Hinatid ni Blake gamit ang tricycle nila si Lyka sa dulo ng sitio kung saan ito nakatira. Pagkatapos ay hinatid na din siya pauwi ng driver nila dahil bibyahe pa ito. Hanggang 8PM kasi ang byahe nito upang masiguro na may pang-boundary at may maiuuwi pa din na kita.
Pagdating sa bahay ay agad siyang nagtungo sa silid. Ibinagsak lang ang gamit sa sahig saka dumapa sa kaniyang higaan. Pagod na pagod siya. Ipinikit niya ang mga mata at binalikan ang nangyari sa kaniya buong araw.
PAGOD NA PAGOD AKO sigaw ng utak niya.
Maya-maya ay nakarinig siya ng marahang katok sa pinto ng silid niya.
"Apo, halina't kumain bago ka matulog." Malumanay na tawag nito sa kaniya.
Ipinaling niya ang mukha sa direksyon ng pinto.
"Ano pong ulam?" tanong niya.
"Nagluto ako ng Afritadang Manok. Gumawa din ako ng fruit salad." sagot nito
Napadilat siya ng mata at agad na tumayo at nagtungo sa pinto.
"May kaong La?" tanong niya pagbukas ng pinto.
Napangiti ang nabigla niyang lola sa ginawa niya.
"Meron dahil alam kong paborito mo yun." sagot nito.
"Yay!" aniyang puno ng excitement at agad nagtungo sa kusina
Nakangiti lamang na sumunod ang Lola niya sa kaniya.
Pagdating sa hapag-kainan ay nakita niya ang kapatid na si Blaze kumakain ito. Ngumiti ito ng makita siya.
"Ang pangit mo Ate. Mukha kang haggard." anito saka tumawa ng malakas.
Inirapan niya ito.
"Nagsalita ang hindi pangit." sagot niya
"Ikaw nga mukha kang pinaglihi sa sama ng loob sa sobrang pangit mo eh." panunukso niya sa kapatid.
"Lola Oh si Ate." sumbong nito na napipikon.
Naupo naman ang Lola niya sa may gitna nila
"Sus, ikaw ang nauna kaya wag kang pikon." saway nito kay Blaze.
"Kumain na tayo." utos nito.
Ngumiti siya ng pang-asar sa kapatid at tinaasan ito ng kilay. Dumila naman ito sa kaniya at inirapan siya.
Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa itaas at lumabas sa may balkonahe ng bahay nila para tumambay at magpatunaw na rin ng kinain. Inilapag niya ang celphone sa mini table at lumapit siya sa may gitnang bahagi ng terrace at tumanaw siya sa labas. Mula doon ay tanaw niya ang kalsada palabas ng sito sa kanan at ang kalsada papasok naman ng sito sa kaliwa. Sa tapat naman ay ang bahay nila Stan. Halos magkaharap ang balkonahe nila ang pinagkaiba lang ay mas malaki at malapad ang kina Stan at may isa pa itong terrace sa bandang likod na nakaharap naman sa bukid. Ngunit parehong gawa sa Aluminum na bakal ang rails ng terrace nila.
Tumingin siya sa garden nila, marami silang tanim na orchids at mga halamang namumulaklak. Tulad kasi ng Nanay ni Tammi, mahilig din sa halamang namumulaklak ang Lola niya. Nasa ganon siyang sitwasyong ng biglang tumunog ang celphone niya. Tiningnan niya iyon. Pangalan ni Jenny ang nasa screen. Napataas ang kilay niya. Kinuha niya ang celphone para buksan ang message nito.
"Blake gising ka pa" message nito
"Oo. Y?" tipid na reply niya.
"Pwede ba ako tumawag?" reply nito
"Cge" sagot niya.
Maya-maya nga ay nag-ring ang phone niya.
"Hello?" sagot niya,
narinig niyang bumuntong hininga ang babae sa kabilang linya.
"Hi Blake, ahm, kumusta?" tanong nito.
"Okay lang. Ikaw?" tanong niya
"Ayos lang din, pagod pero sulit naman." sagot nito
"Bakit ka tumawag?" tanong niya
"Blake, uhm, sorry ha, ndi ko alam kung nag-o-overthink ako o ano pero, may namamagitan ba sa inyo ni Tammi?" diretsang tanong nito
Bahagya siyang natigilan at nag isip.
"Blake." tawag nito na akala ay nawala na siya sa linya
"Uhm." sagot niya at siya naman ang napabuntong-hininga
"Kung ayaw mo sagutin, ahm, okay lang naman. Uhm, sorry I know it's too personal." anito
"Walang namamagitan sa amin ni Tammi." sagot niya na napakagat sa labi
"Wala pa." dugtong niya at pumikit
YOU NEED TO MAKE HER STOP KUNG PLANO MONG MAKUHA SI TAMMI
"What do you mean wala pa?" tanong nito na halatang nagugulahan ang tinig
"I'm sorry Jen." sagot niya
"Sorry saan?" tanong nitong naguguluhan
"Alam ko na may gusto ka kay Tammi at gusto mo na muli kayong magkalapit pero kasi." aniya
"Kasi ano?" tanong nito
SABIHIN MO NA NG TUMIGIL NA YANG BABAENG YAN sigaw ng isip niya.
"Gusto akong ligawan ni Tammi." pikit-mata niyang sagot.
Natahimik naman ang babae sa kabilang linya. Maya-maya ay narinig niya itong humikbi
"I'm sorry Jen." aniya, hindi pa din ito nagsalita pero halatang umiiyak ito
"Gusto mo ba siya?" tanong nito ng makahuma sa pag-iyak.
Muli siyang natigilan at napa-isip. Ano nga ba si Tammi sa kaniya? As far as her concern, kailangan niya si Tammi para maka-move on kay Lyka. She need a rebound. And Tammi, so far, is the best candidate.
"Blake" tawag muli nito sa kaniya, napakurap siya
"Mabait si Tammi, Jen. Hindi siya mahirap magustuhan" pagsisinungaling niya.
"Okay." sagot nito na halatang pinipigilan humagulgol.
"Magpapahinga na ako Blake." dugtong nito
"I'm sorry." aniya
"Good night Blake." sagot nito saka na-disconnect na ang linya.
Nanghihina niyang inilapag ang celphone sa mesa at naupo sa may bangko na nakatulala. Alam niya na masisira ang pagkakaibigan nila ni Jenny dahil dito pero hindi mahalaga yun. Ang mahalaga sa kaniya ay ang kaligayahan ng taong mahal niya. Kahit masaktan pa siya.
PAANO PAG NALAMAN NI TAMMI ANG SINABI MO KAY JENNY? tanong ng isip niya.
Napakurap siya at muling tumayo pabalik sa gitna ng terrace at humawak sa rails nito.
KAILANGAN MASABI KO KAY TAMMI ANG PLANO KONG MAGING KAMI BAGO PA NIYA MALAMAN ANG SINABI KO KAY JENNY aniya sa sarili.
Napahigpit ang hawak niya sa railing
IF I WANT TO MAKE A SMOOTH TRANSITION. I NEED TO LET HIM KNOW AS EARLY AS NOW dugtong pa saka muling nilingon ang celphone sa lamesita.
Lumapit siya sa lamesita at kinuha ang celphone saka pumasok na muli sa bahay. Tuloy tuloy siya sa may silid. Pinatay ang ilaw at nahiga. Hinanap niya ang pangalan ni Tammi sa contacts niya at nag-send ng text dito.
"Tammi, San ka na? Nakauwi na kayo?" message niya.
Nag-blue ang check icon sa message niya tanda na pumasok ang message niya pero hindi pa na-view ni Tammi. Nakatitig siya sa phone habang inaantay na magreply si Tammi ngunit nakatulog na lang siya ngunit wala pa rin itong reply.
9 PM
"AND NOW THE FIRST RUNNER UP FOR MS. INTRAMS WITH THE FINAL SCORE OF 95.4% IS." announce ni Lukas saka binuksan ang envelope. Nakita niyang bahagyang nalungkot ang mata nito ng makita ang pangalan na nakasulat doon. Tiningnan din niya yon.
"SASHA MONTEMAYOR OR GRADE 9 DIAMOND" anito. "CONGRATULATIONS." bati nilang dalawa habang napatakip naman ng bibig ang natitirang kandidate sa stage.
"AND CONGRATULATIONS TO OUR MS. INTRAMS 2003 WITH FINAL SCORE OF 96% GWENDOLYN YAP OF GRADE 8 DOVE" chorus nila ni Lukas.
Masigabong palakpakan ang sinalubong ng mga taong nanonood para sa nanalo. Dumadagundong ang gym nila. Nilagyan ng sash at korona ang mga nanalo. Kaunting picture taking at congratulatory messages sa mga nanalo ang ibinigay ng kanilang Punong Guro bilang closing remarks kasabay ng pag-announce na magkakaroon ng party pagkatapos ng Championship sa Friday. Magkakaroon ng sayawan at lahat ay iniimbitahan.
Sa dressing room ay pinuntahan nila ni Luke si Sasha na nililigpit ang mga ginamit niya sa pageant.
"Congratulations Sash." bati niya.
Ngumiti naman ito. Niyakap naman ito ni Luke
"You did your best." anito
"Para sa akin ikaw ang winner." dugtong pa.
Nakita niyang pinahid nito ang pumatak ng luha sa mata. At muling ngumiti sa kanila.
"Tara na." aya ni Sasha.
Tumango siya at sabay-sabay sila lumabas ng dressing room.
"Mauna na kayo." aniya
" Pupuntahan ko si Tammi sa classroom. Doon daw niya ako hihintayin eh." dugtong pa
Tumango naman ang dalawa.
"Ingat kayo pag uwi." sagot ni Luke.
Tinaas niya lang kamay bilang pag-sang-ayon dito.
Tuloy-tuloy niyang binaybay ang daan patungo sa classroom nila. Nakabukas ang ilaw sa loob ng room. Binuksan niya ang pinto at nakita niya kasintahang tulog na tulog sa desk. Nakatakip sa mukha nito ang T-shirt niya na suot niya kaninang umaga. Nakaramdam siya ng awa dito. Pumasok siya sa silid at ini-lock ang pinto.
PAGOD NA PAGOD TALAGA SIYA aniya sa sarili.
Nilapitan niya ito at hinaplos ang buhok habang marahang dinadampian ng halik ang noo.
"Babe." gising niya dito.
Naramdaman niyang gumalaw ito.
"Gising ka na. Uwi na tayo." aya niya.
"Uhm." sagot nito at unti-unting tinangal ang tabon sa mukha.
Bumangon ito at hinagilap ng mata ang mga gamit nila at muling tumingin sa kaniya.
"Tapos na? uwi na tayo?" tanong nito na pupungas-pungas.
Tumango naman siya at saka hinubad ang coat niya at inilagay sa balikat. Kinaluskos niya ang mahabang manggas saka kinuha ang bag niya at sapatos na sinuot niya kanina sa laro.
"Tara na." aya niya.
"Okay." sagot nito at tumayo na rin.
Kinuha nito ang bag niya, bola at sapatos saka lumabas na sila sa classroom. Pinatay niya ang ilaw at ni-lock ang pinto. At sabay na sila naglakad palabas ng campus.
Sa labasan ay nakita nilang bukas pa ang tuhog-tuhog. Kumalam ang sikmura niya tandang gutom na siya.
"Kain ba muna tayo?" tanong niya sa kasintahan.
Umiling naman ito
"Sa bahay niyo na lang. Mas gusto ko kumain ng normal na pagkain ngayon." tugon nito.
Tumango naman siya at sabay na sila naglakad pauwi.