Chapter 9

"Lahat po ng mga kasambahay kahit trabshador sa taniman niyo ay sinusungitan niyo at laging pinapahiya"

"Talags nagawa ko iyon,?"Tanong niya kay Aurora.

Nasa loob sila ng kwarto niya dahil sa gusto niya ito na mag kwento tungkol sa ugali ng totoong Alicia.

"Opo isa pa po lagi niyo pong pinapahiya si Sixto dahil sa hindi ito marunong magsulat at magbasa."Hindi naman siya makapaniwala sa tinuran nito.

Kaya pala umpisa pa lang ay ilang na sa kanya lahat ng tao na nakakasalubong niya lalo na ng pumunta siya ng taniman. Hindi niya makakalimutan kung paano siya tinrato ni Sixto ng araw na iyon at kung paano siya sinabihan na manlilinlang siya.

Nahihiya siya sa nagawa ng totoong Alicia. Hindi na siya magtataka kung bakit walang kaibigan ito. Dahil sa ugaling pinapakita nito walang nagtangkang makipag kaibigan dito.

"Hindi ko nga po alam kung bakit napaka sama ng ugali niyo ,hindi naman po ganun si Seniorito at seniorita"Unti unting humina ang boses nito ng makitang nalukot ang kanyang mukha.

"Pero ngayon po binibini napaka bait niyo na at ang mga ngiti niyong bumabagay sa ganda ng inyong mukha"Pambobola nito sa kanya na kina ngisi niya.

Ginulo niya ang buhok nito na kinalaki ng mata nito."Alam mo bang gusto ko sa isang tao ay yung totoo at walang paligoy ligoy na sasabihin sa akin ang mga maganda o panget mang mga ginagawa ko"Nataranta naman siya ng parang maiiyak na ito.

"Nagbago na po talaga kayo"Nakahinga naman siya ng maluwag at niyakap ito.

"Maaari ko bang malaman ang dahilan ng pagtangis ng aking kaibigan"Sabi niya dito na ikinapula ng mukha nito.

"Matagal na ang pagtingin ko sa iyong kapatid "Nag iwas ito ng tingin na ikinabuntong hininga nalang niya. Nauunawaan niya kung bakit ayaw nito mangsalita at rerespituhin naman niya iyon.

NAGLALAKAD siya sa daan kung saan patungo ang lawa ng kalhilingan gusto lang niya na mag wish. Baka kase katulad ng nangyari sa kanya sa dagat ng mapunta siya dito baka sakaling matupad din ang mga hiling niya.Hindi dapat siya magtagal dito dahil baka masira lang niya ang hinaharap.

Napakunot noo naman siya ng habang papalapit siya ay may naaaninagan siyang babaeng nasa Mid Fourty's. Nasa unahan nito si Sixto na nakatalikot sa direksyon niya.

Dali dali siyang nagtago sa puno ng buko malapit dito.

"Sana ay hindi na maulit ang nangyaring iyong Sixto, ayaw kong makita ka ng ibang tao lalo na ng mga amiga ko nakakahiya Bastardo ka" Halos manlambot naman ang tuhod niya sa tahasan nitong magsampal kay Sixto.

Sa hindi malamang dahilan ay namuo ang galit niya dito. Anong karapatan nitong saktan ang taong walang ginawa kundi manlimos ng atensyon mula sa ina nito. Hindi man sabihin nito sa salita pa lang na bastardo na narinig niya alam na niya na hindi ito tanggap ng nanay nito na ipinagtataka niya.

Wala siyang nakitang ina na hindi minahal ang sariling anak ito pa lang ang una na lalong nagpapadurog ng kanyang puso.

Walang kagatol gatol niyang pinuntahan ito at tiningnan ng masama. Hindi pa ito nagulat ng makita siya sa halip ay tinaasan lang siya nito ng kilay.

"Anong karapatan niyong pagbuhatan ng kamay si Sixto"May diin niyang sabi dito.

"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan"

"Ako si Alicia Santos" Ngayon niya lang ginamit ang apilyedo na meron siya. Alam niyang kilala ang pamilya nila sa bayang ito at kinatatakutan din sa bayang ito. Ngumisi ito taliwas sa inaasahan niyang lagiging reaksyon nito.

"Ang unica hija ng mga Santos"Bumaling ito kay Sixto at pinasawalang bahala ang prisensya niya."Paki ingatan ang binibining ito bastardo kong anak, tandaan mo ang pinag usapan natin"Sabi lang nito at umalis na sa harapan nila.

Agad naman niyang dinaluhan si Sixto pero pagharap niya ang nagliliyab nitong mga tingin ang sumalubong sa kanya.

"Anong ginawa mo?"Natatakot siyang tumingin dito.

"Ipinagtanggol ka?"Hindi niya alam kung bakit ito nagsgalit sa kanya, ipinagtanggol niya lang naman ito.

"Napaka pakialamera mo kahit kailan, hindi ka na dapat pang nakialam dahil pinapalala mo lang ang sitwasyon"Diin nito. Hindi niya mapigilang masaktan sa sinabi nito pero ayaw niyang magpatalo.

Ito na nga ang ipinagtanggol niya ito pa ang galit sa kanya. Nag aalala lang naman siya dito kaya siya sumingit sa usapan nito. Nasaktan siya para dito.

"Ako na nga ang nag aalala sayo ikaw pa tong galit"Para siyang batang pinapagalitan ng magulang sa lagay niya ngayon.

"Ikaw na nga yung pinagtanggol "

"Pasalamat ka nga kahit lahat ng tao sa paligid mo ayaw sayo may isang taong handang ipagtanggol ka kahit kanino"Drama niya dito pero nakatanggap lang siya ng galit na tingin.

"H'wag mo ako dinadaan sa panlilinlang mo Binibini."

" Ganyan ka naman lahat ng ginagawa kong kabutihan para sayo panlilinlang, matalino ka pero bulag ka pag nanay mo na ang pinag uusapan"

Tinalikuran niya ito at dali daling umalis sa lugar na iyon.