Partner

Natapos ang practice game. Natalo sila Tammi ng bahagya sa Seniors sa score na 90 - 86. Naupo ang mga players sa bench habang nagdi-debrief ang coach nila. Hinubad ni Tammi ang suot nitong jersey saka lumingon kay Blake. Wari'y naintindihan agad ito ng dalaga at lumapit dito para ibigay ang towel. Nakita niyang bahagyang natigilan at napatingin ang lahat ng boys ng makita si Blake kasama na ang coach ng mga ito. Nakita niyang pinunasan ni Tammi ang pawis sa katawan nito pati sa braso at kili-kili. Bumalik sa alaala niya ang mga gabing magkasama sila at yakap siya ng mga braso nito. Yung napakabangong katawan nito na kahit varsity ay hindi nangangamoy maasim sa tabi niya. Napangiti siya ng makaramdam ng kilig. BABE aniya sa isip.

 Nakita niyang may kinukuha si Blake sa bag ni Tammi. Mula doon nakita niya ang Puting T-Shirt na iniabot ni Blake at agad na isinuot ni Tammi. Napangiti siya, ito yung T-shirt na ibinigay niya kay Tammi last year. Lumingon si Tammi sa direksyon niya nagtama ang tingin nila, ngumiti ito saka ibinalik ang atensiyon sa coach nila. Habang si Blake ay busy na nililigpit ang mga gamit ni Tammi. Nakaramdam siya ng saya sa puso niya. 

ISINUSUOT MO PALA ANG BIGAY KO. AKALA KO ITINATABI MO LANG aniya sa isip. 

Ito kasi ang unang beses na nakita niya si Tammi na suot ang bigay niya.

Pagkatapos ng debrief ay uwian na. Naghubad ng sapatos si Tammi para makapahinga ang paa nito. Lumapit naman si Stan at Lyka. 

"Sorry ha. Ginabi na kayo." anito, saka inilagay ang sapatos sa eco bag. 

Kinuha naman ito ni Stan.

"Ayos lang. Ang ganda nga ng laban parang totoong game na." aniya, napangiti ito

"Kaso talo kami." ani Tammi

"Dalawa lang kayo na experienced dun sa mga juniors." aniya 

"It's normal." dagdag pa niya. 

"I wish to see you in the court wearing the same jersey one day." anito in full English saka tumingin sa kaniya ang soft ng tingin nito sa kanya. 

Magaling din kasi siya talaga maglaro ng basketball pero ayaw niya sumali sa Basketball Team. 

"Let's go? Gabi na eh." aya niya. 

Tumango ito at umakbay sa kanya at sabay-sabay sila lumabas ng Gym. 

Habang naglalakad pauwi ay nag-uusap si Stan at Tammi tungkol sa game kanina. Nagbibigay si Stan ng insights niya sa game. Sila naman ni Lyka ay nasa unahan ng dalawa. Seryoso at tahimik si Lyka na naglalakad.

"Okay ka lang Pretty?" tanong niya, tumango ito

"May iniisip lang ako." anito, 

"Anong iniisip mo?" tanong niya, 

"Kayo na ba ni Tammi?" diretsong tanong nito na hindi tumitingin sa kanya. 

Nagulat siya sa tanong nito.

"Ha?" aniya, tumingin ito sa malayo.

"Kanina kasi -" anito na parang nagdadalawang-isip 

"Parang yung kilos niyo ni Tammi. It's so sync na para bang - alam mo na." pagtuloy-tuloy nito. 

Umiling-iling siya at napangiti.

"Bagay ba kami Pretty?" tanong niya na may halong lungkot sa boses niya. 

Huminto ito maglakad at tumingin sa kanya ng diretso. Nagtama ang tingin nila. Nakaramdam siya bugla ng kaba. 

"Bakit?" tanong niya, binawi nito ang tingin at umiling. 

"Kahit naman sino sa kanilang dalawa bagay sayo Blake eh. Si Stan o si Tammi bagay sila sayo." anito at muling naglakad, sumunod siya 

"Ang akin lang, bakit inililihim mo sa akin?" anito. 

Napabuntong-hininga siya.

"Wala naman ako inililihim sayo." aniya 

"Hindi kami ni Tammi." dagdag pa. 

Tumingin ito sa kanya, muling nagtama ang tingin nila, huminto siya huminto din ito 

"Kung meron mang nagmamay-ari ng puso ko wala sa kanilang dalawa yon." aniya na hindi bumibitaw ng tingin dito. 

Nakatingin lang din ito sa kaniya na parang naghihintay ng sasabihin niya.

"Kung ganon sino?" tanong nito. 

Hindi niya alam kung paano ito sasagutin ng hindi magrereact negatively since alam niya homophobic ito.

"Okay lang kayo?" biglang tanong ni Tammi na nasa tabi na pala nila at curious na nanonood sa kanila, tumingin sila kay Tammi at kay Stan.

"Wala may tinatanong lang ako." sagot ni Lyka saka tumingin sa kanya 

"I don't like secrets between the two of us Beauty." anito, 

"If there is something that I need to know. Please tell me." dagdag pa sabay tingin sa dalawang lalakeng seryosong nakikinig 

"Later kapag umalis na yung dalawag marites" sambit nito.

Natawa si Stan at umiling, napakunot naman ang noo ni Tammi

"Okay?" sagot ni Tammi na halatang naasar kay Lyka 

"Kayo na may secret." dagdag pa nito,

"Fine, eh di hindi niyo din malalaman ang secret namin ni Tammi." sang-ayon naman ni Stan.

 Natigilan at nagulat si Tammi na napatingin dito at nawala ang ngiti nito sa labi. Napatingin din silang dalawa dito

"Alin don?" tanong nito na parang kinakabahan, tumawa si Stan at tumingin dito

"Alin ba dun ang gusto mo i-share?" tanong nito kay Tammi na parang humihingi ng idea. 

Nagkatinginan sila ni Lyka at tumingin kay Tammi. Natawa ito na parang naghahanap ng sasabihin

"Di ko alam. Kasi hindi ko alam kung okay lang sa kanila na malaman yun." sagot nito, si Stan naman ang tumawa at umiling-iling

"Ano yun?" tanong ni Lyka. 

Tumingin si Stan dito at inilapit ang mukha habang nakataas ang kilay

"Secret." anito, napasimangot si Lyka, 

"May secret kayo may secret din kami." dagdag pa, napairap siya. 

Natawa siya at bahagyang napikon. Ayaw talaga niya nakikitang naaasar si Lyka. Isa pa, alam niya at ramdam niya na may gusto si Lyka kay Stan kaya for sure hindi ito mago-oppose.

"Tinanong niya sa akin kung kami na ni Tammi." aniya. 

Napatingin si Tammi at Stan sa kanya. Pinandilatan naman siya ni Lyka. Tumingin siya kay Tammi at nagtama ang tingin nila.

"Sabi ko hindi pa." dagdag pa. 

Tumingin ito kay Stan. 

"Sunod niyang tinanong kung sino sa inyong dalawa ang gusto ko." muli niyang sinabi at tumingin kay Stan

"Beauty!" saway ni Lyka pero hindi niya pinansin nakatingin lang siya kay Stan

"Sabi ko wala pa." aniya. 

Muling nagkatinginan sina Tammi at Stan na parang nakahuma. 

"Pero kung meron man akong gustong maging boyfriend." tumigil siya saka nag-isip 

"At para hindi maging kumplikado ang buhay ko." aniya at tumingin kay Tammi. 

"Siyempre I prefer Timothy John Gonzales." dagdag pa niya.

Napatanga sa kanya si Tammi. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Ngumiti siya saka tumingin kay Stan na nakatingin din kay Tammi. Pinagmasdan niya ito.

THIS IS FOR LYKA aniya sa isip. 

"Stan." aniya tumingin ito sa kanya. 

Lumapit siya ng bahagya kay Stan habang nakatitig sa mga mata nito. Kinakabahan siya but she have to do this. 

"Pwede ba siya na lang ang partner ko sa JS Prom?" tanong niya. 

Napakurap ito na halatang nabigla sa kanya. Natahimik silang apat. 

PLEASE AGREE. PLEASE! sigaw niya sa isip.

"Beauty." ani Lyka na gulat na gulat sa mga sinasabi niya. 

Umiwas ng tingin si Stan sa kanya at tumingin kay Tammi na hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Please Stan." aniya. 

Muli itong tumingin sa kanya. 

"Pero Blake." anito 

"Ikaw ang gusto ko. Ayoko ng iba." dagdag pa

"Hindi mo naman kailangan maghanap ng iba." aniya 

"Ayan si Lyka oh." aniya. 

Napadilat si Lyka sa sinabi niya at umiling ito.

"You don't understand. Okay lang sa akin si Lyka. Honestly, I considered her first." anito 

Napatingin si Lyka na mas lalong nanlaki ang mata.

"Pero since member kami ng SGO hindi kami pwede magka-partner." paliwanag nito 

"Bakit daw?" tanong niya

"Nasa policy yun. Nasa Student handbook din yun." anito. 

Napapakamot din na nagsalita si Tammi.

"Saka hindi na din ako pwede Blake." sabat ni Tammi, napakunot ang noo niya. 

Tumingin silang tatlo kay Tammi. 

"Kasi naka-Oo na ako kay Jenny." dagdag pa nito.

Pare-pareho silang tatlo natigilan at napatingin kay Tammi.

"Seriously?" aniya na napataas ang kilay. Tumango ito

"So ako lang ang wala pang ka-partner sa atin?" ani Lyka na halatang nalungkot.

"Bakit ka naman pumayag agad kay Jenny?" aniya kay Tammi 

WHY THE HELL SHE IS IN THE WAY AGAIN? sigaw niya sa isip. 

"Kanina kasi narinig niya na wala pa akong ka-partner sa JS Prom. So nung after ng meeting pumunta siya sa Gym bago siya umuwi. Dun niya sinabi sa akin na gusto niya ako maka-partner." paliwanag nito, napatiim-bagang siya sa asar 

SHE DOESN'T GET TO BE THE MUSE SO SHE RESORTED TO BECOMING YOUR PARTNER SA JS PROM aniya sa isip. 

"It's okay. I will just look for a different partner." ani Lyka

"No!" sabay nilang sabi ni Stan 

"Tammi you should turn down Jenny." dagdag pa ni Stan. 

Napatingin naman ang binata kay Stan

"Bakit?" tanong nito na halatang nalilito na. 

Halatang naiinis naman si Stan, sasagot pa sana ito ng sumabat siya 

"Kasi hindi siya papayagan ni Amang sumali kung hindi ikaw o si Stan ang kapartner niya. Nakalimutan mo na ba?" aniya. 

Napaisip ito at tumingin kay Lyka na nakayuko at tahimik. Saka tumingin sa kanya at kay Stan na seryosong nakatingin dito. 

"Do you still like her Tam?" tanong niya.

Natigilan ito sa tanong niya at napatingin ito kay Stan. Nakatiim-bagang naman si Stan na nakatingin dito.

"Make sense." sagot ni Stan na napapatango

"Nawawala ang reasoning mo pagdating kay Jenny eh." anitong diretso ang tingin kay Tammi 

"Hindi mo siya matanggihan. So probably Blake is right." dagdag pa. 

Sunod-sunod na iling naman ang ginawa ni Tammi.

"Hindi. Hindi ganoon." anito

"Sige kakausapin ko si Jenny bukas." anito saka tumingin kay Stan. 

"Pero akin si Lyka. Sa'yo si Blake." anito. 

Tumango si Stan na tanda ng pag-sang ayon nito. Tumingin si Lyka kay Tammi at yumakap dito.

"Thank you." anito. 

Nakahinga sila ni Stan ng maluwag. Inabot naman silang dalawa ni Tammi at nag-group hug sila. 

"Kapag hindi pumayag si Jenny. Sabihin mo sa akin." aniya, tumango lang si Tammi.

"Tayo na, gabing-gabi na. Hahatid pa natin si Lyka." ani Stan. At nagpatuloy na nga sila sa paglakad pauwi. 

Inihatid nila ni Tammi hanggang sa may gate ng bahay nila si Lyka. Inimbita pa sila sa loob ng Tatay nito ngunit tumangi na sila. Pagkatapos ay tahimik nilang binaybay ang daan pabalik. Nakayuko siya. Ang daming bagay na tumatakbo sa isip niya. Kanina pa naninikip ang dibdib niya. Nilalabanan niya lang pero gusto na pumatak ng luha niya. 

Ang isipin na may feelings pa si Tammi kay Jenny hurts a lot. Tapos nalaman pa niya na si Blake ay kinoconsider na jowain si Tammi. Bumuntong-hininga siya. Naramdaman niya na bigla siyang hinawakan ni Tammi sa kamay at hinatak siya nito. Nagulat siya sa ginawa nito. Lumiko sila sa daanan papunta sa gubat kung saan malapit ang ilog.

"Saan tayo pupunta?" tanong niyang naguguluhan. 

Hindi ito kumibo tuloy-tuloy lang itong naglakad habang hawak ang kamay niya hanggang sa nakarating sila sa may ilog kung saan abot tanaw ang fishpond ng pamilya nito. Saka lang siya nito binitawan at huminga ng malalim. Tumingin ito sa malayo na parang nag iisip ng sasabihin. Tumingin siya sa paligid. Walang katao-tao doon pero medyo maliwanag dahil sa ilaw na nakakalat sa paligid ng Fishpond na nakaka-abot sa pwesto nila.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong niya. 

Bumuntong-hininga ito at humarap. Nagtama ang tingin nila. Unti-unti itong lumapit sa kanya. Lalong lumakas ang kaba ng dibdib niya. Niyakap siya nito ng mahigpit. 

"Tam?" aniya

"Don't move." sagot nito.

"Let me hug you for a moment." dagdag pa. 

Hindi na nga siya gumalaw at unti-unting gumanti din siya ng yakap dito at isinubsob ang mukha sa may leeg ni Tammi. Naramdaman niya ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso nito katulad niya. Sabay sila napa-buntong hininga at unti-unting kumalma ang mga puso nila.

 "Wala na akong feelings para kay Jenny." pagkuwa'y bulong nito. 

Napadilat siya, mukhang nababasa nito ang iniisip niya. Hindi siya kumibo 

"Pinagbigyan ko lang siya kasi gusto niya maging muse ng basketball team kaso hindi na pwede kasi si Blake na ang pinili ni Mr. Perez." paliwanag nito ng malumanay 

"Pero kakausapin ko siya bukas and tell her to look for a new partner." dagdag pa. 

Tumango lang siya habang nakayakap at nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ni Tammi. Humiwalay ito at sinapo ang mukha niya.

"Huwag ka na magalit please." pakiusap nito sa kanya, 

"At kung ano man yang iniisip mo about Jenny should stop." dagdag nito

"Wala akong balak na ligawan siya o balikan pa kung ano ang meron sa amin noon. Hanggang doon na lang yun." paliwanag nito. 

Humawak din siya sa mukha nito at ngumiti ng bahagya at tumango. Ngumiti ito at halatang nakahinga ng maluwag. Saka muli siyang niyakap ng mahigpit.

WHY AM I SO WEAK TO HIM! aniya sa isip. 

Maya-maya pa ay kumilos ito at ikinulong siya sa mainit at maalab na halik. Halik na puno ng pagmamahal. Pagmamahal na pilit itinatago. Pilit itinatanggi ng isip pero inilalabas ng puso. Yumakap siya dito. 

I LOVE YOU TAMMI aniya sa isip. 

Matagal na ng huli siyang mahalikan nito dahil naging busy sila. At ang ginawa nito ngayon ay ang dahilan para mapuno ng pagmamahal ang paligid na ang tanging saksi ay ang mga alitaptap, kuliglig at ang mga bituin sa langit.