'This is the moment na dapat nagigising na ako sa pagbubunganga ng dalawa kong kapatid pero bakit hindi parin ako nagigising!'
Andito pa rin ako kung saan man ito. I mean para akong nakulong sa panaginip o bangungot? Hindi naman ako adik sa mga medieval period drama or renaissance. Shuta! Hindi nga ako fan ng Romeo and Juliet pati na ng mga Disney movie about princesses. Well, except Mulan and Moana o sige isama na ang Raya.
' Gisingin nyo na ako please!'
Napatingin lang ako sa kisame habang nakahiga kasi malamang bagong silang na sanggol palang ako wala pa akong isang araw. Teka? Kapag namatay ba ako dito ? Magigising kaya ako? I mean hindi naman ako makakaramdam ng sakit dahil panaginip ito eh. And beside of that sabi nila para magising sa panaginip dapat sampalin yung sarili ng malakas. Pero paano kung naman gagawin yon kung sanggol nga ako.
Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pagngalitngit ng pintuan.
'Sino na naman tong pumasok na ito? Tapos na ako padedehin sa babaeng malaki ang dibdib kanina! Habang buhay ako babangungutin sa ginawa ko kanina'
Sinipsip ko ang dibdib na iyon para mabusog! Sinipsip ko ang dibdib na iyon kahit maasim na!
" Bakit mukhang galit yung sanggol?"
" Baka kinakabag o inaantok Archmage"
Tumingin ulit ako sa pintuan at dalawang matandang lalaki ang pumasok. Yung isa yung kasama kanina ng gwapong lalaki na Tatay ng batang ito. At yung isang pumasok may pagkakahawig sa mascot ng Enchanted kingdom yung bago pumasok.
' Miss ko na mag Enchanted kingdom!'
" Mukhang gusto po kayo ng Munting binibini Archmage. Tingnan nyo po nagpapakarga sainyo. "
' Yes, That's right. Kargahin mo ako ng mahila ko balbas mo! Dati ko pa yan pangarap ang makahila ng balbas lalo na yung mascot sa Enchanted Kingdom kaso gawa sa bato'
" Ehem! Talaga ba?" Ubong tanong ni Tatang Enchanted kingdom.
" Tingnan nyo po Archmage. Nakataas lang kamay sainyo. Gusto talagang magpakarga" Rinig kong sulsol ng kasama ni Tatang balbas.
Dahan-dahan akong tiningnan ni Tatang Balbas at pikit-matang kinuha ako.
' HOY! BAKIT KA NAKAPIKIT!'
" Nabuhat nyo sya Archmage. Ang unang sanggol na nakarga nyo!" Naluluhang saad ng kasama ni Tatang Balbas.
Tiningnan ko ang mukha ni Tatang Balbas bago ko biglaan hinila ang balbas nito.
" AHH!"
" ARCHMAGE!"
' Uyy!! I'm enjoying this! Wala ka ng kawala sa aking balbas ka!'
~
NAPATIGIL ako ng biglang hilahin ng munting binibini.
" A-Archmage akin na po ang munting binibini" Nauutal na sagot ko sabay lahad ng kamay ko.
May reputasyon ang Archmage ang Lolo ng munting binibini na mainitin ang ulo at ayaw na ayaw nito na hinahawakan ng kahit sino ang balbas nito dahil sa isa raw itong sagradong bahagi ng kanyang pagkatao.
' Ililigtas kita munting binibini!'
" Hindi na kailangan, Ayos lang sa akin" Nahihirapang saad ng Archmage habang hila-hila ng munting binibini ang balbas nito.
' Naku po! Ang hawak pa naman ng sanggol ang isa sa mga pinakamahirap na tanggalin'
" Sigurado ka po ba Archmage? " Kinakabahang tanong ko.
" Kailan pa ba ako hindi naging sigurado Draco?" Matigas na tanong sa akin ng Archmage. Napalunok ako dahil sa paraan nya ng pagtanong.
" Hindi naman po Archamage ngunit and mun-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang humikab ang munting binibini.
' Nakakagigil talaga, Kailan ko kaya sya makakarga?'
" Ano ang pangalan nya?" Tanong ng Archmage nagpangiti sa akin.
" Daisy, Daisy ang pangalan nya" Nakangiting sagot ko at napatingin sa binibini na ngayon ay hinihila-hila ang balbas ng mahal na Archmage.
' Tatandaan ko ang araw na ito. Ang araw na may nakahila sa balbas ng Archmage'
~
' Ano ba itong balbas na ito napakatigas. Hinuhugasan ba to?'
Malakas na hinila ko ang balbas at inamoy ito. Muntik na akong mawalan ng malay dahil sa lakas ng putok! Hindi ko alam na pati balbas may putok?!
Mabilis na binitawan ko ang balbas at inalayo ang sarili ko sa balbas nito.
' Bitawan mo ako!'
" Uwaaahhhhh!! Uwaahhh!!"
" Bakit umiiyak si Daisy?" Dinig kong tanong ni Tatang Balbas.
" Baka po inaantok na ang munting binibini? Humikab po sya kanina" Sagot ng kasama ni Tatang Balbas.
" Ganun ba? Sige patulugin mo na si Daisy" Mabilis na sagot ni Tatang Balbas at mabilis akong ibinigay sa kasama nitong matanda din.
' Ano ako pusa? Pasa-pasahan lang? Diba dapat ibaba?'
" A-archamage?" Nanginginig na tanong ng kasama nitong matanda. Tiningnan ko ang matanda at ewan ko lang ah bakit parang nagniningning yung mga nito?
Inilahad nito ang dalawang kamay nito. At lintik na nanginginig!
' Oyy!! Baka mabitawan ako nyan!'
At nasa kamay na nga ako ng nanginginig na matandang ito. Pero ang galing ah. Para akong nasa massage chair sa mall. Yung hinuhulugan ng bente.
' Okay binabawi ko na ang sinasabi ko. Manginig ka lang dyan at ng makatulog ako'
~
HINDI KO alam pero nanginginig ako sa paghawak sa munting binibini. Hindi ito ang unang pagkakataon na makahawak ako ng sanggol dahil nahawakan ko na rin ang kambal nang Duke.
" Pumipikit na sya" Saad ng Archmage at mabagal na lumapit sa amin ng munting binibini.
" Ngayong tulog na sya gagawin ko na ang pag-eksamina sa kapangyarihan ng batang ito" Saad ng Archmage na syang ikinatango ko.
Ang mga Pensilven ay may natatanging kapangyarihan simula sa pagkapanganak nila. Kung kaya ilang oras pagkatapos isilang ng sanggol ay ineeksamina ang mga ito. Kagaya na lamang gagawin sa munting binibini. Upang malaman ang antas ng kapangyarihan ng mga ito.
" Sisimulan ko na at tumigil ka sa panginginig mo Draco" Utos sa akin ng Archmage na mabilis kong sinunod.
" Pasensya na Archmage " Magalang na paghingi ko ng paumanhin dito.
Hinawakan ng Archmage ang kamay ng munting binibini at sinimulan na nito ang pag-eeksamina sa munting binibini. Nabalot ng ibat-ibang kulay ang paligid ng apat sulok ng kwarto. Tumingin ako sa mukha ng Archmage at hindi maipinta ang itsura nito.
Napakunot-noo ako dahil sa mukha nito.
" May problema po ba Mahal na Archmage?" Nag-aalalang tanong ko kasabay sa pagtingin ko sa mukha ng binibini.
" Hindi ko maramdaman " Naguguluhang saad ng Archmage at mabilis na tumingin sa akin.
" Walang kapangyarihan ang sanggol na ito!"