Kabanata 6

[DAVE'S POV]

"I can't believe this na pumayag tayong gawin 'to. Mukhang nauto nila tayo." naiiritang sabi ni Stephanie.

"Tama ka Sis. Nang makilala nila ang tatlong lintang 'yan ay naging ungentlemen na sila sa atin." pagsang-ayon ni Summer sa sinabi ni Stephanie.

Trulaley! Naging ungentlemen na sila nang makilala nila ang tatlong malanding 'yan. Inutusan ba naman nila kaming manghuli ng mga squids sa dagat para sa barbeque party mamaya. At ang dahilan nila ay kailangan nilang i-entertain ang tatlong lintang 'yon. My ghad! Napakababaw ng dahilan nila. I'm sure nagsasaya na sila ngayon habang kami ay nagpapakahirap sa panghuhuli ng squids.

"Guys, 'wag kayong magpadala sa inis. Remember na nasa bakasyon tayo. Bakasyon means happy happy lang tayo." sabi sa 'min ni Lauren.

"Lauren, nakakainis kasi. Imbes na ang mga boys ang manghuhuli ng squids ay tayo ang gumagawa nito. Okay lang sana kung matino ang dahilan. Pero hindi eh. Napakababaw ng dahilan nila. At feeling ko ay nagsisinungaling lang ang tatlong babaeng nakilala nila na wala silang kaalam-alam sa Sanya." mahabang paliwanag ni Barbie.

Mukhang si Lauren na lang ang hindi nakakaamoy sa mabahong ugali ng tatlong lintang 'yon.

"Paano mo namang nasabing nagsisinugaling lang ang tatlong babaeng 'yon?" tanong ni Lauren kay Barbie.

"Kung wala talaga silang kaalam-alam sa Sanya ay dapat hindi na sila nagbakasyon dito. At isa pa, kung wala talaga silang kaalam-alam sa Sanya ay paano sila nakapunta rito? 'Di ba nga wala silang kaalam-alam tungkol sa Sanya. At saka madali namang makahanap ng impormasyon tungkol sa Sanya through Google. Ang kailangan na lang nilang gawin ay magtanong sa mga taong nagtatrabaho rito at hindi magpa-entertain sa taong nagbabakasyon din." mahabang sagot ni Barbie.

"Tama ang sinabi mo Barbie at halatang gusto lang nilang makalapit kina Tim, Javier at Mitchell." ani Summer.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Stephanie.

"Wala tayong gagawin kundi manghuli ng squids. Kung ano man ang binabalak niyo ay 'wag niyo nang ituloy dahil baka magmukha lang kayong masama." sabi sa 'min ni Lauren.

"Hindi Lauren, kailangan nating ilayo ang tatlong lintang 'yan kina Tim dahil alam kong may binabalak silang masama." sabi ko kay Lauren.

"Ano naman ang binabalak nilang masama?" tanong sa 'kin ni Lauren.

"May deperensiya ba 'yang ilong mo Lauren?" tanong ko kay Lauren.

"Wala naman. Bakit?" sagot niya sa 'kin.

"Mukha kasing hindi ka nakakaamoy ng kalandian sa tatlong lintang 'yan." ani ko kay Lauren.

"Ha?" ang nasabi lang ni Lauren.

Hindi niya na-gets ang sinabi ko.

"Ang slow mo Lauren. Ang ibig sabihin ni Dave ay malalandi yang tatlong babaeng kasama nina Tim. My ghad! Kung makapagsalita sila at makahawak kina Tim ay parang nilalandi nila ito." paliwanag ni Stephanie kay Lauren.

"At nagpalandi naman ang mga boys. Pati si Javier, nalandi na nila." dagdag pa ni Summer sa sinabi ni Stephanie.

"Except lang kay Mitch dahil you know na." sabi ni Barbie na hindi ko ma-gets.

"Hay naku guys! Baka nagseselos lang kayo dahil hindi kayo ang inentertain nina Tim." sabi sa 'min ni Lauren.

"HINDI KAMI NAGSESELOS NOH." react namin kay Lauren.

"At bakit naman kami magseselos? Mas maganda naman kami kaysa sa kanila." mataray na sabi ni Stephanie.

"Oo nga at saka natural ang beauty namin habang ang sa kanila, halatang retokada." sabi naman ni Summer.

"Basta ako loyal pa rin ako kay Jameson." sabi ni Barbie.

Napatingin naman kami sa kanya.

"Ano? Loyal ka pa rin sa Jameson na 'yon pagkatapos ng ginawa niya kay Lauren?" inis na tanong ni Summer kay Barbie.

"Oo. Aaminin kong nainis ako kay Jameson dahil sa ginawa niya kay Lauren. Pero hindi naman gano'n kadaling kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Mahirap mag-move on." sagot ni Barbie.

"Naku Barbie! Itigil mo na 'yang nararamdaman mo kay Jameson. Baka masaktan ka lang." sabi ni Summer kay Barbie.

"Yes at basahin mo ang 11 Ways to Forget Your Ex-Boyfriend ni haveyouseenthisgirl sa Wattpad. Makakatulong yan sa pagmo-move on mo." sabi ko kay Barbie.

"Pero hindi ko naman ex-boyfriend si Jameson." tugon sa 'kin ni Barbie.

"Basta basahin mo na lang." sabi ko sa kanya.

"Guys, may naisip ako. Paramihan tayo ng mahuhuling squids. Kung sino ang dalawang may pinakakonting nahuling squids ay sila ang mag-iihaw nito." sabi sa 'min ni Lauren.

"Magandang ideya 'yan Lauren para naman mag-enjoy tayo." pagsang-ayon ni Barbie sa sinabi ni Lauren.

Sumang-ayon din kami. Mukhang masaya kasi.

"Kung gano'n. Let the game begin." ani Lauren.

[TIM DEARING'S POV]

"Come on Tim. Let's dance." aya sakin ni... hindi ko na matandaan ang pangalan niya.

"Hindi ako marunong sumayaw." tugon ko kay Malandi.

Sinabi ko lang 'yon para tigilan na niya ako. To be honest, naiirita na ako sa babaeng ito dahil masyado siyang touchy. Pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaan dito dahil baka pagsamantalahan siya ng mga lalaking sumasayaw.

"It's okay. Sasayawan na lang kita." sabi niya at hinila niya ako sa dancefloor. Hindi ko na siya napigilan pa dahil biglang lumakas ang music.

Nang nasa gitna na kami ng dancefloor ay sumayaw siya nang patalikod sa akin. Naiilang nga ako eh dahil parang kinikiskis ng puwet niya ang ano ko.

[MITCHELL'S POV]

"Mitchell, wait for me. Masakit na ang paa ko." sabi sa 'kin ni Bench na sobrang bagal maglakad.

Tumigil naman ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin.

"My feet is aching na Mitchell. Can you buhat me?" ani Bench.

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak niya ang magkabilang tuhod niya. To be honest, ayaw ko naman talaga siyang i-entertain. Mas gusto ko pang i-entertain si Barbie kaysa kay Bench. Pero nakakaawa naman 'tong babaeng 'to dahil wala siyang alam dito sa Sanya pati na rin ang mga kaibigan niya.

"Sige." tugon ko na lang kay Bench at binuhat ko siya.

[JAVIER'S POV]

"Javier, doon tayo sa likod ng malaking bato. Ang ingay kasi rito." aya sa 'kin ni Avon.

"Pero madilim do'n at saka kailangan ko nang bumalik sa rest house." pagtanggi ko sa kanya.

Kumusta na kaya sina Lauren sa panghuhuli ng squid? Naguiguilty nga ako eh dahil hindi namin sila tinulungan.

"Sige na Javier. May sasabihin lang ako sa 'yo." sabi sa 'kin ni Avon at hinawakan niya ang hita ko.

Medyo nakiliti ako nang igalaw niya ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko.

"Sige pero pagkatapos nito ay babalik na ako sa rest house." tugon ko kay Avon at tumayo na ako para maglakad papunta sa likod ng malaking bato.

Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Avon.