Chapter Twenty Two

Chapter 22: The Wedding Part One

Isang buwan na ang nakalipas at nandito kami ngayon sa eroplano papunta sa America.

Dapat hindi muna kami pupunta ng US dahil masyado pang maaga, pero dahil sa pinagbubuntis ko ay wala kaming choice kung hindi ang umalis.

Dun na din muna kami mag stay hanggang sa makapanganak ako.

Meron nga kaming nakalimutan na icelebrate, yung stag party namin.

Walang stag party na nangyari kase kailangan na namin na umalis pero sabi naman nila na pwede naman na dun nalang namin idaos kaya pumayag na ako.

This past few days iba na yung pakiramdam ko, medyo mabigat at parang may kulang.

Siguro dahil sa pinagbubuntis ko five months na kase ang tiyan ko kaya malaki na siya.

Minsan kinakabahan ako at laging wala sa sarili ko kagaya nalang ngayon kinakabahan ako at parang may butas sa bandang dibdib ko.

"hey! Kinakabahan ako" bulong ko sa dalawang katabi ko.

Hinawakan nila ako sa kamay at niyakap ng mahigpit.

"shh… everything's fine" hinahalikan nila ang magkabilang bahagi ng ulo ko at niyayakap ako.

I tried to close my eyes habang yakap ko sila ng may panibagong imahe ang lumabas sa isipan ko.

 

There's a Coppin at the end of the isle  and  I am standing at the back of the church. I tried to look around and there I saw my husbands crying, mama mosang and amara are weeping too.

 

I tried to approach them but they don't seem to notice my presence.

 

I walk towards the Coppin and I saw myself in there lying lifelessly.

 

No!

No!

This can't be happening!

"NOOOO-!!" pakiramdam ko galing ako sa pagkalunod dahil sa paghahabol ko ng hininga.

"Hey, binabangungot ka" bulong ni Carson habang nakatingin sa akin ng may pag aalala.

Napabuntong hininga ako bago tumango sa kanila at sabihing ayos lang ako "I'm fine" after that I lay my head in Carson's chest.

"Shh… shh…" hinihimas niya ang ulo ko na parang pinapatahan.

Kung panalangin ko'y 'di marinig

 

Unang lyrics palang ng kanta ay tumulo na ang luha ko

Abutin man ng bawat sandali

 

"Panginoon ko anuman ang mangyari, huwag mo pong pabayaan ang pamilya ko."

Ang dalangin ng puso'y ikaw

 

"Panginoon minsan pa'y nananalangin ako ng panahon na makasama at makitang lumaki ang mga anak ko." Lumuluha ako habang tahimik na nagdarasal sa panginoon

At kung sa bawat higpit ng aking pagdaramdam

 

"Panginoon alam kong labis ang aking mga pagkakasala."

Ay hindi ka malapitan

 

"Pero nandito ako nagsusumamo sa pangalan mo na minsan pa'y masaksihan ko ang iyong milagro"

Makikiusap na lang

 

"Kung wala ng pag-asa ay sana huwag mong pabayaan ang mga taong tumanggap sa akin."

Kung panalangin ko'y 'di marinig

 

"Bigyan mo sila ng buhay na hindi nila mararamdaman ang sakit ng paglisan."

Abutin man ng bawat sandali

 

"Hindi man ako ang kanilang hantungan, nawa'y makahanap sila ng tunay na kaligayahan"

 

Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo

 

"Labis akong nagpapasalamat sa mahabang panahon  na nakasama ko ang mga taong mahalaga sa akin."

Ang dalangin ng puso'y ikaw

 

"Kung mabibigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon nais ko po sanang makita ang tunay mong milagro."

Natapos ang panalangin ko eksakto ng pagtapos ng kanta.

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako ng may luha sa mga mata.

"Hey Angel, wake up" ginising ako ni Carson nung malapit na kaming mag land sa LAX international airport.

"Hmmm" napainat ako

binati ako nung magkapatid "Good evening Angel." Napalinga ako sa labas ng eroplano at nakita kong madilim na pala.

"Good Evening sa inyo!" I greeted back and hug them one by one

"Okay ka na ba? Do you have nightmares again?" worries evident in their voice.

I smile at them and answer "I am fine, don't worry about me".

Nang makapag land na kami ay kaagad na kaming sumakay sa rented car papunta sa hotel.

"Let me get our key card first." As soon as we arrived sa hotel ay dumiretso na si Cray sa reception to get our key card para makapag pahinga na.

"Good Evening Sir, Welcome to Carribean Hotel, how may I help you?" The receptionist greeted him with a smile and ask nicely.

"Good Evening, a reservation for Mr. Cray and Carson Constantine." I put my arm around cray and whisper in his ear.

"Hold on a second, Sir" nagtipa sa computer ang receptionist para hanapin ang aming reservation record.

"you're serious, it's scary" Minsan naiisip ko na may bipolar disorder and dalawang magkapatid na ito, kung bakit?

May mga times na jolly sila pero madalas seryoso, para bang pili lang ang pinapakitaan nila ng childish side nila, at sobrang swerte ko kase isa ako sa nakakakita non.

Nang matapos magtipa sa computer si ateng receptionist ay ngumiti ito sa amin at may kinuha sa drawer ng table nito.

"Here's your key card sir, please enjoy your stay" ng makuha namin ang mga key card ay nagpasalamat kami kay ateng receptionist at dumiretso na sa nakaassign na kwarto para sa amin.

Dalawang deluxe room ang kinuha namin, Isa para sa amin at Isa para kila mama mosang at amara yung mga kaibigan ni Carson at Cray ay bukas na namin kikitain.

Nang makapasok sa kanya kanyang room ay dumiretso ako sa bintana ng kwarto para tanawin ang kagandahan ng buong lugar.

As for those two si Carson ay dumiretso sa shower room habang si Cray ay sa bathroom nagpunta.

Maganda yung design ng kwarto manly and classy, magkahiwalay din ang shower room at comfort room and halatang pang mayaman yung room.

Habang naka tanaw ako sa bintana ay hindi ko maiwasan ang mamangha sa ganda ng lugar.

The city lights are breathtaking kahit na puro buildings ang makikita mo ay sobrang ganda padin.

Napakaganda ng buong lugar nakakamangha, pakiramdam ko ay nasa Isa akong paraiso.

Habang nakatanaw sa bintana ay hindi ko maiwasan ang isipin ang mga magulang ko.

Wala sila kahit na pinadalhan ko sila ng imbitasyon ay hindi pa din sila dumating.

Para na akong tanga na naghihintay sa reply nila araw araw mula nung itext ko sila last month, pero wala akong natatanggap mula sa kanila.

"Guess I'm not that important!" halos malasahan ko ang pait at hinanakit sa sinabi ko.

Nanatili akong nakatanaw sa bintana ng hotel ng maramdaman ko ang yakap at bulong ni Carson mula sa likuran ko. "he is hugging me from behind and it's sweet"

 

"You okay?" bulong na tanong ni Carson

"Nalulungkot lang ako." Nalulumbay na sagot ko sa kanya habang niyayakap ang mga braso niyang nakayapos sa akin.

"Bakit nalulungkot ang mapapangasawa ko?" nakangiti si Carson pero alam kong nag aalala siya.

"inaasahan ko naman na maaaring hindi makarating yung mga pamilya natin, pero ang sakit pala na sa kabila ng kaalaman mo na maaaring hindi sila pumunta ay umaasa ka pa din na magbago ang isip nila at samahan ka sa isa sa mahalagang pangyayari sa buhay mo."

"Shh Angel, magpahinga na tayo sa susunod na araw na ang kasal natin, maglinis ka na muna ihahanda ko ang paligo mo." Pagkatapos niya akong halikan sa ulo ay tumalikod na siya para pumunta sa sa bathroom ng maihanda na ang paligo ko.

"Angel handa na ang paligo mo!" Sigaw ni Carson mula sa pintuan ng banyo.

Hindi na ako sumagot sa kanya naglakad nalang ako patungo sa banyo.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Cray na kakagaling lang ng kitchen, he look at me and ask,  "You okay?" I just smiled and nod at him.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa banyo, kung saan nakatayo so Carson sa tapat ng pintuan.

"You needed help?" he ask me ng papasok na ako sa banyo.

I shook my head and answer him, "I am fine, ako na ang bahala".

"Just call us if you need anything, okay!" After he said that tumango lang ako at tumuloy na sa banyo.

Nang makapasok ako sa banyo ay nagulat ako sa luwang at laki nito, halos kasing laki na nito yung buong sala ng bahay ko.

"Tsk. Yung dalawa na iyon talaga, pwede naman na sa simpleng lugar lang eh." Nasabi ko nalang sa sarili ko ng napapailing.

Ang plano kong paglilinis lang sana ay nauwi na sa paliligo, dahil sa sobrang lagkit na ng pakiramdam ko.

Binilisan ko lang ang pagligo ko konting SCRUB. SHAMPOO. ANOTHER SCRUB AGAIN, tapos na ako BUHOS DITO at BUHOS DOON lang ang ginawa ko at nagsuot na agad ako ng robe. Binalot ko lang ng towel yung buhok ko at lumabas na ako ng banyo.

Dahan dahan ang lakad ko papuntang kwarto nag iingat na baka madulas dahil basa ang paa ko.

Pagkapasok ko ng kwarto ay naabutan ko ang magkapatid na payapa ng natutulog. Napangiti nalang ako sa nakikita kong itsura nila.

Ang gwapo nila pag tulog, sobrang peaceful nilang tignan. Minadali ko lang ang pagbibihis ko para makapag pahinga na din ako sobrang hapo na ang nararamdaman ko.

Bago ako makahiga ako sa kama ay hinalikan ko muna ang magkapatid sa kanilang noo habang sinasabi ang mga katagang, "Good night, mahal na mahal ko kayo".

Kinabukasan…..

Maaga palang ay pinuntahan na namin yung simbahan na pagdadausan ng kasal, ng nakadating kami doon ay maayos na Ang lahat simula sa disenyo hanggang sa mga equipment na gagamitin like piano and the spot for the singer.

Hindi ko kilala yung tutugtog at kakanta sa kasal namin kaya wala akong idea sa kung sino sila.

Sabi nung magkapatid pagkatapos namin tignan ang church at ng pagpupuntahan after ng kasal ay susunduin namin si Castel sa airport para makapag bonding kase bukas after ng wedding ay diretso na kami sa honeymoon.

Speaking of honeymoon wala akong idea kung saan kami pupunta, pag tinatanong ko sila kung saan ay lagi lang silang ngumingiti at sasabihing surprise daw, kaya naman I gave up asking them na hintayin ko nalang.

"wife ano sa tingin mo?" Carson ask habang isinesenyas ang buong simbahan.

"It's perfect!" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Nakausap na din namin yung organizer and everything's all set na daw." This time it was Cray who said that.

I nodded at them and ask, "Shall we?"

Matapos tanguan ay inalalayan na nila ako papalabas ng simbahan para magtungo sa pagdadausan ng reception.

It was a fifteen minutes drive kaya mabilis lang kami nakarating sa lugar.

Halos sabay lang kaming dumating nung events organizer, naabutan namin ang manager ng place na inutusan yung mga empleyado niya sa kung saan dapat ilagay ang mga bagay bagay.

Lumakad kami sa gawi ng manager para magpakilala.

"Hello!" panimula ni Cray ay lumingon agad sa amin or more like sa akin, ang lalaking manager.

"Hello Sir?" may pagtatakang bati ng lalaking manager habang nananatili ang titig sa akin.

"Carson Constantine and this is my brother Cray Constantine and this is OUR SOON TO BE WIFE Angelina Cristobal-Constantine!" Malakas ang pagkakasabi ni Carson sa pangalan namin habang talagang ipinagdidiinan ang mga salitang "OUR SOON TO BE WIFE".

Napapahiyang yumuko ang lalaki, pero bago siya nakayuko ay, I smiled at him apologetically.

Hindi nagtagal ay muling tumingin ang manager sa amin at nakangiting nagpakilala "My name is Angelo Smith, I am the manager of Crescent Reception Hall" matapos magpakilala ay naglahad ito ng kamay sa aming tatlo.

Nakataas ang kilay ng magkapatid habang nakikipag kamay sa manager na naging dahilan ng pagtawa ko "HAHAHA"

Mas lalo namang napasimangot ang dalawa sa ginawa kong pagtawa, "alam ko namang nagseselos sila".

 

I was about to extend my hand para makipagkilala ng pigilan ako ng magkapatid, kinuha nilang parehas ang kamay ko at hinalikan.

Napapailing at napapairap nalang ako sa inaakto nila.

 

So para hindi na sila mag selos ay hinalikan ko sila sa labi at sinabing, "tsk loosen up he's just trying to be nice" and I smiled.

"he's trying to get into your pants!" nakasimangot na bumulong sa akin si Carson

"No! He's not!" pagtatanggol ko Kay kuyang manager.

Hindi na kumibo ang dalawa, instead ay kinausap nalang nila ang wedding organizer sa kung ano pa ang idadagdag sa lugar.

Wala naman masyadong kailangan idagdag, yun lang gusto namin kagaya ng additional flowers and wines.

Sila na din kase ang bahala sa cater, kaya nagpadagdag lang kami ng other variety of beverage.

After checking every details ay dumiretso na kami sa airport para sunduin si Castel.

As for mama and amara magkikita nalang kami sa restaurant, hindi na kase namin sila ginising nung umalis kame dahil alam namin na pagod sila.

 Airport is an hour drive mula sa Crescent Reception Hall pero dahil sa maluwag naman ang kalsada dito unlike sa Philippines ay it didn't take an hour para makarating sa airport.

Sakto naman ng dumating kami don sakay ng nirent namin na car ay nanduon na si Castel sa harap mismo ng airport naghihintay.

"Nang makalabas kami sa sasakyan sa tapat niya mismo ay nagsisigaw na Siya "ATE ANGELINA! CRAY! CARSON! I MISS YOU GUYS".

Mabilis siyang nagtatakbo sa gawi namin at niyakap kami isa isa.

"at kayo din babies namiss kayo ni ninang" nakangiti siya habang hinahalikan yung tiyan ko.

Para bang naging habbit na nila ang halikan ang tiyan ko. And speaking of tiyan ang laki na niya parang mas dumoble pa yung laki niya.

"Na-miss ka din namin Castel." Masaya akong makita siya nakakamiss ang jolly personality niya.

"Let's go sa restaurant, may ipapakilala pa kami sa inyo" niyakag na kami nung magkapatid papunta sa sasakyan at nag drive na sila papunta sa pinag-usapan naming kainan.

Nang makarating kame sa restaurant ay kaagad naming nakita si Amara at Mama pero ang ipinagtataka ko ay may iba silang kasama na dalawang lalaki.

"Good Afternoon po mama, Amara" binati ko sila mama habang humahalik sa pisngi nila ng makarating kami sa mesa na kinaroroonan nila.

"Ehem! Mama, Amara si Castel nga pala kaibigan namin" inagaw ko ang atensyon ni Mama at Amara at ipinakilala ko si Castel.

Sabay na tumango ang dalawa at niyakap si Castel, si Castel naman ay masayang yumakap din kila mama.

"And Mama, Amara, Castel and wife meet Andrei and Jordan our friends and wife sila din yung mga tao na nagdala sa iyo sa Crystal nung nag propose kame" nginitian namin yung dalawang bagong lalaki, ngayong nakita ko sila sa makapitan ay namumukhaan ko nga sila.

"You guys scared me, nung una kayong pumasok sa bahay." Kunwari'y naaasar na saad ko sa kanila.

Natawa lang ang dalawa ng malakas "HAHAHA".

After our little introduction ay naupo na kami at nagsimula ng mag order.

Light meals lang yung inorder namin, habang naghihintay sa pagkain ay nag kwentuhan lang kami ng kung anu-ano.

Nalaman ko din na magkapatid pala si Jordan at Andrei at Anderson ang apelyido nila, dito talaga sila nakabase umuwi lang sila nung tinulungan nila si Cray at Carson sa proposal nila.

Habang nag uusap ay napag desisyonan namin na pumunta sa isang lounge bar para sa late na stag party, alam namin na dapat ay nagppahinga kami dahil bukas na yung kasal pero kailangan din naman na makapag unwind yung mga kasama ko and besides hapon naman yung kasal kaya okay lang.

Dumating yung order namin nung tapos na kaming mag usap tungkol sa stag party, kaya ang ginawa nalang namin ay tahimik na kumain.

Maya't maya din akong nilalagyan ng pagkain sa plato ni Cray at Carson napapailing nalang ako sa pagkamaasikaso nila habang kinikilig naman na nakatingin sa amin yung tatlong babae.

Si Andrei at Jordan ay natatawang hindi makapaniwalang nakatingin kay Carson at Cray. Balewala lang naman sa mapapangasawa ko kung tunawin sila ng tingin nung mga kasama namin.

Song used: Eroplanong Papel

By: December Avenue