Chapter 30: Another Marriage

"You can do this right?" saad ni Scott.

"Yes!"

"Sa ngayon, first date natin. Kaya let's creat a good memories together."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Kahit saan pero may naisip akong lugar na, perfect spot."

"Perfect para saan?"

"Basta."

Agad niyang binilisan ang pagmaniho, nakakatakot pala sumakay kapag ganito ka bilis ang driver.

-

Reymark's Point Of View.

"About the wedding, alam mong fake lang ang lahat?"

"I know, dapat mapasakin si Scott pagkatapos nito. Ano bang pumasok sa isipan mo, at sumanib ka sakin?"

"Bukod kay Jennifer, may iba pa'kong ibubunyag."

"Pero.. how?"

"Hindi ako ang gagawa siya na 'yan mismo." sabay ngiti.

"Basta, sumunod ka kung ano man ang mga senyas na gagawin ko."

"I got it okay."

-

[THE DAY WHEN JEN SAW MARTHA IN THE REYMARK'S OFFICE]

"Anong kailangan mo?" tanong ni Sir.

"I need something, sana maibigay mo."

"And what's that?" tanong ni Sir habang may ginagawa sa kanyang laptop.

Pagkakataon na ni Martha ito para makapaghiganti kay Jennifer, alam niyang pupunta si Jennifer sa office Sir Reymark kaya inunahan na niya ito.

May plano siyang wawasak sa pagmamahalan ng dalawa. Habang nag uusap sila, narinig agad ni Martha na may paparating.

Kaya ramdam niyang, kailangan na niya gawin ang plano. Ay agad niyang hinalikan si Reymark, pati siya ay gulat na gulat kaya agad niya itong tinulak.

"Are you insane!?"

"Done. I ruined everything."

"What do you mean?"

"Jennifer saw us."

"F*ck! Bullsh*t Martha!"

Napatingin si Sir kay Jennifer, gusto niyang magpaliwanag pero hindi na ito pinagbigyan pa.

"Kasalanan mo 'to! Pagbabayaran mo 'yan! How brave. Pumunta ka lang rito para manggulo, ganito ka na talaga noon pa."

"Yes, I'm not changing."

-

Jennifer's Point Of View.

"Pagod ka na?"

"Oo," sabi nito habang nakapikit ang mga mata.

"Malapit na tayo sa bahay niyo, magpahinga ka." wika ni Scott.

"Tao po!" sigaw ni Scott.

Agad na binuksan ng mga magulang ni Jennifer ang pinto, nagulat sila ng buhat buhat niya si Jennifer sa kanyang mga kamay.

"Anong nangyari sa kanya? Nahimatay ba siya sa daan?" tanong ng kanyang nanay.

"Hindi po, napagod lang sa pinuntahan namin. Namasyal kasi kami ni Jennifet bilang first date namin."

"Ano!?!"

"Opo, Tita at Tito kami na ni Jennifer." sabay bright smile sa kanila.

"Kailan pa Scott?" tanong kanyang tatay.

"Kahapon pa po. Sige mauna nako." kumaway ito sa kanila habang sila gulat na gulat bitbit nila si Jennifer kaya binitawan nila agad ito upang magising.

"Aray! Masakit ang ulo ko. Aish. Wala bang bumitbit sa kin?" reklamo ni Jennifer.

"Buti at nagising ka, anong sinabi ni Scott na boyfriend mo siya??" tanong ni mama.

Ano bang ginawang kalokohan ni Scott habang tulog ako. Ano!?! Sinabi niya sa parents ko tang*na naman Scott wala 'to sa usapan. Ngayon mamamatay ako sa sirmon goodluck Jennifer sana makatulog ako ng mahimbing nito.

"Anong boyfriend? Wala akong boyfriend ma! Huwag kang gumawa ng story!"

Syempre kailangan with deny effect, para naman hindi sila maniwala pero ewan kung gagana ba sa kanila.

"Alam mo anak, para sakin gusto ko si Scott kaya ayos lang sakin. Kung sino mapipili mo dun ako." saad ni Papa. Ang sweet naman kompara kay Mama.

"Aba ako iba! Gusto ko si Edrian kaya makipaghiwalay ka ni Scott sabihin mong kaibigan lang ang tingin mo sa kanya tas' sunod mong gagawin sagutin mo na si Edrian." mabilis niyang sabi sakin parang nag rarap siya.

"Tigil!"

"Witwiw, madaming manliligaw. A.k.a malanding babae si taba." asar ni p*ken*ng Ate na si Lorine.

"Shut up tomboy, baka gusto mong ipagkalat ko ang sekreto mo?"

"Anong sekreto ang sinasabi niyo?" tanong nina Mama at Papa.

"Oo nga ano 'yun taba?" tanong ni Lorine wow nagpa inosente pa talaga. Okay total may utang kang sama ng loob sakin ibubunyag ko na.

"Ang totoo niyan..."

"May gusto si Ate kay Edrian na babe ko."

"Gag*! Wala akong gusto r'on!"

"Sus. Nag deny ka pa. Alam ko na kaya umamin kana baka gusto mong sabihin ko sa kanya. Siguradong rejected ka." biro kung wika sa kanya.

"Ma, Pa. Huwag kayong maniwala sa taba na 'yan! Nagsisinungaling 'yan, gumagawa ng kwento para makapaghiganti sakin. Ganyan kana talaga ka weak."

"Tignan niyo Ma at Pa nag dideny pa. Tsaka galit, halatang may gusto hindi lang umaamin takot ma reject." sabay ngiti.

"Baka ikaw si Sir."

"At bakit napunta ang usapan kay Sir?? Desperado kana talagang makakuha ng fake news mula sakin."

"Hindi 'to fake news, anong akala mo hindi ko malalaman? Ang tungkol sa inyong dalawa."

"Yan ka na naman, tungkol sa amin bla! Bla! Hindi sila maniniwala diyan. Kaya tantanan mo na'ko okay?"

"Talo ka na sa trashtalk ko." sabay akyat sa kwarto.

Iniwan ko silang tulala, habang si Lorine iniwan kung may galit ang saloobin.

Agad akong humiga sa kama ko, pagod ako at gustong matulog. Napaisip ako sa kasal ni Sir at Martha. Best wishes nalang sa kanila.

Nabulabog ang pagkatulog ko ng mag ring ang selpon ko, may tawag ako kay Edrian?

"Hello?" saad ko.

"Hi Jennifer! Libre ka ngayon?"

"Uhm. Oo bakit?"

"Magkita tayo sa café, may sasabihin akong importante."

"Okay, magbibihis muna ako."

"Maghihintay ako."

Agad akong nagbihis, syempre 'yung medyo maganda pero simple 'yung bagay sa kapangitan ko.

Ng makapunta nako r'on ay, nandun si Edrian pero may malaking problema nandun rin si Martha? Kaya pala weird ang pakiramdam ko ng pumunta ako rito.

"Hi Jen!" bigkas ni Edrian sakin at kumaway ako rin kumaway para sa kanya hindi kay Martha.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Jen, gusto kang makausap ni Martha."

Mukhang problema na naman 'to. Hindi alam ni Edrian na kaaway ko, ang pinsan niya. Ngumiti ako kay Martha pero plastik. It's a fake smile.

"Maiwan ko kayong dalawa." sabi ni Edrian.

"So ano?"

"Kamusta?" tanong ni Martha.

"Ayos lang, ikaw?"

"Same to you."

Tumawa ako ng kunti.

"Diretsohin mo'ko." wika ko.

"Alam mo Jennifer. May gustong kumausap sayo."

"At sino naman?"

Pwede naman ichat sakin, nakakab*ysit na Martha may isa siyang atraso pero malaki na 'yun.

"It's Edrian's Mom, she wanted to see you."

Nanay ni Edrian? Sa party ni Edrian ko lang na kita ang Mom niya. Bakit gusto niya'kong makita?

"I know, maraming pumapasok sa isip mo na kahit anong tanong. Pero mawawala lang 'yan kapag na kita mo na siya."

"Tapos?"

"She wants you to marry my cousin. Edrian."

"Wait, naguguluhan ako?"