Henry POV
maraming nangyari ngayong araw na di maipaliwanag.
Flashback
Masayang masaya ako sa paglabas ko ng aking silid pagkatapos magbihis . Tapos ayon nakita ko si Maxin na may kinakausap na lalaki sa sala.
Bigla akong nakaramdam ng galit.
Basta ang feeling na ayaw mo siyang mapalapit sa iba.
Mas lalo akong nainis nong nagpapa pogi points yung lalaki.
Parang gusto ko siyang suntukin
Basta hindi ko na alam pinag gagawa ko .Ayaw ko mang sigawan si Maxin pero nagawa ko dahil sa selos na aking naramdaman.
Oo siguro nga nagseselos ako.
Hanggang sa napunta sa sigawan ang aming usapan.
Alam kong nabigla si Maxin sa mga ikinikilos ko.
Dahil sa ayaw kong mag away kami ng lalaki hinila ko na si Maxin patungo sa second floor ng bahay.
Doon pinagsisihan ko lahat na na sigawan siya kaya ang ginawa ko .Sinabi ko ang totoo na nagseselos ako dahil mahal ko .
Umiyak na rin ako sa pagkakataong iyon. Dahil alam Kong nasasaktan ko na ang damdmain ng taong mahal ko.
Kaya dahan dahan ko siyang nilapitan at hinalikan nong una ayaw pa niyang tugunan pero di kalaunan tinugunan niya rin.
Para kaming mag asawa na sabik na sabik sa isat isa.
Pero natigil yun nong parating si mama sa kinaroroonan namin.
Pagkatapos non para na kaming ano na natahimik.
In short naiilang na kami
Hahaha
End of flash back
Kinausap ako ni mama tungkol sa kasal.
Oo tama kayo , gusto ni mama na maikasal na ako as soon as possible.
Tinanong ko siya kung bakit parang nagmamadali ata.
At ang sagot niya kailangan daw ito para sa bagong CEO ng kompanya na ofcourse ako yun.
Wala akong fiance Kasi hindi naman ganon ang mga magulang ko.
Naisip ko tuloy bigla ang babaeng mahal na mahal ko.
Ang tomboy na palaging laman ng isip ko.
Kaya nagtapat ako Kay mama na meron akong gustong babae na mahal ko.
At masayang masaya siya dahil daw sa wakas natutu na akong magmahal.
Weird hindi ba ?
Tinanong niya kung sino iyon ,ayaw ko sanang sabihin pero ang kulit Kasi ni mama kaya napaamin din ako.
Sabi niya na pansin din naman daw niya.
Pinag usapan namin na huwag sasabihin ang tungkol sa kasal lalo at di pa naman kami ni Maxin.
Manliligaw pa lamang ako sa kanya.
And balak ko ligawan siya mamayang Gabi.
Kasi bukas na naman ang pasukan.
Maxin POV
Sa wakas natapos na ang mga niluluto naming putahi at ako ay nasimula ng maglakad sa mahabang hagdanan.
Nag iimagine tuloy ako pag nagkaanak na kaya ako tapos ganto kalawak ng bahay ng taong mapapangasawa ko.
May gushhhhh
Di ko ma imagine
Kay kukulit pa naman ng mga bata
Like me hahahahhaha
Para akong si Cinderella na hingal na hingal matapos malakad ang Kay haba habang hagdanan na iyon.
Naku !
Jusme patay kang bata ka
Nasa harap na ako ngayon ng pintuan ni ma'am .
Hushhh di pa ako sanay tawagin siyang tita.
At ofcourse mag toktok tayo para naman respect diba.
Tok!tok!tok ang sabi ng pintuan
Hahaha
"Pasok " Ang sagot nito
"Tita kain na po tayo" Ang sabi ko at nandoon din pala si Henry.
Di parin ako makatingin sa kanya ng ditetso
"Sige iha sunod na lang ako mamaya, iho samahan mo na siya sa pagbaba" bilin nito sa anak
"Sige mama mauna na kami" Ang paalam nito at tumayo na
hinawakan ulit ang kamay ko at alam niyo na hinila ako ulit
Henry niyo ngayon manghihila na
May gushhh
Pero okay lang din
Kinikilig si ako
Nakakahiya lang Kay tita , baka ano pa isipin non.
"Uyyy bitawan mo nga ako " Ang sabi ko sa kanya ng nakalabas na kami sa silid
"Ayuko ko nga" Ang ani niya at mas lalong hinawakan ang kamay ko
"Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sa kanya
"Nababaliw sa iyo" Sabi niya
May gushhh may pa hugot hugot ka pang nalalaman
"Kapal talaga ng face mo ano " pagsusungit ko sa kanya
"Mas makapal ang pagmamahal ko sayo" hugot niya ulit
"Hay Naku! talaga " Sabi ko at hinayaan na lamang siyang hilain ako
Diba bongga
Haba ng hair
"Uyyy bagalan mo naman para kang timang diyan" Sabi ko sa kanya
Ngumisi lang ito bilang tugon