"What is it Kai?" Tanong ng kanyang ama.
"Nothing dad," nakangising sagot niya bago kumindat sa akin.
Natapos ng kumain ang lahat at nag-uusap na para sa aming kasal. They're talking about the date and the venue.
"June will be good don't you think?" sambit ng aking ina.
Tumango naman ang lahat para sumang-ayon. June agad? February na ngayon hindi ba masyadong mabilis. Lumingon ako kay prinsipe Kai, nakatitig ito sa'kin habang nakangisi. Nakita niya akong nakatingin sa kanya, umiling ito sa akin agad namang kumunot ang noo ko.
Matapos silang mag-usap ay umiinom naman sila ng wine. Umalis na muna ako at pumunta sa likod ng masyon. Umupo ako sa duyan at pinagmasdan ang fountain sa harapan ko.
"A princess, who ran away after a one night stand."
Tumabi sa'kin si Kai bago lumingon. Napayuko ako at hindi masalubong ang kanyang mga mata. Nakakahiya kung pwede lang ay lamunin na ako ng lupa ngayon. Wala akong mukha na maiharap sa kanya.
"You know the rule, you can't let anybody touch you."
"I know... I'm -"
"Don't even say sorry," putol niya sa'kin.
I don't know how to explain, ano bang sasabihin ko na nagsaya ako kasi hindi ko na 'yon mararanasan kapag ikinasal na ako. Mali ang ginawa ko I shouldn't let myself be weak, hindi ko dapat hinayaang may mangyari sa amin kahit pa hindi siya ang prinsipe.
"I'm disappointed."
Tumayo na siya at naglakad palayo. What if umurong siya sa kasal? Anong sasabihin ko, masisira ang pangalan ng pamilya at kaharian namin.
Nagmamadali akong tumayo at hinabol siya. Kahit na lumuhod pa ako ay gagawin ko. Hinablot ko ang braso niya at hinigit siya sa gilid.
"Please," I started.
"Don't cancel the wedding please..."
Ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko. He look from my eyes down to my lips. Binasa niya ang ibabang labi niya bago magsalita.
"Paano kung ayaw ko sa'yo?" Tanong niya.
Nangilid ang luha ko sa tanong niya. I'm not expecting him to like me but he has all the right to stop our wedding. It's a tradition but I broke the rule.
"Gagawin ko ang lahat," pakiusap ko sa kanya.
"Hmm, kahit ano?"
Kinabahan ako pero tumango parin ako, kaya kong magpakababa para wag lang mapahiya ang pamilya ko.
"I'll think about it."
Yon lang at iniwan niya na ako. I don't know what's running into his mind but I hope pagbigyan niya ako. Siya ang nakauna sa'kin pero mali parin.
"What?" sigaw sa'kin ni Karina.
"Ayaw mo n'on destiny." kinikilig na wika ni Karina.
"Karina..." lumuluhang tawag ko sa kanya.
Nagulat siya at lumapit sa akin, agad n'yang pinalis ang mga luha ko.
"What's wrong?" takang tanong niya.
"I slept with him."
Nabitiwan niya ako at tumitig sa'kin.
"You're about to marry the prince, how could you let someone touched you!"
"I... -
"Veronika! Paano kung hindi si prinsipe Kai iyon?" bulyaw niya.
Napahagulhol na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag lumabas ito. Ano na lang sasabihin ng pamilya ko, baka itakwil nila ako!