—
HABANG nasa hapag kainan ang pamilyang Torres, ay nagkukwentuhan ang mga ito.
"Anak, musta na kayo nong boyfriend mo?" Tanong ng kanyang inang si Kreis Torres.
"Wala ako nun mommy, at pwedy ba i-withdraw mo yung contact?" may halong inis na sabi niya.
"I can't honey, I pay already. Pakilala mo nga ang boyfriend mo anak." Sabi nito sa kanya.
"Mom, ikaw ang nagbayad nyan tapos di mo kilala ang binayaran mo? Tss, what am I suppose to do with you mom para lang i-withdraw mo yung contact na yun." Sabi nito sa ina niya.
"Ehem, saka na kayo mag-usap pagkatapos kumain. Nasa hapag kainan tayo, kumain na muna tayo." Ang sabi ng daddy ni Kreisha na si Eishmael Torres.
Natahimik naman ang mag ina, dahil ayaw talaga ng daddy ni Kreisha na maingay ang hapag kainan. Dahil wala na itong respeto sa mga pagkain pag maingay. Pagkatapos kumain ay di na nag abala pang makinig sa ina niya ng tinawag siya at dumiretso sa kwarto dahil alam na naman niya ito kong ano ang sasabihin. Dahil sa hapag kainan palang, si Miguel na ng boyfriend corp ang naging topic at gusto pa na ipapakilala pa ito sa kanila. Nasa bahay siya ngayon kasi weekend, at yun ang gusto ng daddy niya na dapat kumpleto sila pag weekend dahil walang trabaho. Pagdating sa kwarto niya ay naalala na naman niya ang sinabi ni Miguel ng nag date sila noon. At ito ang nangyari sa araw na yun.
[F L A S H B A C K]
"Come, date tayo." Sabi nito sa kanya sabay hila papunta sa kotse. At nagpahila nalang siya dahil sa pagod niya sa trabaho. Habang nasa kotse, naka pikit lang si Kreisha dahil masakit ang mata niya kakatutok sa computer kanina.
"Thank you for all the things you did today, Kreisha." Basag nito sa katahimikan.
"Bakit ka naman nagpa salamat sakin?" Tanong nito na nakapikit pa rin.
"Kasi kanina, sinamahan mo akong kumain. And you stand her, di ka nagpatalo kay Zexia. I don't like her. Naging girlfriend ko lang siya dahil sa kompanya dahil pabagsak na sa pagkamatay ni mommy." He explained.
"Muntik na kaming makasal, kung di dahil kay Uncle Jerald who owns the BOYFRIEND CORP. Naikasal na sana kami, at di tayo nagkita at di mo ako naging boyfriend ngayon." Sabi pa nito sa kanya.
"Correction, you are not my boyfriend. Di kita mahal, at lalo naman na di mo ako mahal. Sa papel lang tayo may relasyon Miguel." Sabi niya habang umupo ng maayos.
"I know, but soon mainlove ka din sakin hahaha." Natatawang birong sabi nito kaya napairap nalang siya. A minute after, naka rating sila sa park. And Kreisha saw a fishball stand kaya napatakbo siya doon.
"Wow kuya, pabili naman ako nito sampu po." Sabi niya sa nagtitinda.
"Ano ba yan Kreis?" Tanong ni Miguel na kakarating lang sa kinaroroonan niya.
"Tawag dito ay street foods, at ito ang fishball masarap to Miguel try mo." Sabi niya sa binata at inilapit sa binata ang isang stick na may lamang fishball.
"Di ko alam kong ano to, pero ok I'll try. Siguraduhin mo lang na masarap ah." Sabi naman nito sa kanya kaya napatango nalang siya dahil kumain siya.
"100 po yan Mam, Sir." Sabi ng tindiro.
"Ako na magbayad kuya." Sabi niya at saka kumuha ng pero sa wallet. "Ito po oh, salamat po kuya." Sabi niya naman.
Nilingon niya si Miguel na ngayon ay naka dalawa palang sa kinain niya. At naalala niya na he's having trouble eating pala.
"Come, doon tayo uupo sa bench" sabi niya sa binata at saka ito hinala.
"Masarap nga siya, kaso di ko naman ma enjoy dahil ang hinhin ko kumain." Sabi nitong may dismaya.
"Don't be, pwedy ka naman magluto ng ganito. Kasi mabibili mo lang siya, if you know how to make a sauce ma enjoy mo na siya." Nakangiting sabi ni Kreisha.
"Ang ganda mo pala pag ngumiti." Di niya namalayan na nakatitig na pala sa kanya si Miguel kaya napababa nalang siya ng tingin dahil nagkakarera ang dibdib niya ng tinignan siya nito.
"Ahmm, Miguel uuwi na pala ako." Sabi niya saka tumayo.
"Agad-agad? Kakadating lang natin dito ah." Sabi nito.
"May gagawin pa pala ako, uuwi pa ako ng bahay mamaya dahil pinagrocery ako ni mommy." Palusot niya dahil sa lakas ng tibok ng dibdib niya na di niya maintindihan.
"Osige, kung yan ang gusto mo. Hatid na kita sa condo mo." Sabi nito at saka tinapos ang isang fishball na nasa stick at tumayo na rin ito. Habang naglalakad sila papunta sa kotse ni Miguel, bigla nalang may babaeng pumulupot at humawak sa braso ni Miguel. And that is Zexia, Miguel's Ex-girlfriend
"Babe, I miss you. Pununta ako sa company mo pero wala ka dun. Tapos binully pa ako ng Secretary mo, paalisin mo siya Miguel. Ayoko sa kanya ehh." Sabi nito sa malagkit na boses.
"Stop it Zexia! I have a girlfriend right here kaya wag kang mag illusyon na may tayo pa dahil matagal ko ng tinapos ang connection nating dalawa. And why would I follow you? Its not your company." Sabi ni Miguel kay Zexia.
"Girlfriend? Akala ko ba ako lang Miguel, pakakasalan mo pa ako diba?" Sabi naman nito na parang nagmamakaawa.
"Let go!" Sabi ni Miguel.
"Ayoko! Mahal kita Miguel, ayoko na mawala ka." Sabi pa nito.
At dahil naiinis na rin si Kreisha ay siya na ang nagsalita.
"Excuse me Bitch! Get your hands off to my boyfriend." Sabi niya kay Zexia.
"And who are you again? Bitch?!" Sabi nito sa kanya.
"You call me bitch, when you're the one who cling to him? Let me introduce myself, I'm Kreisha Torres and Miguel Vasquez is my boyfriend. Kaya kung ayaw mong mabalian ng buto ialis mo ang kamay mo sa boyfriend ko." Halong inis niyang sabi, na si Miguel naman ay ngumiti lang dahil sa sinabi niya.
"Oh Kreisha Torres, my schoolmate noong College. It's so nice to meet you Kreisha, di ko akalain na isa kalang palang Secretary ng babe kong si Miguel. Ang poor mo siguro no? Hahah." Sabi pa nito ng di pa rin inalis ang kamay sa braso ni Miguel. At dahil ayaw patalo ni Kreisha lumapit siya dito saka hinila ang buhok kaya napabitaw ito kay Miguel. Akmang hahawakan na sana ni Zexia ang buhok niya ng nasanga niya ito.
"You don't know me Zexia, kaya kong bilhin ang lamang loob mo kung kailan ko gusto. Kaya don't under estimate me." Sabi niya at saka binitawan at hinila si Miguel papunta sa kotse.
"I didn't know na ganun ka pala magalit, ang cute mo." Sabi nito sa kanya.
"Hatid mo na ako sa bahay, ituro ko nalang sayo kung nasaan. Wala akong time makipag talo sayo." Sabi naman niya sa binata kaya di na ito nagsalita pa. Pagdating sa bahay, lalabas na sana siya ng kotse ng magsalita ito.
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata." Sabi niya, nagulat si Kreisha sa sinabi pero di niya ito pinahalata at lumabas nalang ng kotse.
"Goodnight, Kreisha. Dream of me baby." Sabi nito sa kanya at kumindat pa sabay harurut ng sasakyan paalis. Di niya namalayan na habang tinignan niya ang papalayong kotse ay nakangiti na pala siya.
[F L A S H B A C K E N D S]
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata."
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata."
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata."
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata."
"Arghhhh kailan ba siya mawala sa isip ko." Sabi niya at saka nagtalukbong ng kumot.
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata."
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata."
"You're my girlfriend now Kreisha, either you say it no or yes. Wala akong paki sa contrata."
"Patulugulin mo na ako Miguel, shit ka!" Nasabi nalang niya ulit.
Nakita niya ang cp niya sa bedside table at malapit ng mag alas dose ng gabi at di pa rin siya maka tulog. Bumaba nalang siya para mag timpla ng gatas at ng makatulog na.
"Ano naman kong wala siyang paki sa kontrata, ayaw ko nga magka boyfriend eh." Napahilamos nalang siya sabay inom ng tinimplang gatas. Ng maubos na ang ininom niya ay pumunta na ulit siya sa kwarto niya at pinalangin na sana maka tulog na siya. At success, nakatulog na nga siya ng mahimbing ng dahil sa ininom niyang gatas. Wala ng Miguel ang bumabagabag sa isip niya sa gabi na yun.