Chapter 6: Unang Pagkikita

Halos lahat ng tao rito ay umalis na kani-kanina pa at tingin niya ay siya na lamang ang taong naririto dahil wala na ring mga taong naririto. Abala si Ada sa pagkain mga ilang minuto lamang ang nakakalipas at may ina-announce pa kanina sa speaker. Wala siyang naintindhihan kasi puro english pa isama pang ang sasarap ng pagkain dito kaya ayon nalimutan niya ang nasabing event.

Busy siya kumain at ayaw niya ring magpaistorbo noh. Minsanan lang kaya ang ganitong klaseng event at tingin niya ay sobrang sarap ng pagkain nila rito. Basta narinig niya kaninang mga lumalapit dito ay naghire daw sila ng mga tagaluto rito. Chep, Shef, Siyep basta yung mga magagaling sa kusina lalo na sa larangan ng pagluto. Nakalimutan niya ang pronunciation at spelling nun.

Sarap na sarap sa pagkain ang bulag na si Ada rito ngunit mabilis naman siyang nakaramdam na may pumunta sa kaniyang gawi. Rinig niya ang mga paghakbang ng papalit na mga nilalang sa kaniya. Alam niyang tiles ang buong lugar na ito, sosyalan din ang galawan ng mansyon na ito.

"Miss, mukhang nag-iisa ka rito. Pwede bang pumunta doon sa harden, nilipat kasi ang venue roon upang doon na ituloy ang party." Wika ng isang ginang sa bulag na si Ada.

Nagulat naman si Ada sa narinig niya. Base sa narinig niya ay babaeng boses ito at hindi pamilyar sa kanina.

"Pasensya po ngunit di ko po alam tumungo roon eh tsaka kabilin-bilinan po ng kakilala ko na dito lamang ako." Seryosong sagot ni Ada habang humingi pa ito ng paumanhin.

"Mukhang bago ka rito Ija ha. Masyado ka namang magalang sa akin. Ililipat kasi ng mga waiters at maging namin ang mga pagkain doon. Iba din talaga pag mayaman eh noh kasi parang di man lang nagalaw mga pagkain dito." Sambit ng ginang habang makikita ang lungkot sa tono ng pananalita nito.

"Yun nga rin po pinagtataka ko eh, sobrang ang sasarap ng pagkain rito. Sorry po feeling close po ako. Ano po pala itatawag ko sa inyo hehe..." Wika ni Ada habang makikitang abala pa rin ito sa pagnguya ng pagkain nito.

"Ah eh pwede mo kong tawaging Tita, Tita Ana. Salamat naman at nagustuhan mo ang inihanda ng mansyong ito. Bisita ka rito kaya marapat lamang na kumain ka ng marami. Ang iba kasi inuna pa ang uminom ng wine tsaka rason nila ay nagda-diet daw sila." Wika ng nasabing ginang habang makikitang magaan ang loob nito sa kumakaing si Ada na may suot pang maskara.

Maging silang mga kusinera at mga waiters ay nakamaskara din it's because sumusunod lamang sila sa theme ng party na ito.

Mabilis namang napatayo si Ada dahil busog na rin siya. Simot na simot ang plato tsaka naiilang siya kapag kinakausap siya ng isang estranghero o di kaya ng taong hindi niya lubos na kilala.

Naalala niya rin ang paalala ni Ada tsaka yung sinabi nito na nasa bahay pa lamang sila na huwag makihalubilo sa kapwa. Kung mangyari ay iwasan niya ito.

Sige po mauuna na po ako Tita. Nakalimutan kong may gagawin pa po ako. Na-enjoy ko po ang mga pagkain niyo rito." Magalang na wika ni Ada habang bahagya pa itong nagbow at umalis na kaagad sa lugar na ito.

Mabilis naman niyang tinunton ang daang patungo sa sinasabi ng ginang sa hardin daw.

Buti na lamang at naalala niya ang instructions ni Clara sa kaniya na doon malapit sa gilid ng mansyon ito. which is gets niya naman iyon.

Nasa labas na siya ng mansyon ngayon at naglakad-lakad na ito patungo sa sinasabi ng ginang na hardin. If she knows, sobrang lawak din ng hardin na tinutukoy nito.

Hindi naman siya nagkamali ng inaakala dahil rinig na rinig niya naman ang mga boses na sa palagay niya ay nag-uusap-usap na mga tao rito isama pa ang tugtog ng malamyos na musika. Sabi sa kaniya ni Clara ay puro mga business minded people ang nandito.

Medyo binilisan na niya ang paglakad niya upang sundan ang pinagmumulan ng kasiyahan ngunit nagulat na lamang siya nang...

PAH!

Malakas na napaatras at napatumba ang dalagang bulag na si Ada nang may nabangga siyang parang pader ngunit mukhang mali siya ng hinala.

"Argh, bulag ka ba Miss? Bakit di ka tumitingin-tingin sa dinaraanan mo?!" wika ng taong nakabanggaan ni Ada. Mahihimigan ang inis nito sa pagsasalita nito.

Kinabahan naman si Ada sa sinabi ng lalaking nakabanggaan nito kaya mabilis siyang humanap ng palusot. Ayaw man niyang magsinungaling ngunit ayaw naman niyang maghanap ng gulo rito. Parang pinagsisisihan niyang pumunta siya rito kung gnaito lamang ang mangyayari.

"Medyo nahilo ako bigla Ginoo dahil siguro sa wine na pinainom ng kaibigan ko kanina. Parang naduduling ako ngayon." Pagsisinungaling ni Ada. Parang First time niya atang nagsinungaling ng malala at sa isang nakabungguan niya pa.

Rinig nito ang pagbuga ng lalaki ng hangin tsaka siya mabilis na binitbit nito na parang pa-bridal style.

Nagulat naman ang bulag na si Ada sa naging kilos ng ginoong nakabungguan niya. Hindi lang gulat kundi gulat na gulat. Parang normal lang naman ang reaksyon niya ngunit ang mata niya ay hindi talaga nakakita.

Lihim na pinamulahan ng mukha ang dalagang bulag na si Ada sa naging kilos ng lalaki at mabilis siyang nagsalita.

"Pwede bang ibaba mo ako? Nakakahiya naman kung bibitbitin mo ako." Wika ni Ada habang makikitang tila gusto niyang pumalag sa pagkakakarga ng lalaking nakabanggaan niya sa kaniya.

Rinig niyang napakamot pa ito sa buhok nito at mabilis din itong nagwika.

"Sabi mo ay nahihilo ka at gusto mong puntahan ang kaibigan mo. Ayoko namang iwan ka ritong nangangapa sa lugar na ito." Seryosong giit ng lalaking nakabanggaan ni Ada sa baritono nitong boses.

Napangiwi na lamang si Ada tsaka mabilis itong nagwika.

"Nahihilo ako Ginoo ngunit nakakahiya talaga kung kakargahin mo ako. Pwede naman akong kumapit sa bisig mo. Okay na ko sa simpleng tulong na ito. Paumanhin." Seryosong turan ni Ada habang sinuhestiyon niya pa ito. medyo kasing OA masyado ang pagkarga sa kaniya at ayaw naman niyang pagtinginan sila mamaya noh baka ano pang masani ng mga tao, ayaw niyang lumikha ng eksena lalo pa't naririto ang Tiya Elena niya at ang bruhildang si Delia baka mapansin pa siya nito. Ayaw naman niyang mangyari iyon.

Napakamot ulit ng ulo ang binatang nakabungguan ng bulag na dalagang si Ada. Siyempre ayaw namang sabihin ni Ada na totoong bulag siya baka pagtripan pa siya nito o di kaya ay hamakin.

Mabilis namang ibinaba siya ng lalaking nakabanggaan niya. Walang sabi-sabi nitong hinawakan ang kamay ni Ada at ipinatong sa kanang bisig nito.

"Maraming Salamat." Simpleng sambit ng bulag na dalagang si Ada upang ipahayag na nagpapapasalamat ito sa lalaking tumulong sa kaniya.

Namula naman ang mukha ng lalaking nakabanggaan ni Ada ngunit he just look away.

"Ako dapat ang humingi ng pasensya sa iyo kasi umasta akong parang ewan kanina. Hayaan mo at ihahatid kita doon sa hardin para naman makabawi ako." Seryosong tugon naman ng binatang nakabanggaan ni Ada. Makikitang medyo nakaramdam ito ng guilt sa ginawa niya. Medyo di siya okay ngayon eh dahil sa nangyari kani-kanina.

Napatango na lamang si Ada dahil mukhang mabait naman ang nakabanggaan niya ngunit medyo di siya okay sa pagiging unreasonable nito kanina ngunit ayaw naman niya o di niya ugali ang magtanim ng galit sa kapwa niya noh. Naisip niyang medyo OA ang ginamit niyang word na unreasonable kaso di naman siya close ng nakabanggaan niya. Ewan.

Mabilis naman silang naglakad patungo sa hardin ngunig nang malapit na sila rito ay mabilis na napadaing ng malakas si Ada nang makaramdam ito ng sobrang hapdi sa bandang paa nito.

Napansin naman ito ng binatang nakabanggaan niya kaya agad nitong tiningnan ang tinitingnan ng dalagang nakasuot ng magandang maskara.

Doon niya napansin ang dumudugong sugat ng dalagang inalalayan niya sa bandang paa nito.

Napamura naman siya sa kaniyang isipan lamang.

"May sugat ka pala sa paa bakit di mo sinabi? Wait lang." Sambit ng lalaking nakabanggaan ni Ada habang inalalayan pa siya nitong maglakad sa isang tabi at pinaupo sa isang gawa sa metal na upuan.

"Ah eh, nakakahiya kaya. Tsaka inabala na nga kita ngayon eh." Nahihiyang turan ni Ada sa kaniyang pagdadahilan. Indeed, nahihiya siya kasi dami na niyang idinulot na abala sa lalaking nakabanggaan niya tapos ganito pa.

Medyo nag-isip naman ng malalim ito at mabilis na nakaisip ng ideya.

"Wait ka lang rito Miss. Wag kang aalis, may pupuntahan lang ako." Seryosong sambit ng lalaking nakabanggaan ng bulag na dalagang si Ada. Gusto nito kasing gamutin ang natamong sugat ng dalaga since siya naman ang dahilan ng pagkakatumba nito kanina sa daan. Hindi naman niya ugaling hayaan na lamang na tiisin nito ang sugat na natamo nito.

"Sige." Simpleng tugon ni Ada dahil mukhang ramdam niyang hindi mapakali ang lalaking nakabanggaan niya.

Mabilis na lumakad papalayo ang nakabanggaang lalaki ng bulag na dalagang si Ada at nanatili na lanang si Ada sa posisyon niya ritong nakaupo sa isang gawa sa metal na upuan.

Mabilis namang hinubad ni Ada ang suot niyang maskara dahil sobrang nainitan siya habang suot-suot ito kani-kanina pa. Medyo hiningal din siya sa kakalakad at isama pang busog na busog siya.

Ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas ay may marahas na kamay na humablot sa kamay niya.

Magsasalita pa sana si Ada upang umalma ngunit narinig niya ang pamilyar na boses na siyang kilalang-kilala niya.

"Ada, kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala. Sinabi ko naman sa'yong wag kang aalis doon eh." Seryosong wika ni Clara matapos ang kaliwat-kanan nitong paghahanap kay Ada kani-kanina pa. Medyo kinabahan siya noong di niya ito mahanap kanina sa lugar kung saan niya ito hinanap. Nagtanong pa nga siya sa mga natirang mga tao roon ngunit walang nakapagbigay sa kaniya ng kasagutan. Sinabi niyang bulag ang hinahanap niya ngunit walang nakapagbigay sa kaniya ng lokasyon ni Ada

Timing namang dumaan siya rito kaya nahanap niya si Ada kaagad.

"Ah eh, lumabas na ko roon dahil mukhang nilipat dito sa hardin ang venue ng . masquerade party eh." Wika ni Ada habang kita nitong kumalma na ang mukha ni Clara. Medyo pansin niyang nanginginig pa ito na hindi niya alam ang dahilan.

"Bakit aligaga ka na hanapin ako Clara? May nangyari bang masama?!" Nagtatakang tanong ng dalagang bulag na si Ada kay Clara. Halata niya kasi sa pananalita nito at kamay nitong nakahawak pa rin sa kaniya na may problema itong kinakaharap.

"Meron Ada kung hindi tayo magmamadaling umuwi. Nakita ko sila mommy at Delia kanina at mukhang pauwi na rin ito. Kailangan nating magmadali." Seryosong sambit ni Clara habang makikitang lanis ang pagkabahala nito sa sinabi niya rin mismo.

Nakaramdam naman ng takot ang magandang dalagang bulag na si Ada sa narinig niya. Parang bomba itong sumabog sa kaniyang tenga.

"Sige Clara. Uuwi na tayo dahil mukhang malilintikan tayo pareho kapag nagtagal pa tayo rito." Nag-aalalang tugon ng dalagang bulag na si Ada sa pinsan nitong si Clara. Kabis siya ay kinakabahan din noh. Mas Mahirap pag si Delia ang nakatagpo nila ng landas rito at mas lalong lalala ang sitwasyon pag nagkataon.

Mabilis na hinatak naman ni Clara si Ada sa pagkakaupo nito at nagpatianod na lamang ang bulag na dalagang si Ada sa gustong mangyari ni Clara dahil talagang kailangan na nilang umalis sa lugar ng pamilya Sandoval.

Mabilis at malaya silang nakalabas dalawa ni Clara sa Gate at mabilis na binagtas ang daan pauwi.