LEO
Ilang araw ang nakalipas na hindi ko pinapansi si Thomas dahil sa nakita ko sa canteen. Ilang araw narin niya ako pilit kinakausap pero iniiwasan ko siya. Mapatawag man o text hindi ko siya sinasagot at iniintindi, I hate liars and I hate player. Fuck him!
Nasa bahay lang ako ngayon since wala kaming pasok dahil holiday, kahit si Mama wala rin pasok. Nakahiga lang ako dito sa kama nagmumuni-muni, nanuod ako kanina ng video nila Isaac, Xavier at Dan sa youtube. Video nung sumayaw sila sa Paradise club and in span of 1 hour umabot na ng million ang views and the fuck, nasa hundred million na ang views nila ngayon no. 1 trending pa sa buong Pilipinas.
I kennat! Kitang-kita mukha ko, nagbasa ako ng mga comment, hindi ko kinaya mga besh, ang lalaswa tapos may nakita pa akong comment, "saksakin niyo na lang ako," like what the F! Para saan yun? Tapos may nagreply sa comment niya mga number like (1) (2) (3) etc. Ano yun? Repeat? 2nd wave? 1wave? Ganurn? Kaloka.
Ang karamihan pa sa mga nag comment mga babae na humihingi ng mga ginamit kong orasyon sa pagdadasal, ano raw ginamit kong shampoo, etc. Nakakaloka!
Nakaramdam ako ng pagka-uhaw matapos ko mapanuod ang sexy dance na ginawa nila, nag-iinit din mukha ko ng maalala ko ang nangyari after nun. King ina! Tinitigasan na naman ako sa iyong ganda, dahil sa iyong ganda ako ay napatanga. Kanta pa shunga!
Agad akong bumaba at tinungo ang kusina. To my surprise, halos mapatalon ako ng makita ko si Kuya pati si Ate Kristine. Nasa Kusina sila umiinom ng gatas kasama pamangkin kong pogi.
"Anong oras kayo dumating, Kuya?" Agad naman silang napatingin at ngumiti sa akin.
"Kaninang mga 7 am andito na kami bunso. Ang ganda natin ngayon ah, mana kay Mama mukhang mga inspired ah?" Nanunuksong sabi ni Kuya. Sinimangutan ko naman siya na ikinatawa lang nila.
"Maganda ka diyan, tigilan mo akong kutong lupa ka, nagugutom ako," gigil kong sabi saka umupo at kumuha ng makakain, "si mama tignan mo oh, ang ganda niya ngayon, hindi pa pinapakilala sa atin boyfriend niya."
"Hays kayong mga bata kayo, tigilan niyo ako, mamaya sa birthday mo pupunta sila dito ng mga kaibigan niya, baka nga next week makalipat na tayo sa kanila," napatingin kami ni Kuya sa sinabi ni Mama.
"Anong ibig mong sabihin Ma?" Nalilitong tanong ni Kuya. Kahit ako gusto ko rin itanong yun.
"He will become your stepfather mga anak," pag-amin ni Mama na nagpalaki ng mga mata namin. Wala akong tutol kung alam kong masaya si Mama sa piling niya. Alam kong wala rin tutol si Kuya Jack dahil mahal nga namin si Mama.
"Masaya ka ba Ma?" Ani Kuya Jack matapos maka-recover sa pagkagulat.
"I am, Anak. Sobrang saya," sagot ni Mama habang nakangiti. Ngumiti rin kami ni Kuya sa kanya at tumango.
"Then, wala na tayong problema kung masaya ka sa kanya Ma. Ang hangad lang namin ay kasiyahan mo." Tinig ni Kuya Jack. "I want to meet him."
"Ako rin," masayang sambit ko. "I miss having a father. I miss Dad but I want to know who is this man Mom. I am hoping na makakasundo namin siya at mabait siya."
"Have you told him na may mga anak kana Ma?" Agad na tanong ni Kuya. Na tinanguan ni Mama.
"Yes, kilala na niya kayo." Ngumiti lang kami ni Kuya at si Tyler na ang pinagtuonan namin ng pansin after kumain.
Kinahapunan ay birthday ko na, hindi naman ganoon kalaki ang celebration dahil sa hindi naman kami ganoon kayaman, simpleng birthday lang basta kompleto kaming pamilya, masaya na ako.
Agad naman dumating si Sam at Riyo. Mga baklang kanal na ito, malayo pa lang ang lakas na ng bibig na akala mo bahay nila ang bahay ko.
"TITA! Andito na ang pinaka dyosa ng sanlibutan! Dinaig ko pa si Anne Curtis na sinabing nag-iisang dyosa! Echusera siya!" Yan ang sigaw ni Riyo na nasa maliit na gate pa lang namin, rinig na ng buong brgy.
Napalingon si Mama, Kuya, Ate Tine at Tyler na natatawa sa kanya. Napailing na lamang akong sinalubong sila, kasama nila si Samantha at ang inaasawa nitong Half-Filipino, Half-American Guy, si Trevor.
"Tigilan mo akong bakla ka," asar ko rito na ikinangiti rin ng couple na kasama nila na akala mo hindi na aarawan buksan sa sobrang dikit sa isat isa. "Wala kang jowa kaya hindi ka maganda, useless lang yang kagandahan mo."
Napanganga naman itong napatingin sa akin habang si Sam at Trevor ay napahagalpak sa tawa.
"Hayuf kang bakla ka!" Sigaw niya sa akin pabalik, "Porke nadidiligan ka na ni Dan ganyan kana, wala karin jowa kaya wag kang Kill Joy!" Naaasar nitong dagdag pero nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya.
Napatigil si Trevor sa pagtawa at napatingin sa akin pati kay Riyo sa sinabi. Napisil ko naman sa kamay ang bruha. Hindi ko siguro nasabi sa inyo na si Trevor ay dating bestfriend ni Xavier at kaibigan din nila Dan. Lastweek ko lang ito nalaman kasi nilihim sa amin nitong baklang kanal din namin kaibigan na si Sam. Halos kalbuhin namin siya ni Riyo ng aminin niya sa amin iyon. Kakaloka!
Kaya pala napapansin kong may ilangan sa pagitan ni Xavier at Sam. I wonder why? Hindi pa naku-kwento nitong bakla sa amin kung anong nangyari sa Thailand at pagbalik niya rito ay naging babae na siya. Marami na siyang nabanggit sa amin pero may isang reason pa na gusto ko malaman na bumabagabag sa akin. Ang lalaking minahal niya ng sobra na naging dahilan ng pagpaparetoke niya dahil straight ito at sinabi sa kanyang never siya magkakagusto ng bakla, magugustuhan lang daw niya si Samuel nung lalaki pa at Samantha nitong babae na, kapag naging babae siya.
Si Xavier kaya yun?
Kahit pabalik-balik ang tingin ni Trevor sa akin pati kay Riyo pero hindi ito nagkomento, napalingon lang kami ng magsalita si Kuya sa likuran.
"Hey Trevs, nice to meet you again buddy." Ani kuya na nakipag-man to man hug pa rito.
Sabay naman namin hinila ni Samantha si Riyo papasok ng bahay at sinabunutan ito.
"Aray mga bakla! Ang sakit na ng anit ng buhok ko, putang ina niyo talaga!" Sigaw nito ng sabay namin sabunutan ni Sam saka kumuha naman siya ng unan saka kami nagpaluan ng unan.
Nang mapagod kami ay doon pa kami humagalpak ng tawa at humiga sa sofa dito sa living room.
"Ikaw talagang bakla ka, wala talagang preno ang bibig mo," unan tinig ko na ikinatahimik nilang dalawa. "Hindi pa alam ni Kuya at Mama ang merun sa amin ni Dan." Dagdag ko pa rito na ikina seryoso nila ng tingin sa akin.
Nagkatinginan naman si Riyo at Sam saka tumingin sa akin. Kinabahan ako sa tinginan nila at ang pinukol nilang tingin ulit sa akin. Parang may alam sila na hindi ko alam.
"May nararamdaman kaba kay Dan?" Seryosong tanong sa akin ni Riyo.
Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko maintindihan kong merun ba o wala. Basta sa ngayon hindi ko alam, ang nasa isip ko ay si Thomas na kahit alam kong hindi naman ako nito niloko ay hindi ko parin pinapansin, mahal na mahal ko rin kasi ang hayop na iyon. Hindi ko lang alam kung talagang mahal ako dahil nakita ko na naman siya sa Fraternity nila na may kahalikang babae. Mas tumindi tuloy ang galit ko sa kanya.
"Hindi ko alam," nalilitong sagot ko.
"I saw Thomas yesterday with Jean Madrigal, yung miss University natin this year, making out at the male locker." Sabi ni Samantha na ikinalaki ng mga mata ko.
What a nice gift for my birthday?!
Napatakip naman si Sam sa bibig na huli na ang lahat ng marealize niya ang nasabi niya. Kusang tumulo ang luha ko sa aking mga mata. Sobrang sakit, kaya ayaw ko siyang tuluyan pagkatiwAlaan at papasukin sa puso ko dahil alam kong straight siya at baka nalilito lang siya sa kanyang pagkatao.
Agad naman akong niyakap ni Sam at Riyo. Nasa ganoon kaming position ng marinig kong magsalita ang mga Tito ko sa side ni Dad.
"Anong problema? Bakit umiiyak ang gwapot maganda namin pamangkin?" Napatingin kami rito at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko si Tito Xander kasama si Tito Dylan at Tito Manuel.
"Oh My god Tito!" Sigaw ko rito saka ako tumakbo papalapit sa kanila at niyakap siya ng mahigpit. "I miss you Tito Xander," sabi ko rito matapos siyang yakapin ng mahigpit.
"I miss you too," sagot rin nito sa akin at ngumiti, "Happy 17th birthday,dalaga kana talaga."
"Tito!" Angil ko rito na ikinatawa naman nila. Napalingon naman ako kay Tito Dylan ng magsalita ito.
"Magtatampo na ba tayo mga Tol? Mukhang hangin lang tayo kay bunso." Nagtatampo nitong tinig pero nakangiti naman.
"Hindi tayo bati Tito Dy. Wala ka rito nung 16th bday ko." Sabi ko rito saka hinarap si Manuel na nakangiti.
"Mukhang may uuwing nakasimangot ngayon Xander," asar pa ni Tito Manuel na ikinatawa nilang dalawa ni Tito Xander. "Happy Birthday bunso, I miss you!" Nakangiti nitong sabi saka ako niyakap ng mahigpit at binuhat pa ako.
"Sorry bunso, nasa New Zealand ako nun e. Nagpadala naman ako ng gift at nagvideo greeting naman ako," nanguso nitong sabi saka nagpaawa na parang bata. Napatawa naman ng malakas si Tito Xander at Tito Manuel sa hitsura niya saka sila pinagbabatukan, "pag ako hindi pinansin ni bunso, kayo may kasalanan mga tukmol kayo, anak kayo ni Mama!"
"Ampon ka lang kasi Brother,"asar pa ni Tito Xander dito na mas lalong ikinabusangot ni Tito Dylan.
Agad ko naman itong niyakap ng tumalikod na at lalabas na ng bahay. Napatigil naman ito saka ako binuhat sa likod niya. Halos mawalan ako ng hininga ng tumakbo ito patungong sofa at ibinagsak ako roon. Tawa sila nang tawa na hindi napapansin ang nakangangang dalawa kong kaibigan.
Nang mahimasmasan sila ay doon pa silang tatlong nagkatinginan habang nAng makita nila ang mga kaibigan kong nakatulalang nakatingin sa kanila.
"Hi Riyo," masiglang tinig ni Tito Manuel. Kilala na niya kasi ang mga bruhang ito dahil kababata ko rin sila. "Dalagang-dalaga kana," dagdag pa ni Tito Manuel dito na ikinapula ng pisngi ni bakla na mas lalong ikinangiti ni Tito Manuel.
"H-hello Tito Man, kumusta po?" Maliit na boses ng bakla na halos hindi marinig ang sinabi. Gusto kong matawa sa hitsura nitong parang matatae at halos kamatis na ang mukha.
"Nahihiya si Riyo saiyo Kuya Manuel," komento ni Tito Dylan na lalong ikinapula ni Riyo na mas lalong ikinangiti ni Tito Manuel.
"Wag ka mahiya Riyo, ngayon kapa mahihiya sa akin e nung pito (7) taon gulang ka pa lang ay nagtatampo ka kapag hindi kita nakakandong kapag birthday mo," paalala ni Tito Rito na halos ikamatay na ni Riyo. Napahagalpak naman ng tawa ang mga tito ko pati ako at si Sam dahil ayaw na ayaw ni Riyo maalala yun. Yun kasi ang huling ginawa ni Tito Manuel bago siya sumakay ng Barko. Isa kasing Seaman si Tito Manuel at Sa loob ng dalawang taon, ngayon lang sila nagkita dahil nagkasalisihan sila ni Riyo nung 16th bday ko.
Napalingon naman kaming lahat kay Tito Xander ng magsalita ito.
"May magandang babae ka palang kaibigan Leo," komento nito na ikinalaki ng mata namin ni Riyo. Hindi pala namin nasabi na babae na ang dating pinag-iinitan nilang lalaki kasi baka raw mabuntis niya ako na ikanakabwesit ko sa kanila palagi.
"Saan si Samuel?"dagdag pang sabi nito saka tumingin sa akin nang hindi kami sumagot. Napatanga kasi kaming tatlo at napatingin ako sa mga Tito kong napatingin din sa akin at naghihintay ng sagot.
"Ako po si Samuel pero Samantha na ngayon ang pangalan ko," pagbasag ni Sam sa katahimikan namagitan sa amin at halos manlaki ang mga mata nila sa sinabi nito. Ganyan na ganyan ang reaksyon namin dalawa ni Riyo ng malaman namin ito. Shocked na shocked.
"Are you fucking kidding me?" Seryoso na si Tito Dylan niyan kasi nagmura na siya.
Walang sumagot sa amin kaya nagkatinginan lamang sila. Parang gusto pa magtanong ni Tito Xander pero nanahimik na lamang ito. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang ibinulong ni Tito Dylan na ikinatingin ni Tito Xander sa kanya. Hindi man rinig ni Tito Manuel pero nakatigin din ito sa mga kapatid niya. Hindi ko alam kung narinig ni Riyo at Sam pero ako kasi narinig ko kahit bulong lang.
May kinalaman kaya si Xavier sa pagbabago nitong gwapong binata dati?
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng pumasok si Kuya at Tyler na nagpalingon sa amin lahat.
"Mga Tito!" Tawag niya rito sa kanila at tumakbo payakap kay Tito Xander at agad naman siyang binuhat nito.
"Hey Kiddo! Kumusta?"
Hindi na namin napansin ang pag-uusap nilang dalawa dahil nagkatingin lang kaming tatlo ng magpaalam si Tito Manuel, Tito Xander na buhat buhat ang makulit kong pamangkin at si Tito Dylan na lumingon pa kay Sam bago sumunod sa Garden kung saan sila Mama at ang mga kaibigan nitong nagluluto.
Nagkatinginan lang kaming magkakaibigan at halos manlaki ang mga mata namin ng magsalita si Samantha.
"Dont you guys dare to ask and say something," banta nito na ikinagiti namin ni Riyo.
"Wala naman kami sinabi ah," huling kataga ko bago kami nagtawanan magkakaibigan at hinabol namin si Samanthan na nagsisigaw habang patakbong papunta kay Trevor sa labas.
Nagsipagdatingan narin mga kaibigan namin at ang mga kaibigan ni Mama, nakita ko rin ang isa sa mga kaibigan ni Kuya Jack na si Jeremy kasama si Thomas na kanina pa nakatitig sa akin pero twing babalakin niyang lumapit ay umaalis ako at umiiwas, wala ako mood ngayon makipag usap sa kanya.
I was about to call my mom nang makita ko siyang pumunta ng gate nang makita ko ang sasakyan na pamilyar sa akin. Halos lahat ng tao sa gardern ay napatingin din dito. Ang bakod kasi ng bahay namin ay hanggang bewang lanf ang taas kaya kitang-kita ang darating.
Nasa tabi ko ngayon si Kuya Jack, Ate Tine, Riyo na nakaangklay ang kamay sa braso ni Tito Dylan at Sam na kaakbay si Trevor. Halos tumigil ang mundo ko ng makita kong bumaba si Xavier, kaya napalingon ako kay Trev na humigpit ang akbay kay Samantha na napatingin din sa akin na nagtatanong, Did you invite them? Pero umiling lang ako.
Agad naman napabalik ang tingin namin ng magsinghapan ang mga ibang tao sa bahay ng bumaba si Isaac kasunod nito si Dan na agad hinalikan ni Mama sa labi. Para akong nanghina sa nakita ko, diko alam pero sumikip talaga ang dibdib ko sa nakita ko, gusto kong umiyak dahil hindi ako makahinga. Para akong sinaksak ng libu-lubong kutsilyo sa dibdib ko banda sa may puso ko.
I saw them looking at me at hindi ko nakikita ang gulat sa mga mukha nila. Ako at si Riyo lamang ang gulat na gulat sa nakikita ko.
Nakangiti silang pumasok at agad pumunta sa table kung saan andun kami. Agad na lumapit si Mama sa akin at pinakilala nga ito. Nakantingin lamang ako sa kanya at parang tumigil ang mga tao sa paligid, yung pakiramdam na wala akong marinig dahil nabingi ako at sa kanya lamang nakatutok ang mata ko.
Napabalik lang ako sa ulirat ng tapikin ako ni Mama, "Anak, siya si Daniel Monrow, ang soon to be stepfather niyo," pakilala ni Mama habang nakangiting nakalagay ang kamay sa braso ni Daniel na nakangiti rin tumingin sa akin, napabaling ang tingin ko kay Isaac at Xavier na agad nawala ang ngiti nang makita nila ang kunting-kunti na lang ay babagsak na ang tubig sa aking mga mata. "Babe, He is my Son, Leo, ang may birthday ngayon,"
Nakangiti naman akong tinignan ni Daniel na parang wala lang sa kanya ang lahat, iniabot nito ang kamay niya sa akin pero tinignan ko lang ito, sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang gusto kong pumalahaw sa iyak pero pingil ko ang sarili ko at pinilit na ngumiti at inabot ang kamay nitong nais makipag-shake hand sa akin.
"Nice to meet you Finally, Leo," nakangiti nitong sabi saka pinisil ang kamay ko, "maraming kwento ang nanay mo sa akin about you and I wanna know my future son more," dagdag pang sabi nito saka pinisil ulit ang kamay ko ng may kunting lakas at ramdam na ramdam ko ang init nito.
Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya ng ipakilala naman siya ni Mama kay Kuya at nagyakapan sila. Nakatingin lamang ako sa kanila lalong-lalo na kay Dan, ang dami kong gustong itanong sa kanya. Sobrang dami pero ayaw kong masira ang gabing ito. Naramdaman ko ang kamay ni Sam sa likuran ko na hinihimas ako, napalingon ako sa kanya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Lumapit din si Riyo sa akin at bumitaw nasa pagdikit na parang Linta kay Tito Dylan.
Napalingon din ako sa kay Isaac at Xavier ng lumapit sila sa akin.
"Happy Birthday, Leo!" Nakangiting bati sa akin ni Isaac saka inabot ang gift nito. "Finally see you again." Hindi ako umimik sa sinabi niya, tinanguan ko lamang siya at si Xavier naman ang sumunod.
"Hey! Happy Birthday!" Sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit. "Be brave, Daniel dont know anything about you," bulong nito saka ako binitawan ang pinaharap sa kanya, "Enjoy your day! Bawal kang sumimangot at umiyak," dagdag pa nito sabay kindat sa akin at ngumiti.
Kung hindi lang siguro ako nasasaktan ngayon at walang pinagdadaanan, baka nangisay na ako sa kilig pero hindi ko magawa dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Nang bitawan niya ako ay napalingon ulit ako kay Mama at Daniel na masayang-masayang magkasama habang pinapakilala siya ni Mama sa mga Tito at Tita ko. Kasama nila si Kuya, Ate Tine at Tyler.
"Banyo lang ako," paalam ko sa kanila. Sasamahan pa sana ako ni Riyo pero pinigilan ko siya.
Agad akong tumakbo papasok sa banyo at pagkapasok na pagkapasok ko ay doon ako umiyak nang umiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam bakit ako nasasaktan samantalang wala naman kami o walang namamagitan sa amin. Nasa kasagsagan ako ng pag-iyak ng biglang bumukas ang pinto at bigla ako nitong niyakap. Kahit hindi ko na alamin kung sino ito, pabango pa lang kilala ko na.
"Let me Thomas," madiin kong sabi sa kanya pero mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"No," sabi pa nito saka siniksik ang ulo sa leeg ko, "not until you talk to me." Dagdag pa nito saka ako pinaharap at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya at gulat.
"Why are you crying?"
"None of your business," masungit kong sabi sa kanya at pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. "Pwedi ba Thomas, kung maglalaro o pinaglalaruan mo lang ako, panalo kana, nahulog at nabihag na ako sa laro mo, nasaktan mo na ako, umiiyak na ako. Masaya kana ba?" Sumbat ko rito dahil bumalik yung mga times na nakikita ko siyang may kahalikan sa Fraternity nila at nahuli ko pa siya minsan na may kasex doon at nakita ko pa ang video na sinent ni Sam sa akin.
"Hindi kita maintindihan, Leo," nalilitong sabi nito, "anong pinagsasabi mo? Saka bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Bakit hindi ka nagrereply sa mga Text ko? Bakit mo ako iniiwasan? Ano bang nagawa kong mali?"
"Nagawa mong mali? Uhuh! Tanungin mo ang sarili mo Thomas, alam mo ang sagot kaya pwedi ba? Tigilan mo na ako dahil ayoko saiyo dahil una pa lang alam kong pinaglalaruan mo lang ako at sex lang ang habol mo," sabi ko rito na ikinalaki ng mga mata niya, "diba tama ako? Dahil katulad karin ng ibang mga lalaki sa campus natin na ang tingin sa mga bakla ay laruan, salot, titi lang ang habol sa mga lalaki at piniperahan, pare-parehas lang kayong lahat, MANGGAGA—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinilit ako nitong hinalikan.
Parang nanghina ang tuhod ko sa halik niya pero pilit ko siyang tinutulak subalit parang wala lang ito sa kanya. Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko na lamang na bumulagta na si Thomas sa sahig at nasa pagitan namin ngayon ang lalaking dahilan bakit ako umiiyak ngayon.
"Dont you dare touch my Son again," banta nito na kahit ako ay kinilabutan, "dahil baka mapatay kita."
Agad naman tumayo si Thomas at tumingin sa akin bago lumabas ng pintuan. Humarap naman si Daniel sa akin at hahawakan na sana ako pero agad kong tinaboy ang kamay niya.
"Don't touch me," sabi ko rito sabay punas ng luha ko sa aking mga mata. "I hate you!"