Chapter 14: Judgments

"Wait a minute, Anong jowa? I think you misheard me." saad ni Scott na pati siya ay nagulat sa sinabi ni Patrick.

"Magpapakatotoo na ako, pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Patrick.

Bwakenang ina! Ito na naman Patrick gulo na naman! Parating ligaw nalang ang naiisip.

"Alam mo kasi patrick may asawa na siya, kaya hindi kayo pwede."

"That's right, I have a fiancé."

"Ano?! Hindi 'to pwede mangyari sayang 'yung effort ko lahat, 'wag kang mag-alala, ipaglalaban kita mahal ko."

Masyadong corny naman, itigil mo nga 'yan bakla.

"Freak. I don't like you, I already have a wife."

"Gagawin ko ang lahat pangako sige na," sabay luhod, yayakapin sana niya kanina pero umatras si Scott.

"Patrick. Totoo ang sinasabi niya hindi 'to basta joke, this is serious." wika ko.

"Pero jennifer mahal ko siya eh, hindi ko ba pwedeng ipaglaban ang mahal ko?" tanong nito sakin.

"May limits ang paglaban kapag alam mo ng hindi pwede dapat ka ng lumayo, ikaw lang ang aasa sa ginagawa mo,"

Umiyak ito na ikinabigla ko, ganito niya ba kamahal si Scott? Ngayon ko pa siya nakitang umiyak ng seryoso.

"Sa oras na 'to, gusto kung mapag-isa." tumayo ito at tumakbo ng mabilis.

Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Scott, kailangan niya ng karamay.

Naging biktima siya sa expectations, just like me.

"Pasensya sa kanya hindi niya lang kasi alam sorry,"

Total kaibigan niya ako I'm sorry in my behalf.

"I understand, pero pano mo nalaman na may wife nako??"

"Narinig ko lang, Martha 'yun diba? maganda siya at tsaka mabait." tuwa kung saad.

Everytime na nakikita ko si Ate Martha napapangiti ako, dahil siguro sa angkin niyang kabaitan.

"Her cousin is edrian, the person who.... nevermind."

"Oo tama ka! magpinsan sila."

"Mukhang madami ka ng alam ah, saan mo ba 'yan nakuha?" tanong ni Scott.

"Narinig ko nga lang eh, ano ka ba."

"Okay, that's what you said wala akong magagawa."

Muntik ko ng mabura sa isipan ko sila Sir at Edrian saan na kaya ang dalawa? sana hindi sila nagpatayan baka may lamay pa ngayon.

Huwag naman sana kaarawan pa ni Edrian, kailangan ko sila mahanap.

Nakailang ikot ako pero wala akong nakita na Edrian.

"Hi po, nakita niyo po ba si edrian 'yung magb-birthday?"

"Hindi eh, sorry."

Nakailang tanong na rin pero wala pa din.

"Saan na kaya sila?" sabi ko sa sarili ko.

Lalakad sana ako pero may narinig akong iyak malapit sa banyo, pinuntahan ko ito.

Pamilyar ang boses, parang boses ni Patrick ang naririnig ko.

Tinawag ko ito.

"Patrick!" sigaw ko.

"Ikaw 'yan?" sabay katok ni lock niya 'yung pinto ng banyo.

Hindi ito sumagot kaya tinawag ko ulit.

"Patrick!" sabay katok ng malakas buti at binuksan niya.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Patrick.

"Napadaan lang pero bigla kung narinig 'yung boses mo kaya pinuntahan kita."

"Ganoon ba, by the way nakita ko si Edrian."

Namilog ang mata ko dahil sila ang hinahanap ko.

Sa lagay ngayon ni Patrick parang ayos lang siya pero gusto ko parin tanongin.

"Ayos ka lang ba? 'yung nangyari kanina, pag-pasensyahan mona."

"Okay lang ako, at tsaka mukhang tama ang sinabi mo sakin dapat mag-focus nalang ako, ayaw ko na masaktan ulit beng, napaka sakit." sabay tawa nakahinga ako r'on buti ayos lang siya.

Pero sa ngayon kailangan ko silang mahanap.

Hinanap ko sila sa labas, rito ang sinabi ni Patrick.

May narinig akong ingay banda sa isang bench.

Nagtatawanan ang mga ito, kaya napag-desisyonan kung lumapit sa kanila.

"E-edrian?"

Sila lang pala, tinawag ko ito.

"Nandito lang pala kayo!"

Napalingon ang dalawa.

"Jennifer, kumain kana tara." saad ni Edrian sakin at ngumiti.

"In a few minutes mag-uumpisa na ang party kaya kailangan mong sumama sakin dahil ikaw ang napaka importanteng bisita sakin."

Diba narito si Sir bakit wala siya ng makarating ako sa pwesto nila?

"Si sir saan? Diba kasama mo siya kanina lang."

"Hindi, wala siya rito ako lang mag-isa."

"Ganoon ba, sige pasok na tayo nag-alala ako sayo akala ko kung ano na nangyari sayo,"

"Hindi ako mahina ang lakas ko kaya."

"Nagbibiro pa talaga," saad ko.

"Syempre kapag ikaw."

Pumasok na kami sa loob, pero hindi parin mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina diba nandun rin si Sir? Guni-guni ko lang ba 'yun?

Teka mukhang naiihi ako.

"A-ahh Edrian, punta muna ako comfort room."

"Sige balik ka ha."

"Oo, naman." at ngumiti.

Madali akong naglakad papunta r'on pero may biglang humila sa akin.

Niyakap niya ako ng mahigpit, 'yung amoy niya mukhang naamoy ko na dati.

"S-sir?" gulat kung tanong.

"Yes?" sabay harap sakin.

"Nakakagulat ka po,"

Naiihi ako, papuntahin niyo po muna ako sa banyo baka maihi ako rito, pero kaya ko pa naman pigilan basta ikaw ackkkkk.

"Diba may utang ka sakin pwede ko na bang gamitin."

"Sure, ano po 'yun?"

"Just one night, can you stay by my side? You promised so you should fullfil it all by your heart."

Isang gabi? Ano naman ang gagawin ko sa isang gabi? Baka mapahamak pa ako pero may tiwala naman ako sa kanya.

Ramdam ko 'yung emotion nong pagkasabi ni Sir non.