Chapter 16: Companion

Sumayaw kaming dalawa ni Edrian habang nagk-kwentuhan.

Napakasaya ng araw na 'to sa kanya, sana masaya rin siya gaya ng nararamdaman ko.

"Edrian, anong sinasabi ng mom mo ikakasal ka raw?

Napatawa ito.

"Kasal? Kung makakahanap ako ng babae sa tingin mo kanino ako bagay?"

"Ewan walang may bagay sayo," sabay tawa ng kunti dahil sumasayaw kami.

"So wala ibig sabihin walang babaeng bagay sakin, mukhang mamamatay akong walang mga anak,"

"Lakas makabiro, pwede ka naman mag-ampon,"

"Napaka bored naman kapag ganyan, walang kasama sa buhay kundi ang bata,"

"Baliw. Anong tingin mo sakin hindi tao? Syempre tutulungan kita magbantay sa magiging anak mo,"

"Eksperto ako pagdating sa mga baby's,"

"Kailangan ko na atang mag-ampon ng bata nito,"

"Talaga? Pero highschool pa tayo."

"Tutulungan mo naman ako diba?"

"Oo, kaibigan kita syempre."

"Anong magandang ipangalan sa bata?" tanong ni Edrian.

Sumasayaw kami habang nag-uusap

"Kapag babae, Jasmine, Kate, Shane, Erich pero kapag lalaki, Clark, Joseph, Dharyl, Rance, Cris. Mamili ka lang pero kapag wala kang nagustuhan diyan marami pa akong alam."

"You know a lots of name, which name of girl you want?"

"Para sakin Jasmine maganda kasi 'yung meaning maganda."

"Then 'yan na lang, kung anong gusto mo 'yun ang pipiliin ko."

"Bakit may plano ka bang kumuha ng anak?"

"It depends I can't tell."

"Wehh? Mukhang kailangan mo ng humanap ng jowa niyan may ipapareto ako sayo,"

"At sino naman?"

"Ang ate ko,"

Alam kung may gusto siya kay Edrian, 'yung tingin palang obvious na.

Nagulat ito.

"Bakit?"

"Wala lang, naisip kung pwede mo siyang jowain dahil single siya."

"You know you're so funny."

Natawa ito sa sinabi ko pero totoo 'yun sana e-try niya pero pag-ayaw niya wala akong magagawa.

"Pero kapag ayaw mo wala akong magagawa, sa tingin ko magiging single ka habang buhay."

"Bahala na, may kasama naman ako ikaw."

Nagkatitigan kaming dalawa, napakurap ako dahil ewan lang.

"Sumasakit 'yung paa ko,"

"Ihinto na natin," saad nito.

Pinaupo ako ni Edrian sa upuan, at gayon rin siya malapit ng matapos ang party niya masaya naman siya pero si Sir hindi man lang pumasok.

"Kumain ka," sabay lagay ng pagkain sa plato ko.

Kinain ko ito hanggang sa ma ubos, gutom nako kanina pa.

Maya-maya matatapos na ito.

"Ihahatid na kita, mahirap humanap ng masasakyan ngayon."

Pumayag ako sa alok niya, sumakay ako sa kotse niya.

"Masaya ka ba?"

"Ako? Oo naman, teka dapat ikaw tinatanong ko niyan, masaya ka ba?"

"Oo, 'cause you're here, attending my birthday and its so precious." sabay ngiti.

"Salamat naman at masaya ka."

"Of course that's expecting."

Nakarating na kami sa bahay, kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Narito kana anak kamusta ang party?"

"Masaya naman," saad ko.

Pagod ako dahil sa saya.

"Buti naman,"

Biglang nagsalita si Ate..

"Hindi man lang ako sinama, napaka selfish." parinig niya sa akin kahit hindi niya pa sabihin ang pangalan alam kung ako 'yun.

"Pinaparinggan mo ba'ko?"

"Wala akong sinabing pangalan, at tsaka bakit mo nasabing pinaparinggan?"

"Hindi ko na 'yan dapat sagutin," sabay alis.

Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

"Tapos na...." pagod kung sambit hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Umagang babangon sa kinahihigaan ko.

Nagbihis ako para makapunta na sa School.

Nakita ko si Patrick sa daan, napaisip ako kung ayos pa lang ba siya.

Depressing 'yung nangyari sa kanya, hindi talaga mabuti ang umasa.

"Kagabi pano ka nakauwi?" tanong ko.

"Hinatid ako ni Sir, ikaw? Hinanap kita pero nabalitaan kung umuwi kana kasama si Edrian hinihintay ka pa namin ni Sir non,"

"Pasensya na, pagod lang kasi ako kaya hindi kita naisip ron."

"Ayos lang, kaya ko naman ang selp ko."

"Mabuti naman, 'wag kang umasa ha 'yan ang advice ko sayo sa ngayon." sabay ngiti.

Expecting too much from someone can make you feel in deep pain, if ever you're being rejected remember that quote.

"Salamat, makikinig nako sa sinasabi mo, thanks talaga beng,"

Pagkatapos non, pumasok na kami sa classroom maingay talaga ang section namin.

May humarang bigla sa dadaanan namin, obvious sina Princess at si Rhea iba na kasama niya ngayon hindi na si Joy.

Isa pang chismosa sa campus, matindi.

"So ano?" tanong ni Rhea.

"So ano rin?" tanong ni Patrick.

"Sorry nakaharang pala kami ito 'yung daan," saad ni Princess.

"Buti at alam mo, 'wag ka kasing bulag, make your eyes clear next time 'wag puro bibig mata rin paminsan-minsan," sabay alis na kasama ko si Patrick.

"Bitch," rinig namin sa likuran, pero hindi na namin ito pinansin.

Umupo na kami sa upuan sakto at pumasok na si Sir.

Jennifer's Point Of View.

Kagabi nagtaka ako sa sinasabi ni sir, sabi niya gusto niya 'kong makasama ng isang gabi at bakit naman? Para san?

ibinalik ko ang tingin ko sa itinuturo ni Sir hindi dapat magiging bobo si Jennifer.

"Beng kita mo 'yung kamay ni Sir, may sugat yata," napatingin ako sa sinasabi ni bakla totoo nga, may sugat siya sa bandang kamay niya.

"Jennifer?" tanong ni Sir.

Napalingon kami, hindi namin napansin na masyado kaming nakatutok sa kamay niyang may sugat.

"What are you looking for?"

"W-wala naman may tinitignan lang," wika ko sa kanya.

"If it's not important then listen to what I'm saying,"

Galit ata hindi ko na dapat pagalitin pa, ako pa talaga dapat mag-adjust.

Ayon nakinig kami sa kanya habang si bakla nakatutok sa kung saan, inisiip niya pa ba 'yung nangyari kagabi?

"Jennifer?" napalingon na naman ako, panay tawag sa pangalan ko na 'to.

"Ano po 'yun?"

"Focus on my discussion,"

"S-sige po,"

Nakakahiya na 'to, palagi akong napapagalitan ganito ba talaga ako.

Nang matapos ang discussion namin ay agad akong pumunta sa canteen gutom ako at uhaw na uhaw. Nakita ko si Edrian na nakatingin sa kung saan kaya tinignan ko ito. Si Martha lang pala, mukhang alalang-alala siya sa pinsan niya.

"Edrian," tawag ko sa pangalan niya.

"Hey, Jennifer." sabay ngiti.

"Kanina ka yata napatitig d'yan may problema ba?" tanong ko.

"Wala naman, I'm just looking for something," saad nito.

"So may hinahanap ka? May nagugustuhan ka bang babae rito, sabihin mo 'yung name tutulungan kita,"

"Wala ako non, wala akong gustong babae rito unless if it's..."

"Sino nga 'yan? Mayroon eh hindi mo lang sinasabi,"

"Mayroon nga pero hindi pwedeng sabihin, natatakot akong ma-reject ulit."

Dalawa na silang Patrick na umaasa, and being rejected by someone is different kind of pain.

Napatigil ako.

"Natatakot ka? Sino ba 'yung babae?"

"I will describe her, she had a good heart and most of all beautiful,"