Can't Save My Own Romeo
By: Rashid Flores
"Isa..."
"Dalawa..."
Napalingon ako sa pinto ng kwarto nang marinig kong bumukas 'yun. Doon ko nakita si mama at napansin ko kaagad ang suot niyang puting damit. Ang ganda naman ni mama sa suot niya at bagay na bagay ang kulay ng damit sa kutis ng balat niya.
"Anak? Naka handa na ang mga bulaklak sa sala? Ikaw na lang ang hinihintay."
Ngumiti ako bilang pagsang-ayon.
"Sige ma. Patapos na rin naman po ako." palusot ko at agad na pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko nang umalis na siya. Hindi ko lubos maisip na hindi na mababalik ang nakaraan. Masakit para sa'kin pero ito ang realidad.
"Isa...dalawa..." huminto ako sa pagbilang. "dalawa..."
Hindi ko matuloy.
Alam niyo ba 'yung pakiramdam na aakala mo magiging okay na ang lahat, pero hindi pala.
Akala ko typical na story lang ang buhay na mararanasan ko.
Gusto ko lang 'yung saktong life, pero mukhang nagkamali ata ako? Nagkamali talaga ako. Naging rollercoaster ang buhay ko.
Imagine? Honorable nung elementary, highschool, at madiskarte sa buhay magiging tanga dahil sa isang iglap?
Nakakatawa nga dahil sa talino kong 'to? Magiging miserable ang buhay. Sa galing kong 'to, maging failure ang buhay dahil sa katangahan na nagawa ko.
Sabi nila ang buhay daw ng bawat tao sa mundo may sampung segundong nakalaan para mabago.
Baka sakali lang naman. Baka sakaling magbago ang ikot.
Wala namang nasama kung naniniwala ako doon.
Pumikit ako.
Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Patuloy sa pagtibok at sakit ang dulot sa bawat pitik ang naramdaman ko.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at doon ko nakita ang lungkot sa mukha ko.
"Raven..."
Isang beses kong nilingon si Raven nung una ko siyang makita. Third year highschool kami non. Napangiti ako nang makita ko siya dahil siya 'yung tipikal na lalaki na gusto ko. Nakangiti.
He's nice and handsome.
Matagal ko na siyang kilala sa totoo lang. Klasmate ko siya nung high school pero dahil medyo intimidating ang datingan niya hindi ko nagawang kilalanin talaga siya. Hindi naman kami ganun ka close para mag-usap.
Isang hapon nung pauwi na ako galing book store hindi ko inasahan na pagkakataon nakita ko siya sa terminal ng jeep. Magkasunod kami sa pila at nagkagulatan pa.
"Naku isa na lang kasya. Sabit na lang ang isa para makaalis na tayo." deklara ng kundoktor.
Nagulat ako nung lumingon si Raven sa likuran ko at ngumiti.
"Sa'yo na lang ang pwesto mukhang di na kakasya kapag ako ang mauuna." sabi niya at medyo namula ang pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Sure ka?" pagsisiguro ko.
"Malapit lang naman ako." sagot niya tapos inalalayan niya ang mga dala kong gamit paakyat sa jeep.
"Salamat,"
Hindi ako makapaniwala at dun nga siya sa pinakadulo ng jeep pumwesto at nagmukha tuloy siyang kunduktor na naniningil ng pamasahe.
Makalipas ang ilang linggo nagkita ulit ang landas namin sa terminal ng jeep pero this time nalaman kong iisa lang ang nga circle of friends namin dahil kilala nila si Raven. Nagulat nga ako kasi now ko lang nalaman.
"Saan kayo galing?" tanong ni Raven at nakita kong binaling niya ang tingin sa'kin.
"Pauwi na rin galing school. Zumba." sagot ni Daniel at pinakita ang props na ginamit namin. "Hinatid lang namin si Anne kasi napagod sa final presentation kanina."
Nakita ko ulit na binaling niya ang mata sakin. Medyo awkward that time kasi haggard ako at ngayon pa talaga kami nagtagpo kung kailan panget-panget ko.
So, bakit nga ba ako nag-iinarte?
"Sabay na kayo ni Raven, Anne." ani Alysa nung may jeep na pumarada.
Doon na nagsimula ang lahat. Every time na may party or simple gatherings ang barkada kasama na siya. Andoon siya palagi at nakikita ko siya. Walang pagbabago tahimik lang siya hanggang sa kinausap ako ni Daniel na kausapin si Raven para makilala namin ang isa't isa.
"Psstt. Tabi ka tatabi ako." sabi ko at inalok ang dala kong beer bago siya tinabihan sa upuan niya.
"Raven." aniya tapos kinuha ang beer na alok ko.
"Sabi ko nga, Raven."
Family oriented na tao si Raven at medyo na curious ako sa personality niya kaya doon na nagsimula. Tinatry ko talaga na makilala siya. Dahil sa pagiging curious ko sa kanya hindi ko namalayan na naiinlove na ako sa personality niya.
Hindi mahirap ma-inlove sa lalaking kagaya niya.
Nahuli niya ang kiliti ko to make the story short.
And that's it! March 12, 2014. Sa isang event nagka-aminan. Sabi ko ligawan niya muna ako para sigurado. Baka kasi infatuation lang gawa ng tukso ng mga kaibigan namin.
Bago ko siya sinagot nag-usap muna kami. Gusto ko lang makasigurado dahil ayaw kong masaktan katulad nung mga kaibigan ko.
"Bakit ako?" tanong ko.
"Bakit ako? Ikaw kaya ang unang na inlove sakin." aniya tapos natawa.
"I mean bakit ako ang pinili mo sa daming nagkakagusto sa'yo?"
Huminga siya nang malalim tapos hinawakan niya ang kamay ko at bahagya niyang hinaplos. Naramdaman ko ang lambot ng palad niya doon.
"Kasi nakikita kita na suot ang puting damit at may dalang bulaklak."
Siya ang naging taga cheer sa'kin kapag down ako! Taga type sa keyboard kapag pagod na ang kamay ko. Taga takbo sa canteen kapag nagugutom ako. Taga hatid sa bahay kapag uwian na at marami pa di ko lang matandaan.
Wala naman talagang problema. Halos wala! Ano pa ang hihilingin ko? Binigay na ni Lord ang lahat hahanap pa ako?
Halos wala na talagang problema hanggang isang gabi nagpunta kami ng kaibigan kong si Alysa sa isang bar. Nagpaalam ako kay Raven dahil alam naman niya na girls night namin ni Alysa tuwing sabado.
Nang magkita kami ni Alysa sa bar around city lang naghanap kami ng mauupuan. Sarado 'yung bar kung saan kami madalas nag paparty.
Nung gabing 'yun hindi ko inasahan na magbabago ang ikot ng mundo ko.
Nung ininom ko ang alak na inabot ng bartender kaagad kong naramdaman ang tapang nun at medyo nanibago ako sa lasa kasi medyo mapait.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ni Alysa bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Itatanong ko pa sana kung anong alak yung nainom ko at bakit nahilo agad ako, pero nakita kong may binulong ang bartender sa katabi niyang lalaki at may inabot siya doon. Hindi ko nga alam kung ano 'yun.
Tumayo ako at tumakbo papuntang banyo para sumuka. Pagkatapos kong sumuka pabalik na dapat ako sa table kaso nagulat na lang ako nang may lumapit na blur na mukha. Nilingon ko kaagad si Alysa sa pwesto niya, pero nakahiga na rin ang kaibigan ko sa kinauupuan niya.
Nang naramdaman ko kung gaano kalapad ang palad niya doon ko nasabi na lalaki 'yun!
Naramdaman kong kinarga niya ako papunta sa hindi ko alam. Unti-unting nawala ang ingay sa paligid at tuluyang nawala ang ingay nang marinig ko ang pagsara ng pinto at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa malambot na kama! Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na idilat.
Nagbabakasakaling maging malinaw ang paningin ko pero mas lumabo lalo. Naramdaman kong hinawakan ng lalaki ang paa ko bago tinanggal ang suot ko.
Gustong gusto kong tumakbo at magsumbong pero hinang hina ako. Parang lantang gulay dahil sa lambot talaga ako! Literal na lambot! Gumapang ang kamay ng lalaki sa binti ko bago binaba ang kamay sa ibaba ng katawan ko.
Pinilit kong hampasin siya para pakawalan na ako pero mas lumala pa ang ginagawa niya! Hinalik-halikan niya ang tiyan ko paakyat! Umiyak ako nang husto nang maalala si Raven! Nagdadasal ako na sana dumating siya para ipagligtas niya ako.
Sana may lumigtas sa'kin!
Tumulo ng tumulo ang luha ko nang wala na talagang tutulong sa'kin sa lugar na 'yun.
Ginahasa ako ng gabing iyon. Ilang beses akong ginahasa ng hindi ko kilalang lalaki!
Nagising ako kinabukasan ng walang saplot sa katawan at ako na lang ang mag isa sa maliit na silid! Bumaba na ako sa kwarto at doon ko nalaman na nasa motel ako nang nagtanong ako sa staff na nandoon kung nasaan ako!
Ako pa ang pinapapabayad sa motel pero wala akong maibabayad dahil nawawala ang bag ko laman ang cellphone at mga cards ko.
Nanghiram ako ng cellphone sa staff ng hotel at agad na tinawagan si Ravenpara humingi ng tulong.
"Raven?"
Wala na akong ibang matawagan kundi siya lang. Sinundo niya ako sa motel at agad niya akong niyakap. Nung una hindi ko pa dapat sasabihin ang nangyari pero hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.
Kailangan ko ng justice.
Pakiramdam ko mababaliw ako kapag walang mapagsabihan ng nangyari nung gabing iyon! Pakiramdam ko ang dumi-dumi kong babae. Umiyak lang ako ng umiyak.
Umupo kami at nag-usap.
Kinuwento ko ang nangyari. Lahat-lahat! Palagay na ang loob ko na iiwan na niya ako dahil sa kagagahan na nagawa ko.
"Ang dumi-dumi kong babae, Rave. Alam kong galit ka sa'kin."
"Hindi to ang oras para magalit ako sayo kasi ang totoo mas galit ako sa sarili ko dahil hindi man lang kita nagawang ipagtanggol." aniya at naramdaman ko ang dismaya sa mukha niya.
Naiyak ako ng bigla niya akong niyakap at sinabi niya tutulungan niya akong hanapin ang lalaking gumahasa sakin nung gabing 'yun.
Iyak lang ako ng iyak nung inamin ko sa kanya ang nangyari. Humingi kami ng tulong sa papa niya na may kakilalang abogado na makakatulong sa case.
Laking pasalamat namin that time dahil nung hiningi namin ang copya ng cctv ng bar city at motel at binigay naman kaagad ng mga manager. Tinignan namin ang footage at nalaman namin kung sino ang gumahasa sa'kin!
Para akong mababaliw sa takot. Naiyak na lang ako tuwing naalala ko ang gabing 'yun, pero hindi nagtagal hinuli ng mga police ang lalaking gumahasa sakin. Kinulong siya at sinampahan namin ng kaso.
Laking pasalamat ko dahil nabigyan na ng hustisya ang gabing iyon kasi hindi ko na alam ang gagawin ko kung hindi siya nahuli. Baka ikakamatay ko ang takot kapag hindi siya nahuli! Matinding trauma ang iniwan sakin ng pangyayari.
Nagsorry naman samin si Alysa dahil sa nangyari, pero pareho kaming biktima sa pangyayari dahil kahit siya pinainom din ng pampatulog.
Lumipas ang ilang buwan naging normal ulit ang buhay kasama si Raven at pamilya ko. Inaalalayan niya ako all the time.
Sinamahan niya ako ospital para magpatingin sa doctor para ma mag under-go ng treatment para tuluyan ko na talagang makalimutan sa ala-ala ko ang gabing ginahasa ako.
Akala ko ulit magiging okay na ang lahat, pero nung last week may napapansin akong kakaibang nangyayari sakin.
"Ano ba kinain mo kagabi?" tanong ni Raven nung makita akong nagsusuka sa lababo.
"Wala pero napapansin ko naduduwal ako. Hindi ko alam."
Hindi pa pala natatapos ang paghihirap ko. Akala ko makakatakas na ako sa gabi na 'yun, pero hindi pa pala.
Masakit man tanggapin, pero two weeks pregnant na daw ako sabi ng doctor nung pina-checked up namin.
Natulala ako. Hindi si Raven ang ama. Sigurado ako dun.
Nag-usap kami ni Raven at habang kinakausap ako ng mga magulang at ng doctor nakahawak siya sa kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya na parang sinasabi niya na kasama ko siya sa lahat-lahat.
Tinanggap pa rin ako ni Raven at tinulungan niya ulit ako. Pinagsilbihan niya ako at hindi nagbabago ang pagmamahal na pinapakita niya sa'kin.
Alam niyo yung pakiramdam na may lalaking aalalay sa'yo kahit ano pa ang nangyari at kung ano pa ang mangyayari?
Naiiyak ako kapag nakikita siyang kasama ako. Puro kamalasan ang binibigay ko. Hindi niya deserved ang tulad ko kaya kinausap ko siya. Harap harapan. Umiiyak na ako nang tinitigan niya ako.
"Rave? Hindi ka ba napapagod saluhin ang kamalasan ko sa buhay? Rave handa ka ba talagang magpakatanga? Sobra- sobra na kasi ang sakit na dinadala ko sa buhay mo."
"Ano na naman yan, love?" sagot niya at hinawi ang takas na buhok ko dahil sa hangin na umihip. "Bakit mo naiisip yan?"
Tinitigan niya ako at nakita kong kumunot ang noo niya na parang nagalit siya siguro sa sinabi ko.
Gusto ko na siyang maghanap ng iba kasi mas maraming deserving na iba yung pagmamahal na 'yun na hindi puro kamalasan ang dala.
"Nakakahiya na kasi sa'yo. Sa pamilya mo. Minsan kasi naiisip ko hindi mo deserve 'to. Hindi mo ako deserved!"
Napatigil ako at nanatili akong nakatingin sa kanya pero hindi siya sumagot. Ang tanging ginawa niya lang ay hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Ngumiti lang siya at niyakap ako.
Hiyang hiya na talaga ako sa kanya dahil lahat ng kamalasan ko sinasalo na niya. Malas ko ata talaga sa kanya? Pero hindi niya pa rin ako sinukuan.
"Mahal kita...kaya deserve kita. Mahal na mahal kita. Ginagawa ko yun dahil ikaw ang Juliet ng buhay ko at ako naman ang Romeo mo." aniya dahilan para ngumiti ako.
Tinanggap niya pa rin ako kahit na ganun ang nangyari. Inalagaan niya ako. Sinasamahan magpatingin sa ospital para tignan kung okay ang pagdadalang tao ko.
Tatanggapin naming dalawa ni Raven ang baby, pero muli na namang sinubokng Diyos ang katatagan naming dalawa. Naging mahirap ang pagbubuntis ko kaya nakunan kaagad ako.
"Ayoko na mabuhay, Rave. Napapagod na ako. Burden na talaga ako."
"Andito pa ako," bulong niya para patahanin ako sa pag-iyak.
Nagpakatatag ulit ako.
Bumangon ako sa pagkakadapa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong pinadapa ng Diyos, pero lumalaban pa rin. Bumabangon na sugatan.
Hindi ko na alam kung sa susunod na pagsubok na ibibigay ng Diyos makakatayo pa ako para ipagpatuloy ang buhay ko.
Alam kong ang dami ko pang pagdadaanan sa buhay. Pero kinaya ko sa tulong ng mga pamilya ko. Sila kasi ang makakatulong sa'kin.
Akala ko nga katapusan ko na pero may mga tao talaga na handa kang tulungan kahit anong mangyari. Na hindi ka susukuan. Na hindi ka iiwan.
Pinagmasdan ko ang lalaking nasa harapan ko.
At si Raven 'yun.
Alam ko kung bakit hindi siya sumusuko kasi nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa'kin. Mga pinagsamahan namin. Mga nabuo naming samahan. Naiiyak nga ako kapag naalala ang bagay na iyon.
Hanggang sa nitong nakaraang mga araw lang. Nakatanggap ako ng tawag sa magulang ni Raven at gumuho ang mundo ko dahil sa narinig na balita na bumago sa ikot ng mundo ko.
"Isa.....Dalawa....tatlo...."
"Kaya mo iyan, Anne!" bulong ko sa sarili ko at natatanaw ko na ang altar bitbit ang bouquet suot ang puting damit.
Nilapitan ako ng make-up artist para ayusin ang make-up ko dahil nasira nang lumandas ang luha sa mukha ko.
"Kaya mo 'yan. Ikaw pa. Anne Santos. Ilang beses ka na nadapa at laban lang." paalala ko sa sarili ko nang matapos ayusin ang make-up ko.
Nagsimula na akong humakbang.
Tumulo ulit ang luha sa mata ko nang maalala ang araw kung saan nangako siya sa'kin. Hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko lalo na sa oras na 'to.
Naalala ko na naman ang sinabi ni Raven nung gabi kung saan sinagot ko siya...
"Kasi nakikita kita sa future ko. Nakikita kita na suot ang puting damit at may dalang bulaklak."
Pero kabaliktaran ang nangyari. Kabaliktaran ang sinabi niya at hindi ko alam kung matatanggap ko 'yun! Hindi ko rin alam kung papaano tanggapin ang nangyari.
"Isa. Okay! Kaya mo iyan! Dalawa."
Nagsimula na akong magbilang ng sampung segundo.
"Tatlo."
"Apat. Apat na! Malapit na. Lima."
"Anim. Pito. Ayan na. Nakikita ko na siya."
Bago mangyari ang araw na 'to nakatanggap ako ng tawag kay tita last week. Nasa ospital daw siya at kailangan niya ako!
Ako naman akala ko nagpapasama lang dahil monthly siyang nagpapasama sakin para sa maintenance nila ni tito, kaya akala ko ganun lang kaya sumugod ako.
Sumugod naman ako doon sa Medix at pagkadating ko agad akong niyakap ni tita. Humagulgol agad siya sa balikat ko.
Nagtaka kaagad ako. Akala ko nung una may malubha siyang sakit, pero kakaibang sakit ang binalita niya.
"Kasi si Raven? Anne...wala na si Rave. Hindi siya nakaligtas sa aksidente. Pinagbabaril siya ng mga hindi kilalang mga lalaki sa labas ng bahay namin."
Pansamantala akong napahinto at napatigil.
Patay na raw si Raven? Nagbibiro lang si tita at pinilit kong bawiin ang sinabi niya, pero hindi! 'Yung pakiramdam na nakatayo ka, pero lutang ka sa lahat?
Pinapasok ako sa isang kwarto.
Napailing ako kasi hindi pa rin ako naniniwala na wala na nga si Raven.
Hindi kasi pwede 'yun.
Tumawag pa nga siya na ipagluto niya ako ng hapunan mamaya. Ibibili pa niya raw ako ng regalo kasi birthday ko next week. Tapos may pupuntahan pa kami sa susunod na buwan kasi anniversary na namin, pero ano 'to?
"Nakita sa cctv na binaril siya ng ama ni Kier. 'Yung lalaking gumahasa sa'yo 5 months ago. Pinaghahanap siya hanggang sa ngayon para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Raven." sabi ng pulis na kasama namin ng nurse sa kwarto.
Inalaayan ako ng isang nurse at nakita ko doon sa loob ang isang bangkay na natatakpan ng puting tela.
Tumulo na ang luha ko.
Hanggang sa humagulgol na ako sa pagiyak! Nang makapalit na ako sa nakahigang katawan, agad kong hinila ang tela para tignan kung si Raven nga iyon at siya nga iyon!
Dahil sa'kin kaya siya namatay. Kasalanan ko ang lahat ng 'to.
"Sorry kasi wala man lang akong nagawa para ipagligtas ka. Sorry, Raven!"
Napayakap na lang ako sa wala ng buhay niyang katawan.
Hinawakan ko ang noo niya at niyugyog siya. Baka sakaling magising siya! Ito na ata ang pinaka matinding kawalan ang nawala sa buhay ko.
'Yun na ang pinakamasakit na pagkakadapa ang nagpadapa sa'kin. Masakit isipin na wala na ang lahat. Wala na ang lalaking naging lakas ko. Wala na siya!
Ngayon humahakbang ako papalapit sa altar dala ang mga bulaklak at suot ko ang puting damit kung saan naghihintay si Raven sa altar.
"Walo. Siyam. Natatanaw ko na ang mukha niya. Siyam."
Tumigil ako nang makarating na ako sa altar.
"Siyam. Sampo."
Napayuko ako para halikan ang salamin ng kabaong ni Raven. Hindi ko nailigtas ang sarili kong Romeo.
"It's hard being left behind! It's hard to be the one who stays."
THE END!