"Hi Manila." I started.
Hawak ang panyo na kulay puti at nakatayo sa unahan na may mikropono sa kaliwang kamay. Inumpisahan ko ang aking mensahe.
"Nakangiti ka na ba ngayon?" Tanong ko habang pinipigilan ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mata. "Nakikita mo ba kami?" Sunod ko.
"Nasa tabi ba kita? O, nakikinig ka ba ngayon?"
Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking kanang mata, pinigilan ko ang panginginig ng aking kamay, huminga ako nang malalim bago muling magsalita.
"Hindi ka na ba nahihirapan?" Diretso kong tanong habang nakatingin sa mga puting bulaklak na nakapaligid sa bawat sulok ng kwarto. "Kasi ako," I pause and hold my chest. I feel my heart beating like a drum.
"Sobra akong nahihirapan." Mahina akong napahagulgol sa mga binitawan kong salita.
Ang hirap maging honest sa sarili, sobra. Lalo pa't ibang sitwasyon na itong pinag-uusapan. Sobrang sakit. Sobrang hirap tanggapin na ito na iyon. Hindi ko matanggap na wala na, na hindi ko na siya muling mayayakap pa or mararamdaman man lang nang pisikal. Hindi ko maamin sa sarili ko sa mga nagdaang linggo na nasasaktan ako. Na masakit pala ang mawalan ng isang tunay na kaibigan. Iyong klase ng tao na tinetreasure mo ng husto.
"Sobrang akong nasasaktan. Hindi ako makapaniwala na... na.." Pinunasan ko ang aking pisnge na basa na sa luha. Patuloy na umagos ang pait na mula sa aking mata.
"Na nawala kita nang pang habang buhay..." Hindi ko na rin mapigilan ang panginginig ng aking kamay.
"P-Para akong sinasaksak hanggang ngayon, Manila," bumuhos ang pighati na aking nararamdam. "Paulit-ulit." paghikbi ko. "Ang sakit pala." Dagdag ko habang humahagulgol. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Parang any minute hihimatayin ako.
Nakakahiya ba itong ginagawa ko? Dapat bang makita nila itong ganitong kalagayan ko? Bakit parang ang hirap lahat?!
Humugot ako ng isang malalim na hininga at kumapit ng mabuti sa lamesang malapit saakin bago muling magsalit. "But despite of these circumstances, Manila, I am forever and will always be at your side." I guess it is my way to lessen the pain I am feeling. And of course, to Tito and Tita that are suffering.
"So, keep on looking forward for us and rooting, o-okay? Be at peace..."
"And we will do the rest."
Ibinaba ko ang mikropono sa aking gilid at saka pinunasan ang basang pisnge. Lumapit ako sa casket niya at doon inilagay ang puting tulips na nasa table stand. Niyakap ko nang marahan ang kaniyang kabaong na parang katawan niya ito.
"I love you forever." Bulong ko.
Bumalik ako sa pwesto ko at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ni Ky.
____
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitous manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story might contain loopholes, and typographical errors.