Chapter 9

"Take cover!" malakas na sigaw ni Khael ng biglang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril kasabay ng mga gamit na nagkahulog-hulog mula sa mesang kinalalagyan namin. Nagkabasag-basag rin ang mga bintana dahil sa mga balang tumatama rito.

Madaling araw pa lang at putok nang baril ang gumising sa aming apat, yes apat. Talagang nagmitigas si Zelle at hindi sumunod sa amin sa pagbaba ng bundok kagabi. Kaya for sure, nasa bundok pa rin siya hanggang ngayon o kaya naman ay naghanap rin ng matutuluyan niya.

Maybe it's good that she didn't follow us here, at least safe man lang siya…kahit papaano. Or safe nga ba talaga siya?

Nasa isang sirang grocery store kami, malawak na grocery store. Sira-sira ang wall ngunit mapo- protektahan pa naman kami nito. Nagtago kami sa isang corner ng store at ginawang harang ang mga shelf para sa mga canned goods.

Tuloy pa rin ang mga putok na nanggagaling sa labas. Hindi namin alam ang lokasyon ng umaatake sa amin pero ang hinala ko ay malapit sila sa malaking puno na nasa labas.

"A-anong gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Felice na nasa tabi ko. Nanginginig siya at garalgal ang boses niya. Nakayakap siya sa kaniyang tuhod at halatang kinakabahan siya. Nakalagay sa sahig niya ang Mana Rifle na weapon niya.

"We'll fight, of course," sagot naman ni Khael. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang Mana Spear. Sumang-ayon naman si Jairus at inilabas ang mga daggers niya.

"W-what? N-no. I'm afraid…I can't fi--- AHHHHH!" naputol ang sinasabi niya at malakas na sumigaw ng biglang may bumulusok na spear sa harap niya at tumama sa wall na nasa harapan namin.

Bigla ko siyang hinila at lumipat ng shelf na pagtataguan. Mga tatlong shelves na ang layo namin ngayon sa kinaroroonan nila Khael at Jairus.

"I'll attack. Jaiho and Felice, cover me. Jairus, take the other exit and corner them from behind," wika ni Khael. "At the count of 3…1….2…"

"Wait!" pigil ko sa kaniya.

"What?!" inis niyang tanong dahil naka prepare na siyang umatake ng bigla ko siyang pigilan.

"Two teams can't be attacking at the same time, it's risky. One must attack and the other defends. For now, depensa muna tayo hayaan lang natin silang umatake," sagot ko. Kumunot and noo niya, maya-maya ay natawa. 'Yong tawa na may halong inis.

"What are you planning to do? Wait for a rescue?" sarcastic niyang tanong. "Tss, don't make me laugh. Stick to do my plan!"

Akmang lalabas na naman siya sa pinagtataguan niya ng gamitan ko siya ng gauntlet ko. Binaril ko ang sahig na malapit sa kaniya, muntikan ng mabaril ang paa niya ng mana bullet ko kung humakbang siya.

Masamang tumingin siya sa akin at ang dating salubong niyang kilay ay mas lalo pang naging salubong.

Halata ang gulat sa mukha ni Jairus dahil sa ginawa ko at rinig ko rin ang malakas na gasp ni Felice na katabi ko.

"What do you think you're doing Jaiho?!" galit na tanong ni Khael. "You almost shoot my feet!" sigaw niya. Kahit malakas ang putok ng baril ay mas nanaig ang boses niya, siguro ay narinig pa ng mga umaatake sa amin dahil sandal silang huminto, ngunit ipinagpatuloy din lang agad nila.

"Attacking them now is suicide, and if that's what you're planning to do…then, I'd rather shoot your feet than have them shoot your head." Wika ko.

Talagang gagawin ko ang sinasabi ko, mas okay ng pilay siya kesa naman sa patay. Kaya kung 'di siya makikinig sa akin, pasensiyahan na lang.

Kung 'di madaan sa santong dasalan, idaan na lang sa santong paspasan, sabi nga nila.

"Hear my plan, please."

"Make sure you have a better plan, or else I'll shoot you with this spear," pagbabanta niya.

Kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Paano kung ayaw niya yung plano ko, edi binato niya sa akin 'yang spear niya? No! I'm sure na magugustuhan niya ang plano ko and this plan will be successful.

Manifesting successful plan…

"So, this is my plan…"

(>_<)

After discussing my plan with them, we separated and immediately went on the places I assigned for each of us. Khael is now behind the shelf near the door, Felice was near the broken wall, Jairus took the other exit and probably, he's outside by now. And me, I'm still on the place where me and Felice hid…near the spear that the enemy threw.

We waited until the enemies are out of bullet.

Biglang nagkaroon ng katahimikan sa paligid, tanging hininga ko na lang ang aking naririnig. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarinig ng mga yabag. Mahina ang mga yabag, panigurado ay cautious rin sila na baka ay meron kaming panglaban sa kanila, which is tama naman.

"Search that side, you search here. Ace, stay there, you're the look-out. I will search there," rinig kong bulong ng isang tinig. Ilang sandali lang ang lumipas ay nakarinig ako ng yabag na papalapit sa akin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking katana at huminga ng malalim.

"There you are," wika ng isang tinig. Nang silipin ko ang kinalalagyan ng spear ay nakita ko doon ang isang lalaking nakatayo at hinihila ang kaniyang mana spear na nakatusok sa wall.

For the nth time, huminga ulit ako ng malalim bago mabilis na inatake ang lalaki gamit ang katana ko. Eksakto namang tatama na sa kaniya ang talim ng aking espada ng biglang nahugot niya ang spear at iyon ang ipinangsangga.

"Damn you!" sigaw niya kaya nagulantang ang lahat. Humarap sa akin ang lalaking nasa pinto at itinutok ang baril sa akin, kinalabit niya ang gantilyo ngunit wala na nga palang bala. Biglang inilabas niya ang kaniyang mana whip at tumakbo patungo sa kinaroroonan ko pero natigil siya ng biglang sumulpot sa likuran niya si Jairus hawak ang dagger.

"I'm your enemy here," sambit ni Jairus habang patalon-talon na akala mo naman isang boxer sa boxing arena. Ibinalik ko ang atensyon ko sa lalaking kaharap ko, sasaksakin niya sana ako sa tagiliran gamit ang tacet dagger niya, buti nalang ay naka-activate ang shield ng aking gauntlet at nasangga ko kaagad.

Patalon akong umatras at ipinosisyon ang espada na paharap sa kaniya, gano'n rin ang kaniyang ginawa. Hawak niya ang kaniyang spear sa kanang kamay at tacet dagger naman sa kaliwa.

Sumugod siya sa akin habang sumisigaw, wala siyang dalang panangga kaya pagkawasiwas ko ng katana sa kaniya ay agad siyang tinamaan sa tiyan. Napaatras siya at napahawak sa duguan niyang tiyan.

Nagulat ako sa nangyari dahil kasama sa plano ko na wag na wag papatayin ang kalaban namin, pero heto ako, nakahiwa ng tiyan ng kalaban…erase erase..hindi siya kalaban, isa rin siyang examinee tulad namin.

Napatungo ang tingin ko sa aking katana, at kita ko rito ang dugong tumutulo sa sahig.

What the h*ck have I done?!

"I-I'm sorry," agad kong wika at binitawan ang espada. Halatang malalim ang sugat sa kaniyang tiyan dahil nag-uubo na siya ng dugo. Nabitaawan niya rin ang dalawang armas na hawak niya at natumba sa sahig, tuloy pa rin ang pag-ubo niya at ang pagdaloy ng dugo.

"What have I done? What have I done? What have I done?" paulit-ulit kong tanong sa sarili ko habang paikot-ikot sa kinatatayuan ko, nakasabunot sa sarili kong buhok at hindi ko na alam ang dapat kong gawin! Nagpapanic na ako ngayon dahil sa nagawa ko.

What if mamatay siya? I don't want to become a murderer! What should I—

"AHHHH! Jaiho help!" nabalik ako sa reyalidad at agad na liningon ang pinanggalingan ng boses, si Felice yon. Buhat-buhat siya ng lalaking malaki ang katawan at biglang binalibag sa shelf ng mga pagkain. Lumikha yon ng malakas na thud. Sumigaw muli si Felice at pinilit tumayo ngunit sinipa siya sa tiyan ng lalaki.

"AHHH!" sigaw niyang muli. Napahawak na lang si Felice sa tiyan niya habang nakahiga sa sahig. Narinig ko ang pag-iyak niya.

Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng kumukulong dugo sa ulo ko, ramdam ko ang galit sa puso ko na gustong kumawala.

Hinawakan siya ng lalaki sa buhok at pilit pinatayo, akmang sisikmuraan niya sana si Felice ngunit hindi niya na naituloy dahil agad kong pinulot at  espada at sumigaw para mapunta sa akin ang atensyon niya.

"GET YOUR F*CKING HANDS OFF HER!" malakas kong sigaw at tumakbo papunta sa kaniya. Mas mabilis pa sa kisap matang iwinasiwas ko ang espada sa braso niya kaya nabitawan niya si Felice.

Tatamaan ko na naman sana siya ng espada ko ngunit napigilan niya ang aking braso at malakas na sinuntok ako sa dibdib. Bigla akong nawalan ng hininga. Parang na-block ang daanan ng hangin papuntang lungs ko dahil sa lakas ng suntok niyang iyon. Sinuntok niya pa ako sa mukha ng ilang ulit hanggang sa matumba ako sa sahig at magsuka ng dugo.

F*ck!

Pakiramdam ko ay nadurog na ang mga buto sa mukha ko, putok na rin ang labi ko dahil sa suntok na natamo ko sa malaking taong ito.

"JAIHO!" malakas na tawag ni Felice sa pangalan ko, kasabay no'n ang pagsipa sa akin ng lalaki. Tumama ang likod ko sa matigas na wall na naging dahilan para magsuka akong muli ng dugo.

Masakit, sobrang sakit ng katawan ko…pero walang binatbat 'yon sa dinanas ko sa vlorant at mga cryopus. Natawa na lang ako ng makitang papalapit sa akin ang lalaki. Napahinto siya dahil sa tinuran ko, bahagya siyang napaatras.

Siguro ay natakot siya kung bakit bigla nalang akong tumatawa sa kabila ng lahat ng pasang natamo ko sa kaniya.

"HAHAHA what are you waiting for? Come on!" sigaw ko sa kaniya habang tumatawa. Bahagya siyang natawa at patakbong lumapit sa akin, naka ready ang kamao niya para muli akong suntukin…

BANG! BANG! BANG! BANG!

Binaril ko siya gamit ang gauntlet ko. Sapat na 'yong apat na bala para patumbahin siya, pagkatumba niya sa sahig ay siya namang pagtayo ko. 'Di na mulat ang kaniyang mata at masasabi kong patay na siya, pero 'di ako nakuntento.

Pinaulanan ko pa siya ng bala habang tumatawa.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Dumating and tatlo kong kasama sa kinaroroonan ko at halata ang gulat at takot sa mukha nila ng makita ang ginagawa ko.

"J-Jaiho…" tawag sa akin ni Felice pero 'di ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa pagtawa at pagpapaulan ng bala sa walang buhay na katawan ng lalaki.

"ENOUGH!" sigaw ni Khael. Tumingin ako sa kaniya panandalian at nginitian siya, at ang ngiti ay naging pagtawa ulit.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin o kung ano man ang pumasok sa ulo ko dahil bigla kong itinutok ang gauntlet sa kanila. Nanlaki ang mata nilang tatlo at napahakbang palayo.

"Jaiho! You're not thinking straight! Control yourself!" sigaw ni Jairus sa akin. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya at siya ang akmang babarilin pero nahinto ako sa balak kong gawin ng magsuka ulit ako ng dugo at paulit-ulit na umubo.

"J-Jai…" ani Felice at naglakad palapit sa akin pero hinila siya ni Khael palayo.

" Wag muna kayong lalapit sa kaniya. He must have injured his head when this dude punched him several times in the face."

Lumapit sa akin si Khael at inalalayan akong maglakad palabas ng grocery store. Nang makarating kami sa labas ay bigla niya akong binitawan kaya natumba ako sa lupa.

"Argh."

Naglakad na siya palayo ng hindi lumilingon man lang sa akin. Lalapitan sana ako nila Felice at Jairus ngunit nagalit si Khael.

"I SAID DON'T GO NEAR HIM!" sigaw niya at binigyan ng masamang tingin ang dalawa.

"I'm f-fine, don't w-worry," pilit kong sabi at buong lakas na tumayo. Kahit labag sa loob nilang dalawa ang 'di ako tulungan ay tinalikuran na nila ako at humabol kay Khael. Hindi ko sila masisisi dahil kasalanan ko naman. Kung kinontrol ko lang ang sarili ko at hindi sila tinutukan ng baril sa gauntlet ko ay hindi sana ganito.

Again, it's all my fault…

Paika-ika akong naglakad upang humabol, ngunit 'di pa ako nakakalayo sa pinangyarihan ng giyera ay napahinto ako.

"Watch out!" sigaw ng isang tinig ng babae. Kasunod no'n ay ang biglang pagsulpot ng babae sa harap ko at tinamaan niya ng palaso ang bombang patungo sa direksyon ko na 'di ko man lang napansin. Bumalik ang bomba sa may bush na ilang metro ang layo sa amin.

Humarap ang babae at yumakap sa akin, kasabay ng paggulong-gulong namin sa pababang damuhan. Habang gumugulong ay isang sigaw na sinabayan ng pagsabog ang narinig ko.

Napapikit na lang ako dahil sa sakit ng tumama ang likod ko sa bato na nagpahinto sa paggulong naming dalawa. Nanatili kami sa ganong posisyon dahil hindi ako makagalaw, 'di ko lang alam sa babaeng 'to, na 'di ko man lang namukhaan kung sino.

"JAIHO! JAIHO!" rinig kong paulit-ulit na sigaw ng tatlong tao na nabosesan ko, sila Felice, Khael at Jairus iyon.

"I-I'm here…" wika ko, pero for sure hindi nila narinig 'yon dahil sa hina ng pagkakabanggit ko. Hindi ako masyadong makasigaw dahil masakit ang likod ko na tumama sa bato.

"O-ouch…" biglang saad ng babaeng nakayakap sa'kin. Tumayo siya kaagad habang nakahawak sa kaniyang batok at masama ang tingin sa akin.  Saka ko lang napagtanto na si Zelle pala iyon.

"Aish, I will not save you next time. You're lucky now because I'm on the mood to save you," dagdag niya pa bago naglakad paakyat, kasabay naman ng pagbaba ni Felice dahil nakita niya na kami.

"Jaiho! And….Zelle?" nagtatakang tanong niya. Ngunit kahit nagtataka kung ba't kami magkasama ay hindi niya na iyon inintindi. Agad siyang lupit sa akin at tinulungan akong tumayo. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at inalalayang maglakad pataas.

"You okay? What happened ?" nag-aalalang tanong niya habang naka pokus sa dinadaanan namin.

"Someone threw a bomb towards my direction..without me noticing. Good thing, Zelle was there to save me," sagot ko. Paika-ika akong naglakad, and it took us almost 3 minutes para lang makaakyat kami mula sa kinahulugan namin ni Zelle.

"Jai, are you okay?" biglang salubong sa akin ni Jairus at tinulungan si Felice na alalayan akong maupo sa isang bato.

Nakita ko si Khael na poker face pa rin as usual habang nakapangalumbaba at naka lean sa puno malapit sa kinauupuan ko. Si Zelle naman ay nakaupo sa damuhan habang pinupunusan ang kaniyang compound bow gamit ang maruming coat niya.

"Yeah, Im fine, no worries," sagot ko.

May dinukot si Felice sa kaniyang bulsa at hinawakan ako sa mukha para tumingin sa kaniya. "W-what are you doing?" nagtataka kong tanong dahil bigla akong inatake ng panic attack dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.

"May sugat ka sa noo mo. I'll just put bandage," sagot niya. Mabilis niyang inilagay ang bandage sa noo ko na saka ko lang naramdaman ang hapdi.

"There you go, all done," wika niya. "Are you sure you're okay?"

Well, if I were to answer honestly, of course my answer would be no. Sino ba namang magigigng okay sa lagay kong ito 'no? Nabugbog, nasipa ng ilang ulit, muntik nang magkalasog-lasog kung sakaling sumabog sa akin 'yong bomba kanina, and tumama sa bato ang likuran. Now tell me, sino ang magiging okay sa lagay na 'yon?

"Yeah, Im really fine," sagot ko kabaliktaran ng totoo kong nararamdaman.

"That's good to kn-"

"Ouch!" daing ko kaya naputol ang sinasabi ni Felice. Bat ako napa-ouch? It's because, bigla nalang may tumamang bato sa likod ko, though hindi naman masyadong malaki 'yong bato pero masakit pa rin. And you wanna know who threw it?

The devil…none other than Zelle.

Okay na sana eh, maayos na ang tingin ko sa kaniya. Hindi na sana siya bitch sa paningin ko eh..pero puro sana na lang 'yon dahil nagsisismula na naman siya sa physical assault niya sa akin… Yeah, PHYSICAL ASSAULT. All caps para dama.

"What was that for?" inis kong tanong ng lingunin siya. Tinaasan niya ako ng kilay na ani mo'y wala siyang ginawa.

"What? You said you're fine. I'm just testing if that's true," sagot niya bago muling ibinalik ang paningin sa kaniyang compound bow na hanggang ngayon 'di niya pa rin tapos punasan. Is she…a clean freak?

Probably, no. Just seeing her clothes full of stain and her beautiful face covered with dirt…there is less than 50% that she's a clean freak.

Wait! What? Did I just say beautiful face? Okay Okay, erase that and changed it into devilish face.

"But, throwing stone at me is a different case," sagot ko naman.

"Gosh, you're body's quite delicate. I just threw pebble at you, dumb b*itch," masungit niyang tanong. Ayan na naman siya sa pagde- deny. Kitang-kita na ngang medyo may kalakihang bato iyo, pero ipipilit niyang pebble daw.

  

"Tsk, pebble daw," bulong ko para 'di niya marinig. Dahil for sure, gagawa na naman siya ng away dahil lang sa maliit na bagay.

"Let's just ignore  her," saad ni Felice. Lumingon ako sa kaniya at pasimpleng tumango. Inilapit ni Jairus ang mukha niya sa amin at bumulong.

"She's obsessed with teasing you," ani niya. Nagpakawala ako ng tsk at bumulong rin pabalik.

"That's physical assault, teasing is an understatement," wika ko na sinang-ayunan naman ni Felice. Nakipag high five ako sa kaniya dahil agree siya sa mga sinasabi ko.

"Hayst, I'll just ignore her, besides I can't hate her now since she saved my life."

"That's true. Let's just be thankful," sambit ni Felice.

Nahinto kami sa chit-chat namin dahil biglang nagsalita si Khael na masama ang tingin sa akin. If glares could kill, I'm probably inside my coffin now.

"Ha! So, a near-death situation is all you need to knock your senses, huh?" wika niya. Nanliit ang mata ko dahil hindi ko nagets ang ibig niyang sabihin.

Knock my senses?

"Khael…" wika ni Felice na may halong pag wa-warning, para bang sinasabi niya rito na, kung may sasabihin ka man, wag mo nang ituloy.

Tiningnan lang siya panandalian ni Khael bago ibinalik sa akin ang tingin at umayos ng tayo.

"Better not shoot us behind our back," saad niya bago naglakad palayo. Tumingin sa akin si Felice na may nangungusap na tingin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na iniharap sa kaniya nang hindi ako naka-react sa sinabing iyon ni Khael.

The image of those two people that I killed came flashing in front of me, and all I could feel was guilt and regret.

What have I done?

Am I now a murderer?

Of course, I am…

I killed someone.

I fuckin killed not only one, but two people!

Damnit!

"Jaiho!" Felice snapped me back to reality when she shouted and caressed my face, she forced a smile and suddenly hugged me while combing my hair. "Just don't think about it, okay? What's important is we are all alive. And…I'm alive, because of you."

"Felice is right, Jai. You saved us. If you hadn't done that, we could have been dead by now." Wika naman ni Jairus na tinatapik-tapik ang likod ko.

I know, they just wanna comfort me. But, it's not making me feel better. Rather, it made me question myself.

Am I insane?

Am I still a human?

What I did was inhumane, right?

Let's say, I really did save them, but I still killed those two. There are other ways for me to stop them, but I chose to kill them.

And worse?

I nearly shoot my 3 companions back there, when I am being controlled by my f*ckin emotions.

I can't blame Khael for suddenly being cold towards me, coz it's my fault. Who am I for them to trust when I nearly killed them?

"But, I could have killed the 3 of you…" saad ko. Ramdam ko ang bahagyang pag-iling ni Felice dahil nakayakap pa rin  siya sa akin.

"No, you didn't. And I'm sure…hundred percent sure that you wouldn't kill us," ani Felice.

"I did. Nagawa ko ngang itutok sa inyo ang gauntlet ko, how much more barilin kayo?" pagpupumilit ko.

"It's your emotion controlling you."

"But—"

"You know what Jaiho, just shut up. If I said you're not at fault, then you're not," putol niya sa sinasabi ko. May bakas ng inis sa tono ng boses niya, siguro ay dahil pinagpipilitan ko na kasalanan ko…which is totoo naman.

"Stop blaming yourself, okay?" saad ni Jairus at pinakitaan ako ng gummy smile.

EHEEM

"How many hours are you planning to stay in that position?" biglang kumawala sa yakap si Felice ng biglang sumabat si Zelle, na nakataas ang kaliwang kilay at naka-cross ang braso sa dibdib habang tinitingnan kami…I mean sa akin. Masama ang tingin sa sa akin.

What's wrong with this girl…again?

"Let's get going, kailangan makarating tayo ng cyberspace before sunset. And, I think, it is 10 kilometers away from where we are now." Saad ni Jairus habang nakatingin sa hawak-hawak niyang mapa na binuo namin- I mean, niya kahapon.

Nagpaumuna na siyang naglakad at sumunod naman si Felice na inalalayan akong tumayo. Aalalayan niya rin sana ako sa paglalakad ngunit tinanggihan ko na dahil kaya ko naman maglakad.

"Are you sure, you can walk properly?" panigurado niyang tanong.

"Of course," nakangiting sagot ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Naglakad na rin siya sa tabi ko habang hawak hawak ng mahigpit ang rifle niya na isinabit niya sa kanan niyang braso.

Rinig ko naman ang yabag ni Zelle sa likod namin. And trust me, I can feel her death glares from behind my back. I don't know, it's just that, I can feel chills running through my nerves and spine.

(>-<)

Makalipas ang dalawang oras na paglalakad sa ilalim ng direct sunlight na tumatama sa amin, without taking a brief break ay nagdesisyon si Khael na magpahinga muna kami sa isang abandonadong bahay na nadaanan namin sa gilid ng kalsada.

Pumasok kami sa loob at inilibot ang aming paningin. Dalawang palapag ang bahay. May maliit na kitchen na may mga marumi at lumang gamit, may maalikabok rin na sofa at sa harap nito ay may television na sa tingin ko ay hindi na gumagana. May maliit rin na mesa at tatlong upuan.

"We can finally rest, thank God." Wika ni Felice at isinampa ang katawan sa maalikabok na sofa. Hindi niya na pinansin ang alikabok dito bagkus ay komportable pa siyang nahiga at ipinikit ang mata.

She's really tired, I guess. I mean, we all do.

Naupo rin sa upuan si Jairus at pinagmasdan ulit ang mapa habang naglalagay ng legends dito. Si Khael naman ay naghahalungkat sa mga cabinet, naghahanap ng pwede naming magamit. Si Zelle? Ayon, nakadungaw lang sa bintana na malapit sa sofa.

Nagdesisyon akong umakyat sa second floor ng hindi nila napapansin. Pagkarating ko sa taas ay isa na namang sofa ang sumalubong sa akin. May maliit na lamesa sa harap nito at may mini bookshelf naman sa gilid.

Nang makita ko ang mga libro sa mini bookshelf ay agad-agad akong lumapit dito at pinagmasdan ang mga librong maayos na nakasalansan, kahit na maalikabok ay makikitang inalagaan sila ng dating nagmamay-ari sa libro.

Bigla ko tuloy naalala ang mga librong naiwan sa bookshelf ko.

Aishhh! I miss them.

Kinuha ko ang isang libro na hindi masyadong makapal na ang title ay The Elites na isinulat ng awtor na nag ngangalang Siliento. Hinipan ko ang ibabaw nito upang matanggal ang alikabok bago naupo sa ma alikabok na sofa.

Gugulin ko nalang ang oras kong basahin ang librong ito bago pa maisipan ni Khael na ipagpatuloy na ulit namin ang paglalakad.

Itinuon ko na ang buong atensyon ko sa pagbabasa at hindi na muna binigyang atensyon ang pinag-uusapan ni Felice at Jairus na rinig ko hanggang dito sa 2nd floor. Nag-uusap sila tungkol sa kung ano kaya ang sasalubong sa amin sa Cyberspace.

Ah, bahala na. As long as matapos ko ang librong ito, that's all what matters to me right now.

Ilang minuto rin ang lumipas ng walang nanggugulo sa akin, not until nakarinig ako ng mga yabag palapit sa kinaroroonan ko. Lumingon ako at nakitang parating si Khael sa kinaroroonan ko, naupo siya sa tabi ko at kumuha rin ng random na libro.

Pinagmasdan ko muna siyang komportableng naupo, ipinatong niya ang dalawa niyang paa sa mesa na nasa harap namin bago binuksan ang libro—na di ko napansin ang title— at nagsimula ng nagbasa.

Ibinalik ko na rin ang atensyon ko sa hawak kong libro dahil 7 chapters pa lang ang natatapos ko bago siya dumating.

Habang binabasa ko ang libro ay may isang quote do'n na nakakuha ng atensyon ko.

'If you don't want them to hurt you, hurt them first. In short, hurting is just a race, that simple.'

Bahagya akong natawa sa quote na iyon ng bida sa libro. May point siya. Tama nga naman, kung ayaw mong masaktan ka, edi unahan mo sila diba? But, meron pa rin namang mas better ways para walang masaktan both sides. It's either, piliin mo 'yong taong alam mong para sayo…or, mag self-love ka na lang. Ilaan mo nalang lahat ng pagmamahal mo sa sarili mo, 'wag ka ng mag share sa iba.

Nagulantang ako sa aking kinauupuan ng bigla nalang tumayo si Khael at padabog na inilapag ang libro sa mesa. Naglakad siya pabalik sa baba ngunit tumigil rin at nilingon ako, nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin.

"I want you to go on a different place. Anywhere. Do whatever you like, as long as, make sure we don't cross our paths," malamig niyang saad. Nabigla ako sa sinabi niya at napatayo rin.

"W-What?"

"…coz, if you do, I'll be the one to kill you." Dagdag niya pa. Inignore niya ang tanong ko at naglakad na siya pababa ng hagdan. Nanatili ako sa kinatatayuan ko, habang iniisip kung ano ang ibig niyang sabihin.

Sinasabi niya bang, mag iba ako ng ruta para madali naming makuha lahat ng pieces? Or, gusto niyang umalis na ako sa grupo at mag survive ng 1 week sa tulong ng sarili ko?

"Come on, we gotta move," rinig kong saad ni Khael. Nabalik ako sa reyalidad at agad na iniwan ang libro bago nagmamadaling bumaba.

Naabutan ko silang palabas na ng pinto kaya hininto ko sila… I mean, si Khael.

"Wait! What do you mean?" tanong ko sa kaniya ng makarating ako sa harap niya. Iniharang ko ang dalawa kong braso sa may pinto upang 'di sila makalabas.

May bahid ng pagtataka sa mukha nila Felice at Jairus, and I'm sure na 'di nila alam ang tungkol sa sinabi sa akin ni Khael.

"What are you talking about, Jaiho? Sabi ni Khael na punta na tayo," saad ni Felice pero hindi ko muna siya pinansin. Nanatiling na kay Khael ang tingin ko habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ko. Nakatingin rin siya sa akin na para bang isa akong walang kwentang bagay na tinitignan niya.

"You're removed from my group," malamig niyang saad at marahas na tinanggal ang braso ko sa may frame ng pinto. Binangga niya ako sa balikat para makalabas siya.

Napatingin na lang ako sa sahig bago inilipat ang tingin sa tatlo kong kasama na nakatingin sa akin. Halata ang gulat sa mukha nila.

"What did you do?" tanong ni Zelle na nakataas ang kamay. Para bang may ginawa akong kontrobersyal na isyu dahil sa tono niya.

"I-I don—"

Napahinto ako sa sinasabi ko ng bigla kong mapagtanto kung bakit tinatanggal na ako ni Khael sa grupo.

Ahh…now I get it.

Tuluyan na ngang nawala ang tiwala niya sa akin dahil sa ginawa ko kaninang madaling araw. Hindi ko siya masisisi do'n, dahil kung ako ang nasa kalagayan niya ay 'di ko rin pagkakatiwalaan ang taong tulad ko. Iniisip niya lang ang kapakanan ng tatlong natitira niyang miyembro.

Of course, save the majority.

Paano nga naman kung ipagpatuloy kong sumama sa kanila tapos biglang mawala na naman ako ng control sa sarili ko, diba? Buhay nila ang nakasalalay sa bawat minuto, bawat segundong kasama nila ako.

He just chose the right choice.

Kahit masakit para sa akin, and kahit na ayaw kong mahiwalay sa kanila dahil isang  grupo kami… kailangan ko siyang sundin dahil para ito sa makabubuti.

"I did something very inhumane," sagot ko na lang at nagpilit ng ngiti.

"Jaiho, wala lang sa mood si Khael kaya nasabi niya 'yon. Halika na, 'wag kang maniwala do'n." Saad ni felice at nagpakawala ng pilit na tawa. Sinegundahan naman siya ni Jairus, saying na emotion niya lang rin ang komokontrol sa kaniya ngayon.

I know, they just want me to stay. But I can't. And, I shouldn't.

I need to separate myself from them. I need to face everything by myself. I need to accept Khael's decision because this it the consequence of my actions.

"I'll get going. You should go now too. Sundan niyo na si Khael bago pa siya magalit." Sambit ko. Akmang tatakbo na ako palabas ng may humawak sa braso ko na naging dahilan para mapahinto ako.

Lumingon ako at nakitang si Zelle pala ang pumigil sa akin. May kakaiba sa tingin niya. I'm not sure kung naaawa ba siya or nag-aalala. But, that doesn't matter anymore. I have to  get going.

"Are you really going to survive on your own?"tanong niya. Ngumiti ako at tumango.

"In that state? Look at yourself," sabat naman ni Felice na halata ang pag-aalala sa mukha.

"Jai, you can just ask him for forgiveness. I know he'll understand," ani Jairus na sinang-ayunan ng dalawang babae.

Umiling ako at nanatiling nakangiti.

"Don't worry, I can survive on my own. Goodluck. See you back there," saad ko bago tinanggal ang kamay ni Zelle na nakahawak sa braso ko at agad ng tumakbo palayo sa kinaroroonan nila. Ang daan na tinungo ko ay ang papuntang bundok na hindi ko alam ang pangalan.

Pero bago pa ako tuluyang makalayo, narinig ko ang sigaw nilang tatlo na nagpangiti sa akin.

"MAKE SURE TO SURVIVE! GOODLUCK!"