Prologue

Ang kanilang ngiti ang nagpapakurot sa'aking damdamin. Tila ba may sumaksak dito at grabe ang sakit. I know kaibigan lang ako. Oo, hanggang kailangan lang pero kahit kaibigan lang ako ay 'di ko parin malingid na may nararamdaman ako sakanya. Nasasaktan ako satwing may kausap siyang iba. Lalo na pag kinikilig na siya sa iba. Normal lang naman siguro 'to noh?

"Oh ano kita tayo mamayang 6pm?" Tanong ni Harvin na nagpapangit sa awra ko. I pouted sabay upo at pinagmasdan sila.

Ugh! sana 'di pumayag si girl! Pero ngana ang hindi papayag pag isang Harvin Salvador na ang nag aya! Omg andami ko na ngang kaagaw sa atensyon ay may dadagdag nanaman. Tsk!

"Sure. Why not" Sagot naman ni Zaralyn saakin na nagpa init saaking damdamin.

Mang-aagaw talaga 'yung babaeng iyon! Ito naman kaseng si Harvin kung saan saan tumitingin. 'di tuloy ako makita. -,-

"Yes!" Masayang sambit nito at umupo sa kabilang upuan. Katapat ko.

"Sana all Masaya"

"Gagsti sino ba naman hindi sasaya? Pumayag siya!" Anipa nito. Bakas sa mukha niya ang pagkasaya.

"Eh kahit ako naman papayag pag inaya mong magdate eh---"

"What?" Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napatingin sakanya. Gosh! He's looking at me omg!!!!

"Ang ibig kong sabihin, wala naman makakahindi sayo. Ginayuma mo ata lahat ng girls dito eh. Kaya kulang nalang magpakamatay sila para lang maidate ka" Palusot ko naman.

"Gags anong gayuma ka dyan? Kasalanan kobang pinangak akong gwapo?" Proud naman nitong sabi. -,-

"Hindi nga. Sabe ko nga." Pamputol ko sa usapan. Badtrip eh, ansaya lang namin tapos may sisira lang pala-,-

"Oh, saan next sched mo?" Pag iba naman nito sa usapan.

"Wala,"

"Wow sana all wala ng sunod----"

"Wala na'kong mood mag-aral" Tumayo agad ako pero nanatiling nakasara yung mga mata. "Uwi nako, pakisabe sumama pakiramdam ko" Hindi kona siya hinintay pang sumagot dahil alam kong aangal lang ito.

Gaga eh, nandito naman ako kung sino sino pa ang inaayang mag date!