Chapter 13

[SHANCAI'S POV]

Nagising ako na may ngiti sa labi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa akin kagabi ni Jameshin.

"Dahil simula ngayon ay parte ka na ng buhay ko."

Totoo kaya ang sinabi niya sa akin kagabi? Baka naman scam 'yan.

Hay naku! Ayoko munang isipin 'yan. Baka masira lang ang mood ko.

Lumabas na ako ng kwarto para magluto ng breakfast.

Pagkalabas ko ay dumako muna ako sa kwarto ng anak ko.

Mahimbing siyang natutulog. Mamaya ko na siguro siya gigisingin kapag tapos na ako magluto.

Naglakad na ako hanggang sa napatigil ako sa may pink na pintuan. Napansin kong nakaawang ang pintuan at bukas ang ilaw. Teka, walang na rin yung sign na bawal pumasok. Dati kasi meron 'yan eh. Siguro nasa loob na yung sign. Tapos ang nakalagay na ay 'bawal lumabas'.

But by the way, hindi naman sa pakialamera ako pero na-cu-curious talaga ako kung ano ang nasa loob ng kwartong 'yan at bakit bawal pumasok diyan?

Siguro dito nakalagay ang mga secrets ni Jameshin.

Hindi kaya may mga collection siyang mga naked magazine, posters at porn videos? O____O

Dahil sa curiousity ay unti-unti kong binuksan ang pink na pintuan.

O______O

Oh my gulay!

Huwaaaaaaaaatttt?

Tama ba 'tong nakikita ko?

.

.

.

.

.

Puro box lang naman na naka-tape ang nakikita ko. Mukhang hindi pa binubuksan.

Akala ko pa naman kung ano na ang nasa loob ng mysterious kwarto na yan. Mga box lang pala ang laman.

Siguro mga condoms ang laman ng mga box na 'yan kaya may 'bawal pumasok' na sign sa may pink na pintuan.

Pero ang dami namang condoms 'yan. May balak ba siyang magnegosyo o magbenta ng mga 'yan? O gagamitin niya lang 'yan nang mag-isa?

Kung siya lang ang gagamit niyan. Ang tindi niya ha. Ang daming niyang condom pero hindi niya ako ginamitan noong nag-ano kami. Kung sa bagay, lasing naman siya that time. At saka isang blessing na rin na dumating sa buhay ko ang anak namin.

Pagkasara ko sa pink na pintuan ay naglakad muli ako papunta sa kusina.

Ano kaya ang lulutuin ko? Siguro yung usual na kinakain na lang namin ni Jamieshin tuwing breakfast. Hindi naman maarte si Jameshin pagdating sa pagkain. Well, I'm not sure kung nagugustuhan niya ang niluluto ko dahil wala naman siyang reaksyon habang kumakain.

Pagkarating ko sa kusina ay nasorpresa ako nang makita ko si Jameshin.

Nagluluto siya ngayon kaya nasorpresa talaga ako.

Napatingin naman siya sa gawi ko.

"Good morning Kirsten. Gising ka na pala. Sakto at matatapos na rin 'tong niluluto ko." masiglang sabi ni Jameshin.

Wow! Parang ang saya niya ngayon ha. May maganda bang nangyari sa kanya kaya ganito siya kasaya?

"Good morning din. T-tutulungan na kita diyan." tugon ko sa kanya.

"No need Sweetie. Kaya ko na 'to. Gisingin mo na lang ang anak natin para sabay na tayong tatlong mag-breakfast." masigla pa rin niyang sabi.

"Sweetie?" nagtataka kong tanong. 

Is that an endearment or a pet name?

"Nothing. Just called our daughter." sabi niya habang naglalagay ng plato sa mesa.

Nagkibit-balikat lang ako at pumunta ulit ako sa kwarto ng anak ko para gisingin ito. Ang weird talaga ngayon ni Jameshin.

Nang magising ko na si Jamieshin ay bumalik ulit ako sa kusina.

"Wow Daddy! Kayo po ba ang nagluto niyan?" manghang tanong ng anak namin.

"Yes baby. This is all for you and Mommy." nakangiting sagot ni Jameshin at tumingin siya sa 'kin.

Excited na umupo ang anak namin. Habang si Jameshin naman ay nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni Jamieshin.

Ang niluto niya ay hotdog, bacon, itlog na sunny side up ang pagkakaluto, at fried rice.

"Ang sarap po Daddy!" masaya at manghang sabi ni Jamieshin nang matikman niya ang niluto ng Daddy niya.

Tinikman ko naman ang niluto ni Jameshin.

O_____O

Ang sarap nga.

"I'm glad that you like it baby." sabi ni Jameshin sa anak namin.

"Opow Dhaddy. Peyborit ko na po 'tong ngiluto niyo." tugon ng anak ko habang ngumunguya.

Napatingin naman sa gawi ko si Jameshin. "Ikaw? Nagustuhan mo ba ang niluto ko?" tanong niya sa 'kin.

Tumango lamang ako. Sa totoo lang, mas masarap ang niluto niya kaysa sa niluto ko.

Nakita kong ngumiti siya sa akin.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Hala! Ba't bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti siya? Ewan ko ba pero may kakaiba sa ngiti niya.

*tenenenenenenenen!*

May nag-text sa phone ko.

***

From: Shaun

Let's meet later at the burger stand. I have something important to tell you.

***

I replied back.

***

To: Shaun

Ako rin. May sasabihin din ako sa 'yo.

***

Nag-isip-isip ako kagabi at walang nabago sa desisyon ko. Mag-ba-back out na talaga ako sa deal namin ni Shaun. Na-trauma talaga ako sa pagtutok sa akin ng kutsilyo ni Sandra. Eh sino ba naman ang hindi matatakot na matutukan ng kutsilyo? Nakakatakot kaya.

- FAST FORWARD -

"Please Shancai. Ako na mismo ang nagmamakaawa sa 'yo. Don't quit. Sorry talaga sa ginawa sa 'yo ni Sandra. Dahil sa nangyari ay mas lalong naging desidido ang parents namin na ikasal kaming dalawa. It's not about business anymore. Ito'y dahil baka tuluyan nang mabaliw si Sandra at baka mas malala pa ang gawin niya." pagmamakaawa sa 'kin ni Shaun.

"'Yan na nga ang point ko Shaun. Kaya nga ako nag-quit dahil baka mas tumitindi pa ang galit sa akin ni Sandra. Baka mas lumala pa ang gawin niya sa akin. Mas malala pa kaysa sa panunutok sa akin ng kutsilyo." tugon ko sa kanya.

"I understand you Shancai. Pero hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?" - Shaun

"Sorry Shaun pero buo na ang desisyon ko. Maghanap ka na lang siguro ng iba." tugon ko.

"Kahit na doblehin ko pa ang ibabayad ko sa 'yo? At may kasama pang Trip To Korea for two?" - Shaun

Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi ni Shaun.

Doble ang ibabayad niya sa akin at may kasama pang Trip to Korea for two?

Bakit ang hirap tanggihan?

"Hindi na siya pwede." Hindi ako yung sumagot.

Napatingin kami sa nagsalita and we are both shocked na makita namin si Jameshin. Kasama niya ang anak namin.

"Mama!" tawag sa 'kin ni Jamieshin.

Lumapit naman sa gawi ko si Jameshin at inakbayan niya ako.

"Tapos na ba ang shift mo Sweetie ko?" tanong sa 'kin ni Jameshin.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Yung puso ko.

Kumakabog na naman dahil sa kanya.