Chapter 7

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng turuan niya si sixto. Halos araw araw siyang nasa bahay nito kasama si Rosario na lagi ng nagmamasid sa kanila. Naiinis siya minsan sa prisensya nito lalo na kapag nagtuturo siya ng pagsusulat kay Sixto na lagi naman nitong kinukontra kapag nakikita nitong nadikit ang baba niya sa balikat nito.

Si sixto naman ay madali lang matutuhan ang mga tinuturo niya sa dalawang linggo niyang lagtuturo dito masasabi niyang marunong na ito at maaaring hindi na niya turuan.

Pero ituturo pa niya ang english dito dahil gusto niya kahit isa ay may maka intindi sa kanya.

Nagdadalawang isip siya kung pupunta ba ng Lawa ng kahilingan o hindi.

Hindi muna niya tuturuan si Sixto ngayong araw dahil nais niyang mamasyal. Ngayon lang niya naisip na maglibot libot naisip niyang pumunta ng maynila sapagkat nais niya malaman kung anong itsura nito sa panahong ito.

Naalala niya ang Intramuros na sa tingin niya ay sobrang ganda ngayon.Pero imposible niyang magawa iyon kung nandito naman siya sa probinsya sa Santo Domingo.

Malayo ito sa maynila at sa tingin niya hindi siya papayagan ng pamilya ng totoong Alicia kung ganito ang kalagayan niya. Wala siyang maalala at alam niyang lubos na mag aalala kung siya ay aalis.

Dahan dahan siyang naglalakad papunta sa lawa ng kahilingan. Ngayon lang niya naisip na ang english nito ay River of wishes at hawig ito sa dagat kung saan siya nalunod at napunta sa panahon na ito pero sa tingin niya kailangan niya pang malaman kung ano ang nangyari talaga sa kanya.

Gusto niya magpasama kay Sixto na mamasyal sa bayan ng Santo Domingo nais niya makita ang pinagkaiba ng pamilihan sa panahon ngayon at sa panahon niya. Nais din niya na mamili ng damit na may ibat ibang disenyo.

Hindi niya maintindihan sa sarili niya kung bakit mas gusto niya na nandito sa lawa at kasama si Sixto kaysa nasa bahay lang at nagtatahi o hindi kaya ay nasa hardin ng hacienda. Lagi siyang nagpapaalam na tuturuan ito kahit na kasama si Rosario.

Hindi niya alam kung maaabutan niya ba si Sixto dito. Pinagpaalam na niya ito sa kanyang kuya at ama na magpapasama siya na mamasyal gusto pa nga nito na isama ang isa sa mga katulong nila pero sabi niya ay may kaibigan siyang kasama.

Kagaya ng madalas niyang naaabutan sa bahay nito wala duon ang binata kaya naman nag antay siya sa upuan nito sa labas ng bahay nito.

Para naman siyang tanga ng sumilay ang isang masayang ngiti sa mga labi niya ng makita niya itong naglalakad pag isa. Seryoso itong nakatingin sa mga mata niya na hindi nakaapekto sa sayang nararamdaman niya.

Tumayo siya ng nasa harapa na niya ito."Ginoong Sixto maaari mo ba akong samahan ngayon sa palengke"Nalilito naman itong tumingin.

"Hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi binibini"

"Sabi ko samahan mo ako sa mercado"

"Ngunit ako pa'y may trabaho sa taniman"

"Ako na'y nagpaalam sa aking kuya kung maaari tayong mamili sa mercado at siya naman ay pumayag. "

Hindi na niya ito pinagsalita at hinila na niya agad. Alam niya ang mga bawal sa panahon na ito pero wala siyang pakialam dahil wala naman nakakakita sa kanila, ng nasa pamilihan na sila ay hindi niya mawari kung bakit sobrang ganda sa paningin niya ang mga iba't ibang produkto na gawa ng mga pilipino.

"Ang mga produktong nandito ay gawang pilipino lamang at hindi maaaring mag dala ng produktong gawa sa ibang bansa."Napatingin siya kay sixto ng sabihin nito iyon.

"Kung ganuon ginoo maaari mo bang ituro sa akin ang pinaka nagandang pamilihan ng mga alahas." Ngumiti ito sa kanya at ginaya siya papunta sa pamilihan.

Bakit iba ng pakiramdam niya sa ngiti nito. Nagbinigay kase iyon sa kanya ng nakakakabang pakiramdam na ayaw niyang maramdaman.

Pagtingin pa lang niya sa mga bilihan na pinuntahan nila mapapa nga nga ka nalang sa ganda ng mga ibat ibang hikay at kwintas ngunit wala sa mga iyon ang nakakuha ng atensyon niya.

Kundi ang nag iisang payneta na naka display sa may pinaka gitna.

Nilapitan niya iyon at hindi niya alam kung bakig gandang ganda siya duon. Isa iyong paynetang may kakaibang disenyo, isa din itong gold na tiyak niya ay napaka mahal.

"Binibini iyan ang nag iisang payneta na gawa sa purong ginto." Nasa gilid lang niya si Sixto na pinagmamasdan din ang paynetang pinagmamasdan niya.

"Magkano po iyan?"Tanong niya sa matanda.

"Limang piso binibini"Napatingin siya kay sixto ng bahagya itong umubo.

"Kaymahal naman po ng paynetang iyan maaari po bang tawaran kahit tatlong piso nalang"Napakunot noo nalang siya. Limang piso lang naman pala barya nga lang ito sa panahon niya.

"Bibilin ko na po "Nakangiti siya dapat na dudukot sa kanyang bulsa ngunit inunahan na siya ni sixto.

"Ginoo"Pigil niya dito.

"Binibini ituring mo nalang na isang regalo ito "Ng maibigay na kay sixto ang payneta ay pumunta ito sa likod niya at ito na mismo ang naglagay ng payneta sa may buhok niya.

"Maraming salamat ginoo"Ngumiti naman ito sa kanya na sa maraming pagkakataon ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya.

"Sa aking pakiwari ay mahal na mahal niyo ginoo ang iyong novia"Bigla naman siyang nahiya sa sinabi ng tindera.

"Aking sasang ayunan ang inyong tinuran binibini"Lalo naman siyang nahiya sa sagot ni Sixto dto.