Chapter 11

Now playing: Kumpas by Moira Dela Torre

Tala POV

Habang tumatagal, habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong napapalapit pa kay Blake. Mas lalo ko siyang nakikilala. Lalo kong nagugustuhan ang lahat ng bagay sa kanya, maganda man ito o hindi.

Ewan ko, hindi ko na rin alam sa aking sarili. Pero masaya ako basta nandiyan na siya, makita ko pa lamang na papalapit siya, wala ng humpay sa saya ang aking nararamdaman. Lalo na kapag ngumiti na siya, and when she start a conversation with me, gosh! Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti pabalik.

Iyon bang kahit na ilang beses pa akong magtaray sa kanya, palagi akong nahuhulog sa mga banat niya.

Ang rupok ko na nga yata eh.

Everytime na nagtatama ang mga mata naming dalawa, para bang walang ibang nagma-matter sa akin kundi kami lamang na dalawa.

Minsan nga napapatanong na lamang ako sa sarili ko, normal pa nga ba talaga itong nararamdaman ko? Normal lamang ba na maramdaman ito ng isang kaibigan? O baka higit na roon ang nararamdaman ko para sa kanya knowing na halata naman talagang type ako nito.

Naguguluhan na rin ako. At lihim na umaasa na sana ay magkaroon na ng kalinawan itong nararamdaman ko. Gusto ko kasing malaman kung may pag-asa pa ba akong makawala rito dahil kung meron pa man, tatakbo na ako hanggang sa makalayo.

At kung wala na, hindi ko alam kung paano. I don't think ready na akong pumasok sa panibagong commitment. And I really don't think kung kaya kong sumugal at pumasok sa isang relasyon na babae ang magiging partner ko. I don't think my parents will agree.

Hayyyy! Answers.

I want those answers bago pa man ako tuluyang mahulog kay Blake at maging huli na para makaahon pa. Kaya sa ngayon, wala akong ibang choice kundi magpadala sa agos ng tadhana.

And today, meron kaming camping mula sa lupain nina si Mang Berto. Malapit kasi ito sa ilog kung saan madalas na puntahan ng ilang kabataan kung may gusto mang mag-camping o mag-overnight rito.

Isa pa, masyadong handa ang mga ito dahil bumili pa talaga si Eli at Lexie ng tent mula sa bayan.

Naisipan ko na magandang pagkakataon din ito sa akin para malaman ko ang kasagutan sa aking mga katanungan. Iyon bang magkaroon ng kalinawan lahat ng gumugulo sa aking isipan.

Pero bakit naman ganoon?

Habang naglalakad kami papunta sa nasabing lupain nina Mang Berto ay kanina pa walang imik si Blake na para bang napaseryoso rin ng awra nito. Madalas akong napapasulyap sa kanya pero mababasa sa kanyang itsura na wala ito sa mood at talagang hindi mo makausap.

May nangyari kaya? Tanong ko sa aking isipan.

Hindi ko rin ito nahuhuling napapasulyap sa akin gaya ng kanyang nakasanayan.

Baka masama lang ang pakiramdam. Ani ni inner self kaya hinayaan ko na lamang din muna siya.

Hanggang sa pag-seset namin ng tent, hindi pa rin siya kumikibo. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala.

It really bothers me, to be honest.

I wanted to approach her to ask if she was okay and what was on her mind? That she can tell me anything kung ano man ang gumugulo sa kanyang isipan.

Kaya lang ayaw ko naman na isipin nitong masyado akong umaakto na girlfriend. Right? Baka kailangan lamang niya talaga ng peace of mind right now.

Maybe she's just dealing with something na siya lamang ang tanging nakakaalam and I have to respect that, right? Because not even one of her friends was talking to her either.

I know there is something wrong but I will not ask her, instead, I will be there with her when she needs someone to talk to. Siguro naman hahayaan niya lamang ako na lumapit sa kanya, hindi ba? Wala akong balak na kulitin siya but if I have to, I will para lamang mapangiti siyang muli.

So, concern ka na niyan? Tuyo ng aking isipan. Kaya naman napapairap ako ng palihim.

I am just worried about her. That's it.

Habang nakikipagkwentuhan ako kay Lexie at Faye ay kusa na lamang napadako ang aking paningin kay Blake na pumasok sa loob ng kanilang tent at doon ay nahiga. Napapalunok na tumayo ako at nag-excuse sa dalawa.

Kinakabahan man ay lakas loob pa rin na pinuntahan ko siya. Napatikhim ako nang tuluyang makarating sa tapat ng tent kung nasaan siya. Nakahiga ito habang nakapikit ang kanyang dalawang mga mata, at ginawang unan ang magkabilaan niyang braso.

Alam kong alam niya at naramdaman niyang may tao. Maybe she knows na ako ito ngunit pilit niya iyong dinededma.

Pumasok ako sa loob ng tent at tumabi sa kanya. Hindi ako nagsalita o kumibo man lamang at tahimik na nahiga sa tabi niya.

Kapwa nakatihaya kami pareho kaya medyo tumagilid ako paharap sa kanya upang makita ang kanyang magandang mukha na hindi nakakasawang pagmasdan.

Lihim na napapangiti ako sa aking sarili dahil hindi pa rin ako lubos makapaniwala na may tulad niyang napaka-perfect ng itsura. Gosh!

She's so gorgeous!

Wala man lamang akong maipintas sa kanya kahit isa.

Napatikhim ako bago binasa ang aking lower lip gamit ang aking dila, inihahanda ang sarili sa pagsasalita. Maybe this time, ako na naman ang kailangang magsimula ng conversation with her, right?

"You know, someone told me that kissing is a language of love, would you mind starting a conversation with me?" Tanong ko sa kanya noong maalala na itinanong niya na rin ito sa akin noon. Binabalik ko lang.

At that moment, I automatically smiled when a small smirk cracked on her lips.

Ngunit nananatili pa rin ito sa ganoong pasisyon at nakapikit ang mga mata.

"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin at mas lumapit pa sa kanya ng konti. "I just checked my battery life, it's at 69%." Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa aking sarili.

Gosh! Hindi ba korni 'yung mga banatan ko? Paano ba maging katulad ni Blake? Dahil doon ay tuluyan ko na siyang napatawa. Noon din ay iminulat na niya ang kanyang mga mata bago dahan-dahan na napaharap sa akin.

At noong sandali na magtama ang aming paningin, para bang biglang nalunok ko ang aking dila at hindi na makapagsalita pa. Nawala lahat ng mga salita na gusto kong sabihin at tuluyang nalunod nang muli sa kulay asul niyang mga mata.

Lihim din na napapasinghap ako sa sarili, lalo na noong ipinatong nito ang kanyang kanang braso sa aking balakang at mas inilapit pa ang kanyang katawan sa akin.

"Come on! Give me more." Malumanay ang boses at may panghahamon na sabi nito sa akin.

Napalunok ako ng mariin bago napatawa ng may pagkaalanganin.

"Don't tell me what to do Blake, unless you're naked!" Sabay kagat labi ko pa pagkatapos dahil pinipigilan ko ang mapangiti at tuluyang matawa. Amazed na napanganga ito bago natawa ng mahina.

"And?" Para bang may gusto pa itong marinig mula sa akin. "That's it?"

"Well, are you a mask?" Tanong ko sa kanya. Kusa namang napakunot ang noo niya. Naramdaman ko rin ang dahan-dahan na pag gapang ng kamay nito mula sa balakang ko papunta sa exposed legs ko dahil naka-short shorts lang ako. Napasinghap ako bago muling napalunok ng mariin.

"B-Because I want you on my face." Pagpapatuloy ko kahit nahihirapan na akong magsalita bago napapikit ng mariin noong sinimulan niya akong haplusin sa aking mga binti.

Para kasing may daloy ng kuryente ang mainit na palad nitong humahaplos sa akin.

"Hmmm. Well, me, I am an elevator, not a mask," Sagot nito bago inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa ilang pagitan na lamang ang aming mga labi. "because I wanna go up and down on you." Pagpapatuloy niya kaya mas lalong humihigpit ang paghinga ko, especially when I felt her fingers starting to unbutton my shorts.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya mula roon para siya ay pigilan.

"Don't be so fast, babe." Pagkatapos ay napakindat ako sa kanya at nanginginig ang mga tuhod na bumangon nang muli at walang lingon likod na lumabas ng tent.

Hinihingal naman na napatakbo ako sa may ilog kung saan may tubig. Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib habang napapakapit ako rito.

Oh my gosh! Muntikan na. Sabi ko sa aking sarili. Mabuti na lamang at napigilan ko siya.

"I'm sorry."

"Ay palaka!" Bigla akong napatalon sa gulat nang may biglang magsalita mula sa likuran ko. Hindi ko alam na sinundan din pala ako kaagad.

"B-Blake." Utal na pagbanggit ko sa pangalan niya.

Binigyan lamang ako nito ng isang ngiti bago ito lumusong sa tubig at agad na pumunta sa may hanggang beywang ang lalim.

Tahimik lamang din na pinagmamasdan ko ito. Mabuti na lang at naka t-shirt siya ng kulay itim, dahil kung hindi, baka kanina pa pinagpiyestahan ng mga mata ko ang maganda niyang katawan at malulusog niyang hinaharap.

Agad na napa iwas ako ng tingin noong muli itong magbaling ng kanyang mga mata sa aking direksyon.

"Wanna join me?" Tanong nito. Andoon na naman ang pamilyar na nakakaloko niyang mga ngiti at tingin.

Hindi ako kumibo, sa halip ay tahimik na pinagmamasdan ko lang siya.

"Hindi naman ako nangangain. Takot ka bang kainin kita?" Pagkatapos ay pilyang napataas baba ito ng kanyang kilay.

Mabilis na sinamaan ko ito ng tingin. "Ang bastos ng bunganga mo. Pwede bang paki lagyan naman ng preno minsan?" Pamimilosopong sabi ko sa kanya dahilan upang mapatawa siya.

"Why? Hindi naman talaga ako nangangain ah. Naninipsip pwede pa." Sabat nito na para bang wala lamang sa kanya ang mga sinasabi niya. "Alam mo kung anong sinisipsip ko?" Tanong nito at napanguso pa na parang may sinisipsip talaga. "Nips at atsaka cli---"

"Oh my gosh! Hindi ko kinakaya. Ang manyak mo! Alam mo ba yun?" Inis na singhal ko sa kanya dahilan din upang mangamatis ang aking itsura.

"Well, am just telling the truth Ms. Author!" Pagkatapos ay napakindat pa siya. "Alam mo, ang galing mong magsulat ng bed scenes tapos ngayon ako pa ang manyak?" Napapailing na komento nito.

Napapikit ako ng mariin bago napatawa ng mahina. Oo nga naman. May point siya.

Kaya lang iba kasi ang datingan kapag sa kanya nanggagaling eh. Lalo na kapag galing sa mga labi niya.

Nakaka...ahem! Ah ewan!

Nagtataka naman ang mga mata na tinignan ako nito.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Tanong nito sa akin. Napailing na lamang ako.

"Can I join you?" Tanong ko sa kanya at pag-iiba na rin ng usapan.

Isa pa, mas okay na rin itong ganito siya. Kaysa naman sa tahimik at talagang walang kinikibo. Nakakapanigo kasi kapag ganun siya eh.

Hindi ako sanay.

Lumusong na rin ako sa tubig at lumapit sa kanya. Ngunit nung isang hakbang na lamang ako palapit sa kanya nang magsalita siya.

"Please, don't step any more closer." Pigil nito sa akin. Naguguluhan na tinignan ko lamang siya sa kanyang mga mata.

"Ang arte ha? Hindi naman kita kakainin. Sisipsipin lang." Ganting pang-aasar ko sa kanya.

"I'm serious. Or you'll regret it." May pagbabanta na sabi pa niya. At dahil ako naman itong si mapanukso rin kung minsan, hindi ko siya sinunod.

Kaya noong sandaling inihakbang ko ng huling beses ang aking paa palapit sa kanya, ay noon din sinalubong niya ako at basta na lamang hinapit sa aking beywang. Namalayan ko na lamang ang paglapat ng kanyang labi sa akin kaya bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan.

Naramdaman ko na lamang din ang paggalaw ng labi nito, asking for my permission to explore my mouth when I pushed her palayo mula sa aking katawan.

"Blake, stop---"

I was about to tell her na huwag niyang gawin iyon nang muli niya akong putulin sa pamamagitan pa rin ng kanyang labi. This time, mas madali na lamang nitong na-access ang bibig ko when

she gently bit my lower lip.

Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa kanyang ginawa dahilan upang tuluyang bumigay na ako at mag paubaya.

Para akong nanghihina sa ginagawa niyang panghahalik sa akin. Nakakalunod, nakakaakit, nakakapang init at talagang parang ayaw ko na ring tumigil sa paghalik sa kanya pabalik.

Hanggang sa bumaba ang halik nito sa leeg ko patungo sa earlobe kung saan ang soft spot ko, naramdaman ko na lamang din ang marahan na paglakbay ng mga kamay nito sa hinaharap ko at marahan akong minasahe roon dahilan upang muling magpakawala ako ng mahinang pag-ungol.

Awtomatiko na lamang din akong napakapit sa kanyang balakang nang bigla siyang tumigil sa kanyang ginagawa at walang sabi na tinalikuran ako habang nagtatanong ang mga matang sinusundan siya ng tingin.

"Blake!" Pagtawag ko sa kanya.

Ngunit dire-diretso lamang ito na tila ba walang naririnig. Habang ako, naiwan na nanginginig ang mga tuhod.

Talaga bang iiwanan niya ako rito ng ganito? Seryoso?!

And yes, I admit, was expecting more.