Temptation of a friend.

Tahimik ang paligid habang naglalakad si Tammi at Stan papunta sa bahay nito para gumawa ng assignment. May panaka-nakang tahol ng aso. Nag uusap sila tungkol sa practice sa basketball ni Tammi na masyado ng ginabi. Halatang pagod na pagod ito. Kinuha niya ang bag nito. Ayaw pa sana ibigay ni Tammi kaso nahawakan na niya kaya ibinigay na din nito. Tuloy-tuloy silang naglakad pauwi. Pagdating nila sa bahay ay kumain muna sila. Tumanggi pa sana si Stan kasi kumain na siya. Ang kaso ang ulam ay ang paborito niyang luto ng Nanay ni Tammi. Nilagang baka. Kaya kumain siya ulit. Pagkatapos kumain ay tumulong siya na iligpit ang kinainan nila. Agad na hinugasan ni Tammi ang pinagkainan nila habang si Stan ay nagpunas ng mesang pinagkainan. 

Pagkatapos ay tumungo siya sa lamesita sa sala para umpisang gumawa ng assignment. Kinuha din niya ang notebook ni Tammi sa bag nito. 

"Maliligo lang ako." paalam ni Tammi

"Sige lang." sagot niya na hindi tumitingin dito.

Nag umpisa na siyang gumawa ng assignment. Pagkalipas ng ilang minuto. Nakita niyang lumabas ng banyo si Tammi na nagkukoskos ng buhok gamit ang tuwalya. Nakatapis lang ito. Agad niyang inalis ang tingin dito at pilit nagfocus sa assignment habang nag umpisa na siyang kabahan. Tumabi sa kanya si Tammi kaya napalingon siya dito. 

"Hindi ka ba magbibihis muna?" tanong niya. Umiling ito

"Mamaya na lang. Naka-boxer naman ako." sagot nito. 

Alam niyang namumula siya. Ramdam niya kasi ang pag-init ng mukha niya. Pinagpapawisan din siya ng malamig. Naupo ito sa lapag kaya nasaway nanaman niya ito.

"Kakaligo mo lang sa sahig ka mauupo." saway niya. 

Tumingin ito sa kanya.

"Kaysa nakayuko ako. Tingnan mo ikaw nakayuko ka. Dito ka nga sa tabi ko." sagot nito saka siya hinatak nito sa baywang paupo sa sahig. 

Hindi niya inasahan ang ginawa ni Tammi kaya muntik siya mapasubsob sa mukha nito. Nagkatitigan sila saglit at napangiti ito.

"Nerbyoso ka masyado?" anito habang yakap siya. 

Tinapik niya ito sa balikat at binitawan siya nito inirapan naman niya ito

"Tulungan mo na lang ako dito." aniya na pilit kinakalma ang sarili. 

Nagumpisa na nga silang ituloy ang pag-gawa ng assignment. Napapakamot si Tammi sa ibang mga questions na mahihirap pero agad din naman siya tinutulungan ni Stan. May mga tanong din na talagang kahit si Stan ay nahirapan kaya kinailangan pa nila gumamit ng tablet at laptop para magresearch.

11 PM

Nag-iinat siya habang si Stan naman ay napahawak sa leeg at halatang pagod na. Tumingin siya sa orasan sa dingding.

"Dito ka na matulog." aniya saka tumingin kay Stan 

"Gabi na baka kung ano pa mangyari sayo dyan sa labas." dugtong pa niya saka siya tumayo. 

Nagkatingin lang sa kanya si Stan na parang nabigla. Niligpit niya ang mga notebook niya tinulungan naman siya nito. 

"Sige." anito 

"Kunin ko yung kutson sa kwarto mo." dagdag pa. Umiling siya.

"Huwag na. Dagdag pa yan sa ligpitin bukas." aniya saka tinangal ang tuwalya na nakatapis sa baywang niya at ibinigay kay Stan.

"Dun ka na lang sa kwarto ko matulog." aniya 

"Maghilamos ka na." dagdag pa saka pumasok na siya sa silid niya para ilagay ang bag at notebook sa loob. 

Nilingon niya si Stan na pumasok sa banyo. Tumingin siya sa sarili sa salamin at pinagmasdan ang katawan niya. Pumasok sa isip niya yung eksena kanina. Yung mga tingin ni Stan. Yung softness ng katawan ng binata. Yung napakabangong amoy ng katawan at hininga nito. Napangiti siya. Pagkuwa'y naalala niya ang nakita niya kanina. Si Stan at Blake. Nag-uusap sa labas ng bahay. Nakita niya yung ngiti sa mukha ni Stan habang kausap si Blake na parang akala mo ay magkasintahang nag-uusap. Nakaramdam siya ng selos pero, ang hindi niya maintindihan, kung kanino siya nagseselos, kay Stan ba o kay Blake. Nasa ganun siyang pag iisip ng pumasok si Stan. Tumingin siya dito, medyo basa ang t-shirt at short nito dahil sa pag hilamos. Tumungo siya sa cabinet niya. Kumuha siya ng T-Shirt at Short at iniabot yun kay Stan saka bumalik sa higaan at nahiga. 

"Hindi ka magbibihis?" tanong nito habang nagpapalit ng T-Shirt at nakatalikod sa kanya. 

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa binata at pinagmamasdan nito. May kapilyuhang sumagi sa isip niya. Itinaas niya ang kamay niya sa may ulo niya at tumihaya showing his body saka pumikit para kunyari tulog na siya. Pinakiramdaman niya ang kilos ni Stan. Maya-maya ay naramdaman niya itong umupo sa higaan hanggang sa naramdaman niya itong nahiga. Nag umpisa siyang kabahan at na-excite kasabay ng paggising ng pagkalalake niya. 

SHIT! nasabi niya sa isip. 

Andito nanaman yung pakiramdam niya na gumugulo sa kanya nitong mga nakaraang araw. Narinig niyang bumuntong hininga si Stan at kumilos ito, maya-maya ay naramdaman niyang kinumutan siya nito saka nahiga na din itong muli. Gusto niyang mapangiti pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya.

Hindi siya mapakali. Gising na gising ang diwa niya. Grabe ang kaba niya at ang pagkalalake niya'y gising na gising din. Humarap siya kay Tammi. Tulog na tulog na ito. Nagbalik sa alaala niya yung ginawa nito kanina. Ang pagyakap nito sa kanya para makatabi sa sahig at ang pagtangal ng tapis nito sa harapan niya na para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang pagtitig nito sa mga mata niya. 

Pinagmasdan niya si Tammi. Ang mukha nitong kahit tulog ay napaka-charming. Ang katawan nito na kahit sinong babae ay mababaliw mayakap lang nito. Lalong nagalit si junior ng ma-imagine niya yung unang beses na natulog siya dibdib nito. Napapikit siya. 

ENOUGH STAN! KAIBIGAN MO SIYA! ENOUGH WITH YOUR DIRTY THOUGHTS! Sigaw niya sa sarili. 

Tumalikod siya sa binata. Muli siyang bumuntong hininga at pilit na kinakalma ang sarili. Maya-maya ay naramdaman niyang yumakap sa kanya si Tammi. Ang init ng katawan nito. Ang mainit na hininga nito na gumagapang sa leeg niya at sa buong katawan na parang kuryente. Bahagya niya itong nilingon, tulog na tulog ito. Humarap siya habang yakap pa din siya ni Tammi. Pinagmasdan niya ang mukha nito at napako ang tingin niya sa mga labi nito. Napakagat siya sa labi niya. Gusto niyang halikan si Tammi pero pinipigilan niya ang sarili niya. 

KISS HIM sigaw ng isip niya. 

Dinampian niya ng halik ang labi ni Tammi. 

MY GOD I LOVE HIM! aniya sa sarili. 

Ipinaling niya ang mukha palayo kay Tammi at pilit na kinalma ang sarili. 

4 AM

Nagising si Tammi ng marinig ang tilaok ng manok sa labas. Nakita niya ang sariling nakayakap kay Stan. Tulog na tulog ito habang nakaunan sa braso niya at nakayakap sa kanya. Ang lapit ng mukha nito sa kanya. Pinagmasdan niya si Stan. Hinawi niya ang buhok nito sa mukha para mapagmasdan ito ng mabuti. Muli nagising ang pagkalalaki niya habang pinagmamasdan ang kaibigan. Nate-tempt siyang halikan ito. 

SIRA KA BA TAMMI? KAIBIGAN MO YAN. GUSTO MO ATANG MASIRA ANG FRIENDSHIP NIYO sigaw ng isip niya. 

Ngunit sa kabila noon ay nanaig ang nararamdaman niya. 

ISA LANG, ISANG HALIK LANG aniya sa sarili. 

Dinampian niya ng marahang halik si Stan buti na lamang at hindi ito nagising. 

WOW! aniya sa sarili 

ANG LAMBOT NG LABI NIYA PARANG BABAE, dugtong pa niya.

Gusto sana niyang ulitin pa ng isang beses pero pinigilan niya ang sarili. Inilapit na lang niya ng husto ang mukha niya dito habang nakapikit upang langhapin ang hininga nito at pilit na kinakalma ang sarili bago pa siya tuluyang madarang sa apoy at kung ano pa ang magawa niyang hindi dapat. 

Dumilat naman si Stan. Mababaw lamang ang tulog niya kaya't naramdaman niya ng gumalaw si Tammi kanina kaya naman pinakiramdaman niya ito. Naramdaman niyang dinampian siya nito ng marahang halik sa labi na nagpatindi sa pagkaba ng dibdib niya. Lalo na naramdaman niyang inilapit nito ang mukha nito sa kanya at nalalanghap na niya ang hininga nito. Gumalaw siya upang subukang alisin ang pagkakayakap niya dito. 

Naramdaman naman ni Tammi ang paggalaw ni Stan kaya unti-unti niyang idinilat ang mata at nagtama ang tingin nila. Nagising na pala ito at nakatingin sa kanya. Nagtitigan sila. Matagal. Para bang tinatyansa nila ang isa't isa.

"Tammi." pabulong na nasambit ni Stan.

SHIT! nasabi niya sa sarili ng marinig ang mahinang boses ng kaibigan.

"Stan." mahina niyang sagot. 

Nakita niyang tumingin ito sa labi niya at iniwas ang mukha nito habang bahagyang kagat ang sariling labi at napapikit. 

"Did you just?" anito muling tumingin sa kanya na para bang may gustong sabihin. 

Tumitig siya sa labi nito na bahagyang namula matapos kagatin ng binata. Wari'y inaanyayahan siya na halikan ito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Tiim-bagang na siniil niya ng maalab na halik si Stan. Pikit-mata nilang pinagsasaluhan ang sandaling yon ng biglang.

TOK! TOK! TOK! malakas na katok sa pinto ng silid niya.

"Tammi! Gising na alas singko na. May training ka pa ng Alas syete." tawag ng Mama niya

Napatigil silang dalawa sa ginagawa at nagkatinginan. Nakita niyang namutla si Stan na para bang nahimasmasan. Parang bigla itong nahiya at umiwas ng tingin sa kanya. Para itong nagising sa isang panaginip. Hinawakan niya ang mukha nito paharap sa kanya at muli niya itong ikinulong sa labi niya. Ramdam niya ang kaba sa dibdib nito. Napayakap itong muli sa kanya at gumanti ng halik.

"Tammi!" muling tawag ng Ina nito. 

Tumigil siyang muli sa paghalik kay Stan at napailing siyang asar na sumagot.

"Andyan na po." sagot niya. 

Muling siyang tumingin kay Stan. Nagtitigan sila. Wala siyang mahagilap na sasabihin dito kaya ang nasabi niya na lang ay -

"Good morning." bati niya dito. 

Natawa ito saka tinapik siya sa dibdib.

"Good morning." sagot nito. 

Nagtitigan sila sabay mahinang nagtawanan. Hinalikan niya ito ulit sa noo at umalis siya sa pagkakapatong sa binata at nahiga sa tabi nito. Bumuntong hininga siya. Doon lang siya nakaramdam ng hiya. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya.

MUNTIK NA! aniya sa isip at tumingin dito 

"Okay ka lang?" tanong niya. 

Tumango ito pero hindi tumingin sa kanya. Halatang nahihiyan din ito sa ginawa nila.

"Stan." aniya. 

Lumingon ito at tumingin ng diretso sa kanya ang mapupungay nitong mata. Nagtitigan sila. May sasabihin pa sana siya ng marinig niya muli ang sigaw ng Mama niya.

"Oho andyan na." sagot niya at tumingin kay Stan. 

"Tara, mag almusal muna tayo bago ka umuwi." aya niya. 

Tumango lang ito at bumangon at sabay silang lumabas ng silid.