Prologue

Trabaho ang hinahanap ko hindi pag-ibig. Pera ang gusto kong ipunin, hindi mga alaala na pilit magpapaniwala sa akin na ang tadhana ay sobrang mapaglaro. Kung kailan seryoso na ako sa mga bagay-bagay, mangyayari ang kailanman hindi ko inaasahan.

Si Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nahanap nila ako ang tinaguriang katapat niya.

Magkakasundo kaya kami o mapapabilang rin kaya ako sa mga yayang mapapatalsik niya?