Chapter 7

Now playing: Diwata by Sam Concepcion

Tala POV

Maaga kaming nagising ni Lexie para pumunta sa beach. Sumakto naman na maganda ang sikat ng araw ngayon, at talaga namang ma-e-enjoy naming dalawa.

Hindi na rin namin kinailangan na lumayo pa dahil may malapit lamang din na beach dito sa bahay ng Tito niya, which is madalas at sikat na puntahan ng mga turista dito sa Barangay Maligaya.

Naglatag lamang kami ni Lexie ng blanket at doon na rin inilagay ang aming mga gamit. Habang siya ay busy sa paglalagay ng sunblock sa kanyang buong katawan, ako naman ay padapang nahiga na muna at nagsimulang magbasa ng libro.

"Tala, sa tingin mo ba may pag-asa ako kay Blake?" Tanong nito sa akin.

Sandaling napahinto ako sa pagbabasa bago ibinaling ang aking paningin sa kanya.

"Oo naman. Pinanghihinaan ka na ba ng loob?" May pang-aasar na tanong ko sa kanya pabalik. Ngunit napanguso lamang ito habang nakakunot ang noo.

"Alam mo cute din 'yung Eli. 'Yung friend niya." Wika nito at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa. Napailing ako.

"Oh, eh ba't ang bilis mo naman yatang sumuko? Atsaka akala ko ba ayaw mo nang magkajowa ng lalaki?" Parang katatapos lang siyang paiyakin ng huling naging nobyo niya last two months ago ah.

"Eh kasi alam ko naman na ikaw ang type talaga ni Blake. Halata naman eh. Parang sa'yo lang siya palaging nakatingin. Parang ikaw lang nag-e-exist sa paningin niya." Tuloy-tuloy na hinaing niya na animo'y nasasaktan.

"Isa pa, bisexual ako. Pwede ako kahit sa anong gender basta gusto ko. At alam kong type din ako ni Eli."

Napatawa ako. "At talagang nag-feeling ka pa d'yan ha!"

"Totoo naman eh. 'Yung mga tingin niya makalaglag panty!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa ng malutong noong marinig ko ang sinabi niya.

"Shunga! Mamaya gusto lang umiskor sa'yo no'n, bibigwasan ko talaga siya ng malala!" Halata naman kasi sa Eli na 'yun na isa lang ang gusto niya sa mga babae. Naku! Eh sa tingin at pormahan pa lang niya, mahahalata nang mabilis magpalit ng babae eh.

"Atsaka hoy! Tumino ka nga, isang beses mo pa lang na-meet 'yung tao eh. Kilalanin mo muna." Kagabi lang kaya niya na-meet 'yung Eli na iyon. Tapos kung makapagsalita siya ngayon parang matagal na niyang kakilala.

Hayyy! Kaya ayaw ko muna talagang pumasok sa relasyon ngayon eh. Nakakaumay! Pero itong best friend ko, hindi yata mabubuhay nang walang jowa.

"Hmp! Oo na!" Para bang napilitan pa na sabi nito.

Gusto kasi ni Lexie nadadaan lahat sa santong paspasan. Palagi naman iniiwan at niloloko. Kaya nga ingat na ingat na ako sa magiging jowa niya ngayon eh. Syempre, gusto ko ring protektahan ang kaibigan ko, 'no?

"Uy basta ha. Pag naging kayo ni Blake sasabihin mo ako---"

"Naku! Tigilan mo ako Lexie. Straight ako. Alam mo 'yan." Mabilis na putol at depensa ko sa kanya bago ibinalik nang muli ang mga mata sa aking binabasa.

Straight pa bang matatawag kahit makipag-sex na sa babae noon kahit isang beses lang? Tanong ko sa aking sarili.

"And so is pasta until it gets hot and wet, right?" Makahulugan na sabi nito sa akin. Ayaw ko siyang tignan dahil alam kong aasarin lang ako ng itsura niya.

"HINDI KO SIYA TYPE." Tipid at may diin na muling saad ko.

"Ay, seryoso ka ba?" Sarcastic na tanong nito sa akin. Noon naman ako muling nagbaling ng paningin sa kanya.

"Alam mo ikaw, paminta ka!" Sabay duro nito sa akin. "Hindi daw type! Akala mo hindi ko nakikita at napapansin na sinusundan mo ng tingin si Blake kung minsan? Ay hindi lang pala kung minsan, madalas. Atsaka hoy Tala, you're drooling over her. Kaya 'wag ako, iba na lang!"

"Kapag sinundan ng tingin gay na agad? Hindi ba pwedeng nagagandahan lang talaga ako sa kanya? Atsaka maganda 'yung shape ng katawan niya?" Pagtatanggol ko naman sa aking sarili.

'Yan, tama 'yan, Tala! Ipagtanggol mo ang iyong sarili.

"Eh bakit naman pati katawan niya titignan mo pa? May pagnanasa lang ng palihim besh?" Ayaw talagang magpatalo ng babaeng ito, ano?

Napatawa ako. "Lex, para kang tanga d'yan. Tigilan mo nga ako!" Saway ko sa kanya ngunit may sumisipil naman na ngiti sa gilid ng aking labi na napansin naman nito kaagad.

"Oh, kita mo na? Eh bakit ka napapangiti d'yan? Kinikilig?"

"Pag hindi ka pa tumigil d'yan, mag-wa-walk out ako." May pagbabanta na sabi ko pa. "Parang tanga ka kasi! Ano ba! Inaano ba kita!" Pagkatapos ay sabay kaming nagtawanang dalawa.

"Speaking of, look who's coming!" Napalingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Para bang bumagal bigla ang oras at huminto ang mundo ko noong sandaling tumama ang mga mata ko kay Blake, na nakasuot ngayon ng kanyang blue bikini. Mas lalong na-emphasized ang kulay ng kutis nito at pati na rin ang hubog ng kanyang magandang katawan.

No wonder kung bakit lahat ng tao ngayon sa beach yata eh sa kanya nakatingin at halos kulang nalang eh lumuwa ang mga mata nila.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin lalo na noong lihim na pinasadahan ko siya ng tingin sa kanyang kabuohan. Grabe! Ang hot niya ng sobra. Para siyang apoy na naglalakad sa beach ngayon.

Gosh! Kasama niya ang kanyang dalawang kaibigan, pero siya lamang ang tanging nag-e-exist sa paningin ko sa mga sandaling ito. Sa kanya lang tanging napa-focus ang aking mga mata, wala ng iba.

"Paki sarado naman 'yang bunganga mo sis! Papasukan na ng langaw oh!" Pang-aasar na saway ni Lexie sa akin.

Inirapan ko lamang ito at ibabalik pa sana ang mga mata kina Blake nang mabilis akong napayuko dahil papalapit na pala sila sa amin.

"Hottie ba?" Muling pang-aasar ni Lexie. Pagkatapos ay napatawa ng malutong kaya naman binato ko ito ng suot kong tsinelas.

"Good morning ladies!" Pagbati sa amin ni Eli nang makarating sila sa aming harapan.

"Hey, guys! Good morning!" Pagbati rin ni Lexie sa kanila na halatang nakatitig sa six pack abs ni Eli. Pasimple ko naman itong kinurot sa tagiliran atsaka bumangon mula sa aking pagkakahiga.

"Good morning!" Pagbati ko rin sa mga ito.

"Can we join you guys?" Tanong nung isang kaibigan nila na sa pagkakatanda ko ay Faye ang pangalan.

"Sure!" Mabilis na pagpayag ni Lexie.

Pasimple naman na napasulyap ako kay Blake. Her mischievous smile greeted me as our eyes met. Hindi ko maintindihan pero kusang bumilis ang pagtibok ng puso ko nung pinasadahan niya ako ng tingin sa aking katawan.

Para iyong may mga kamay na humahaplos sa aking mga balat at talagang nakakapaso. Bakit ba ang lakas masyado ng epekto niya sa akin? Tinitignan lang naman niya ako at wala naman siyang ginagawa. Hmp!

Dahil doon ay napaiwas ako ng tingin bago napabulong kay Lexie.

"I'm just going to the water." Napatango ito sa akin at muling ibinalik ang atensyon kay Eli at Faye para ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan.

Ewan ko rin at bigla akong nakaramdam ng init dahil sa paraan ng mga tingin ni Blake. Agad na tumayo ako at nagtungo na sa tubig. Kailangan ko lang siguro itong ilublob nang maibsan 'yung init na aking nararamdaman.

Ngunit hindi ko alam na nakasunod din pala sa akin si Blake. Naku naman talaga, oo!

"You've got a lot of beautiful curves," Panimula nito kaya napaharap ako sa kanya nang may ngiti sa aking labi.

"Don't start, Blake." Saway ko. Ngunit tinignan lamang ako ng mataman sa aking mukha.

"but your smile is absolutely my favorite." Pagpapatuloy niya kaya mas lalong naging malawak ang ngiti ko bago siya sinabuyan ng tubig sa kanyang mukha. Napatawa naman ito pagkatapos.

"Well, you too. Kung ang pagiging sexy ay isang krimen," Napahinto ako sandali at lakas loob na tinignan siya kanyang kabuohan in front of her. "you'd be guilty as charged." Dagdag ko pa.

Awtomatiko na namula ang kanyang mga pisngi dahil sa sinabi ko, sandali itong natahimik at pagkatapos ay sabay kami na muling napatawa. Iyong tawa na hindi ko alam kung kinikilig nga ba ako o sadyang natutuwa lang talaga sa kanya.

But I know deep inside, that there is something in her that really caught my attention other than being beautiful and hottie.

Her vibe.

Gosh! I love it!