Chapter 8

[SHANCAI'S POV]

"ANONG GINAGAWA MO RITO?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ang kapal naman ng mukha niyang pumunta rito nang walang paalam sa akin. Alam kong may karapatan din siya pero sana naman ay humingi muna siya ng permiso sa akin bago siya pumunta rito.

"Mama tignan mo oh. Binigyan niya ako ng maraming toys." masayang sabi sa 'kin ni Jamieshin.

"Anak, dito ka." sabi ko sa anak ko sabay hila sa kanya papalayo sa ama niya.

"Mama? Bakit po?" nagtatakang tanong sa 'kin ng anak ko.

Umupo naman ako para magkapantay ang aming height.

"Anak, 'di ba sabi ko ay huwag kang makikipag-usap sa strangers?" sabi ko kay Jamieshin.

"Stranger huh." narinig kong sabi ni Jameshin na para bang joke yung sabi ko. Eh sa totoo naman ang sinabi ko eh. Hindi pa siya kilala ni Jamieshin.

"Sorry po Mama. Hindi na po mauulit." tugon sa 'kin ng anak ko.

"Promise ba 'yan anak?"

"Promise." - Jamieshin

*ehem*

Napatingin naman kami ng anak ko kay Jameshin.

"Oh, ano pa ang ginagawa mo rito? Pwede ka nang umalis at hindi niya kailangan 'yang mga basura mo." sabi ko kay Jameshin sabay turo sa mga laruang dala niya.

Natatakot akong baka sumama ang anak ko sa kanya kapag magkalapit na sila.

"Kirsten, can we talk?" biglang tanong niya sa 'kin.

Anong tawag niya sa akin? Nanggigil ako bigla.

"Wala akong oras para makipag-usap sa 'yo. At anong tawag mo sa 'kin? Kirsten? Sino ang nagsabi sa 'yong may karapatan kang tawagin mo ako sa second name ko?"

Eh bakit ko naman 'to kakausapin? Ayoko siyang kausapin no. And how dare him to call me Kirsten. Wala nga ni-isang tumatawag niyan sa akin even my parents.

"Please Shancai. This is important. It's about our daughter." ani Jameshin.

Napatingin naman ako sa anak ko. Ginigising niya si Aling Stella na tulog mantika.

"Sige, kakausapin kita. Pero huwag dito. Sa labas tayo." sabi ko sa kanya. Baka kasi hindi niya ako tantatan kapag hindi ko siya kinausap.

Pagkalabas namin ng kwarto ay diretsahan ko siyang tinignan.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para matapos na 'to." ani ko kay Jameshin.

Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Please give me rights for my daughter. Gusto kong makilala niya ako as her father."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Tama ba 'tong naririnig ko? He's asking permission para ipakilala ko siya kay Jamieshin bilang ama?

Sa totoo lang, naisip kong kapag nalaman niya ang tungkol sa anak namin ay kukunin niya si Jamieshin sa akin. Pero ang nakikita ko ngayon ay kabaliktaran ng iniisip ko. Parang 'yong mukha niya ngayon ay nagmamakaawa at maamo. Pero baka patibong niya lang 'to para maawa ako sa kanya.

"Don't worry dahil hindi ko siya kukunin sa 'yo. Gusto ko lang siya makasama at ipadama sa kanyang mahal ko siya." ani Jameshin.

Nakikita kong sincere naman siya sa mga sinasabi niya. I need to test him if he's telling the truth.

"Paano kung hindi ako pumayag? Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Please Shancai, payagan mo akong makasama siya. Kahit anong gusto mo ay gagawin ko. Para lang sa anak ko." pagmamakaawa niya sa 'kin at nakita kong may tumutulong luha sa mga mata niya. Feeling ko tuloy ay ang sama ko. Okay, he passed the test.

"Okay fine. Papayagan kita sa gusto mo." tugon ko sa kanya.

Napatayo naman si Jameshin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Really?"

"Oo dahil may karapatan ka namang maging ama ni Jamieshin." tugon ko.

Bigla naman niya akong niyakap.

"Thank you Shancai. I'm really glad na pumayag ka." masayang sabi ni Jameshin.

Ako naman ay ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Baka kaba lang 'to. Tama. Kaba lang 'to.

Napabitaw naman si Jameshin sa pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry."

Kinalma ko ang sarili ko.

"Pero bukas ko pa siya ipapakilala sa 'yo. She needs time to prepare herself about you." sabi ko kay Jameshin.

"It's okay. I can wait. So what time tayo mag-me-meet bukas?" tanong niya.

"Mga 2PM. Sa Charitos. Favorite fast food chain ni Jamieshin." sagot ko sa tanong niya.

"Okay. By the way, can I get your number?" Kinuha niya ang phone niya sa bulsa. "I-type mo na lang sa phone ko."

Kinuha ko naman sa kanya ang phone and I typed my cellphone number.

"I'll call you kapag nando'n na ako." - Jameshin

"Sige." tugon ko lang.

Pagkatapos naming mag-usap ni Jameshin ay umalis na siya. Ewan ko pero parang gumaan bigla ang pakiramdam ko nang makausap siya.

He's not that bad after all.

[SOMEONE'S POV]

I'm alone here at my bedroom.

Near in my window while watching the stars in the sky.

I'm lonely.

And thinking of him.

I really miss him so much. Kung hindi lang dahil sa malubha kong sakit ay masaya pa sana kami hanggang ngayon. Hindi ko sana gagawin 'tong pang-iiwan ko sa kanya.

Ayokong malaman niya ang tungkol sa sakit ko dahil baka masaktan lang siya. Hindi ko alam kung ilang araw na lang ang natitira sa akin upang mabuhay. Hindi ko rin alam kung may pag-asa pa ba akong gumaling.

Anim na taon na rin akong nakikipaglaban sa sakit na 'to. Gusto ko na nga sanang sumuko at mamatay na lang, pero sa tuwing pumapasok siya sa isip ko ay nagbibigay ito ng lakas sa akin upang lumaban sa sakit na 'to.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!" bigla na lang akong napasigaw nang makaramdam ulit ako ng sobrang sakit sa ulo. Mas masakit pa kaysa sa masawi sa pag-ibig.

"Anak!" Bigla naman akong inalayan ni Mom sa pagtayo. Pagkatapos ay pina-inom niya sa akin ang pain reliever para mawala ang sakit ng ulo ko.

Nang mawala na ang sakit ng ulo ko ay napayakap ako kay Mom at napahagulgol sa iyak.

"Konting tiis na lang anak ay gagaling ka na. Next week na ang susunod mong operasyon. Lumaban ka lang ha?" - Mom

Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to.

Gusto ko nang gumaling at makasama ang lalaking mahal ko.

Pero sana lang...

Hindi pa ako huli.

***

- NEXT DAY -

[SHANCAI'S POV]

"Mama, saan tayo pupunta?" tanong sa 'kin ng anak ko.

"Sa Charitos, yung favorite mong kainan. Kakain tayo ng spaghetti do'n." sagot ko kay Jamieshin.

Nangislap naman ang mga mata niya. "Talaga po Mama?"

"Oo anak, at saka may ipapakilala ako sa 'yo." tugon ko.

"Ha? Sino naman po?" nagtatakang tanong ng anak ko.

Ito na ang tamang oras para sabihin ko ito sa kanya.

"Ang Papa mo." sagot ko sa kanya.

Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkatuwa. "Talaga po? Yeheyyyy!"

*kriiiiiiinnnnnnnggggg*

Nag-ring naman ang phone ko.

Si Jameshin.

Sinagot ko yung tawag.

"Jameshin."

("I'm already here at the front of Charitos. Nasaan na kayo?") - Jameshin

"On the way na kami ni Jamieshin." sagot ko sa kanya.

("Okay I'll wait.") - Jameshin

"Magpa-reserve ka na lang ng table sa loob for three." sabi ko kay Jameshin.

("Okay.") tugon niya at nag-end na ang call.

Nang makarating kami ni Jamieshin sa Charitos ay kinakabahan ako at the same time excited nang makitang kasama sina Jameshin at Jamieshin.

"Excited ka na bang makilala ang Papa mo?" tanong ko kay Jamieshin.

"Opo Mama." masayang sagot ng anak ko.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng Charitos.

This is it.

Wala nang atrasan 'to.