Entry No. 17

Dear Future Husband,

May makakalaban ka na. Biglang nagparamdam sa akin through text ang secret admirer ko.

Papayag ka bang mapunta ako sa iba? Sana naman hindi ang sagot mo.

Handa ka bang makipagkompitensiya sa kanya? Sana OO ang sagot mo.

Parang ako yata ang sumasagot sa mga katanungan ko.

But by the way, advance Merry Christmas and a Happy New year sa 'yo. Sana may gift ka para sa akin dahil may gift ako sa 'yo. Yung puso ko. Hahaha! Ibigay mo rin sa akin ang puso mo ha. Hihintayin ko 'yan kahit buong magdamag pa 'yan.

Your Future Wife,

Lauren