Pictorial

Nakaramdam ng bigat si Stan. Parang may nakadagan sa kanya. Pagdilat niya ay ang madilim na kwarto ang nakita niya at isang maliit na Night Lamp sa maliit na lamesa. Nasa kwarto pa din siya ni Tammi. Hindi siya ginising nito para umuwi. 

Tiningnan niya ang oras sa relo niya 1:55 AM pa lang. Bumuntong hininga siya. Ramdam niya na nakayakap sa kanya si Tammi. Tulad ng nakasanayan, wala itong damit na pang-itaas at naka-boxer naman ito sa baba. Pumihit siya patihaya dahil nangangalay na ang tagiliran niya. Nakawala siya ng bahagya sa yakap nito ngunit maya-maya ay naramdaman niya na yumakap itong muli at inilapit pa ng bahagya ang mukha sa kanya. 

Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Ito ang lalakeng laging laman ng isip niya. Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa mga mata nito nakapikit at hinaplos ng hintuturo ang pisngi at ilong pababa sa mga labi nito. Naramdaman niya na may nanigas na bagay sa bandang tagiliran niya.

"Stop it." bulong na saway nito. 

Nagulat siya hindi niya akalaing nagising ito. Dumilat ito ng bahagya at dinampian siya ng halik sa labi.

"Sleep babe. I don't want to lose myself now at baka hindi ka makalakad bukas." anito 

"Goodnight." dagdag pa at muling pumikit. 

BABE? AKO? BABE? sigaw ng isip niya habang gulat na nakatingin dito. 

NANANAGINIP BA ITO? ANONG HINDI MAKALAKAD? tanong niya sa isip. Tumingin siya sa ceiling 

"Babe." bulong niya at muling tumingin kay Tammi. 

Dinampian niya ito ng halik sa noo at isinubsob ang ulo niya sa dibdib nito.

10 AM

Busy sa pag aayos sila Lyka kay Tammi. Nakaready na ang damit nito para sa pictorial. Tinulungan nila si Tammi sa pagprepare nito kanina pagdating nila sa school. Sinuot ni Tammi ang napiling damit ni Stan. Tinulungan naman siya ni Blake na ayusin ang buhok niya. Si Stan naman ang tumutulong sa mga photographer na i-set up ang mga gamit nila. Panaka-naka ay napapalingon siya kay Tammi na inaayusan ni Lyka at Blake. Nagtatama ang tingin nila paminsan-minsan pero binabawi naman niya agad. Kapag naalala niya na tinawag siyang "Babe" nito kagabi ay napapangiti siya at napapailing. Kinikilig pa din siya. Maya-maya ay pumasok si Jenny. Napakaganda nito sa suot na dress nagmukha itong Diwata ng Kalikasan sa ganda. Nakita niyang lahat ng tao sa loob ng room na iyon ay manghang nakatingin sa dalaga, siyempre, pati si Tammi. 

"Tammi. Ready ka na?" tanong nitong nakangiti sa lalaki. 

Nakita niyang nakatulala si Tammi sa mukha ng dalaga habang napapatango. Nanikip nanaman ang dibdib niya. 

"Oo, kailangan, someone made an effort for me." sagot nito at tumingin sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Jenny na nakatitig kay Tammi.

"Pero hindi pa siya tapos. So maybe you can sit there while we fix his hair." sabat ni Blake sabay turo sa mga upuan kung saan naghihintay ang mga contestant. 

Nagtungo naman doon ang dalaga. Nakahinga siya ng maluwag sa ginawa ni Blake. Nakita niyang tumingin sa kanya si Tammi at bahagyang ngumiti. Binawi niya ang tingin at napangiti. Bumalik ng tingin si Tammi kay Blake. 

Napairap naman si Blake at humarap muli kay Tammi.

"Well Honey." sabi niya sabay taas ng isang kilay 

"You are such a charming lover boy." dagdag pa saka dinuro ang noo nito, natawa ito.

"Ano nangyari sayo?" tanong nito 

"Kagabi ka pa weird alam mo yun?" dagdag pa.

"Bakit?" tanong niya.

"Wala lang. Feeling ko lang parang naging sweet ka sa akin." anito, tumingin siya dito.

"Don't you like it?" tanong niya. 

Napanganga ito na halatang naguguluhan, hinaplos niya ang pisngi nito. 

"Just get used to it honey." dagdag pa saka ipinagpatuloy ang pag aayos ng buhok nito, nakatitig naman si Tammi sa kanya. 

Hindi niya maintindihan kung ano ang mga pinupunto ni Blake. 

HONEY? ANO BANG IBIG NIYANG SABIHIN? aniya sa isip at tumingin kay Stan na busy sa pagtulong sa photographer at mga assistant nito. Nakita niyang napapangiti ito kapag kinakausap ng photographer. Member ang lalaking ito ng Press club ng school na gumagawa ng yearly Journal nila. Napakunot ang noo niya ng lumapit pa ito kay Stan at iniabot ang camera nito. May ipinapakitang picture sa camera niya ang lalaking ito at halos magdikit ang mukha nila ni Stan. Napatiim-bagang siya't naikumo ang mga kamay. 

FLIRTING WITH ANOTHER GUY IN FRONT OF ME HA bulong ng isisp niya.

STAN tawag niya sa isip. 

Lumingon naman ito sa kanya. Nagtama ang tingin nila. Ngumiti siya at ngumiti din naman ito. Napanatag ang puso niya.

GUSTO KO NA ATA SIYA sabi niya sa isip habang nakatitig sila sa isa't isa. 

SA TINGIN KO NAMAN GUSTO MO DIN AKO EH dagdag pa. Binawi naman ni Stan ang tingin nito ng tinawag ng photographer.

Bumalik naman sa alaala niya ang mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw, napangiti siya. 

WE NEED TO TALK sabi niya sa isip. 

"Okay you're done." untag ni Blake. 

"Thanks" sagot niya. 

Tumayo siya agad at nagtungo sa make-shift stage at sumama sa mga contestant na lalake.

 Angat ang looks ni Tammi sa mga contestant. Iba talaga kapag may mga kaibigan kang marunong mag ayos. Isa-isang tinawag sila ng photographer. Partner by partner. Ng sila na ang tinawag ay napailing ang ibang contestant. Picture perfect kasi ang dalawa. Si Jenny ay parang Dyosa sa ganda at si Tammi naman ay mala-Knight-In-Shining Armor naman sa kisig nito. May solo at pair by pair ang kinuhanan. Napapatiim-bagang na lamang si Stan habang kinukuhaan ng picture ang dalawa.

Saktong 11:30 natapos ang pictorial nila. Nag uwian ang iba sa kanila pati si Jenny para makapagbihis at mabura ang make-up sa mukha. Si Tammi naman ay nagbihis sa Toilet kasama si Stan. 

Bawat hinuhubad niyang damit na isinasampay niya sa pinto ng cubicle ay kinukuha ni Stan para ilagay sa travel hanger bag. 

"Sa tingin mo, kaya ko kaya manalo?" tanong niya

"Kaya mo basta focus ka." sagot nito 

"Lagi naman ako naka-focus." sagot niya saka sinara ang zipper ng pantalon niya at inayos ang belt 

"Sayo lang ako madalas mawala." dugtong niya at isinuot ang polo na uniform nila.

"Whatever." sagot nito. 

Binuksan niya ang pinto ng cubicle. Nandoon ito at inaayos sa hanger ang hinubad niyang damit. Nagtama ang tingin nila habang sinasara niya ang butones ng polo niya. Tumitig siya dito at lumapit.

"It's true. Sayo lang ako madalas nawawala sa sarili." aniya habang nakatitig dito. 

Napaatras namn ito habang nakatitig din sa mga mata niya hanggang napasandal ito sa may sink dun lang siya huminto at kinabig ang binata sa baywang palapit sa kanya.

"Tulad ngayon." aniya saka tumingin sa labi nito 

"Can I kiss you?" paalam niya. 

Natatawa itong tinapik siya sa dibdib.

"Baka may pumasok sa CR." anito.

Tumingin ito sa pinto ng CR na alam nilang pareho na hindi naka-lock. Halatang kinakabahan ito. 

WHAT ARE YOU SO AFRAID OF? tanong niya sa isip.

Dinampian niya ito ng halik sa pisngi. Tulad ng inaasahan niya hindi ito nag-react negatively. Tumingin lang ito sa kaniya. Ang mapupungay na mata nitong wari kinakausap siya. Niyapos niya ito at hinagkan ng mabilis pero mainit na halik. 

"Why can't I resist you?" bulong na tanong niya habang nakapikit at unti-unting binibitawan ito.

WHY CAN'T I STOP YOU? gusto ibalik na tanong ni Stan ngunit naumid ang dila niya. 

Hinaplos ni Tammi ang mukha at labi niya at muling hinalikan. Matagal. Yumakap siya dito at hinayaan itong angkinin ang mga labi niya. 

"Tama na Tammi baka may makakita pa sa atin dito." aniya. 

Tumango ito at muli dinampian siya ng halik sa noo at niyakap siya nito. Ramdam niya sa mga kilos at gawi nito. Iba na ang level ng relationship nila. Hindi na sila bastang mag-bestfriend na lamang. Mayroon na silang unspoken understanding sa isa't isa. At hindi na ito maitatanggi pa. Nasa ganon siyang isipin ng tumunog ang tiyan niya. Hudyat na gutom na talaga siya. Napangiti ito.

"Ano tara na?" aya nito. 

Tumango naman siya at inabot niya ang mga nakahanger na damit. At sabay sila lumabas ng CR. Nagtungo sila sa picnic table sa ilalim ng mga puno ng Talisay sa harap ng Canteen. Nandoon na si Blake naghanda ng pagkakainan nila. Hindi sila nagbaon kasi wala nang time kanina kaya nag-volunteer si Blake na siya na magpapabili ng pagkain. Nag-ambagan silang apat at nagpabili ng pagkain sa fastfood sa bayan.

"Ayun tara kain na tayo." aya nito ng napansin silang parating.

Naupo naman sila sa nag aantay na lamesa. Apat na platter ng pagkain ang nasa harap nila. 

"Wow ang dami ha." pansin niya

"Syempre gutom ako eh." sagot ni Blake natawa naman si Lyka

"Talaga ba beauty?" tanong nito 

"O maganda lang ang mood mo?" dagdag pa at tumingin ng makahulugan sa kaniya. 

Ngumiti din ng makahulugan si Blake at tumingin sa kaniya.

"Yes, I'm happy." sagot nito at bumalik ang tingin kay Lyka 

"I'm happy to realize things is bound to change."dagdag pa at naupo 

"Kain na tayo." aya nito. 

Nagkatinginan sila ni Stan. Nakiramdam siya at mukhang naramdaman din ito ni Stan dahil biglang nag-iba ang reaksyon ng mukha nito. Bigla ito sumersyoso. Naupo siya sa tabi nito at palihim na hinawakan ang kamay nito na nasa ilalim ng mesa at nakahawak sa upuan. Pinisil niya yun palatandaang nasa kaniya ang atensiyon niya. Napatingin ito sa kaniya at napayuko ito. Inabotan sila ni Blake ng paper plate. Isang bucket ng Chicken, Spaghetti, Steak, Apat na Large Coke Float, at Apat na Sundae ang nasa harapan nila. Kumuha siya ng chicken,

"Favorite ko to spicy." aniya. 

Napangiti si Stan at kumuha ng sauce at inilagay iyon sa may gitna nilang dalawa 

"Ano sayo Stan?" tanong niya

"Spicy." sagot nito, 

Kinuhanan naman niya nito at inilagay sa paper plate.

"Ikaw Lyka?" tanong niya kay Lyka

"Yung hindi maanghang saka spaghetti sa akin Tam please." sagot nito na nakangiti

"Pinangatawanan mo na talaga ang pagiging girly na ah." pansin niya natawa ito

"Bagay naman di ba?" tanong nito at nag-smile sa kanyang nagpapa-cute. 

Natawa si Stan at umiiling na pinagmasdan si Lyka na nagpapacute kay Tammi. 

"Oo bagay kaso hindi ako sanay." sagot niya

"Favorite ko pa din ang astig na Lyka." dagdag pa

"Well masanay ka na para happy tayo ha." kumbinse nito.

Tumango lang si Tammi. Hindi na niya ata mapipilit ito. Sabagay it's for the best na rin. Lumingon siya kay Stan at nakita niya itong nakangiting nakatingin kay Lyka. Dumako ang tingin niya kay Blake. Seryosong nakatingin kay Stan. Kinabahan nanaman siya 

NALOKO NA ani sa sarili.

"Blake ikaw?" pansin niya dito upang kunin ang atensyon nito. Napatingin naman ito sa kanya 

"Ano gusto mo?" tanong niya.

"Ikaw -" sagot nito sa malambing na tinig. 

Natigilan siya. Napatingin naman si Stan at Lyka sa kanila

"Ang bahala." dagdag nito saka tiningnan siya mula ulo hanggang sa dibdib. 

Napatingin naman siya sa sarili, nakabukas ang pangalawang butones ng polo niya kaya kitang kita ang dibdib niya. Nakita niyang bumaba pa ang tingin ni Blake papunta sa kamay niya hanggang sa pagkain. 

"Ano gusto mo ipakain sa akin?" anito saka bumalik ng tingin sa mata niya, napalunok siya.

"Chicken at spaghetti na lang din gaya ni Lyka?" sagot niyang nagpipigil ng inis at iniiwas ang tingin kay Blake. 

Hindi siya komportable sa pinaggagawa nito. Ngumiting tumango naman ito. Nilagyan niya ito sa paper plate ng spaghetti at isang chicken.

"I want spicy please." anito ng makitang regular chicken ang hawak niya.

"Hot as you." dagdag pa. 

Napangisi na siya at naramdaman niyang uminit na ang pisngi niya. 

MUKHANG INAAKIT AKO NI BLAKE AH bulong ng isip niya.

"Nagba-blush ka Tam." pansin ni Lyka. Tumingin siya dito.

"Eto kasi si Blake pinagti-tripan ako eh." sagot niya. 

Tumawa si Blake saka nahihiyang tumingin kay Lyka.

"Marupok si Tam noh?" anito kay Lyka natawa ito.

"Marupok ba?" tanong nito at tumingin sa kaniya. Tumango naman si Blake.

"Tingin ko kapag may babaeng aakit kay Tammi, mabilis siyang bibigay." dagdag pa nito. 

Medyo pumitik ang tainga niya sa narinig at lumingon muna kay Stan bago nagsalita. 

"Eh di wow." sagot niya 

"Marupok na kung marupok ako sa tingin niyo. Basta ako alam ko sa sarili ko faithful at loyal ako. Kaya tigilan niyo yang pangtitrip niyo ha. Wala kayo mapapala sa akin." dagdag pa. 

Halata na ang inis niya. Nagtawanan naman ang dalawa.

"Ayaw mo ba sa akin Tam?" tanong ni Blake. 

Napakunot ang noo niya.

"Ha?" balik tanong niya. 

Ngunit kahit siya ay hindi din niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito ng hindi nao-offend. Humalakhak ito

"Baliw ka talaga Beauty." sambit ni Lyka habang tumatawa 

"Mamaya patulan ka niyan ni Tammi." dagdag pa nito sabay kindat kay Tammi. 

Dinuro niya ng tinidor ang dalawa at pabirong sinabi.

"Ako tigil-tigilan niyong dalawa ha, hindi kayo nakakatuwa." aniya at nagumpisa ng kumain.

Tumikhim naman si Stan at nagsalita.

"I don't see anything wrong." sabi ni Stan 

"Maganda si Blake. Bagay nga kayo eh. May automatic na kapartner ka na sa JS Prom." dagdag nito.

Seryoso ang tono ng pananalita nito at walang hint na nagbibiro.

"Pati ba naman ikaw?" saway niya. Napangisi ito 

"I'm just stating fact." anitong nakangisi at bumalik sa pagkain 

"Kumain na tayo at baka umalis tong si Tammi." dagdag pa. 

"Speaking of JS Prom." ani Lyka 

"May kapartner ka na ba Stan?" tanong nito. 

Napatingin sila kay Stan,

"Malamang si Blake." sagot nito, 

Nawala ang ngiti sa labi ni Lyka at tumingin kay Blake. Halatang nagulat naman ito sa sinabi ni Stan dahil nanlaki ang mata nito. Napakunot ang noo niya.

"Akala ko gusto mo maka-partner ko si Blake?" aniya. 

Tumingin sila sa kaniya maliban kay Stan na patuloy sa pagkain. 

"Sabi ko lang maganda si Blake at may matic partner ka na sa JS Prom kapag naging gf mo siya." anito at tumingin sa kaniya

"Pero hangga't hindi kayo. By default, partner ko si Blake." paliwanag nito.

Natahimik silang tatlo.

"We thought you wanted Blake and Tammi to -" naputol ang sasabihin nito ng sumabat si Stan.

"I'm used to Blake na kasi." anito at tumingin kay Blake

"So, I assumed, She will be my partner maliban na lang kung ayaw niya." dagdag pa.

Halatang nagulat ito sa sinabi ni Stan. Hindi kumibo si Lyka. Tahimik lang siyang nagmamasid sa tatlo.

"Okay, mukhang ayaw naman sa akin ni Tam eh." sang-ayon ni Blake ng makahuma 

"I should be your partner." dagdag pa nito at ngumiti kay Stan. 

Ngumiti naman si Stan. Mukhang satisfied eto sa resulta ng usapan. Tumahimik na silang lahat. Tumingin siya kay Lyka kakaiba ang itsura nito. Parang malungkot na halong naiinis ang ekspresyon sa mukha nito. 

Pinakiramdaman din niya ang sarili. Hindi talaga niya makuha ang iniisip ng kaibigan. Kung gusto pala nito si Blake, bakit pumapayag ito na gawin nila ang lihim nilang ginagawang dalawa. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan nito ang feelings niya. Nasasaktan siya. Nagseselos at naiinis. Tumitig siya kay Stan na napatingin sa kanya pero agad din namang binawi ang tingin. Napakumo na lamang siya ng kamay.