This is it guys.
***
[LAUREN'S POV]
Notebooks, check.
Ballpen, check.
Laptop, check.
Yellow paper, check.
Wallet, check.
Cellphone, check.
And lastly, ang hindi pwedeng mawala, my diary, check.
After checking my bag ay lumabas na ako mula sa kwarto ko.
"Sabay ka na sa 'kin anak." sabi sa 'kin ni Dad. He's wearing tuxedo na talaga namang nagpagwapo sa kanya.
"Ang gwapo talaga ng Dad ko." I said while looking at him.
"Ikaw din anak, ang ganda mo." my Dad said while smiling.
Kahit may edad na 'tong Dad ko ay good looking pa rin siya. Marami ngang nagsasabing 20 years old pa lang si Dad kahit nasa 40's na siya.
Hinatid ako ni Dad papuntang Dela Cruz University.
- DELA CRUZ UNIVERSITY -
Nang makarating kami ni Dad sa DCU ay bumaba na ako sa kotse.
"Sige po Dad. Papasok na po ako." sabi ko kay Dad.
"Okay, take care my princess." tugon niya sa 'kin.
Nang makaalis na si Dad ay pumasok na ako sa DCU.
"Hello po Manong Guard. Saang room po ang Grade 11-Diamond?" tanong ko kay Manong Guard.
"Nasa Room 115. Tingnan mo na lang ang room number sa taas ng pintuan." sagot sa 'kin ni Manong Guard.
Sinunod ko naman ang sinabi ni Manong Guard. Hinanap ko ang Room 115.
*booogggssshhh!*
Pero habang hinahanap ko ang Room 115 ay may nakabanggaan ako. Nakatingin kasi ako sa taas ng pinto ng bawat room kaya hindi ko namalayang may makakabangga ako. At natumba pa ako.
"Sorry Miss. Hindi kita nakita." sabi sa 'kin ng isang lalaki at inalayan niya akong tumayo.
Hindi ko pa nakikita ang mukha ng lalaki since nakatalikod ako sa kanya.
"It's okay at sorry din." tugon ko sa lalaki at tumingin sa kanya.
Nakita ko namang napaawang ang bibig niya nang makita niya ako.
"Hello." bati ko sa lalaki.
Hindi naman siya tumugon at nakaawang pa rin ang bibig niya.
"Okay, aalis na ako ha." sabi ko ulit sa lalaki pero no response pa rin siya.
Okayyyy! Ang weird niya.
Iniwan ko ang lalaki at tinuloy ko ang paghahanap sa Room 115.
Nang mahanap ko na ang Room 115 ay nakita kong nagsisimula na ang klase.
"Good morning Sir. I'm sorry I'm late." bati ko sa teacher na nagtuturo sa Room 115.
"It's okay since you're first time here. You are Lauren Dave Manzano right?"
Tumango lang ako.
"You may now seat." sabi sa 'kin ni teacher.
Pumasok na ako sa loob at naghanap ng vacant seat.
[BARBIE'S POV]
Gosh! Nakakalungkot naman ang araw na 'to. Maliban sa wala kaming pasok sa first subject ay wala rito si Lauren.
"Ang boring naman." sabi ni Summer.
"Oo nga eh." pagsang-ayon naman ni Stephanie.
Yeah! Ang boring talaga.
5 minutes
8 minutes
10 minutes
"Waaaaa! Na-mi-miss ko na siya." ani Summer.
Napatingin naman kami kay Summer. Hala! Umiiyak siya.
"Huhuhu! Ako rin Sis. Na-mi-miss ko na rin siya." tugon naman ni Stephanie at malapit na siyang maiyak.
"Ang O-OA niyo naman. Lumipat lang naman siya ng school at makikita pa rin natin siya." sabi ko kina Summer at Stephanie. "Pero waaaaaaaa! Na-mi-miss ko na rin siya." dagdag ko at nagsimula nang humagulgol sa iyak.
"Waaaaaaaaaaaaaa!"
Nag-iiyakan na kaming tatlo rito.
[JAVIER'S POV]
Hala! Nag-iyakan na silang tatlo. Hindi man lang nila napansin ang presensiya ko.
"Sssshhhhh! Tumahan na kayo. Nakakahiya sa mga taong dumadaan." sabi ko sa kanilang tatlo.
"Waaaaaaaaaaa!"
Hindi nila ako pinansin at iyak pa rin sila ng iyak.
"Kawawa naman silang tatlo. Pinaiyak siguro sila ng lalaking kasama nila." narinig kong sabi ng isang babae.
"Ang kapal naman ng mukha niyang paiyakin ang tatlong babaeng kasama niya. Dapat sa mga lalaking nagpapaiyak sa mga babae ay tinutuhuran sa iniingat-ingatan nilang bagay sa pantalon nila." narinig ko namang sabi ng isa pang babae.
Ay potek! Ako pa talaga ang sinisi. Wala nga silang kaalam-alam sa pangyayari eh.
[DAVE'S POV]
Hello readers. Ito na naman kaming tatlo. Dati ay inabangan niyo kami sa My Prince Is Masungit sa Wattpad. Ngayon ay aabangan niyo kami sa Dear Future Husband. Pa-extra-extra lang kami rito. Hahaha!
"Dave, tingnan mo si Tim. Kanina pa siya nakangiting nakatulala." sabi sa 'kin ni Mitchell sabay turo kay Tim.
"Oo nga eh, bakit kaya siya ganyan? Siguro nababaliw na siya." tugon ko kay Mitchell.
"Dave, wag kang maingay. Gugulatin ko si Tim." bulong sa 'kin ni Mitchell at tumayo siya.
Lumapit siya sa counter at nakita kong kinuha niya ang dalawang takip ng kaldero. Parang alam ko na ang gagawin ni Mitchell sa dalawang takip na 'yan.
Dahan-dahang lumapit si Mitchell sa likod ni Tim na nakangiti pa rin habang tulala.
At...
*bang bang bang*
"Waaaaa! Nasusunog ako!" sigaw ni Tim at...
Bwahahahahahaha!
Napa-break dance siya sa sahig dahil sa bigla.
"HAHAHAHAHAHAHA!" tawanan namin ni Mitchell.
Hindi lang yata kami ang nagtatawanan kundi pati na rin ang ibang estudyanteng kumakain dito. Kung napapanood niyo lang sana 'to ng live, I'm sure sasakit ang tiyan niyo sa katatawa. Hahahaha!