LAST PROMISE ON THE MOON

Nagdaan ang maraming taon, hanggang sa dumating na din ang kaorasan ko, walang araw ang hindi ko naisip si Azaria, tuwing ipipikit ko ang aking mata tinig at mukha nyang masaya ang nakikita ko, hanggang ngayon sya pa rin ang nilalaman ng puso ko at isip ko, hanggang ngayon puro kirot ang nararamdaman ko, pinilit ko maging matatag para sa kanya sa mahabang panahon, inilabas ko naman sa bulsa ko ang huling luha ni Azaria, mahigpit kong hinawakan at iniligay sa dibdib ko at humiling sa buwan

"Hanggang sa huling hininga ko, ikaw parin ang nasa puso ko, ang hirap maiwan at lumaban ng mag isa. Ang hirap mag pakatatag kahit hindi ko na kaya. Wala akong ibang babae na minahal kundi ikaw. Hindi man tayo pinagbigyan ng tadhana at kung mabuhay man ulit tayo ipinapangako ko sayo mahal ko magiging masaya tayo, ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na hindi natin naranasan. Kung puro pait at sakit ang ibinigay satin ngayon, sa susunod na pag kakataon o sa susunod nating mga buhay, magsasama tayo habang buhay , pangako hahanapin kita mahal ko"

end.