XXII-Parents

JOHN

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko para ipakilala ang boyfriend kong si Evan sa kanila. Umuwi ako ng Pilipinas ngayon for a one week vacation, at syempre para makilala nila si Evan.

I invited them sa isang sikat na restaurant sa Palawan, kaya pumasok na ako kasama si Evan dahil alam kong kanina pa nag aantay sakin ang mga kaibigan ko sa loob. Syempre habang papasok kami hinawakan ako ni Evan sa waist para lang masiguro nyang nasa malapit lang ako.

Ever since we started dating napaka protective na nya sakin parang takot akong mawala saglit sa paningin nya. Kahit nasa trabaho sya nag uupdate lagi tas laging nagmamadaling umuuwi, yung tipong pagbukas mo palang nang pinto para pag buksan sya may sasalubong agad sayo na mahigpit na yakap at halik sa labi.

Nung tuluyan na kaming makapasok agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin sila Renee, suddenly may nakita akong nagtaas ng kamay kaya napatingin ako dito.

"There" sabi ko kay Evan kaya agad kaming nagtungo sa kinaruruunan nila Renee, Mike at Hanz.

Nung makalapit na kami sa kanila nag yakapan kami ni Renee, namiss namin ang isa't isa medyo matagal tagal narin kasi Nung huli kaming nagkita.

"It's been a while beshie" she said nung bumitaw na kami sa pagkakayakap nakita naman namin ni Renee na nag shake hands sila Mike at Hanz kay Evan kaya napatingin ako kay Renee.

"So anyway guys this is Evan my, boyfriend" pagpapakilala ko kay Evan sa kanila at tong si Renee kung maka react wagas.

"Oh my goodness! Finally nakilala narin kita, sa sobrang tagal ka nang kinwento sakin ni John finally nakita narin kita in person. You're much more handsome in person ah" sabi ni Renee habang pinag masdan ang buong mukha ni Evan.

"Sorry Evan, ganito talaga asawa ko parang may problema sa pag iisip" sabi naman ni Mike kaya napatawa kami slight. Agad namang binatokan ni Renee si Mike sabay sigaw.

"Ano sabi mo?!" Sigaw ni Renee habang kinukurot sa tagiliran si Mike. Si Mike naman natatawa na nasasaktan lang.

"Pag pasensyaan mo na ganyan talaga sila sa Isa't isa parang aso at pusa" sabi ko kay Evan.

"It's fine dear, masaya akong nakilala ko sila they remind me so much of my Grandparents who raised me" bulong nya sakin kaya no nginitian ko sya at tinap sa likod.

"Upo muna tayo" sabi ko at umupo na kaming lahat pero yung dalawa nag aasaran pa rin. Suddenly naalala ko tuloy hindi naman ganito dati si Renee eh, parang naninibago ako parang may kakaiba.

"Beshie?" Tawag ko kay Renee kaya tumigil silang dalawa ni Mike sa kanilang ginagawa.

"Yes?" Medyo malditang sagot nya

Mood swings..

"Are you somehow pregnant?" Tanong ko kay Renee and I can see it in her face na nagulat sya sa tanong ko.

"Ahmmmmmm, baog yan" pabirong sabi ni Mike kaya napatawa sila pareho ni Renee pero yung tawa ni Renee napalitan ng seryosong mukha. Kaya medyo na guguluhan din si Mike.

"Ahmm this was supposed to be a surprise, pero since mukhang napapansin nyo na Yes I'm two months pregnant " sabi ni Renee kaya napatayo si Mike at napatingin kay Renee.

"Well obvious naman para samin ni John, Renee eh halata naman kasi pero yung husband mong kalog di namin alam" Hanz said sabay uminom ng juice.

"Salamat sa support Hanz ah, support na nga lang eh nang aasar pa" pasungit na sabi ni Mike kay Hanz.

"Mag usap nga kayong dalawa nang kayo lang, pag usapan nyo yan" Hanz said

"Yeah Hanz is right, mukhang may matindi kang dapat ipaliwanag kay Mike beshie" sabi ko

"Hoyyyyy wag nyo naman ako takutin oo na, pag uusapan namin to tara na babo" sabi nya kay Mike at hinila ito palayo samin.

Medyo natahimik kami saglit ang awkward...

"So how are you guys?" Pasimuno ni Hanz kaya sumagot naman agad si Evan.

"We're doing great honestly" masayang sabi ni Evan

"Kamusta naman yung Christmas nyo? Like may kasama ba kayo that time or kayo lang?" Hanz asked.

Ang awkward dito sarap tumakas a situation nato, pero naalala ko bigla yung sinabi sakin ni Hanz, na dapat walang magababago sa pakikitungo namin sa isa't isa.

"Well we invited some friends" sabi ko para putulin ang awkwardness na namamagitan saming tatlo.

"Remember Mary and Paul?" Evan asked at tumango lang si Hanz.

"Ahh yes yung nag publish ng book ni John, yeah I know her so well" sabi ni Evan

"How about you Hanz? Yung Christmas mo?" Tanong ko sa kanya

Actually I invited him that time kasi alam kong magiisa lang syang mag spend ng Christmas Eve nya, Pero di sya dumating.

"Well, I spent Christmas alone actually, di ako sanay mag isa so I ended up drunk sa Condo at na cancel ko yung appointments ko the next day dahil sa hangover" natatawa nyang sabi kaya napangiti kami pareho ni Evan.

"We invited you to spend Christmas with us, bakit di ka nag punta?" tanong ni Evan kay Hanz.

"Well, I would love to pero naiisip ko kasi baka pag dumating ako magiging awkward yung Christmas Eve nyo kaya di nalang ako pumunta" Hanz said kaya napabuntong hininga sya.

"Look Hanz, you told me not to feel that way kasi we're still friends remember? And Evan himself wants to know you more kasi magkaibigan tayo so dapat ganyan din yung gagawin mo sakin" sabi ko sa kanya and smiled at him kaya gumanti rin sya ng ngiti sakin.

"Anyways there's someone I would like you to meet" Hanz said sabay may tinawag sya at may isang batang lalake ang lumapit samin.

"Guys this is my son, Tyler he's still 10 by the way" pagpapakilala nya samin kay Tyler agad namang nag wave si Tyler samin at ngumiti.

"Hi I'm Tyler" masayang bati samin ni Tyler pati si Evan na cutan sa kanya kaya kinurot sya sa cheeks neto.

"How adorable" dag dag pa ni Evan kaya napatawa si Hanz.

"He's adopted" bulong ni Hanz sakin at di naman narinig ni Tyler kaya napatango ako.

"Dad can I go play with Miles?" Tyler asked.

"Who's Miles, son?" Pagtatakang tanong ni Hanz kay Tyler.

"That kid over there, he's my new found friend" sabay turo sa isang direksyon kaya napatingin kami lahat dito. Isang batang lalake ang nakita namin na may mahabang buhok hanggang balikat.

"Oh okay, just be careful alright?" Sabi ni Hanz kay Tyler at ginulo ang buhok neto, agad namang umalis si Tyler at nilapitan yung kaibigan nya.

"I'm moving back to New York, after new year. Kasi yung mag asawa mag mamigrate na rin sila sa California and I want Tyler to have a better life" Hanz said.

"Si Renee at Mike?" Tanong ko sa kanya at tumango lang sya.

Maya maya lang bumalik na sa table namin yung dalawa at bakas sa mga mukha nila ang saya. I'm actually happy for Renee and Mike, kasi after five years of their marriage they've been trying so hard to have a child, at sa wakas ayan na magkaka anak na sila.

"So kamusta yung pag uusap nyo?" I asked na may halong biro na tone.

"It went well, after how many years of trying sa wakas andito na rin" masayang sabi ni Mike sabay haplos sa tyan ni Renee kaya si Beshie napangiti sa kanya.

"I'm good to hear that guys, kasi kayo may mga anak na" sabi ko.

"Ohh did Hanz already told you about his adopted kid Tyler?" Renee asked kaya tumango ako.

"Evan baka naman galaw galaw rin" pabirong sabi ni Mike kaya nagtawanan kami.

"Kung may matres lang sana kaibigan nyo eh" pabiro nya ring sagot kaya nasiko ko sya sa tagiliran. Pero imbis na umaray ay tumawa lang sya, nakita ko naman ang tumatawa nilang mga reaksyon kaya di ko rin mapigilan ang tumawa.

Nagtinginan kaming dalawa sabay ngiti.

"We were thinking of spending more time together, wala pa sa isipan namin ang bumuo ng pamilya." Sabi nya kaya masaya akong marinig yun sa kanya.

"And we want to take everything slow, ayaw namin mag madali" sabi ko, Oo napag usapan na namin ni Evan to, even though we're sort of engage pero we still want to take everything slow. We want to get to know each other more, spend more time at kung ano ano pa.

It's just that masyado akong takot magpakasal agad ulit kahit na gusto ko, baka kasi mangyari ulit yung kinatatakutan ko.

EVAN

Nag uusap pa yung mag barkada kaya nagpaalam ako to go out for a while para mag smoke. Pero di ko sinabing mag smoke ako baka masermonan ako ni Bossing, medyo di na kasi yun masyadong nag smoke. Naninigarilyo nalang yun pag stress sa trabaho o di kaya may pinag awayan kami.

Gaya ko, naninigarilyo lang ako pag ramdam kong di ako komportable or stress o di kaya feel pressured ako. Pero this time, it's different wala akong naramdaman na kakaiba. I just feel normal pero I think I need a smoke.

Habang ni lilight ko yung smoke ko biglang ayaw gumana ng lighter ko.

"Use this"

Napatingin ako sa nagsalita, si Hanz pala sabay patapon nyang inabot sakin yung lighter nya kaya sinalo ko ito ta agad ni light ang smoke ko. Agad ko namang binalik sa kanya yung lighter at nag light din sya ng sarili nyang smoke.

Tahimik kami parehong nakatingin sa dagat, as in bumalot sa paligid namin ang katahimikan pero buti nalang nag salita sya.

"I'm glad to see you both, Evan" pasimuno nya kaya napangiti ako at nag smoke ulit.

"I'm sorry alam kong nahahalata mong na aw-awkward ako kanina, di ko kasi mapigilan ang weird kasi sa pakiramdam seeing your ex husband with his new boyfriend together" I heard him chuckle kaya napatingin ako sa kanya.

"But don't let that bother you, we're all here today to enjoy naman. But I just want to tell you that You really did a good job for making John Happy, keep it that way and Don't hurt him" sabi nya at tinap ako sa balikat.

"Thanks, Hanz" sabi ko naman at nagyakapan kami in a manly way.

"Anyway may tanong ako, sayo since magka apiliyedo tayo, are we cousins or something?" Biglang tanong nya sakin nung bumitaw na kami sa pagkaka yakap kaya nagtataka din ako.

Oo nga noh? Ka ano ano ko ba si Hanz?

"Honestly di ko alam kasi lumaki ako sa grandparents ko, since then di ko nakita parents ko so diko alam yung background at relatives ko kasi walang na ikwento sakin yung grandparents sakin, pero kilala ko sila yung parents ko-but only their names pero wala akong alam sa background nila" sabi ko sa kanya.

"So who are they? " Tanong nya sakin kaya nag shrugged ako ng shoulders.

"Elizabeth and Albert Waldorf" sabi ko sa kanya kaya nagulat sya.

"Woah are you kidding me? Totoo?" Tanong nya sakin na halatang di makapaniwala a narinig nya.

Kilala nya kaya parents ko?

"Oo, pero diko pa sila nakita simula bata ako hanggang tumanda ako at wala na akong interes na hanapin sila since wala naman silang pakialam sakin ni sumulpot man lang sa graduation ko wala" sabi ko na medyo galit.

"I know your parents especially uncle Albert, he's my father's younger brother and aunt Elizabeth is my mother's best friend since highschool" sabi nya na syang ikinagulat ko.

Buti pa si Hanz kilala parents ko, Samantalang ako pangalan lang at mukha nila ang alam ko.

"They've been through so much Evan, and I'm afraid I cannot tell you the whole story, kasi yung story mo ang pinaka iniingatan nang lahat ng angkan natin. If only I could tell you sasabihin ko na sayo but I cannot, I'm sorry." Medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. I want to ask for more pero mukhang wala akong mapapala sa kanya. Nginitian ko lang sya na may halong pag tango.

"It's fine Hanz, you don't have to it's not like I'm interested of knowing them" bitter kong sabi sa kanya.

"You have to know, but For now, keep your priorities to John okay? Trust me I'll send you the lawyer to tell you everything he knows about your parents, that's the least I can do for you now....

C'mon let's get back inside baka mahuli ka ni John na nag smoke dito" natatawa nyang sabi kaya ngumiti nalang ako.

Besides my parents didn't care about me since I was a kid kaya wala narin akong pake sa kanila.

I don't want to forgive them for what they did, iniwan nila ako and just lived their life without me. Pumasok na kami ni Hanz at bumalik na sa table namin...