Sephi's POV
Sabado ngayon at wala akong pasok. Isang linggo rin kaya akong babad sa libro. Mahirap talaga ang senior high school life. Isang year na lang, college na ako.
Hay~ Polluted na talaga ang Earth. Wagas kung makabuga ng usok ang mga sasakyan. Yung katabi ko namang lalaki, enjoy na enjoy sa kanyang yosi.
"Hooo~" pagbuga ng usok ng lalaki.
"Ugh! Ugh!" pag-ubo ko. Lumayo na ako dahil ang baho ng usok. Tinakpan ko ang aking ilong gamit ang aking handkerchief.
'Pashnea! Nasa publiko pa talaga nagyo-yosi!'
Iba talaga ang amoy ng yosi. Minsan naduduwal ako.
"Witwiw~" rinig kong pagpa-iswit ng isang lalaki sa aking likuran. Hindi ko alam kung ako ba yung pinapa-iswitan niya or nagiging feelingera na ako?
"Hello Miss Ganda~" bati ng lalaki sabay akbay sa 'kin. Napatingin ako sa kamay niya na nasa balikat ko. May hawak pa itong yosi. Pashnea.
"Alam mo, may malapit ritong hot-" di maituloy na sabi nung lalaki dahil sinipa ko na ang itl*g niya. "ARAY!" he winced in pain.
"Walang 'ya kang manyakis ka!" sigaw ko tapos kumaripas ng takbo.
Kumaripas na talaga ako ng takbo dahil ang mukha ng lalaki ay parang naka-drugs. Jusko, sana naman di ako sundan ng lalaking 'yun...
Pero mukhang nagkamali ako. Habang tumatakbo ako, napalingon ako sa aking likuran at nakitang sinusundan ako. Pashnea! Sumunod pa talaga ang hinayupak na adik na 'yun!
Kaya binilisan ko pa talaga ang aking takbo. Bahala na si Batman. Walang alinlangan akong tumakbo kahit pa na nagtatakang tumingin sa akin ang mga tao.
'Nagmumukha na siguro akong baliw ngayon.'
Muli akong tumingin sa aking likuran. Whew~ Salamat at wala na yung adik~
"Ah!" I winced in pain. Nakabangga kasi ako. Hinarap ko yung nabunggo ko. Hala! Lola yung nabunggo ko!
"Sorry po, Lola," paghingi ko ng tawad. Dahil din sa akin, nalaglag yung dala-dala niya at gumulong pa sa gitna ng daan yung mga prutas.
"Okay lang, hija," pagsisigurado ni Lola.
Pero na-gi-guilty ako, kaya naman tinulungan ko si lola na ayusin yung dala-dala niya.
"Ako na lang po ang kukuha, lola," ang sabi ko sabay yuko. Nakita ko namang ngumiti si lola. "Salamat,
apo."
Pumunta ako sa daan. Iniisa-isa kong pinulot ang mga prutas na nalaglag mula sa bag ni lola. Nang makuha na ang mga prutas ay inilagay ko ito sa bag ni lola.
"Salamat, apo," pagpapasalamat ni lola sabay ngiti, "pero may isa pa dun." tinuro ni lola ang prutas na natitira sa daan.
Tumango ako tapos pumunta ulit sa daan. Bumaba ako ng bahagya upang maabot ang natitirang prutas sa daan. Pero, nagulat ako dahil sa narinig na malakas na busina.
"PEEEEEEEEEEP!!!" umalingawngaw na tunog ng busina ng sasakyan.
Tumingin ako sa sasakyan at alam kong mababangga ako nito.
Pero kahit anong pilit ng aking utak na tumakbo ay hindi ito magawa-gawa ng aking katawan. Kusa na lang itong nag-shut down.
Kinukutya ko yung mga bida sa mga telenovelas na kahit alam na nga nilang mababangga sila, nananatili pa rin sila sa kanilang lugar at hinihintay ang malakas na impact. Di ba tanga?
Pero parang isa rin ako sa kanila. Tanga rin.
At tulad ng ibang bida, pinikit ko na lang ang aking mga mata. Hinihintay na mabangga ng sasakyan at mahiga sa sahig. Siguradong masakit 'toh.
Pero bago pa ako mamatay... Lord, sana po makilala ko man lang po yung taong destined para sa akin.
'Ano ba Sephi? Yan pa rin iniisip mo ngayon kahit nasa bingit ka na ng kamatayan?'
One.
Two.
Three.
Four.
Five.
Limang segundo ang lumipas pero bakit parang wala akong maramdaman na sakit?
Idinilat ko ang aking mga mata at ang harap ng isang kulay pulang sasakyan ang bumungad sa akin.
Wait. So, buhay pa ako? How? Why?
"Hey! Are you going to kill yourself?!" isang malakas na sigaw ang aking natanggap mula sa isang lalaki.
Nilingon ko kung sino yung sumigaw sa akin. When I saw his face, I got freeze and stare at him intently.
' I think patay na talaga ako, kasi may anghel sa harapan ko.'
Light from the sun shone on his handsome face. Wow. Mas lalo siyang gumuwapo.
"Can you stop gawking at me?!" galit na sigaw nung lalaki. Taglay sa kaniyang mukha ang pagka-inis at pagkamuhi.
'Anong kasalanan ko rito?'
ng kilig na aking nadama kanina ay napalitan ng inis. Para bang napalitan ng maiitim na ulap at pinalilibutan ang kanina pa lamang na magandang panahon. Dumagdag pa ang pagkulog at pagkidlat na nagbabadya ng matinding pag-ulan o mas masaklap pa ay-- bagyo.
Tulad ng bagyo, parang uulan rin sa galit ang mukha nitong lalaking nasa harap ko.
"Are you stupid?! Bumusina na ako, but you just stayed still there and waited for the great impact!" mala-dragon nitong sigaw.
'Binabawi ko na ngayon na anghel ka. Demonyo ka pala. Muntikan pa naman kitang maging crush.'
The man chuckled. Mental ata. "Are you deaf?!"
ANO?! DEAF DAW AKO?! EH KUNG SIGAWAN KAYA KITA DIYAN!
"I guess I'm right. Tss. Paharang-harang pa sa daan, bingi naman," rinig kong bulong niya.
'Akala siguro ng mokong na 'to na bingi ako, ay. Humanda siya. Ipapakita ko sa kanya kung gaano ako ka maldita.'
"HOY! FYI LANG! DI. AKO. BINGI!" sigaw ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niyang parang fox. Tapos halos magdikit na yung makapal pero straight niyang kilay.
'Pffft~ Para siyang si Red. Yung pulang angry bird.'
"Why are you laughing?!" naiinis niyang tanong.
"Kasi kamukha mo si Red. HAHAHA" tawang-tawang sabi ko sa kanya.
At dahil sa sinabi ko, namula siya nang tuluyan. Hindi dahil sa namba-blush siya, dahil yun sa galit.
Tinignan kong muli ang itsura ni Red. Magkasalubong pa rin ang kilay niya. Pfffft~ Putulin ko kaya? Pati na rin yung sungay niya.
"You bitch. GET LOST," sabi niya gamit ang kanyang non-chalant look. Woah~ Grabe kung makapagbanta ha?
Naglakad siya papunta sa pinto ng kanyang kotse, "Alis! Huwag kang paharang-harang sa daan." utos niya.
Binuksan niya yung pinto at aakmang papasok sa loob ng kanyang sasakyan, pero binato ko ng hawak-hawak kong prutas ang kotse niya.
Nanlaki yung mga mata niya. Pati na rin ako dahil sa aking nagawa. Naalala ko na kay lola pala yung mangga. Tsaka sayang yung mangga. Mukhang matamis pa naman. Di ko kasi alam kung ano yung pumasok sa utak ko't nagawa yun. Kusa ko na lang itinapon ang mangga sa kotse niya. Ako na ata ang dakilang tanga. AMEN.
Pero mukhang madaragdagan pa yung katangahan ko. Di ko man lang kasi naisip yung panganib na maaaring mangyari bago ko ibato yung mangga sa kotse niya.
Edi ngayon, parang Bulkang Mayon na 'tong si Kuya Red dahil sa galit. Malapit na siyang sumabog.
"WHAT. THE. HELL. DID. YOU. DO. TO MY CAR?!!" umalingawngaw na sigaw ni RED. Hala. Baka mag-super saiyan siya rito o di kaya'y mag-evolve? Isa lang ang sigurado ako, I'M DEFINITELY DEAD.
Isinarang muli ni Angry Bird ang pinto ng kotse niya. Padabog niya itong isinara kaya't nakagawa ito ng ingay. Napatingin tuloy sa amin yung mga tao sa paligid. Nakikita ko rin ang mga papalapit na sasakyan at motorsiklo sa likuran.
LAGOT. AYAW KONG GUMAWA NG EKSENA.
Lumapit sa akin yung si Angry Bird. Red na red na talaga siya at yung mga mata niya, nanlilisik sa galit.
Napahakbang ako patalikod dahil lumapit siya. Itiningala ko ang aking ulo dahil masyadong matangkad si Red. Nang magtama ang aking mata sa kanya, ramdam ko ang galit niya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari, but one thing is for sure, patay talaga ako.
"How dare you throw that to my car?!" ani mo'y mega phone na pagkakatanong niya anupa't napatakip ako sa tenga.
'Isa pa niyang sigaw, mabibingi na talaga ako. Halos masira yung ear drums ko.'
Aakmang sasaktan ako ni Red gamit ang kanyang kamay ngunit di natuloy dahil sa busina ng mga kotse sa likuran. Phew~ Muntikan na 'kong masaktan dun ha.
Binaba ng lalaking galit na galit ang kanyang kamay. Salamat naman. Pero di pa rin mabura sa kanyang mukha ang galit.
Tumingin siya sa akin nang matulis na para bang espada na kanina pa ako inaatake.
"You'll regret this," he remarked and went inside his car.
Nagsenyales pa siya na umalis ako sa daan gamit ang kanyang kamay. Pero bago pa ako makapunta sa gilid ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at humarurot paalis.
'Loko 'yun ah! Muntikan pa akong masagasaan.'
Dahil sa inis ay padabog akong naglakad papunta sa gilid. Bakas sa muka ko ang pagkainis. Hmp. Mokong yun.
"Gwapo sana, maldito naman. Tss~" bulong ko sa sarili.
"Pabayaan mo na yun, apo. May ganun talagang talagang mga tao."
"Ga..." sandali lang. Ay, oo nga pala! Nandito pa pala si lola.
Napakamot na lang ako sa batok dahil sa hiya. Buwisit kasi yung si Angry Bird eh, nadala tuloy ako sa aking emosyon. Tss~
"Sorry po, lola. Nabato ko po yung mangga ninyo. Kasalanan kasi 'to nung Angry Bird na yun eh! Papalitan ko na lang po," pagpapaliwanag ko.
Kapag nakita ko talaga ulit yung si Angry Bird, di talaga ako magdadalawang-isip na ipatapon siya sa kaharian ng mga baboy. Para maluto itl*g niya.
"Huwag mo na yung isipin. Heto, pasasalamat ko sa 'yo," ang sabi ni lola tapos inabot sa akin ang dalawang mansanas.
Gusto ko na sanang tanggapin ang blessing pero nakakahiya. Kaya siyempre, tumanggi ako, "Huwag na lang po, lola. Okay lang naman po ako. Salamat na lang po."
Pero sadyang matigas ang ulo ni lola. "Tss. Tanggapin mo na apo. Sige na. Baka magtampo ako."
At dahil pinipilit ako ni lola, wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang blessing. Pagpalain ka sana ng Panginoon, lola. Nawa'y dumami pa ang katulad mong mabuti. Hindi kagaya nung Angry Bird kanina, kampon ni Hagorn.
Ngumiting umalis si lola. Sumakay siya ng jeep at siyempre, tinulungan ko siya.
Umuwi na ako sa bahay dahil pumanget na yung mood ko. Sus~ Sana bato na lang yung binato ko sa kotse niya. Basag sana yung windshield niya.
Pero natatakot ako. Matapang ako pero nang maalala ang mga sinabi niya kanina, parang iniwan ako ng aking katapangan. Sana, di na talaga kami magkita.
To be continued...