Bonus Chapter

[LAUREN'S POV]

- TWO WEEKS LATER -

"Girl, sorry talaga kung hindi ka namin naipagtanggol kanina." malungkot na sabi sa 'kin ni Barbie.

"Ayos lang 'yon Barbie." tugon ko sa kanya.

"Pero bakit ayaw mo akong magsumbong kay Kuya Joseph para pigilan silang i-bully ka? Nag-aalala na kami sa 'yo, Girl." nag-aalalang tanong sa 'kin ni Barbie.

"Marami na kayong naitulong sa 'kin. At isa pa, baka lilipat na rin ako ng school." sagot ko na ikinagulat nila.

"ANO?! LILIPAT KA NG SCHOOL?!" - Barbie/Summer/Javier/Stephanie

"SAAN?" ani Stephanie.

"AT KAILAN KA LILIPAT?" ani Summer.

"Ang OA niyo naman. Hindi naman ako lalayo sa inyo. Lilipat lang ako sa Dela Cruz University. 'Yon kasi ang sabi sa 'kin ni Dad para hindi ko raw makita si Tim." sabi ko sa kanila.

"Buti naman at hindi malayo. Mabibisita ka namin parati do'n." sabi sa 'kin ni Javier.

"And speaking of Tim, nakakainis talaga siya dahil hindi siya naniwala sa akin na sinet up ka lang 'yang Jameson na 'yan. Buti pa ang Dad mo naniwala agad sa akin." inis na sabi ni Stephanie.

Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula nang maging kaibigan ulit namin ni Stephanie. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil tinulungan niya akong magpaliwanag kay Dad tungkol sa litratong kumalat noon sa engagement party, na sinet up lang ako ni Jameson. At napahanga rin niya ako sa katapangan niya dahil inamin niyang isa rin siya sa nagplano nito. Idedemanda nga sana ni Dad si Jameson pagkatapos magpaliwanag ni Stephanie pero sinabi ko sa kanya na huwag na lang.

"Maniniwala rin sa akin balang araw si Tim kapag makakuha na ako ng sapat na ebidensiya na sinet up lang talaga ako ni Jameson. Kailangan ko lang kaibiganin si Jameson para makamit 'yon." sabi ko kay Stephanie.

"Pero Lauren, baka maulit na naman ang nangyari kapag kinaibigan mo ulit siya." nag-aalalang sabi sa 'kin ni Summer.

"Bahala na basta makakuha lang ako ng ebidensiya. Kapag nakuha ko na 'yon ay ibabalik ko sa kanya ang ginawa niya sa akin." tugon ko kay Summer.

"By the way, ito pala ang gift ko sa 'yo Lauren. Super belated happy birthday. Pasensiya na kung ngayon ko lang nabigay 'yan." ani Stephanie sabay abot sa akin ng isang regalo.

"Wow! Thank you." tugon ko sabay tanggap ng regalo niya.

Binuksan ko ito para makita ko kung ano ang laman.

Isang notebook at ballpen. Hindi siya basta-basta notebook pero isa siya journal o diary kumbaga. At may nakasulat sa cover page kaya binasa ko ito.

"Dear Future Husband."