meet

I was standing here alone at the party, Hindi ako mahilig makipag halubilo sa mga tao. Para sakin they only want my money or makapag invest sa company ko. I don't give a shit about those businessman who want to be in a goodterm to me just to get a chance na makapag invest sila sa company ko or makapag invest ako sa company nila.

Habang umiinom ako ng tequila ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha na masayang nakikipag usap sa isang babae na kaedad niya lang din. Hindi ko alam bakit bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko at mas lalo pang lumakas nang mapag sino ko ang babaeng yun. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko ng hindi ito tumigil sa pag tibok ng mabilis.

Dahil sa pangyayaring yun ay naisipan kung umalis na lamang doon sa party, wala din namn akong interes sa party na yun kaya mas mabuti nalang na umalis ako kaysa makipag usap ng mga walang kwentang bagay sa mga mukhang perang mga businessman na mga yun at mas gugustuhin ko na ring umalis don kaysa makita pa ang babaeng nang iwan sakin dati. Tsaka di ko rin maintindihan bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko siya ulit .

I was talking to Ziandra Echavez nang makita ko ang pamilyar na tindig ng isang lalaki habang umiinom na mag isa. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko nang makilala ko kung sino iyon. Pinag sawalang bahala ko nlang iyon at itinuon ang attention sa kausap

"So kailan kapa nakabalik ng Pilipinas?" tanong ni Ziandra na agad ko rin namang sinagot

" Two days ago" sagot habang Naka tingin sa lalaki kanina.

"Oh!, So I guess nakapamasyal kana?" She ask me again.

"Yeah kahapon namasyal ako sa Baguio then umuwi kaninang tanghali para maka attend sa party na to" mahaba kong sagot sa kanya

"Nag enjoy ka namn ba?" Tanong niya habang Naka taas ang isang kilay

"Of course namn i miss that place and I also miss this country. Tatlong taon din akong namalagi sa New York para makamit ang mga pangarap ko so ,yeah nag enjoy ako sa pamamasyal ko kahapon." Sagot ko habang nakatingin kay Theo na palabas na ng mansyon.

" It's nice to know na nag enjoy ka. Mag i-stay Kana ba dito for good or babalik kapa ng new York?"

"I'll stay here for good na" i reply while smiling.

Biglang May tumawag May Ziandra na lalaki kaya nag paalam na ito sakin. Habang natagpuan ko namn ang sarili kong palabas ng mansyon at sinusundan si Theo na nakasakay na ngayon sa sasakyan niya.

I sigh when I saw his car drove away. Pero Napangiti nalng ako nang makitang okay na ito at nakamit niya din ang mga pangarap niya gaya ko.

Hindi nako mag tataka kung galit ito sakin, sigh. I know that it's my entire fault kung galit man ito sakin kasi alam kung hindi maganda ang pinagdaanan nito simula nong iwanan ko siya para sa mga pangarap ko.

Habang naka higa sa kama at nakatingin sa kawalan ay di mawala sa isip ko ang mukha ni Raven habang nakangiti ito kanina. Diko alam kung ano ba ang tawag dito sa nararamdaman ko ,nakakalito kasi naghalohalo ito. Sakit, pait,pagkamiss at galit para sa dalaga. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan pag nagkaharap kami ,nasisiguro kong mas mangingibabaw ang galit na nararamdaman ko sa oras na mag tagpo ulit kami.

Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nilalamon ng antok.

Kinabukasan pag gising ko ay medyo masakit ang ulo dahil siguro napasubra ako ng inom kagabi sa party. Tumayo na ako at nag punta sa kusina para kumuha ng Advil para mainom dahil sa hangover ko. Pagkatapos kong uminom ay diretso sa banyo ang punta ko at nag shower. I did my daily routine bago pumasok sa opisina para ibabad ang sarili ko sa trabaho.

Pagkapasok ko palang ng building ay binati na ako ng guard at ibang empleyado ko. Pero di ako sila pinansin diretso lang ang lakad ko habang nakatingin sa unahan. Pagkapasok ko namn sa opisina ko ay sinalubong agad ako ng aking sekretarya.

"Sir May meeting po kayo mamayang 9am with Mr. Alvarez " he said while his head is slightly bowing

I nod as an answer

"Sa JMCC restaurant po kayo magme-meeting mamaya sir" he added then Lumabas narin para gawin ang trabaho niya.

Lalaki ang kinuha kong sekretarya kasi ayaw ko ng distraction May iba kasing babaeng secretary na nagpapapansin sa boss nila at halos makita na ang mga boobs nila para lang mapansin ito. That's why I choose Martin Luther as my secretary.

Habang abala sa pag p-perma sa mga papeles nang kumatok ang secretary ko bago pumasok kaya umayos ako ng upo habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya.

"Sir tumawag po si Mr. Alvarez pwede daw po bang ngayon na po kayo mag usap about sa meeting niyo kasi May pupuntahan po siya" Martin says na lalong ikinakulokot ng mukha ko

"Okay, tell him I'll be there at 5 minutes" i said bago tumayo at inayos ang sarili ko.

Pagdating sa restaurant ay agad akong nilapitan ng waitress at tinuro ang table ni Mr. Alvarez. Agad namang nakipag kamay sakin si Mr. Alvarez na agad kong tinanggap.

"So Matthew di na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to invest 10million sa company niyo" diretsong sabi niya sakin.

I nod bago sumagot "yeah I already know that" i said sipping my drink.

We talk about business bago siya umalis. Naisip kong mag stay Mona ng 7minutes bago umalis.

While sitting in my chair hindi ko inaasahang makikita ko si Raven dito papasok sa restaurant na mag isa. Bago pa ako makatayo ay nahagip niya na ako at agad naman itong umiwas ng tingin. Umupo nalang ako don at ininom ang drinks na in-order ni Mr. Alvarez kanina.

Fvck this bakit ba kasi hindi pa ako umalis kanina? Ano ba kasing naiisip ko at umupo ulit ako?

Gusto ko nang umalis kaharap ko lang kasi ng table si Raven pero hindi ako makatayo. Piste namn oh kailangan ko nang pumasok sa office dahil May meeting kami ng board after 45 minutes. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako at paalis na sa table ko. I was grateful because of that Kaya namn nag madali akong lumabas at sumakay na sa kotse ko at nag drive papuntang kompanya

Habang papasok ako ay binati ako ng mga trabahante ko , well they always do that as I'm their boss. Naka upo ako ngayon sa swivel chair ko at pinipermahan Ang mga mahahalagang dokumento at yung mga kailangan ng management's.