Criselda Cruzita Martinez, Cyzi for short.
First day of class at Huling taon ko sa Junior High, busy lahat ng student ngayun sa pag hahanap ng kani-kanilang classroom yung iba ay parang takas sa mental sa sobrang saya, yung iba naman ay parang pinag sakluban ng langit at lupa ang mukha dahil hindi sila magkasama ng kanilang kaibigan sa iisang silid aralan.
Kabilang ako sa parang takas sa mental sa sobrang saya, dahil until now kaklase ko padin ang pinaka matalik kong kaibigan si Justin.
Justin Tuner.
Isa siya sa pinaka mahusay na siklista sa ka maynilaan, nuon pa man ay hilig na nyang makipag sabayan sa mga motoristang nag lalakbay patungo sa iba't ibang syudad, Kung siya ay tinaguriang isa sa pinaka mahusay na siklista ay may taglay din siyang katalinuhan at marunong din syang gumamit ng instrumentong pang Musika.
Sa edad na disi otso kaya nya ng pag sabayin ang kanyang Pag-aaral tuwing lunes hanggang biyernes at pagiging Musikero tuwing sabado at pagiging Siklista tuwing linggo.
Gayun paman kahit na puno na ang kanyang oras o araw ay gumagawa parin sya ng paraan upang makasama ako.
Kasama ko na siya simula sa pagka-bata hanggang ngayun na nasa tamang edad na kami, sa iisang subdivision lang kami nakatira, at isa din sa naging dahilan kung bakit kami magkaibigan at magkasama ngayun ay dahil sa aming mga Magulang, kagaya namin ay kapwang magkaibigan din ang aming mga magulang.
Nawala ang aking iniisip ng biglang may sumulpot na lalaki para gulatin ako
" Cyzi! bat ba naka tulala kalang jan? " wika ni Justin bago tuluyang lumapit sakin
" wala may naisip lang ako " sabi ko sabay deretsyo sa pag lalakad patungo sa aming silid aralan
" e bakit nakita kitang naka ngiti habang naka tulala? ikaw ha! may nagugustuhan kana no " pangungulit nya habang nag papanggap na babae na kinikilig.
" Alam mo kung ano ano nalang napapansin mo jan! tara na nga " sabi ko sabay pasok sa aming silid aralan.
Kagaya ng dati tabi parin kaming umupo sa bakanteng upuan sa bandang unahan, mas pinili naming dito maupo sapagkat mas maiintindihan namin ang bawat aral na ituturo samin.
" Antagal namang dumating ni Mrs. Reyes " singhal ng katabi ko
mahina ko syang hinampas sa braso " anu kaba tin wag ka ngang excited jan! makakapag aral ka naman kahit na ma late si ma'am e. " masungit na sabi ko
Natahimik na lang siya at hindi na sumagot sa sinabi ko, maya maya pa ay dumating nadin si Mrs. Reyes at dahil nga sa karamihan sa aming klase at mag kakakilala na hindi na nag abala pa ang aming Guro sa pag papakilala ng aming sarili sa harapan.
Wala masyadong ginawa sa araw nayun, kaya nf matapos ang klase ay napag pasyahan na namin ni tin na dumiretsyo sa mall upang makapag libang.
Parehas naming sinusulit ng magkasama ang mga bakanteng oras na meron kami, dahil sa susunod na buwan ay mag uumpisa na kaming maging abala sa pag aaral at pag aayos ng mga clubs and organizations.
Nandito na kami ngayun sa mall papuntang National Book Store dahil naisipan kong bumili ng panibagong librong maaring basahin kung sakali mang wala akong gagawin.
" Justin! san magandang basahin dito? " tanong ko habang hawak yung dalawang libro
" yung The Elixir by ANXIETYMS " sabi nya sabay turo sa isang libro na hawak ko
" sige, pero pano mo nasabing maganda tong The Elixir? " kunot noo kong tanong sakanya
" base kase sa tittle ay maha-halata mo ng maganda ang storya, kaya nasabi kong iyan ang mas magandang basahin " paliwanag nya habang naka tingin ng diretsyo sa'akin
" ah sige, tsaka nga pala wala ka bang rides sa susunod na linggo? " tanong ko ulit sa'kanya
" wala pa namang sinasabi si kuya lando na panibagong schedule sa susunod na rides, pero nasisiguro kong bakante pa naman yung oras ko sa araw na yun. " sabi nya habang nag hahanap ng mga librong maaari nyang basahin
" Ah ganun ba? yayayain sana kitang samahan ako sa Book signing ng isa sa pinaka batikang manunulat sa wattpad e si ate Max diba kilala mo yun? " sabi ko habang nakangiti
" yung nag sulat ng HIH at LWL? " tanong nya sa'akin
" oo sya nga, punta tayo ah! " masigla kong sabi
" osige " sabi nya habang naka ngiti bago siya ulit humarap sa mga libro
Nakaka tuwa kase kahit sa pag babasa ng Wattpad stories ay magka-sundo kami, nakangiti ko syang minamasdan habang abala siya sa pag hahanap ng Wattpad books.
Matapos nyang maka pili ay dumiretsyo na kami sa counter para mabayaran ang aming mga napiling libro, sya na ang nag bitbit ng mga napamili namin, pagka labas namin sa NBS ay dumiretsyo na kami sa KFC isa sa favorite fastfood chain namin.
Humanap muna kami ng bakanteng upuan bago sya mag prisinta na sya nalang daw ang mag oorder ng pagkain, di na nya tinanong yung order ko dahil kabisado na nya ang sasabihin ko.
Ng umalis sya sa harap ko ay diko mapigilan ang mapangiti sa kadahilanan na kabisadong kabisado na nya ako, Sa loob ba naman kase ng almost 18 yrs naming magkasama ay dina nakakapag takang kabisado nya nako.
Kung minsan nga ay iniisip na ng aming mga magulang na baka raw may relasyon na kaming dalawa di lang daw namin inaamin, sobrang kulit kasi nyan ni Justin nasanay sya na sa tuwing may bakanteng oras sya ay ako lagi ang hinahanap nya, minsan nga nag bibiro na si tita na nag seselos nadaw sya sakin dahil mas gusto daw akong kasama ni Justin kesa sa'kanya.
Sa totoo lang sa sobrang sweet nya ay diko na maiwasang kiligin sakanya, diko rin naman itatanggi na minsan nadin akong humanga sakanya, sya kase yung tipo ng lalake na Gugustuhin mo e Caring na Matalino na malapit pa sa Panginoon at higit sa lahat ay Mapagmahal na tao, alam nyo bang handa yang ipamigay yung pagkain nya sa mga batang lansangan, kahit wala ng matira sakanya basta makapag bigay sya sa mga nagugutom ay ayos na sya kaya bata palang kami ay nasali na kami sa mga Charity para makatulong sa mga nangangailangan.
Masyado syang selfless na kulang nalang ay ibigay nya na yung monthly allowance nya para i donate sa charity na nasalihan namin, pero gaya nya ay ganun din ako..