Kabanata 3

[LAUREN'S POV]

Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa rin akong nagiging kaibigan sa mga new classmates ko dito sa DCU. Ewan ko nga kung bakit eh. Tapos ang sasama pa ng tingin sa akin ng mga babaeng estudyante.

"Grabe talaga 'yang babaeng 'yan. Bago pa lang siya rito ay nilalandi na agad niya sina Papa Tim at Papa Mitchell."

"Oo nga. Pareho sila ng baklitang Dave na 'yan. Mga malalandi!"

"Ssshhhhh! Huwag mo masyadong lakasan ang boses mo. Baka marinig pa niya tayong pinag-uusap natin siya."

Jusko! Rinig na rinig ko na nga ang usapan nila, tapos sasabihin pa nilang huwag masyadong lakasan ang boses mo baka marinig ko? At ano raw? Nilalandi ko raw sina Tim at Mitchell? Ano ang karapatan nila para husgahan ako? Sila na nga lang ang nakikipagkaibigan sa akin tapos sasabihan pa nila akong malandi?

Syempre hindi ko na lang sila pinatulan. Ayoko ng gulo.

Haaay! Nakaka-miss ang Rodriguez University. Iba kasi kapag classmate mo ang mga friends mo. Mayroon kang makakaramay kapag may problema ka sa eskwela. Tapos may matatanungan ka kapag hindi mo alam ang sagot o 'di kaya'y may magpapakopya sa 'yo tuwing quiz. 

Tuwing quarter examination nga noong junior high school pa kami ay nagtutulungan kaming sagutin ang mga test paper namin. Group exam kumbaga ang tawag sa ginagawa namin. O 'di kaya'y kapag may long quiz. Hati-hati kami sa pag-aaralan naming mga lessons. Lesson 1 kay Barbie, Lesson 2 kay Summer, Lesson 3 kay Javier, and so on para hindi kami ma-haggard masyado sa pag-aaral.

Pero ngayon, nang lumipat ako rito sa DCU. Nagbago na ang lahat. Snob sa akin ang mga bago kong classmate at hinuhusgahan pa talaga nila ako. Tapos wala pa akong makokopyahan at matatanungan. Kailangan ko talagang mag-study harder.

"Na-check ko na ang quiz niyo kahapon. Ilan sa inyo ang hindi pumasa. Mr. Pogi, kindly distribute the papers to the owner." ani Prof.

Nang ma-receive ko na ang papel ko ay tinignan ko ang score ko sa quiz.

75/100

Hay salamat. Pasado pa naman ako ngunit muntik na akong bumagsak. Kailangan ko talagang mag-aral pa nang mabuti.

After class ay dumiretso agad ako sa library para mag-aral. Wala kaming pasok sa susunod na subject dahil on leave ang General Mathematics Instructor namin. Tapos dalawang oras pa ang hihintayin ko for lunch break. Mamaya pa kasing 1 PM ang next subject ko.

Nang makarating ako sa library ay saktong nakasalubong ko sina Tim, Mitchell, Dave at hindi ko pa kilalang lalaki.

"Nandito ka rin pala Lauren. Tara, sumabay ka na samin sa pag-aaral." sabi sa 'kin ni Dave.

Tumango lang ako at pumasok na kami sa library. Naghanap kami ng vacant table na medyo malayo sa mga estudyante.

"By the way Lauren, si Moises nga pala. Classmate namin." pakilala ni Dave sa kasama niya.

"Hi Moises, nice to meet you." sabi ko sa lalaki sabay wave ng hands ko.

Ngumiti lang sa akin si Moises. Infairness, gwapo siya.

Kumuha na ako ng mga librong kailangan kong basahin sa bookshelf. Halos karamihan sa kinuha kong libro ay Mathematics. Limang libro lang ang kinuha ko. Tatlong libro sa Math, isang libro sa Science, at isang libro sa English.

Pagkatapos kong kumuha ng libro ay umupo na ako kasama sina Dave at nag-aral. Una muna ay Math.

*basa*

*basa*

*aral*

[TIM DEARING'S POV]

Hindi ko mapigilang mapatitig kay Lauren. Oh god! Why she's so beautiful. Kahit wala siyang makeup ay maganda pa rin siya. Hindi tuloy ako makapag-focus sa pag-aaral.

Tinamaan na talaga ako sa kanya.

"Ang ganda niya noh." bulong sa 'kin ni Dave.

Wala sa sarili akong tumango.

"Do you like her?" tanong sa 'kin ni Dave.

Wala sa sarili na namang akong tumango. Hindi lang yata 'to like, love na yata 'to.

[DAVE'S POV]

Gosh! Inlove na inlove na talaga si Tim. Kailan kaya niya balak ligawan si Lauren? I'm so excited na. I like Lauren for Tim dahil hindi lang siya maganda sa panlabas kundi pati na rin sa panloob. Nakikita kong mabait siya.

"Lauren, kumusta nga pala si Barbie--este mga kaibigan mo sa Rodriguez University?" tanong ni Mitchell kay Lauren.

"Okay lang naman sila lalong-lalo na si Barbie." sagot ni Lauren at binigyan niya ng nakakalokong tingin at ngiti si Mitchell.

Nakita ko namang nag-blush si Mitchell. Gosh! I can feel the love na.

"Dave, dinner tayo mamaya sa condo ko." pag-aaya sa 'kin ni Moises.

>_____< 

Waaaa! Inaya ako ni Moises na makipag-date sa kanya. Date talaga. Advance akong mag-isip.

"S-sure." tugon ko sa kanya.

Tatanggi pa ba ako? Gora na ako.

[LAUREN'S POV]

Parang na-fi-feel kong inlove na 'tong si Mitchell kay Barbie. Tapos nakikita ko ring may pagtingin 'tong si Moises kay Dave.

Haaay! Buti pa sila. Mukhang magkakaroon na sila ng lovelife. Samantalang ang sa akin ay naudlot dahil sa isang pangyayaring hindi naman totoo.

Speaking of lovelife. Isang linggo ko ring hindi nakita si Tim. Yung Tim na mahal na mahal ko.

Nang huli ko siyang makita ay kasama niya noon si Melanie. Kumusta na kaya siya ngayon?

I missed him so much.