Chapter 5: Dinner winner

"I know you're tired, but you need to get dressed for dinner."

"I understand and I'm not complaining. Di naman po ako pagod. I'll just rest a bit if that's alright. Then I'll take a shower and get dressed."

"Right, then ask for assistance kasi sa dining hall, gaganapin yung dinner tonight. Well, for a week."

"May I ask why?"

"You'll know. Eventually."

"Right."

"Uy! Huwag kang malungkot. It should be the happiest days of your life!"

"I know, I'm trying."

"I'll be honest with you. Since you were born, you're destined to be here. There were just events that happened that you will know about as you move through life. Maiintindihan mo rin ang lahat balang araw."

What a day! Ang daming rules at information for a day only. Sa totoo lang napagod ako kasi inikot rin namin ang palasyo tapos lumabas din kami. Pinakita nila ang ilan sa kanilang properties. Pinakilala nila ako sa lahat para mapagsilbihan daw nila ako kapag nakita nila ako somewhere. Siguro naman discreet lang 'to. Di naman siguro malalaman ng mga nakakakilala sa akin except sa pamilya ko.

"Anong kulay mas prefer niyo. White, green, blue, purple or red?"

"Andami namang kulay na pagpipilian. Saka ba't puro pastel colors lagi pinapasuot niyo sa akin? Di naman ako galit nagtatanong at curios lang."

"Kasama po yun sa rules na dapat niyong sundin as a lady of this palace, you need to wear pastel colors only. It suits you as a fine lady of this house. It represents elegance as well, which you should possess in your everyday life lalo na kapag may guest dito sa Faery or kapag nasa labas ka. Di po ba nabanggit sa inyo?"

"Ay sorry nakalimutan ko lang siguro. Sige blue na lang."

"And since dinner po, light make up lang dapat. We need to have your hair sorted as well."

"Thank you!"

"Baka po bukas iibahin nila yung hair color niyo since masyadong matingkad yung kulay niya ngayon. We'll also get rid of the bangs to show your whole face. Which is beautiful by the way."

"Thank you! Galing mo naman mambola."

"Di kita binobola. Baka nga lahat ng magkakapatid na lalake na-inlove na sayo eh."

"Napakaimposible naman nun. At least one maniniwala pa ako. Haha."

***

"Okay, you all probably know now what's about to happen. Pero this time, we'll probably do this for a week. I don't know, let's see. Well, naturally, everyone says that Amir should be the groom this year and is to be wed to Desirae. Pero I decided that we should do the dinner fate ceremony and observe din kung kanino siya willing magpakasal."

"Right, and why am I not included again? We're schoolmates; we know each other!"

"I'm not sure about that. She didn't say that she knew you. You two were just schoolmates."

"Okay, so what? I'm a man of this household too!"

"You're too young for this."

"Too young? Desirae and I are the same age. She's too young for this too, then, am I right?"

"You don't get to intervene in any of our family affairs. If you don't want to witness and participate in this dinner, you're free to walk away."

(Aiden is about to stand up when Desirae suddenly arrives.)

"Hi! Good evening! Sorry po ulit kung ngayon lang ako dumating. Uhm..."

Do I need to go back? Did something happen? Tahimik ang lahat pagdating ko pero parang may pangyayaring naganap na di ko dapat namiss. Kaso nakakadistract yung set up kaya di ko na rin nagawang alamin pa kung anong nangyari at saka I don't think na ipapaalam nila sa akin and I don't think I have to know. Parang reception ng kasal sa dining hall. May mga server din na nakaantabay. At ngayon lang ako nakawitness ng dinner na accompanied by live musicians. Merong violinists and a pianist. Siyempre marami ring pagkain. At eto pa, di ako makadecide kung saan uupo. Ang nakikita ko lang ay sina Don Adelio, Adina at Aiden. Bale tatlong mesa. Sa isa nakaupo silang tatlo. Sa dalawa mesa, may dalawang tao which I assume ay ang dalawa pang myembro ng pamilya. Pero ang weird lang kasi they are all covered up. I can't recognize who's who.

"Follow your heart Desirae."

"Good evening po! Good evening Adina. And Aiden." - I'm kinda weirded out pero pinilit kong ngumiti.

"You can sit beside me. I'll get a chair for you." - Aiden

"Stop it Aiden!" - Don Adelio

I'm actually getting scared na pero at the same time gutom kaya nagconcentrate na ako sa pagpili. Ayaw ko ring mapagalitan pa si Aiden.

"Ang hirap naman pumili!" - bulalas ko

[Nakakapressure]

Sa kanan ako umupo. Kasi I guess it is the 'right choice' ?? Pero nagulat ako't napatayo nang makita ko kung sino ang kaharap ko.

"Uhm. Sorry po, pwede mag-switch?" - tanong ko kay Don Adelio pero umiling siya.

"Okay so since siya ang pinili mong dinner companion, kayo ang magsasama sa buong gabing ito. During this dinner, after and at the bridge over the lake under the stars.

"Pinili? Di ko naman po siya pinili eh. Di ko po alam na siya yung nasa kanan na mesa. Mas okey po sana na si Aiden or Albert. Di po talaga pwedeng mag-switch?"

(Natatawa si Adina at Albert habang nakatakip naman ang kamay ni Aiden sa kanyang mukha)

"We have to go now, Desirae and Amir. We'll meet again tomorrow morning at breakfast. We hope you have a wonderful night together."

Napilitan akong umupo nang nagsialisan ang lahat maliban sa aming dalawa. Wala siyang imik at tila umiiwas ng tingin. Iniwasan ko na rin siyang tingnan baka mahuli pa niya ako tapos awayin niya ako ulit. Nagugutom na ako pero nahihiya naman ako mag-umpisa. Akala ko iiwanan niya na lang ako basta mag-isa pero pinaalis lang pala niya yung mga musikero.

"Kain na tayo." mahinahon niyang utos/sabi

"Thank you for the food." di ko alam kung appropriate ba yung tugon ko pero dala na rin siguro ng gutom at kaba kaya yun ang nasabi ko. We didn't talk much. Pero nag-toast kami.

Kailangan daw eh. Wala namang kwenta yung toast kasi pareho lang kami ng sinabi.

"I hope we can get along."

Di pa kami komportable sa isa't isa by the looks of it. Ang awkward nung after dinner on the way sa bridge. Awkward din nung nasa tulay na kami. We're supposed to be there for at least an hour. Ang ganda panuorin ng tubig sa baba. Kumikinang na mistulang may mga dyamante sa ibabaw. Pagtingala mo naman ay makikita mo ang buwan at mga bituin. Ito yung pinaka the best na part sa dinner namin to be honest...Magkatabi kami pero medyo malayo ang distansya namin sa isa't-isa. Ayaw ko naman mag-assume pero parang nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. Willing na akong kausapin siya at naboboringan na din ako kaya lumingon ako't nagkatitigan kami. Ngumiti siya kaya napangiti din ako. Nagtangka siyang lumapit sa akin at handa na akong salubungin siya nang biglang may tumawag sa phone ko.

"Hello Des!"

"O hello Ace! Kamusta? Ba't bigla kang napatawag?

"Nasan ka ngayon?"

"Sino yan?" - Amir

"Sino yun? Nasaan ka, sino kasama mo ngayon, ba't wala ka sa bahay niyo?"

"Uhm, di ko pwedeng sabihin eh."

"Binalita ka sa TV. Saka nasa mga dyaryo ka at articles sa internet and social media. Aware ka ba about dito?"

"Ahm. Medyo(?)"

"Just turn the phone off." I don't know why, but I automatically obeyed. We were silent for a moment, then he said, "We'll get through this and this is expected. We have a plan and we definitely know what to do."

"I think I have to go now." nagtangka akong umalis na pero sinalubong niya ako kaya nauntog ako sa dibdib niya.

Sinalo naman niya ako at nagtangkang yakapin. Hinimas niya ang aking buhok. Bigla akong napatingala sa kaniya. Pagtingin ko'y nakatitig siya sa akin. Nahiya ako kaya kumalas ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Naguguluhan ako sa totoo niyang nararamdaman para sa akin at kung ano ba talaga ang feelings ko para sa kaniya. Di pa naman ako inlove kung tutuusin. More on takot siguro?

***