[LAUREN'S POV]
"ANO?!" hindi makapaniwalang sigaw ko nang ikuwento sa 'kin ni Barbie ang hiwalayan nina Javier at Summer.
"Oo girl, at si Stephanie ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Summer." pagkukuwento sa 'kin ni Barbie sabay tingin kay Javier.
Malungkot na malungkot ngayon si Javier habang nakatingin siya sa phone niya na may litrato ni Summer.
"Mas lumala na ang ugali ni Stephanie. Gano'n ba talaga niya kamahal si Javier kaya nagawa niya 'yon?" tanong ko kay Barbie.
"Well, I'm not sure kung plinano talaga ni Stephanie 'yon dahil walang maalala si Javier kagabi. At isa pa ay hindi pagmamahal ang nararamdaman niya kay Javier kundi obsession. Kailangan talaga niyang turukan ng anti-malandi at anti-obsession para matauhan na siya at ma-realize niyang hindi siya mahal ni Javier." mahabang sagot sa 'kin ni Barbie na ikinatawa ko ng konti.
Ang daldal talaga niya.
"Ewan ko nga kung bakit na-inlove si Stephanie kay Javier. Hindi naman gwapo si Javier at walang abs." sabi sa 'kin ni Barbie na mas ikinatawa ko pa.
"Hoy Manika! Ano 'yang pinagsasabi mo? Hindi ako gwapo at wala akong abs?" seryosong tanong ni Javier kay Barbie.
"Totoo namang hindi ka gwapo at wala kang abs." confident na sagot ni Barbie kay Javier.
"Kung gano'n, papatunayan ko sa 'yo na gwapo ako at may abs." sabi ni Javier at kinindatan niya si Barbie.
"Sige, patunayan mo nga." panghahamon ni Barbie kay Javier.
"May abs kaya ako." ani Javier at inangat niya ang laylayan ng polo shirt niya. Wow! Six pack!
Napatingin naman ako kay Barbie.
Ayun! Nganga at tulo ang laway sa bibig niya.
Buti na lang at vacant ngayon kaya kaming tatlo lang ang nasa room na 'to dahil yung mga classmates namin ay nagsilabasan. Kung nandito lang sila ay baka ma-rape nila si Javier.
"Gwapo ba ako at may abs Manika?" nakangising tanong ni Javier kay Barbie.
Wala sa sariling tumango si Barbie habang nakatingin sa abs ni Javier.
"Ayan! Napatunayan ko nang gwapo talaga ako at may abs." ani Javier sabay baba ng laylayan ng polo shirt niya.
Natauhan naman si Barbie. "T-teka, andaya mo ha!"
"Uy, hindi ha! Sadyang crush mo lang talaga ako kaya madali kong napatunayan sa 'yo na gwapo talaga ako at may abs." nakangising sabi ni Javier kay Barbie.
Hahahaha! Nakakatawa talaga sila.
Nakita ko namang naiinis na si Barbie. "Yuck! Hindi kita crush noh. Masyado kang assuming." sabay irap niya kay Javier. "Buti na lang at hiniwalayan ka ni Summer. Nababagay lang 'yan sa 'yo dahil masyado kang bully at mayabang." dagdag pa ni Barbie.
O ow.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Javier. Nakikita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ni Barbie. Oh no! Mukhang hindi maganda 'to.
"Tch!" 'yan lang ang tugon ni Javier sabay walk out.
Sinamaan ko naman ng tingin si Barbie.
"What? May nasabi ba akong mali?" naiinis na tanong sa 'kin ni Barbie.
"Sa tingin mo?" tanong ko pabalik kay Barbie.
Below the belt ang sinabi niyang 'yon.
"Ughh! K, fine. Meron akong nasabing mali. Mag-so-sorry na ako sa kanya." inis na sabi sa 'kin ni Barbie sabay walk out.
At mag-isa na lang ako sa room. Bakit ganito ang sitwasyon namin? Parang unti-unti nang nabubuwag ang pagkakaibigan namin.
Noong una si Stephanie, sunod naman ay si Jameson, ngayon sina Summer at Javier naman. Bakit ganito?
FRIENDSHIP OVER na ba kami?
[SUMMER'S POV]
Ramdam ko pa rin ang kaba at takot nang makarating kami sa opisina ni Dad. Pagkarating namin do'n ay kita ko ang disappointment sa mukha ng parents ko.
"I'm so disappointed to both of you! Hindi namin kayo pinalaking ganyan lalong-lalo ka na Stephanie! Hindi kita pinalaking manira ng relasyon ng iba!" galit na sabi ni Mom sabay hilot sa sentido niya.
"Mom, ako pa talaga naninira ng relasyon! Eh si Summer nga 'tong umagaw sa lalaking mahal ko, ako pa ang nagmumukhang masama!" pagtatanggol ni Stephanie sa sarili niya.
"Anak, intindihin mo naman ang sitwasyon niyo. Mahal ni Javier si Summer." ani Mom Kay Stephanie.
"Pero mahal ko si Javier, Mom. At ngayong may nangyari na sa aming dalawa ay may posibilidad na mabuntis ako." ani Stephanie na ikinangiwi ko.
Hindi naman makapagsalita si Mom dahil sa sinabi ng kapatid ko. Kahit ako nga ay hindi makapagsalita dahil nag-flashback sa isip ko ang nangyari sa kanila ni Javier. Akala ko ay simpleng make out lang ang ginagawa nila pero nagkamali pala ako. Sobrang sakit.
"Enough of that. Kung mabuntis ka man Stephanie ay hindi namin ipipilit si Javier na pakasalan ka." sabi ni Dad kay Stephanie.
"WHAT? NO WAY! ANO ANG GAGAWIN NIYO SA 'KIN KUNG MABUNTIS AKO? LALAKING WALANG AMA ANG MAGIGING ANAK KO!" hysterical na tanong ni Stephanie kina Mom at Dad.
"Wag kang masyadong advance Ma'am Stephanie. Hindi pa tayo sure kung mabubuntis ka talaga." singit ni Luis.
"Wag ka ngang sumabat lalaki ka dahil hindi ka parte ng pamilyang 'to!" mataray na sabi ni Stephanie kay Luis.
"STEPHANIE! WAG KANG MAGSALITA NANG GANYAN SA IBANG TAO!" suway ni Mom kay Stephanie.
"Stephanie, ikaw ang panganay kaya ikaw ang mas nakakaintindi. Dahil lang sa isang lalaki ay gano'n mo na kinamuhian ang kapatid mo? Gano'n ka ba kababaw?" ani Dad kay Stephanie.
"Ito lang ang ma-i-a-advise ko sa inyong dalawa. Focus lang muna kayo sa pag-aaral. Saka na ang lovelife na 'yan dahil masyado pa kayong bata para diyan. Darating din 'yan sa inyo sa tamang panahon." ani Mom.
Mom is absolutely right. Masyado pa kaming bata para magka-lovelife. At magiging sagabal ito sa pag-aaral namin lalo na sa amin ni Stephanie.
[STEPHANIE'S POV]
My parents are right.
At do'n ko na-realize na sobrang sama ko pala para kamuhian ang kapatid ko dahil lang sa isang lalaki. Ang babaw ko talaga.
Dapat ako ang mas nakakaintindi sa sitwasyon namin dahil ako ang ate.
At tama rin ang sinabi ni Mom na masyado pa kaming bata para magka-lovelife. Darating din ang tamang panahon para diyan.
Mahal ni Javier si Summer. Pero dahil sa pagiging makasaliri ko ay sinira ko ang relasyon nila at pati na rin ang pagiging magkapatid namin ni Summer.
Lesson learned.
Ang dami ko pa lang kasalanang ginawa kay Summer at pati na rin kay Lauren. They deserved apology from me. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Sana mapatawad nila ako.