan kita kala mo lang"

Natawa si eunice dahil bumalik si jhona sa pa bulong bulong nya pero hindi katulad kanina patungkol na sakanya ang mga iyon.

Tumating narin ang partimer nilang kasama, ito ang nag waitress nila. Nag palitan lang sila ng bati na nag handa na ang waitress. Di nag dagal nag simula nang mag datingan ang mga tao kaya naging busy na silang tatlo.

Tumating ang tanghali ay mas dumami pa ang tao.

"Eunice"tawag ni jhona kay eunice.

Nilingon naman sya nito at tinignan ng patanong kung bakit.

"Lunch break muna ako"

Tinango lang ito ni eunice at bumalik ang atensyon sa mga costomer.

Alas dos na nang tanghali ng paunti ng paunti ang mga tao kaya nag karoon ng oras si eunice para kumain si jhona ang pumalit sa kanya sa cashier. Nauna na ring kumain ang partimer kasunod ni jhona kaya sya nalang ang kamakain mag isa.

Habang kumakain ramdam nya ang biglang pag yanig ng lupa.

"Eh?"

Hindi nya yun ganong binigyan ng pansin dahil sa tingin nya ay lindol lang yun.

Hindi naman kasi ganun kalakas kaya baka napadaang yanig lang.

Niligpit nya ang pinag kainan at palabas na sana sa staff room ng marinig nya ang sigawan.

Anong nangyayari?

Tanong nya sa sarili.

Dali dali nyang binuksan ang pinto at tila naubusan sya ng dugo dahil sa nakita.

Kalahati ng cafe ay wasak dahil sa malaking tipak ng bato kita rin ang mga bahagi ng katawan sa ibaba ng bato dahil sa mga taong nadaganan nito. At kalat ang dugo sa paligid.

"EUNICE! EUNICE!"

rinig nyang tawag sakanya. Inilibot nya ang ulo para hanapin ang nag tatawag.

Nakita nya si jhona sa likod ng cashier na nakaupo at nag tatago. Sinenyasan nya si eunice na lumapit at mag tago duon.

Walang pag dadalawang isip naman itong ginawa ni eunice. Hindi nya alam kung anong nag yayari pero alam nya hindi yun normal at ito ay delekado. Sinunod nya ang instinct nya at nag tago.

Habang nag tatago rinig nya ang iba't ibang klase ng sigaw.

Mga sigaw na takot, sakit,galit at iyak.

Ramdam nya ang mga takbuhan ng mga tao kahit di nya iyon tignan dahil sa pag vibrate ng lupa.

Ano bang nangyayari?

Naguguluhang tanong nya sa sarili.

At parang Bilang sagot sa tanong nya. Nakita nya ang isang malaking katawang tao pero mukang baboy ramo namakikita mo lang sa mga laro na dumaan kung saan sila nag tatago.

Napatakip sya ng bibig upang hindi nito marinig ang pag hinga niya.

Hinintay nyang makalangpas iyon bago nya inalis ang kamay sa bibig at huminga ng malalim.

"Anong- haa- ano ba talagang- haa- nangyayari?"