Chapter 23: Sparkles [Warning]

Tinulak ko agad siya baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa amin.

"Bakit mo'ko tinigilan? Diba ito ang gusto mo? Let's try again."

Agad niya akong hinawakan sa leeg ko. Pero sa pagkakataon na'to I slapped him, sumosobra na kasi siya. Alam niya bang nakakasira 'to ng image.

"Ang kapal ng mukha mo! Anong akala mo sa sarili mo isang taong gustong gusto ka nang lahat! Pwes. Kailangan mo 'tong malaman. Boyfriend ko na si Edrian kaya ang lakas ng loob mong gawin ang halik sakin kanina!"

Kung ano ano na lumalabas sa utak ko pero para mas klaro na at para hindi rin ako masira. Mag isa niyang mararanasan ang hiya.

Ngumiti lang ito at tumingin kay Edrian.

"Sa tingin mo maniniwala ako? Do you have any proof? A kiss? Mag halikan kayo rito total, he's your boyfriend."

"Grabeh si Sir halik talaga?"

"Hindi 'yun pwede dahil eskwelahan 'to."

"Oo nga, kiss na 'yan!"

Mga komento ng mga kaklase ko. Kailangan ko ba gawin?

"Ano na? Ebidensya na 'to na hindi totoo ang sinasabi mo."

Nakakainis gagawin ko na, para sa katahimikan. Dahil rin sayo 'to Sir kung ginampanan mo lang ako ng maayos hindi sana ganito ang mangyayari. Lumapit ako kay Edrian at may binulong.

"Sorry," [whispered]

Hinalikan ko siya kahit madaming tao sa paligid 'yan naman gusto nila eh. Yan na ang ebidensya, maniniwala na kayo?

Habang kahalikan ko si Edrian ay tumingin ako ng kaunti kay Sir sa likod. Sabi na nga eh, gulat siya.

Tumigil nako.

"So ano hindi na ba 'yun ebidensiya Mister Reymark?" tanong ko.

May mga bulungan parin akong narinig sa likod ko. Pero nabigla ako ng biglang sumapaw si Martha at hinalikan si Sir sa harapan namin.

Nakita ko si Scott sa may pinto na halatang gulat rin. Pumasok ito at pumunta sa aming pwesto. Hinila niya si Martha.

"F*ck Martha! Ang kapal ng mukha mo!" sabay sampal.

Galit na tumingin si Martha kay Scott, pero imbes na magalit rin ay itinuloy niya pa rin ang halik niya kay Sir.

Hinila ulit siya at hinalikan.

"Iba. Parang nasa teleserye! Kissing Scene na ba 'to?!"

"Love triangle yata ganap rito."

"Haba ng Hair."

"Ka inggit ako rin laplapin niyo."

Yan ang mga narinig kung bulong bulongan ng mga kaklase ko. Aaminin kung may galit rin akong naramdaman nang hinalikan siya ni Martha sa harap ko.

Nag walkout ako para pumunta sa banyo, kakalabas ko lang sa pinto ng nagpakita ang bruha na si Princess kasama ang asp niyang si Rhea, ang kakapal ng budhi.

Tinignan ko lang sila na parang sawang pagkain sa mga mata ko.

"What's wrong with that look?" tanong ni Rhea.

"Kagagaling lang niyan lumandi. Yata." parinig ni Princess kahit kailan talaga hindi siya nakakatuwa kapag nagsasalita.

Hindi na ako sumagot at nilagpasan pero bigla akong hinila ng malakas ni Princess na ikinadapa ko.

"Ano ba?" kalma kung tanong wala ako sa mood makipag away.

"Sagutin mo ang tanong ko?"

"Alin ang tanong mo dun? Ahh. Yong chismiss itanong mo sa bibig mo. Total cctv camera naman 'yan eh."

"Huwag na huwag mo'kong gaganyanan." sabay hila sa buhok ko, pero hindi ako nagpatalo at binali ko ulit ang kamay niya.

"Aray!!!"

"Yan nangyayari sa mga nakikialam."

Bumalik ako sa paglakad at pumunta sa banyo dun ko gusto ibuhos ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Sa gitna ng cubicle ako pumasok ni lock ko ito ma siguradong walang papasok at nagsimulang umiyak.

Umiyak ako hanggang sa mawala ang mga sakit na matagal ko nang tinitiis.

Nagagalit ako kay Sir. Pero ang alam ko gusto ko siya. Ang bumihag talaga sakin ang mga ngiti niya.

[THIS SCENE IS WHEN JENNIFER STARTED TO FALL."]

"Urghh. Low grades na naman. Hindi ako uuwi nito." saad ko kay Patrick.

"Alam mo beng. Ang prangka mo. Grades lang 'yan it doesn't defy."

"Be matured na beng. Sa tingin mo makakapasok ako ng abogado kapag lower ang grades ko at bagsak bagsak pa. Diba hindi? Naku. Huwag kang maniwala sa mga ganyang salita."

"May point ka pero iba kasi teh. Pansin mo si Duterte raw hindi nakapagtapos pero tingnan mo siya ngayon. Diba ang yaman niya halos lahat ng nakapagtapos, ay workers lang niya."

"Nangarap ka pa talaga, malamang Presidente siya. Mas mabuti na 'yung praktikal kaysa hindi."

"Ay ganoon ba 'yun hindi ako na inform. Sige beng punta muna ko dun. May nagwink sakin mukhang type ata ako. Okay byeee!" kumaway ito sa akin.

Ang chixboy niya talaga. I decide to study sa library para naman maliwanagan ako sa mga pagkukulang ko bilang isang estudyante.

"Nalilito ako. Bat' kasi ang hirap maging estudyante! Lahat na lang kailangan pag aralan." sabi ko sa sarili ko.

"Is it toilsome? Dear student?" sabay ngiti.

Sino ba 'tong lalaki na 'to? Estudyante rin ba siya? Sa suot niya parang. Oo. Student yata siya.

"Hirap maging estudyante. Ikaw? Bakit ang gwapo mong ngumiti?"

"Me? Did I smile?"

"Oo ngumiti ka. Kanina lang. Ang lapad nga eh. Sarap icapture ng hindi mo nalalaman."

Humalakhak ito ng kaunti, pero cute siya promise.

"Huwag kang huminto ang cute mo talaga." sabay pisil sa kanyang pisngi, ang lambot pa.

Napahinto ito sa pagtawa. Nagkatitigan kaming dalawa ng mga isang minuto. Agad kung inalis ang tingin ko.

"Sorry napatitig ako sayo classmate. S-sige mauna nako."

Tumakbo ako ng mabilis at huminto sa isang silid. Buntong hininga akong napasabi ng.

"KYUTTTTT!"

OMG! Hindi talaga ako makapaniwala kanina. Yung retmo ng puso ko parang sumasayaw ng todo 'yung hataw talaga. Ngayon pa talaga ako nakatitig sa isang lalaki pero siya...

Iba 'yung naramdaman ko parang may sparkles na lumilitaw hindi namam sigurado ako baliw noh.

[END OF FB]

THAT DAY I WONDERED WHY DOES MY HEART FEELS FLUTTERED WHEN I'M WITH HIM.

CORRECTION: {LOVE IS THE ANSWER}

Habang nagmo moment ako biglang may kumatok sa pinto sa labas. Boses ng lalaki pero hindi ko na kailangan buksan baka manyak pa 'yung resulta.

Binalik ko ang iyak moment ko. Wala siya sa timing, hindi na 'to banyo sa pagdudumi banyo na 'to sa mga sawing babae katulad ko.

Pero hindi parin tumigil ang tang*nang lalaki. Kung sino ka man 'wag ka ng umasang bubuksan ko pa.